Destiny 22
BUMABA ang tingin ni Hanzel sa hawak na brown envelope. Pinirmahan na ni Grethel ang annulment paper. Ilang segundong natahimik si Hanzel. Tila hindi makapaniwala.
"Ah nga pala," muli niyang naiangat ang mukha nang bumalik sa harap niya si Crosoft. "Asar na asar ako sayo. Sagad na sagad. Pasapak nga!"
Hindi niya napaghandaan ang sunod na ginawa nito. Malakas na sinuntok siya nito sa panga. Napahawak na lang siya sa nasaktang mukha nang malasahan ang dugo sa gilid ng bibig niya.
"Bwesit na bwesit ako sayo Hanzel! Hindi ko alam kung anong utak ang meron ka. Basta ang alam ko isa kang napakalaking TANGA. Kalimutan muna ang lahat pati ako pero huwag mong kalimutan na may mga anak ka na umaasa sayong tumino ka. Tang na juice ka! Ipagdadasal ko talaga sa lahat ng santo na pagsisisihan mo rin ang mga kagagohan mong 'to. Wake up Hanzel! You're not a kid anymore."
Nabitiwan niya ang envelope at gumanti ng suntok sa kapatid. "Ano bang alam mo sa buhay ko, ha? Sino ka ba, ha?" Marahas na hinawakan niya kwelyo ng damit nito.
"Tang'na ka! Ako ang kuya mo! Ang kuya mo na kinalimutan mo rin." Marahas na itinulak siya nito. Tumama ang likod niya sa pader. "You're not the same anymore Hanzel. Hindi na ikaw ang 'tang na juice kong kapatid. Tuluyan ka nang nilamon ng kagagohan mo."
"Madali para sayo ang lahat dahil 'di naman ikaw ang nasa posisyon ko!"
"Oo madali lang saken! Kaya nga ako naiinis. Nababanas ako kasi sobrang dali din para sayo na piliin ang babaeng 'yon kaysa sa mismong pamilya mo na nag-alaga sayo noong mga panahon na ni anino ng babaeng 'yon ay 'di man lang natin makita. Wala akong pakialam kung paano at kailan 'yan nagpakita sa'yo o kung siya ang nagpabalik ng mga peste mong memorya dahil wala akong pakialam sa inggratang babaeng 'yan. Makinig ka saken! Gago ako pero mas gago ka!"
"MAMA okay ka lang po ba?" nag-aalalang tanong ni Milko kay Gail.
Hindi siya okay. Ramdam na ramdan niya ang kaba sa loob niya. Ngayon lang ulit siya nakasakay muli sa bus. Pilit niyang kinakalma ang sarili sa pamamagitan ng pag-iisip ng ibang bagay. Relax Gail, walang mangyayaring masama. Makakabalik kayo sa Santa Fe ng ligtas. Humugot siya ng malalim na hininga.
May ngiting binalingan niya ang mga anak saka hinaplos ang mga buhok ng mga ito.
"Okay lang si Mama. Medyo pagod lang. Huwag n'yo akong alalahanin." Pagkatapos ng aksidenteng 'yon ay sinubukan niya uling sumakay sa bus para maka-uwi sa Santa Fe, nakaya niya naman pero nandoon pa rin ang takot niya. Kaya lang 'di na siya bumalik dahil wala na doon ang tatay at ang mga kapatid niya. "Huwag masyadong maglilikot."
"Mama saan po ba tayo pupunta?"
"Bakit 'di po natin kasama si Papa?"
"Pupuntahan po ba natin si Papa, Mama?"
Sunod-sunod na tanong ng kambal. Mapait na ngumiti siya sa mga anak. Hindi pa niya nasasabi sa mga ito na hiwalay na sila ng Papa nila. Humahanap pa siya ng magandang tiyempo para masabi ang totoo sa mga ito.
"Anak, uuwi tayo sa dating bahay namin. Sa Santa Fe. Sasakay din tayo ng barko pagkatapos nito." Unti-unti na ring nawawala ang takot niya. Pinaisod niya ng upo palapit sa kanya ang mga bata at inisang-brasong yakap. "Maganda doon. Asul na asul ang dagat." Magiliw na kwento niya. "Saka napakaputi ng buhangin doon. Pwede kayong maligo at lumangoy doon buong araw. Sariwa din ang hangin."
"Mas maganda pa po sa Boracay?"
Tumango siya. "Mas maganda pa doon."
"Nandoon din po ba si Papa, Mama?"
"Anak, 'di muna natin makakasama ang Papa n'yo, ha? Busy kasi siya." Nalungkot naman ang mga mukha ng mga ito. Bumalik na naman 'yong lungkot at sakit na nararamdaman niya. Hindi Gail, kailangan mong maging malakas para sa mga anak mo. Mas pinasigla niya ang mukha at ngiti. "Oh, ba't malungkot kayo? Okay lang 'yon. Kasama n'yo naman si Mama. Ayaw n'yo ba makasama si Mama?"
"Gusto po," nakangusong sagot ng mga ito.
Natawa naman siya sabay kurot sa mga matatambok na pisngi ng mga ito. "Oh masaya naman pala eh." Muli niyang niyakap ang mga ito. "Masaya naman tayo kahit wala ang Papa n'yo diba?" Nawala ang ngiti niya. Dapat masanay na ulit tayo na wala ang Papa ninyo mga anak. "Dapat masaya lang tayo."
"Pero iba pa rin po kapag nandiyan si Papa, Mama?"
"Mas lalo pong sumasaya."
Malungkot na ngumiti siya. Alam ko mga anak. Alam ko.
"HANZEL? Hanzel!"
Hanzel was snapped out from spacing out. Napakunot-noo siya nang mapansin kung na saan siya. His head tilted for a little bit. What the heck is happening to him?
"Hanzel, nakikinig ka ba saken?" naibaling niya ang tingin kay Abbygail. "Kanina pa ako nagsasalita dito but it seems like your mind is somewhere else. Are you okay?"
"Sorry, may naisip lang ako bigla."
"Ayaw kong isipin na iniisip mo ang babaeng 'yon."
"I'm not," he lied. He give her a smile.
Napangiti na rin ito sa kanya. "Good. Now, let's talk about the wedding –"
"Ahm Gail," putol niya rito. "Okay lang ba na ikaw na muna ang mag-plano para sa kasal natin while I work on the annulment."
"Sure, okay lang saken. Anyway, saka pa naman tayo magpapakasal kapag nakuha na natin ang decision ng korte." Hinawakan nito ang kamay niya. "But I want you to know na sobrang saya ko dahil sa wakas pinirmahan na rin ng babaeng 'yon ang annulment n'yo. She should know her place. Dapat alam niyang anak lang ang meron kayo at hindi ang puso mo."
Dinala niya sa labi ang kamay nito at masuyong dinampian ng halik.
"Me too."
Pero 'di man lang umabot sa puso niya ang masayang sagot na 'yon. Tila ba, hindi 'yon ang gustong sabihin ng puso niya.
Napa-isip ulit siya. I feel so lost right now. The feeling of emptiness is making him crazy. Dapat masaya ako. Pero bakit 'di ko magawang maging masaya? Why do I feel this longingness to someone? Bakit ibang mukha at ngiti ang gusto kong makita?
Why am I thinking of her?
"I love you Hanzel." Niyakap siya nito. "Hindi na ulit tayo magkakahiwalay pa."
God, what is happening to me?
"WHAT do you mean Attorney?" hindi makapaniwalang tanong ni Hanzel sa matandang abogado. "Are you really sure?"
Tinawagan siya ni Atty. Lopez kanina para makipagkita rito dahil mali daw na envelope ang ibinigay niya rito. Noong una ay hindi siya naniniwala dahil alam niyang 'yong envelope na ibinigay niya rito ay mismong envelope na ibinigay sa kanya ni Crosoft.
Inilapag nito ang envelope sa mesa. "Hindi ako nagbibiro, hijo. Talagang mali ang envelope na ibinigay mo saken. Kung ayaw mo maniwala. Ikaw na mismo ang tumingin."
Mukhang seryoso naman si Attorney. Kinuha niya ang envelope at binuksan 'yon para silipin ang laman nun. Aminado siyang, hindi na niya tinignan kung may pirma nga 'yon ni Grethel. Ewan kung bakit. At dahil nga doon basta-basta niya lang ipinadala sa abogado ang mga papeles.
"Hindi ko alam kung anong ginagawa ng script ni Crosoft D'Cruze diyan."
Sakto namang pag-angat niya ng mga papel ay tumambad sa kanya ang pangalan ni Crosoft. MMK Script for Crosoft D'Cruze. Literal na nanlaki ang mga mata niya. What the heck?! Anong ginagawa ng script ni Crosoft dito? Nasaan ang mga annulment papers? Naingat niya ang mukha kay Attorney.
"Script?"
Tumango ito. "Tama, script ang ibinigay mo saken."
Kumunot lang ang noo niya. "Na saan ang mga annulment papers?" Crosoft!
"ANO 'TO CROSOFT?!"
Naka headset si Crosoft kaya hindi nito narinig ang pagsigaw ni Cambria. Asar na lumapit si Cam sa asawa at walang sabing hinugot mula sa mga tenga nito ang earbuds.
"HOY CROSOFT ANO ANG MGA 'TO?" ulit ni Cambria sabay taas ng mga naka stapled papers sa harap ng walangyang asawa. "Annulment papers? May balak kang layasan ako, ha?"
Sa halip na mainis ay napangiti lang siya sa asawa. Kinikilig talaga siya kapag nagsi-selos ang my lubs niya.
"Ano ka ba naman Cam –" pero walangya! Bago paman niya matapos ang sasabihin ay pabatong ibinigay nito sa kanya ang mga papeles – sa mukha niya pa talaga. Pak juice talaga! "Jus ko! Paano nga ba talaga kita minahal na babae ka?" sabi niya habang nasa mukha pa rin niya ang mga papel. "Pasa ang inaabot ko sayo. Samantalang alagang-alaga ako ng mga ex ko noon."
Inalis ko ang mga papel sa mukha at hinawakan 'yon.
"'Di puntahan mo ang mga ex mo." Inis pa rin na sagot ni Cam sa kanya.
"Hindi ko sila pupuntahan. Halika nga dito." Hinila niya ang asawa paupo sa kandungan niya. "Bumibigat ka ah. Ilang kilong bigas ang kinain mo ngayon?" Biro pa niya.
"Crosoft, ha?"
He chuckled. "'To naman 'di mabiro." Niyakap niya si Cam saka inihilig ang ulo niya sa dibdib ng asawa. "Hinding-hindi ko magagawa 'yon sayo. Kinalimutan ko na nga dugong sereyna ko para sayo."
"Eh kanino 'yan?"
"Para ka namang 'di dumaan ng nursery. Magbasa ka nga minsan. Ikaw na a-adopt mo na 'yang mga ka-OA-han sa mga teleserye. Kaya 'yang mga bida kung saan pinupulot dahil sa pagiging-assumera. Pwede ba."
Pinalo siya nito sa likod. "Ikaw kasi."
"'Ray naman! Nakakasakit ka na, ha? Kina Grethel at Hanzel 'yan."
"Kina Hanzel? Eh bakit nasa sayo?"
"Pinagpalit ko 'yong script ko at nung annulment na pinirmahan ni Grethel."
"Pinirmahan na niya?" malungkot na balik tanong nito.
Malungkot na tumango siya sabay buntong-hininga. "Alam mo ba Cam, noong mahawakan ko 'yong annulment bigla kitang naisip." Mas lalo siyang nalungkot. "What if you gave up on me like Grethel did? What if I ended up unhappy with my choices? I don't want that same regret I had with you 10 year ago. I don't want to see my brother lose the most precious person he only have..."
"I don't think Grethel gave up on him." Naingat niya ang mukha sa asawa. "Kapag mahal mo ang isang tao you will choose even the stupid thing for them. Sacrifice is inevitable because love is so strong that we become pain's bestfriend and happiness as our sworn enemy. Gail did not gave up on him, Crosoft. She loves your brother so much that she gave him his freedom – kasi 'yon ang nakikita niyang kaligayahan niya."
"Would you do the same?"
Cam nodded with a smile. "Aanhin mo ang kaligayahan mo kung mismong kaligayahan mo hindi masaya sa kung anong nagpapasaya sayo? True love is a sacrifice. It's not self-seeking. When you love you don't only care about what makes you happy but it also makes you think if it does make them happy or sad."
"Lalim naman nun."
Natawa naman si Cam. "Ibalik muna 'yan sa kapatid mo. Hayaan mo siya sa mga desisyon niya sa buhay. His choices will always be a lesson for him to realized a lot of things. Don't meddle with their lives Crosoft. Hayaan mong matutunan ni Hanzel ang kahalagahan ng pinili niyang alisin sa buhay niya."
"But I couldn't just stand here and do nothing. I can see myself in him, Cam. I know he's troubled and confused. Alam na alam ko ang titig na ibinibigay niya kay Grethel. Kasi ganoon ko tignan ang mga pesteng lalaki sa buhay mo."
"Peste talaga? Saka paano mo naman nasabi 'yon?"
"Doon sa party, hindi maalis ang tingin ni Hanzel kay Grethel. Kahit hindi siya magsalita o lumapit malakas ang pakiramdam ko na may bumabagabag sa isip ng walangya kong kapatid. Kahit na gustong-gusto ko na 'yong ipadala sa Iraq ay gusto ko pa rin siyang tulungan. I don't want him to end up where he could no longer redeem himself from the wrong decision he had chosen. I want to give them a chance. I want them to realized that they belong with each other."
"Pero Crosoft, hindi mo hawak ang kapalaran nila –"
"But I can do something Cam."
"Yes you can, but what if 'di mag-work?"
"Then at least I did my part."
Cam sighed. "Ikaw bahala."
"Copy lang naman 'to ng annulment papers Cam. If Hanzel would really do anything for their wedding to be annulled then he could always find a way. He can always produce another one and have it signed by Grethel again. There are a lot of things he can do Cam. What I did was to prolong the moment... I gave them a break to think. And it will always be up to them kung ano bang gusto nila sa mga buhay nila."
Napangiti si Cam. "May utak ka din pala Mahal."
"Gusto mong sapakin kita? Napaka-judgmental mong asawa."
"Hahaha!"
"Isa ka talagang bruha Cambria."
"Sino ba sa atin ang unang demonyita, ha?"
"Sabagay, may point ka. Ikuha mo nga ako ng posporo at susunugin ko na 'tong annulment nila."
HINDI pa nababanggit ni Hanzel kay Gail ang tungkol sa maling dokumento na naibigay sa kanya ni Crosoft. Hindi niya alam kung honest mistake ba 'yon o talagang sinadya 'yon ni Crosoft. But what makes it weird though is, he felt relieved, knowing na hindi pa tuluyang mapapawalang bisa ang kasal nila ni Grethel.
Nababaliw na yata ako.
"Hayan," naingat ni Hanzel ang ulo nang marahas na ilapag ng Tita Magnolia niya ang isang basong tubig sa harap niya. Nakasimangot na naupo ito sa kaharap niyang upuan. "Tubig lang ang maibibigay ko sayo."
Sakabila nun ay napangiti pa rin siya. "Thanks, Tita."
"Anong ginagawa mo dito? Hindi ba sinabi kong huwag na huwag kang magpapakita saken kung pipiliin mo pa rin ang Abbygail na 'yon?"
"Hindi ba pwedeng gusto ko lang matikman uli ang masasarap na dessert ng paborito kong Tita."
"Hindi mo ako mabobola Hanzel."
Hindi niya naman maiwasang maigala ang tingin sa buong paligid. Kanina may napansin siyang mga larawan na nakadikit sa isang bahagi ng cake shop. It seem like a freedom wall of Sweet House events. Hindi nakaligtas sa tingin niya ang mga larawan na nandoon si Grethel. Most of them are stolen shots. Stolen shots of her.
"Tita," naibalik niya ang tingin sa ginang. "Bakit ang daming mukha ni Grethel sa wall n'yo?"
"She's the Sweet House favorite. Hindi kami ang naglagay niyan doon. 'Yong mga loyal customers namin. Birthday kasi niya ngayon." Lalo lang nalungkot ang Tita niya. Birthday ni Grethel? "Sweet House's anniversary is her birthday... Our Sweet Day. Ngayon lang na move ang Sweet Day sa weekend. Kaya 'yong mga pictures na nakita mo, Sweet Day 'yon ng Sweet House last year."
Napabuntong-hininga ang Tita Magnolia niya.
"But I don't think Sweet Day will be the same without our Grethel Gail."
BUMALIK si Hanzel sa bahay.
He was greeted by silence and an empty feeling of seeing no one was waiting for him to come home. No kids hurrying to hug him and a wife patiently waiting for him at the door step with that homey smile. It seems like everything was just all figment of his imagination and none of those were real.
There was no Milko and Milky. No Grethel Gail. There was never a family living in that big house. Hindi niya maintindihan ang matinding lungkot na nararamdaman niya ng mga oras na 'yon. Sobrang bigat sa pakiramdam lalo na't wala siyang mahapohap na dahilan kung bakit siya malungkot. It felt like there are happy memories he had forgotten. The same happy memories that makes him feel sad right now.
Tumigil siya sa harap ng malaking family picture frame na naka display sa sala ng bahay. May iilang picture din na nakasabit doon. Picture of him and Grethel na hindi niya maalala kung saan kuha. They both wore formal clothes. She wore a simple off-shoulder white dress that made her innocently beautiful. He look so happy on that picture. Halos hindi niya makilala ang sarili sa larawan na 'yon.
There was even a picture of his family and Crosoft's family. Mukha silang masayang-masaya sa kuha na 'yon. May larawan din na halos magsakalan na sila ng kuya niya. Hindi niya alam kung bakit napangiti siya doon. And then, their family picture. Our family picture.
My family picture.
Biglang gumuhit ang sakit sa ulo niya dahilan para mapahawak siya sa ulo. Mariing naipikit niya ang mga mata. Lumakas ang tibok ng puso niya at ang paghinga niya. Bigla na lang may pumasok na eksena sa isip niya. Tila lalo lang 'yong nagpalala sa gulong-gulo na niyang isip at damdamin. Damn it, I don't know what to think anymore.
"MILKO sa tingin mo dito na tayo titira?"
"'Di ko alam Milky. Sabi ni Mama, 'di naman daw tayo magtatagal dito kasi isang linggo lang paalam ni Mama kay Teacher."
"Milko tawagan natin si Papa."
"Ano ka ba Milky. Kahit 'di naman sabihin sa atin ni Mama hindi na tayo mahal ni Papa. Tignan mo oh. 'Di na niya tayo binibisita. Tapos 'di na siya nakatira sa bahay. Saka lagi na lang malungkot si Mama."
"Hindi totoo 'yan. Mahal tayo ni Papa."
"Kung mahal niya tayo sana nandito siya. Sana kasama natin siya."
"Hindi na tayo bati!" iyak ni Milky. "Mahal tayo ni Papa."
Naabutan ni Gail na umiiyak si Milky habang galit na galit naman ang istura ni Milko. Mabilis na nilapitan niya ang mga ito at inalo si Milky.
"Milko," baling niya sa anak. "Inaaway mo ba ang kakambal mo?"
"Ayaw niya kasi maniwala na hindi na tayo mahal ni Papa, Mama." Natigilan siya sa sinabi ng anak. Nagsimula namang umiyak ang anak. "Narinig ko kayo ni Ninang na nag-uusap kagabi. Sabi mo hiwalay na kayo ni Papa. Hindi ka na niya love."
"A-Anak."
Parang ilang dosenang karayum ang itinusok sa puso niya ng mga oras na 'yon. Sobra siyang nasasaktan sa nakikitang sakit sa mga mata ng mga anak niya.
"Mama, bakit po 'di na tayo mahal ni Papa?" iyak ni Milko. "Naging bad po ba kami? Makulit po ba kami? Ayaw niya po ba samen?" Niyakap na niya ang dalawa habang nag-iiyakan ang kambal. Hinagod niya ang mga likod ng mga ito habang pinipigilan ang maiyak. "Mama, sorry po. S-Sorry po kung bad kami."
"Anak, huwag n'yong sabihin 'yan. Hindi kayo bad. Sobrang bait n'yo nga eh. Huwag n'yong isipin 'yon. Mahal kayo ng Papa n'yo."
"Pero bakit po iniwan niya tayo?"
"Bakit po?"
Niyakap niya nang mahigpit ang dalawa. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula o kung anong tamang sabihin para maintindihan n'yo ang lahat. Dios ko. Ano bang dapat sabihin ko? "Shsh, tama na. Tahan na kayo. Basta tandaan n'yo. Mahal na mahal kayo ni Mama, ha? Hindi niya kayo iiwan. Tahan na."
NATAGPUAN na lang ni Hanzel ang sarili na nakasakay sa ferry papunta sa Santa Fe. Hindi siya sigurado kung anong gusto niyang mangyari o kung nandoon nga si Grethel at ang mga bata. Para siyang ligaw na dahon na sumusunod lang sa kung saan siya dalhin ng hangin. Ah bahala na nga!
Biglang tumunog ang cell phone niya. He slid one hand inside the pocket of his jeans to get his phone. Si Abbygail ang tumatawag. Akmang sasagutin na niya ang tawag nang biglang may kung sinong bumunggo sa kanya mula sa likod at sa kamalas-malasan dahil nga nakatayo lang siya sa railings ng barko ay nabitiwan niya ang hawak na cell phone.
"Sorry po," hingeng paumanhin ng isang batang lalaki.
Magsasalita pa sana siya nang mabilis na tumakbo palayo ang bata. Napatingin siya sa dagat saka natutop ang noo. "Nak ng shokoy! Seriously?"
"NINANG salamat talaga sa tulong n'yo. Nakakahiya po talaga na sa deluxe roon n'yo pa po kami pinapa-stay ng mga bata. Okay lang naman kami doon sa cottage na electric fan lang."
"Ano ka ba naman Gail, hija. Para ka namang iba saken. Ninang mo ako saka malaki ang naitutulong mo sa open cottage restaurant ko dito sa resort. Madami tayong happy guest na pinapakyaw ang mga desserts mong gawa. Hay naku! Dito na lang kayo. Aamponin ko na kayo." Pinanggigilan siyang yakapin ng Ninang Ditsy niya.
"Ninang naman." Napangiti siya. "Kung pwede lang sana pero uuwi din kami sa susunod na linggo. May klase pa ang mga bata."
Nagulat siya nang malaman niyang nakabalik na pala mula Italy ang Ninang Ditsy niya. Dito na raw ito maninirahan kasama ang asawa nitong Italiano kaya nagtayo ito ng resort sa dating lugar nila. Nabili pala nito ang mga lupa doon.
Pinatuloy sila nito sa resort nito ng libre kaya tumutulong siya sa gawaing kusina para hindi naman sila laking abala sa Ninang niya. Nabanggit din ng Ninang niya na minsan daw nitong nakita ang Tatay niya doon pero hindi na daw nito naka-usap ito dahil umalis ito bigla.
Madali lang kasing nakakapasok ang mga turista sa mga beach resorts dahil 'di naman masyadong strikto ang mga resorts doon. Ang ginagawa kasi ng halos dumadayo doon ay sinusundan nila ang dalampasigan hanggang sa kung saan sila dalhin nun. Halos magkakadikit lang din naman ang mga resorts doon kaya madali lang mag-resort hoping.
Ganoon kasi sila minsan ng Papa niya noon. Sinusundan lang nila ang daan habang namumulot sila ng shells.
"Hay naku! Sige na nga. Pero pag-isipan mo pa rin."
Nabaling naman ang tingin nito sa kambal na aliw na aliw sa pagtatampisaw sa dagat. Hindi niya na maawat ang dalawa na 'yon. Mapuputi ang mga 'yon pero ngayon nangangamatis na ang mga kutis sa sobrang pula.
"Wala ka ba talagang planong sabihin saken kung sino ang ama ng mga cute na batang 'yan. Mukhang imported ang Daddy ah."
"Ninang naman."
"Oh bakit? Totoo, diba? Naku Gail, hindi mo ako maloloko. Sa itsura pa lang ng mga anak mo masasabi ko ng sobrang gwapo ng tatay nila. Tama ako, diba?" Nginitian niya lang ito. "Ay sus! Oh siya sige na, 'di na kita iintrigahin. Ipapahanda ko na 'yong katabing deluxe ng kwarto n'yo at may gwapo daw na guest sa labas. Hay naku! Nagtitili 'yong si Menol na pinuntahan ako dahil nga may gwapong guest."
"Ay talaga ba?"
"Muntik ko nang makurot sa singit ang batang 'yon. Hala, maiwan na muna kita at titignan ko muna 'yong gwapong guest sa lobby. Makukurot ko talaga 'yang si Menol kung 'di naman 'yon kasing-gwapo ng amore ko. Ciao!"
Natawa naman siya. "Sige po."
"Uminom ka na rin ng gamot at napapansin kong namumutla ka. Baka lumala pa 'yang masamang pakiramdam mo."
Tumango lang siya at kinawayan ito palayo. Bigla namang gumuhit ang matinding kirot sa ulo niya. Napahawak siya sa pader para kumuha ng lakas. Mukhang lalong sumasama ang pakiramdam niya.
KANINA pa masama ang pakiramdam ni Gail. Akala niya mawawala lang 'yon pero tila sobrang nanibago ang katawan niya. Sobrang bigat ng pakiramdam niya. Nasalat niya ang noo. Medyo mainit din siya.
Kailangan na yata niyang uminom ng gamot. Sobra nang nanlalambot ang katawan niya. Paminsan-minsan ay naipipikit na niya ang mga mata niya habang naglalakad. Hanggang sa naramdaman na lang niya ang kusang pagbigay ng katawan niya.
Napasinghap siya nang may kung sinong mabilis na nakaalalay sa kanya. Nahawakan siya nito sa baywang at likod. Halos malula siya dahil sa umiikot na ang buong paligid niya at tila nabibingi na siya. Hindi na niya masyadong mamukhaan ang mukha ng lalaking sumalo sa kanya.
"H-Hanzel..."
Pero hindi niya maintindihan kung bakit pangalan ni Hanzel ang una niyang nasambit.
"Grethel? Grethel okay ka lang ba?"
At kung bakit naririnig niya ang boses ni Hanzel. Bago paman niya mahanapan ng sagot ang sarili ay tuluyan na nga siyang nilamon ng kadiliman. Kasunod nun ang pagtahimik ng buong paligid at pati sarili niyang utak.
Happy Weirdy Weekend! Hope you enjoyed my update. Who's excited for the next chapter? Salamat sa mga mahahaba n'yong comment na punong-puno ng galit kay Hanzel. Hayan, sinapak na ni Crosoft. Add me up on facebook, WeirdyGurl Stories, 'yong picture na may hawak akong book ng My Crosoft. Thankie!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro