Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Destiny 20

"YOU'RE seriously out of your mind Hanzel! Hindi ka na ba natutoto saken, ha? You want to marry a married woman?!" sigaw ng ina ni Hanzel na si Malicent.

"They'll have an annulment Ma." Sagot ni Hanzel. "She'll be free before we get married."

"Anong klaseng pag-iisip ang meron ka Hanzel, ha? May relasyon kayo habang kasal pa siya. Ano na lang ang iisipin ng ibang tao?"

"Ikaw Ma, naisip mo ba 'yan bago ka nagpabuntis sa may asawa?!"

"Don't talk to me like that Hanzel Dave D'Cruze!"

"For pete's sake, I'm a Sebastian not a D'Cruze. Buo na ang desisyon ko. Tutulungan ko si Gail sa annulment nila ng gagong asawa niya."

"Hindi ako papayag! Makinig ka nga saken Hanz –"

"Ma, ano ba? Magka-iba tayo. Mahal ako ni Gail. Mahal namin ang isa't isa. Napilitan lang naman siyang magpakasal sa gagong 'yon para sa magulang niya. Mahal ko si Abbygail at hindi ako hahayaang saktan at bugbogin lang siya ng walangyang Errol na 'yon."

"Kailan ka ba makikinig saken na bata ka, ha?"

"Hayaan mo na ako sa mga desisyon ko Ma. Matanda na ako. You don't need to worry about me. Abbygail is the kindest woman I know. You'll love her once you get to know her so please don't judge her."

Napabuntong-hininga ang ginang. "I do hope you wont regret this decision Hanzel. Sana matutoto ka sa akin."

"I will never be you."




"ANONG balita doon sa Abbygail?" seryosong tanong ng ina ni Hanzel kay Peter. Ang kaisa-isang pamangkin niya sa yumaong nakababatang kapatid na si Marydah. "Akala ko ba mahal niya ang anak ko? Na saan na ang babaeng 'yon?"

"Nasa Maynila, Tita. Mukhang aalis ng bansa kasama ng asawa nito."

Kumunot ang noo ng Ginang. "Alam niya ba kung anong nangyari kay Hanzel?"

"Yes, she does."

"Tama nga ako, hindi kayang panindigan ng babaeng 'yon ang anak ko and there he was, willing to sacrifice everything for her. Shame on her."

"And what about the other Gail?"

Nagkamali siya nang akalain niyang 'yong Gail na kasama ng anak niya ay 'yong Abbygail na kinalolokohan ng anak niya. Hindi niya binigyan ng pagkakataon ang sarili na makita ito bago niya pinapunta si Giselle ang family attorney ng Sebastian para kausapin.

Ah yes, that Grethel Gail. Hindi niya maipaliwanag kung bakit magaan ang loob niya sa babaeng 'yon. Hindi nito personal na kilala ang anak niya pero walang araw na hindi nito pinupuntahan at binibisita si Hanzel kahit sa labas lang ng ICU. And she admire her for being strong despite everything that happened to her. It was such a traumatic experience. She might go crazy if she was her.

Naalala niya ang sinabi nito nang maabutan niya ito sa labas ng silid ni Hanzel.

"Hindi din po ako personal na kilala ni Hanzel. Nagkakilala lang din kami sa bus. Pero huwag n'yo po sana alisin saken na mag-alala sa anak n'yo. Utang na loob ko po sa kanya ang buhay ko. Kung hindi dahil sa kanya baka isa na rin ako sa mga taong namatay sa aksidente na 'yon."

Isang bagay na hindi man lang nagawa ng Abbygail na 'yon para sa anak niya. Ni hindi nga nito kayang maipaglaban ang anak niya o ang harapin siya. Hanzel is just like her. Malalim magmahal pero 'di nag-iisip.

"Tita?"

"I want you to keep an eye of her Peter."

"Tita?"

"Don't let her out of your sight. Make sure she's okay. Don't missed any details or I'll throw you out of my house Peter Sebastian."

Natawa ang pamangkin niya. "Si Tita talaga oh. Naku, kung 'di lang ako takot sayo at hindi ko lang utang ang buhay ko sayo asa ka pang magpapaalila ako sayo."

"Do not do it for me Peter. Do it for your cousin Hanzel."

"Huwag mong sabihin na –"

"Wala akong plano na bata ka." She cut him off by glaring at his nephew. "Huwag mo akong pangunahan."

Peter shrugged. "Okay sabi mo eh."





PAPASUBO na si Mohana sa halo-halo niya nang biglang may umupo sa bakanteng upuan sa harap niya. Napakurap-kurap siya at talagang bonggang nga-nga ang nagawa niya.

"Open minded ka ba?" nakangiting tanong ng gwapong lalaki.

Nabulunan siya sariling laway dahilan para bumalik ang kutsara sa baso ng halo-halo niya. Pero hindi 'yon dahilan para hindi siya mapatili.

"Peter!" tawag niya rito. "Oh my God! Buhay ka pa. Jus ko. Saan ka ba galing, ha? Bakit ngayon ka lang nagpakita saken? Networking pa din ba ang trabaho mo?" Sunod-sunod na tanong niya rito. Jus ko ang gwapo mo pa ring loko ka.

He leaned on his seat saka humalikipkip nang hindi naalis ang ngiti. "Grabeh 'to. Nasa sales na ako ngayon. Insurance gusto mo?"

"Hay naku! 'Di ka pa rin nagbabago. Kung ano-ano pa rin ang pinapasubok mo samen. Si Gail lang naman ang naka jackpot sa Dessert Factory kaso 'di naman siya nagtagal. Lumipat pa din siya."

Si Peter din ang nag-alok sa kanila na magtrabaho sa Dessert Factory kaso 'di siya pinalad. Medyo wala din talaga siyang talent sa pagluluto. Kaya nga 'di niya na tapos ang cooking class niya sa TESDA at kumuha na lang siya ng foreign language dahil umasa siyang makakapag-JAPAN siya pero wala. Nga-Nga pa rin siya.

"Ah, kaya pala. Saan na ba siya ngayon?"

"Sa Sweet House na."

"Sa Sweet House?" tila gulat na ulit nito.

"Ang OA maka-react, ha!" sinimulan na niyang kainin ang halo-halo niya. Kailangang magpa-cute pero saka na. Walang lumalandi sa babaeng gutom. "Alam mo naman ang babaeng 'yon. Magaling sa lahat ng bagay."

"Tama, ikaw sa pagkain ka lang yata magaling."

Dinuro niya ito ng kutsara. "Gago ka! Hindi ako mataba ah."

"Bakit may sinabi ba ako?"

"Wala pero doon pa rin naman papunta. Inuunahan lang kita. Huwag mo akong asarin at ganitong banas ako doon sa isa kong raket. Usherette ang pinunta ko ginawa akong bouncer. Bwesit!"

Natawa naman ito. "Aba'y may future ka na pala. Ano, willing ka bang maging lady guard?"

She glared at him. "Nangri-recruit ka na namang gago ka. Tigilan mo 'ko. Kung gagawin mo akong artista go-gora pa ako pero kung hindi naman huwag na. Masaya na ako sa pa Avon ko."

"Okay, madali naman akong kausap." He leaned his arms on the table. "Mohana."

"Bakit?"

"Na saan na si Gail?"

Tinaasan niya ito ng kilay. "Bakit?"

"Wala lang, gusto ko lang –"

"May asawa na si Gail. Huwag mo nang gambalain."

"Grabeh siya oh."

"Ako na lang, single ako. Ano na? Open minded ka ba?"

"Hindi masyado."

"Tsk, choosy mo masyado."

"Haha."






"PAPA!"

Naitigil ni Gail ang ginagawang paglalaba sa likod ng bahay. Mabilis na tumayo siya at iniwan ang nilalabhan kahit na basang-basa na ang damit niya at hindi maayos ang pagkaka-ipit ng buhok niya. Nakaapak pa siya nang maabutan niyang sabay na niyakap ng kambal ang papa nila.

Nagtama naman ang mga mata nila. Pinigilan niyang mapangiti at sugurin ito ng yakap kahit na gustong-gusto na niyang yakapin ito. Hindi pa rin niya magawang magalit ng matagal kay Hanzel.

Lumapit na siya sa mag-ama niya.

"K-Kumain ka na ba?" tanong niya rito.

"May dala akong pagkain nasa sasakyan pa. Kukunin ko muna."

Nakangiting sagot nito pero nasa mga bata naman ang tingin. Hindi niya maiwasang makaramdam ng sakit sa malamig na pakikitungo nito sa kanya.

"Mama! Nandito na si Papa. Kiss at hug muna siya." Masiglang sigaw ni Milky.

Muntik na siyang mabuwal nang bigla siyang itulak ni Milko sa likod palapit kay Hanzel. Mabuti na lang ay mabilis na nahawakan siya nito sa baywang habang napakapit siya sa mga balikat nito. Naingat niya ang mukha kay Hanzel.

"Kiss and hug! Kiss and hug!"

Pero wala naman siyang makitang emosyon sa mukha nito. Wala pa rin.

Kagat labing umayos siya ng tayo at niyakap si Hanzel. Mabilis na hinalikan niya ito sa pisngi saka siya lumayo. Nakangiting hinarap niya ang mga bata.

"Oh tama na. Nag-kiss and hug na kami ng Papa n'yo. Hala, sige samahan n'yo muna ang Papa n'yo sa labas at tulungan siya. Magbibihis lang ako at ang gulo-gulo pa ng ayos ko." Hinarap niya si Hanzel. "Sige na Hanz, kayo na muna na ng mga bata ang mag-bonding tataposin ko lang ang ginagawa ko."

"Papa may pasalubong po ba kayo samen?"

"Papa 'di na kayo aalis diba? 'Di n'yo na po kami iiwan?"

Sa totoo lang, sobra ang paninikip ng dibdib niya sa mga oras na 'yon. Pinipigilan niya ang maluha sa harap ng mga ito. Ang hirap lang na makita na ni katiting na pagmamahal ay wala na siyang makita sa mga mata ni Hanzel.

"Papa huwag n'yo na po kaming iwan, ha?"

Sana nga anak.






"GRETHEL?"

Muntik nang mabitiwan ni Gail ang hinugugasang baso nang marinig ang boses ni Hanzel sa likod niya. Kinalma niya muna ang sarili bago niya ito hinarap.

"Bakit?"

"I need to go."

Hindi ka ba dito matutulog? Kasama mo ba ang babaeng 'yon? "Dito ka na matulog."

"I wish I could pero –"

"Please," hinuli niya ang mga mata nito. "Para sa mga anak mo. Dito ka na matulog."

Napabuntong-hininga ito saka napasandal sa kitchen counter. "Damn, this is hard."

"Ganoon ba talaga kahirap na makasama kami sa iisang bahay Hanzel?" Mahina niya lang tanong at baka marinig pa sila ng mga bata. "Maiintindihan ko kung sa tingin mo pinagtataksilan mo siya kapag nandito ka pero huwag mo namang idamay ang mga bata."

"Hindi ko dinadamay ang mga bata. I'm trying my best here, okay? Mahal ko ang mga anak natin kahit na wala gaano akong naalala sa kanila. I just want you to give me some time to adjust."

"Nandito ka lang Hanzel masaya na sila. Ilang linggo ka nilang hinintay. Tapos aalis ka na naman. Ano na lang ang mararamdaman nila?"

"Are you really doing this because of them or you're doing this for yourself?"

Napamaang siya sa sinabi nito sa kanya. Sobra siyang nasaktan. Dumiin ang pagkakahawak niya sa bimpo na pinampunas niya sa basang kamay.

"Ginagawa ko 'to dahil ako ang asawa mo." Lakas loob na sagot niya. "Kasi kailangan ka ng mga anak mo."

"But I have my life Grethel. Sana maintindihan mo rin na mahirap saken ang sitwasyon natin ngayon."

"Hanzel may sarili din akong buhay. Pero alam mo kung bakit 'di ko magawang baliwalain ang lahat? Kasi may mga anak tayo. Ayoko silang masaktan. Dahil alam ko kung gaano kasakit para sa isang anak na ipagtabuyan ng isang ama." Hindi na niya napigilan ang mga luhang umalpas sa mga mata niya. "Dalawang linggo lang Hanzel. Dalawang linggo lang ang hihingin ko sayo... pagkatapos nun pwede ko na ulit sabihin sa mga anak natin ang katotohanan."

'Yon lang at tinalikuran niya na ito. Hilam pa rin ng mga luhang pinagpatuloy niya ang ginagawa. Dalawang linggo! Dalawang linggo lang Hanzel.






TUWALYA lang ang nakatapis sa katawan ni Gail nang mag-ring ang cell phone niya. Mabilis na lumabas siya ng banyo at sinagot ang tumatawag.

"H-Hindi ko maintindihan Crosoft?" halos hindi makapaniwala si Gail sa mga sinasabi sa kanya ni Crosoft. "Talaga bang ginawa 'yon ni Hanzel?"

"Alam kong hindi na niya maalala 'yon pero nangako ako sa gagong 'yon na tutulungan kitang mahanap ang Papa mo. Tumawag ako para sabihin sayo na may nakakita sa Papa mo doon sa Santa Fe."

"Sa Santa Fe? Sa amin? Bumalik sila?"

"Hindi pa ako sigurado. One time lang din kasi. Baka dumalaw lang. Nang magtanong 'yong contact ko sa mga taga doon hindi din sila makabigay ng matinong statement dahil nga matagal nang wala ang tatay at kapatid mo sa dati n'yong bahay."

Hindi niya mapigilan ang ma-excite at mabuhayan ng loob. 

"Pero sure ka bang si Tatay nga 'yon?"

"Oo, nakunan ng picture ng contact ko. Isi-send ko sayo sa facebook. Saka babalik naman ako diyan sa Cebu. Bibisitahin na lang kita diyan at nang makapag-usap tayo."

"Salamat Crosoft." Hindi maalis ang ngiti niya. Nai-excite siyang makita muli ang Papa niya kung sakali man. Hindi na siya makapaghintay. "Sana nga si Tatay na 'yon. Sana bumalik siya sa Santa Fe."

"Huwag kang mag-alala. Magaling 'tong contact ko. Nahanap nga niya ang mag-ina ko. Kaya malaki ang tiwala ko na mahahanap din niya ang tatay at ang mga kapatid mo. Itataya ko ang pangalan ko dito." Tumawa ito sa kabilang linya. "Jus ko mapapatay ko 'to kapag binigo ako ng isang 'to."

"Grabeh naman 'to." Natawa rin siya.

"Oh basta ingat kayo ng mga bata diyan. Pakisabi sa walangya kong kapatid tang'na juice niya at kinalimutan din ako."

"I missed him." Kapagkuwan ay malungkot niyang sabi.

"I missed him too. But always remember, no matter what happens, ikaw pa rin ang number one sister-in-law na mahal ng D'Cruze Family." Napangiti siya kabila ng lungkot na nararamdaman niya sa mga oras na 'yon. "Dahil itinakwil niya tayo. Tayo ang mag-a-adjust."

Natawa siya. "Naiiyak ako pero pinapatawa mo ako. Salamat."

"You're always welcome Gail. Bukas lagi ang pinto namin para sayo at para sa mga pamangkin ko. Share na lang tayo sa bayad ng kuryente kung sakali." He chuckled. "Chos. Huwag na lang pala, mayaman kami. Barya lang 'yan."

"Sabi mo 'yan, ha?"

"Kakasabi ko lang, diba? Pauulit-ulit lang?"

Lumakas lang ang tawa niya. "Ewan ko sayo. Bye na nga. Magbibihis pa ako at papatulugin ko pa ang mga bata."

"Nandiyan si Hanzel, diba?"

"Oo, bakit?"

"Huwag kang mag-lock ng pinto para makita niya kung gaano kaganda ang sasayangin niya. Sige na, magtapis ka lang diyan."

"Baliw, baka naman siponin ako nang mga pinapagawa mo saken."

"Okay lang 'yon para may rason para alagaan ka niya. Sabihin mo I love you."

"Huh?"

"Sabihin mo I love you para magpanting tenga niya."

"Eh wala naman siya dito."

""Di practice lang muna. Sige na, sabihin mo I love you. Hoy Crosoft ano na naman 'yang pinagtuturo mo kay Gail, ha? Umayos ka. Masasapak kita. Wala 'to Love. In-apply ko lang ang mga natutunan ko sa horror movie mo." Narinig niya naman ang boses ni Cambria sa background. Napangiti lang siya lalo. "Oh sige na, sabihin muna. Sabihin mo I love you chicken joy and Mcdo fries."

Pigil ang tawa na sinunod niya ang kabaliwan ni Crosoft. "Oo na. I love you –"

"Grethel?"

Napaigtad naman siya sa gulat nang biglang marinig ang boses ni Hanzel. Seryosong-seryoso ang mukha nito habang nakatayo sa pintuan. Nag-panic siya dahil unang-una nakatapis lang siya ng tuwalya at naririnig pa niya ang boses ni Crosoft sa cell phone.

"Bye Gail." ta's mang-iiwan pa sa ere ang 'sang 'to.

"Ahh, ano, o-okay. Bye." Mabilis na binaba niya ang cell phone. "Hanzel may kailangan ka?"

"Sino 'yong kausap mo?" seryoso pa rin ang mukha nito nang lapitan siya nito.

"Si Crosoft –"

Kumunot ang noo nito. "Sobrang close n'yo ba para magsabihan ng I love you?"

"Hindi naman sa ganun pero –"

"I don't want you to talk to him."

"Pero kapatid mo siya –"

"I said it Grethel."

Matapang na sinalubong niya ang tingin nito. "Kapag ba sinabi ko sayong huwag mo ng kausapin si Gail susundin mo ba ako?" Natahimik ito. "Hindi, diba?"

"Let's not bring Gail –"

"Hindi ko din gagawin ang gusto mo."

Sa huli ay napabuntong-hininga na lang si Hanzel. "Fine, do what you want." Pagkatapos ay bigla na lang nitong ibinaling sa iba ang atensyon nito. "But please, wear something comfortable first."

"Magbibihis talaga ako."

"Pero bakit 'di ka pa nagbibihis?" tila asar na baling nito sa kanya sabay tingin na naman sa ibang direksyon. "Magbihis ka na."

"Gusto mong magbihis ako sa harap mo?"

"Of course not!"

"'Di labas."

"Huh?"

"Labas na!"

Itinulak niya na ito palabas ng silid. Hiningal pa siya. Gago 'yon. Mabilis na sinirado niya ang pinto pero bago paman niya mai-lock 'yon ay nabuksan na naman 'yon ni Hanzel. Sumungaw ang ulo nito.

"I just have one question," kunot na kunot ang noo nito tila nagdadalawang isip kung magtatanong ba o hindi. "Hindi ka ba nagbibihis sa harap ko dati?"

Gago! Gusto mo ba talagang sagutin ko 'yan? Magbibihis pa lang ako hinuhubaran mo na naman ako.

"Alis!"








"HINDI pa din ba siya pumapayag sa annulment Hanzel?"

Naingat ni Hanzel ang tingin kay Abbygail. He reached for her hand and give it a gentle squeeze. "Don't worry Gail, papayag din naman si Grethel. Ayoko lang naman na pilitin siya though malaki naman talaga ang laban natin. Ayoko din namang biglain ang mga bata."

Naalala niya ang mukha ng mga bata. Hindi niya maiwasang mapangiti. Ang kukulit naman kasi. Nakakawala ng problema. 

"Hanzel?" pukaw ni Abbygail sa kanya.

"Huh?"

"Nakangiti ka diyan?"

"Wala, naalala ko lang sila Milko at Milky."

"'Yong mga bata lang ba o pati ang Mama ng kambal?"

Nawala ang ngiti niya. "I'm not thinking about her." Pero hindi niya alam kung bakit bigla na lang pumasok sa isip niya ang nakatapis lang ng tuwalya na si Grethel. Hindi niya pinahalata pero mabilis na pinalis niya sa isip na 'yon. Damn it Hanzel.

Mapait na ngumiti si Abbygail kapagkuwan ay hinawakan nito ang kamay niya. "Hanzel, huwag mo na ako ulit iwan, ha?"

"Gail?"

"Alam ko, nagkamali ako dati. Sinaktan kita. Natakot lang naman ako sa gagawin ni Eroll sa mga magulang ko kung hindi ko siya susundin. At ngayong, wala na siya at nagkita ulit tayo ayoko nang ulitin ang mga pagkakamali ko dati. Mahal na mahal kita Hanzel. Sana huwag na huwag mong bibitiwan 'yon."

"Pangako ko sayo 'yan Gail. I'll make it up to you. Babawi tayo sa mga panahon na nawala sa atin. May dahilan kung bakit nagbalik na ulit ang mga alaalala ko at nagkita ulit tayo. Don't worry, dalawang linggo lang naman ang hinihingi saken ni Grethel."

"Dalawang linggo lang ba talaga?"

"Two weeks lang, pagkatapos nun sasabihin na namin sa mga bata na maghihiwalay na kami. Anyway, inaayos na naman ng kaibigan kong abogado ang custody ng mga bata."

"Sana talaga matapos na lang ng 'to Hanzel. Para makapagsimula ulit tayo."

"Don't you really want to take care of Milko at Milky?" parang gusto niyang kunin na lang ang dalawa. 

"Hanzel, alam kong mahalaga sayo ang mga anak mo and I'm not against that. But I don't think, taking them from that woman will be a good idea. Magagampan mo pa rin naman ang pagiging ama mo sa kanila kahit hindi ka nila laging kasama and I don't think she'll be happy with that... babae din ako, kung ako ang nasa sitwasyon niya mas masasaktan ako kapag kinuha mo saken ang mga anak ko."

Natahimik siya.

"So don't think about it too much. Just focus your attention to the annulment. Saka muna isipin ang magiging setup n'yo sa mga anak n'yo."

"You're right,"

"But let's plan it na lang," ngumiti si Abbygail. "Gusto ko din naman makilala sila Milko and Milky. They seem cute and adorable."

Napangiti ulit siya. "Yes they are."

At hindi na naman niya alam kung bakit mukha na naman ni Grethel ang nakikita niya. Focus Hanzel! Focus!







"OKAY ka na ba, hija?" nag-aalalang tanong ni Madame Magnolia kay Gail habang nasa kusina sila at tumutulong siya sa mga bago. "Hindi mo naman kailangang magtrabaho na agad."

Nginitian niya ang Ginang. "Okay na po ako Madame." Madame pa rin ang tawag niya rito kapag nasa Sweet House sila kapag sa labas naman ay Tita. Ayaw niya din kasing pag-usapan ng mga kasamahan niya doon. "At saka wala naman na akong gagawin sa bahay. Hihintayin ko na lang ang labas ng kambal. Saka na mi-miss ko na din ang Sweet House."

Sa wakas ay ngumiti na rin ito. Kung may una mang nalungkot sa planong annulment ni Hanzel ay ang tita Magnolia nito 'yon. Inis pa rin ito sa huli at hindi pa rin nito kinikibo si Hanzel hanggang ngayon.

"Sa bahay n'yo pa rin ba siya umuuwi?"

"Kagabi, pero maaga siyang umalis. Hindi ko alam kung ngayon oo."

"Ang batang 'yon."

"Hayaan n'yo na po si Hanzel."

"Matigas talaga ang ulo nun, hija. Kahit noon pa. At saka kung may pagkakapareho man kami ng nanay ni Hanzel 'yon ay kailanman hindi kami naging sang-ayon sa relasyon nila nung Abbygail na 'yon."

"I'm going straight to the point Miss Gail. Pinapasabi sayo ni madame na layuan mo na ang anak niyang si Hanzel. Kasama na rin niyan ang pag-alis mo ng tuluyan sa buhay nito."

Naalala niya ang sinabi nung attorney sa kanya sa ospital. Ano bang meron kay Abbygail at ayaw ng pamilya ni Hanzel sa babae?

"Ano po bang meron kay Abbygail?"

"She's selfish. Basta, sa tuwing naalala ko ang babaeng 'yon naiinis ako. Kung bakit kasi mahal na mahal nun ni Hanzel."

"Baka ho may magandang katangian siyang nakita kay Gail."

"Siguro," nagkibit-balikat ang Ginang. "Pero minsan iniisip ko, hija. Sadyang madaling mabulag sa pagmamahal ang batang 'yon. He always give everything without thinking at doon ako mas lalong natatakot. Ayokong maulit ang pagkakamaling nagawa ng Mama niya noon dahil sa pagmamahal."

Binalingan siya nito.

"Kaya sana huwag mong isuko si Hanzel sa babaeng 'yon Hija."








NAGPASAMA si Gail kay Mohana para mag-grocery kanina pagkatapos nilang sunduin ang mga bata sa eskwelahan. Inilapag ng kaibigan ang mga binili nila sa itaas ng mesa bago humila ng upuan at naupo.

"Bes may chika ako."

"Kanina ka pa chicka nang chicka diyan may pahabol ka pa pala. Ano 'yon?"

"Nagkita ulit kami ni Peter."

"Peter?" Kumunot ang noo niya. "Sinong Peter? 'Yong taga networking?"

"Korak! Eh kasi nakita niya akong kumakain ng halo-halo sa Chowking. Tapos lumapit siya kasi feeling ko nainggit siya."

Natawa siya. "Baliw!"

"Naalala mo naman 'yon, diba? Nagkasama tayo nun sa TESDA ng isang buwan kaso biglang nag- disappear. Akala pa nga natin nag-call center na 'yon kasi englisero ang gago."

"Oh tapos? Anong sabi niya?"

"Ang gwapo niya pa rin Bes. Inalok ko siya ng one night stand."

Nagpanting naman talaga ang tenga niya. Natatawang nabato niya ng tissue si Mohana. Tinawanan lang siya ng gaga. "Umayos ka, ha? Baka marinig ka ng kambal."

"Oy joke lang naman. Pero gwapo pa rin siya. Kaya lang ikaw naman hinahanap." Sumimangot ito. "Alam mo bes, noon ko pa talaga nafi-feel ang HD nun sayo. Kaya hayun, sinabi kong may asawa ka na at may pitong anak."

"Pitong anak?"

"Oo, Grethel Gail and the seven babies para naman matakot. Aba'y hindi biro ang pitong pakainin, ha?"

"Loko ka talaga."

"Pero 'di naman natibag ang gago. Meet daw natin siya one of these days. Treat niya tayo sa Vikings."

"Yaman ah! Sa Vikings talaga. Okay lang saken, naging kaibigan din naman natin si Peter. Gusto ko din makita siya ulit. Ang kulit din kaya ng 'sang 'yon."

"Oy Bes, pinagbabalaan na kita agad. Akin si Peter, ha?"

"Oo na, 'di na ako makikipag-away sayo."

"Ako ang Wendy ni Peter at ikaw ay Grethel ni Hanzel. Huwag na tayong mag-change ng love team."

"Bagay din kaya sila Grethel at Peter." Biro pa niya sa kaibigan.

"Huwag mo ng i-push Greta dahil masasapak na kita."

Natawa lang siya. "Ang gwapo kaya nun ni Peter. Diba buntis na ako nang magkakilala na tayo pero 'di ko pa binabanggit sa inyo 'yon pero pinaglilihian ko dati noon si Peter kasi ang gwapo niya."

"Mahabagin Gail, tama na. Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo."

"'To naman binibiro lang kita. Oh hayan," inabot niya rito ang mga buong cabbage. "Magluto ka ng haponan."

"Naman! Baka nakakalimutan mong itinakwil na ako ng kusina ni nanay dahil muntik ko nang masunog ang buong bahay."

"Paano ka makakapag-asawa niyan kung 'di ka naman marunong magluto."

"Ahm, hello! Asawa nga ang hinahanap 'di kusinera."

Akmang lalabas siya ng kusina nang bumungad sa kanya ang mukha ni Hanzel. Hindi niya napigilan ang magulat at mapasigaw. "Hanzel!" natutop niya ang bibig.

"Oh bakit para ka naman yatang nakakita ng multo diyan?"

"K-Kanina ka pa ba diyan?"

"Sino si Peter?"

"EX ni Grethel." Pasigaw na sagot ni Mohana. Hay naku! Ano na naman ba 'yang sinasabi mo. Napapangiwi na siya sa isip. "Actually, may date nga sila eh. Kasi manliligaw ulit si Peter kay Grethel." Mohana! "Tapos pupunta sila sa NEVERLAND!"

Seryosong naibalik sa kanya ang tingin ni Hanzel.

"Is is true?"

"Mama! Makikipag-date po kayo?" sabay na tanong ng kambal. "Pero diba po, bawal 'yon kasi kasal na kayo ni Papa."

"Tama," segunda naman ni Hanzel.

Gago 'to ah! Pa Tama-tama ka pa diyan eh pinapakialaman ko ba kung kasama mo ang Gail mo, ha? Bwesit!

"Naku mga chikitings!" lumipat na sa tabi niya si Mohana. "Oras na para magising sa reyalidad. Huwag puro Voltis 5, ha? Halina sa sala, manood tayo ng Marina."

"Marina po Ninang? Meron po ba nun?"

Dinala na ni Mohana ang dalawa papuntang sala. "Meron, may nabili ako sa sidewalk sa Colon. Panoorin natin, naku kamukha ko 'yang si Claudine noon."

"Ano pong nangyari Ninang?"

"Noon nga, diba? Sinabi ko bang ngayon?"

Ngayon sila na lang dalawa ni Hanzel. Parang biglang bumigat ang buong paligid. Hawak pa rin niya ang isa pang repolyo sa kamay.

"Makikipag-date ka?"

"Hindi." 

Sagot niya agad.

"Bakit?"

"Kasi mahal kita." Inabot niya ang isang kamay nito at pinahawak rito ang repolyo. "Pakihawak muna at magbibihis ako."

Hindi na niya hinintay na magsalita ulit ito. May ngiting iniwan niya ito. Oh ano ka ngayon? 'Di ka nakapagsalita. Hay naku Hanzel. Kung 'di lang kita mahal. Ewan ko na lang.




Akala ko 'di ako makakapag-update at baka maikli lang. Umabot pala ng 4K words. 'Di wow! Haha enjoy! <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro