Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Destiny 2

"OH lalarga na! Lalarga na!"

Mabilis ang mga hakbang ni Gail papunta sa lalaki na nasa ibaba pa ng pinto ng bus. May kabigatan rin ang malaking bag na dala niya kaya medyo nahihirap siya. Hindi yata kaya ng bigat ng dala niya ang height niya. Hindi naman kasi siya katangkaran. Madalas siyang pagkamalang high school sa edad niyang bente.

"Kuya sandali!" sigaw niya habang tumatakbo palapit rito.

"Halika na! Lalarga na tayo."

Huminto siya sa harap nito. Napahawak siya sa dalawang binti while catching her breath. Inangat niya ang mukha sa lalaki na kamukha ng komediyante na si Pooh. Kaso nga lang ang kaboses nito si Manny Pacquiao.

"K-Kuya!"

"Sasakay ka ba?"

"Saan po ba 'yan papunta?"

"Sa lungsod."

"Saan sa lungsod?"

"Sa Cebu proper, 'yong may tindihan ng Dunkin Donuts, ano, sasakay ka ba? Ang dami mong tanong eh. Lalarga na kami."

"Ah... eh, sige po, sasakay ako."

"Akin na gamit mo."

"Naku huwag na po! Dadalhin ko nalang."

"Sige, akyat ka na."

"Sige po!" may ngiting tumango siya kay kuyang mahilig mambara. Buti na lang mas matangkad siya ng slight rito. "Ah Kuy-" hindi na niya natuloy ang sasabihin nang bigla siyang unahan ng isang lalaki paakyat ng bus.

Naikuyom niya ang mga kamay sa inis. Hayun, at nag-meet tuloy ang mukha niya sa katawan ng bus nang walang bahas man lang na daanan siya nito. Masakit dahil randam na randam parin niya ang impact nun sa mukha niya.

Walang siyang nagawa kung 'di paningkitan ng mga mata ang walangyang lalaki na walang manners habang sinusundan ito ng tingin mula sa bintana. Mukha lang itong artista pero ang pangit naman ng ugali.

"Pucha 'yon ah!"

"Mamaya na 'yan sumakay ka na," pinilit siya ni kuyang konduktor na umakyat na sa bus. Wala siyang nagawa nang itulak na siya ng konduktor paakyat sa bus. "Kastiguhin mo na 'yon sa taas."

Pag-akyat niya naman halos wala ng bakanteng upuan. Maliban nalang doon sa may likuran kung saan naka-upo ang lalaking lumapastangan sa kanyang mukha. Patay ka saken ngayon. Mahigpit na niyakap niya ang malaking bag na dala bago naglakad sa isle papunta sa bakanteng upuan sa tabi ng lalaking naka-all black attire at naka-sunglasses pa.

Pabagsak na naupo siya sa tabi nito. Napansin pa niya ang pagkislot ng mukha ng lalaki sa kanya. Lihim siyang napangiti. Buti nga rito. Wala akong pakialam sa black leather jacket mo kuya basta may kasalanan ka saken kanina! Naglikot-likot pa siya para lang asarin ang lalaki. Sinadya niyang natatamaan ito ng bag niya.

"Aish," he hissed.

Binalingan siya nang lalaki. Ibinaba nito ang suot na sunglasses hanggang sa bridge lang ng ilong nito. Napakurap-kurap siya ng walang sa oras. Aba'y gwapo talaga ito. Grethel Gail behave! May kasalanan 'yan sayo. Gail shook her head in her mind. Pinalis niya ang idea na 'yon sa utak.

"What's your problem?"

Napamaang siya. At in-Ingles pa siya ng hudyo. Anong akala nito sa kanya mang-mang? Kahit papaano ay nakapag-tapos rin siya ng high school.

"Ah... m-my problem? Ikaw ang problema ko."

"I don't have time for this Miss," casual na sagot nito sa kanya.

Napamaang ulit siya nang ibalik nito sa ayos ang sunglasses nito sa mata. Itinakip nito ang malaking headphones nito sa tainga na kanina naka kwentas lang sa leeg nito. Umayos ito ng upo bago isinandal ang likod sa upuan.

Aba'y ang hard ng 'sang 'to sa akin ah. Napasimangot si Gail. Sigurado siyang anak mayaman ito. Halata naman sa ayos ng lalaki. Hindi niya lang maintindihan kung bakit nag-bus lang ito. Baka nga may mamahaling kotse ito. Pero ano bang pakialam niya sa 'sang 'yan? Hindi naman gaganda ang buhay niya kung maiinis lang siya sa lalaki. Napabuntong-hininga siya. Naalala niya na naman ang papa niya.

Nainom na kaya ni Papa ang gamot niya? Sana okay lang sila. Pagtingin niya sa labas ay bigla na lang siyang na luha. Hanggang ngayon hindi parin siya makapaniwala na lilisanin niya ang lugar na 'to. Na iiwanan niya ang Papa niya.

"Tama na 'yan Gail," pinahid niya ang mga luha. "Magiging okay lang ang lahat." Tama!






NAALIMPUNGATAN na nagising si Hanzel na may kung anong mabigat na nakasandal sa balikat niya. Nang imulat ang mga mata bumungad sa kanya ang maamo at mahimbing na natutulog na mukha ng babaeng papansin kanina.

He was about to push her head but he changed his mind. Hindi naman siya ganoon kasama para putolin ang mahimbing na pagtulog nito. Mukha namang wala itong interes sa kanya. Hanzel knew the looks of those women who wanted to flirt with him. This woman beside her... well, mukhang wala naman yata itong muwang sa mundo. Huhulaan niya... isa itong minor-de-edad na babae na naglayas sa kanila. Pero sa ugali nito he doubt if minor-de-edad pa nga ito. Baka baby face lang.

Ibinaling niya na lang ang tingin sa labas ng bintana. Halos madilim na ang buong paligid. Pasimpleng tinignan niya ang screen ng cell phone. No message from Gail. Hanzel sighed.

Ilang minuto ang lumipas ay nagising na rin ang babae. At sa kamalas-malasan ay bigla na lang nitong inangat ang ulo kaya natamaan ang panga niya. He cursed. Talaga naman! Napangiwi siya sa sakit.

"Sh*t! Ano ba?!" matalim ang tingin niya sa babae habang hinihimas-himas ang nasaktang panga.

"S-Sorry!" hinging paumanhin nito. "A-Ano... na tamaan ba kita?"

"Obviously," sarkastiko niyang sagot. "Hinayaan na nga kitang gawing unan ang balikat ko tapos babangasan mo pa 'tong panga ko."

"Umunan ako sa balikat mo?" nanlalaki ang mga matang tanong nito.

Tinaasan niya ito ng kilay. "Kakasabi ko lang, diba?"

"Hmp! Malay ko ba? Nakatulog nga ako, diba? Sorry."

"Labas naman sa ilong, tsk."

"Nag-sorry na nga eh." Napasimangot ito.

Hindi na siya nag-salita pagkatapos. Napansin niyang parang may gustong sabihin ang babae pero hindi nito itinuloy. Inabala na lang niya ang sarili sa pagsa-swip sa cell phone niya. Finding something fun to kill boredom.

"Psst!"

He glanced at the girl with a poker face. "What?!"

"Bakit ang taray mo?"

Ngumiti siya pero madali ring pina-seryoso ang mukha. Done! Hindi na siya mataray. If it can be a term for men. He doubt it if it can.

"Happy?" he crossed his arms over his chest.

"Tsk, hindi ko alam kung nagising ka lang sa maling side ng kama mo o sadyang snob ka lang talaga. Magtatanong lang sana ako - "

"Anong itatanong mo?"

Marahas na napatingin ito sa kanya. "Sasagutin mo ako?"

Pinasadahan niya ito ng tingin mula sa ulo hanggang sa dibdib nito. Napamaang ito at madaling niyakap ang sarili. Lihim siyang natawa sa isip. Naive! I wonder kung saan 'to galing 'tong babaeng 'to.

"H-Hoy! A-Ano 'yan ah."

Hanzel smirk. "Tinanong mo ko kung sasagutin kita, diba?" Tumango ito. "Tinitignan ko kung papasa ka sa standard ko. Okay naman sa parting 'yan." Napasinghap ito nang ituro niya ang dibdib nito. "Sa uri ng pagkaka-upo mo alam ko ng maliit ka." Muli itong napasinghap. "Maputi ka para sa isang probinsiyana. Okay na rin. Oh, and I like your lips."

Binigyan niya ito ng nakakalokong ngiti. And to add the fun inilapit niya ang mukha rito. Ibinaba niya ang tingin sa mga labi nito. He wasn't lying about her lips. She had a cute-pink-lips na bumagay sa maliit at cute nitong mukha.

"So..." he trailed off.

"Amph, ewan ko sayo!"

Hanzel laughed. Lalo lang tuloy napasimangot ang babae sa kanya. Why do he find this tiny girl cute? Umayos ulit siya ng upo. Pinigilan niya ang matawa.

"Anyway, malayo pa tayo..." mayamaya ay sagot niya. Sabay silang napatingin sa isa't isa. "Baka madaling araw na tayo makarating."

"Ahh, s-salamat." Awkward na tumango lang ito.

"What's your name?"

"Eh?"

"Sabi ko, anong pangalan mo?"

"Gail." Pabagsak na sagot nito. "Grethel Gail Apostol."

"Seriously?" puno ng amusement na balik niya?

Hindi niya tuloy maiwasan ang matawa. Naigala naman ng babae ang tingin sa buong paligid. Bigla itong napasimangot nang mapansin na sila  este siya lang ang nag-iingay. Grethel? Really? Wow!

"Ano bang nakakatawa? Grethel Gail talaga ang pangalan ko."

"Wow!"

"Bakit ba?"

"I'm Hanzel."






"HUH?" Ano daw?

"I'm Hanzel Sebastian D'Cru - no, just Sebastian." Inilahad nito ang kamay sa kanya. Napatingin siya sa kamay nito bago niya inangat ang mukha rito. "Nice to meet you Grethel Gail." Nanlaki ang mga mata niya.

"Oh!" natutop niya ang bibig nang sa wakas makuha ang ibig sabihin nito. Kaya pala eh! Bakit ang loading niya masyado?"'Di nga? Seryoso?" nakangiting tumango ito sa kanya. "Wow! Hanzel and Grethel. Parang ang weird."

"That's what I've thought,"

"Ang galing,"

"So, Grethel saan ka galing?"

"Gail na lang, hindi ako sanay sa Grethel eh."

"I'd like Grethel, so saan ka nga?"

"Galing pa ako sa Santa Fe kaya ginabi na ako sa byahe."

"Let me guess, you ran away from home?"

"Hindi. Pinaalis." Tumaas ang isang kilay ni Hanzel. "Basta, mahabang kwento. Ang buhay ko pang-MMK o 'di kaya pang-Magpakailanman. At saka ayoko rin namang pag-uusapan. Malulungkot lang ako."

"Okay," he shrugged.

"Eh ikaw, nag-layas ka rin? Mukha ka namang mayaman."

"Maglalayas pa lang."

"Huh?"

"Kailangan ko pang umuwi sa condo ko. Magwi-withdraw ako ng pera. Kukuha ng damit. Magpapa-book ng eroplano. Tapos maglalayas na."

"Wow, ha. Planadong-planado." He just shrugged and smile. "Ano namang dahilan ng paglalayas mo?"

"Long story, pwede mong isipin lahat ng rason kung bakit naglalayas ang bidang lalaki sa mga teleserye sa TV." Hanzel glanced at her and winked. "Malay mo naman tumama ka."

Napasimangot si Gail. "Hindi naman ako writer eh. Saka, ayokong mag-isip. Masakit sa utak."

"That's what I've thought,"

"Na ano?"

"Na bobo ka."

"Ewan ko sayo!"

Okay ka ng kausap eh! Insultador nga lang. Tsk! Ilang minuto rin silang natahimik. Paminsan-minsan ay tinitignan niya si Hanzel. Buti pa ito may napagkakaabalahang gawin. May touch screen cell phone at may mp3 pa. Kahit na wala itong dalang bag alam niyang marami pa itong mamahaling gamit. Wala kasi siya 'non. 'Tong cell phone nga niya luma na at wala ng case. Kung sa tao pa. Kalansay na. 'Di ang lungkot!

Gail's mouth twitched. Speaking of that, may naalala siya bigla. May ngiting binuksan niya ang bag at kinuha mula doon ang lumang story book na ibinigay sa kanya ng papa niya noong bata pa siya.

"Woah!" niyakap niya ang lumang story book.

"Hey, what's that?" tanong ni Hanzel.

May ngiting ipinakita ni Gail ang story book kay Hanzel. "Hansel and Gretel!"

"Seriously?"

Tumango-tango siya. Hindi niya alam kung nagkataon lang ang lahat ng 'yon pero magaan talaga ang loob niya kay Hanzel kahit na ngayon lang sila nagkakilala at nagkausap.

"Ito 'yong story book na binili ni Papa saken noong bata pa ako. Kaya medyo luma na rin. Alam mo, gustong-gusto ko ang kwento nila Hansel at Gretel."

"Bakit?"

"Noon, si Hansel lang ang napansin ko. Kasi ang talino at ang tapang niya. Pero kapag binasa mo ng paulit-ulit may ibang bagay ka pang matutunan sa kwento. Gaya na lang noong sa part ng tatay nila."

"Na pinahamak sila."

"Oo nga, pero at least sa ending pinagsisihan niya naman at mahal na mahal niya parin ang mga anak niya. Oh, diba? Ang ganda."

"Whatever,"

"Bitter!"

Hindi na siya pinansin nito. Busy na ito sa cell phone nito. Siya naman na usisira kasi nga wala siyang ganun panay silip naman siya sa ginagawa nito.

"What?!"

"Ganda ng cell phone mo. May china ba niyan?"

"Ang cheap mo."

"Wala akong budget eh."

"Ang kulit mo. Oh 'yan," nagulat siya nang bigla nitong ibinigay sa kanya ang cell phone. "Titigan mo hanggang sa mag-sawa ka. Kawawa ka naman."

"Tsk, ang hard mo ah." Pero hindi na rin siya nagpakipot at mabilis na hinawakan ang cell phone nito. "Woah!" Hawak pa lang 'yon pero sobrang amuse na siya. "Ngayon lang ako nakahawak nito. Ang ganda."

"Saang bundok ka ba galing?"

"Hindi bundok, isla." Pagtatama niya. Para namang tanga na in-explore niya ang cell phone ni Hanzel kahit na wala siyang alam doon. "Hanzel, saan dito 'yong camera mo? Ang alam ko may camera ang mga style na ganito. Kapag kasi may mga turista na nadadayo sa amin mga ganitong style ang dala nila."

"Click mo 'yong icon na camera."

"Ok," sinunod niya ang sinabi nito. "Woah! Ang laki ng mukha ko!" Ang lakas ng tawa niya. "Paano ba 'to? Ang laki talaga ng mukha ko haha."

"Tsk, akin na nga 'yan para kang baliw." Kinuha nito sa kanya ang cell phone. May kung ano itong kinuting-ting bago ibinalik sa kanya. "Tap a finger on the screen."

"Tapos anong mangyayari?"

"Mamamatay ka."

"Huh?!"

"Joke!" saka naman ito tumawa ng malakas.

"Tsk, huwag na nga lang." Ibinalik niya na ang cell phone nito.

"Let's take one picture together."

"Eh?"

"Para may remembrance ako na may isang tanga akong nakilala habang naglalayas ako."

"Ay ang hard! Hindi nga kasi ako tanga. Mukha lang."

Hanzel laughed. "See? You're amusing me. Come on, umayos ka. Isang picture lang." Inakbayan siya nito bigla at hinapit palapit rito. "Smile."

"Gan'to?" medyo awkward pa ngiti niya. Halatang pilit.

"Hindi, 'yong totoong smile."

"Gan'to?" medyo okay na ang smile niya.

"Nice! Okay, at the count of 3 huwag ka nang gumalaw. Okay, 1, 2, 3, smile!" Parang may tumunog na kung ano at bigla na lang nag-capture ang cell phone. Ibinaba nito ang cell phone at tinignan ang kuha. "Nice! Mukha kang yaya ko."

"Tsk!"

"Grethel!"

Pagtingin niya nakunan na siya nito ng larawan. Tumawa ito na para bang sobrang nakakatawa ang kuha niya.

"Kainis ka naman eh!"

"Peace!" nag-peace sign ito. "Ang wacky ng mukha mo."

"Ewan ko sayo!"

Lihim na napangiti si Gail. Hindi naman pala snob ang lalaki. Malakas lang tuyo sa utak. Mukha lang pangit ang ugali pero sobrang game naman nito kahit masyado na siyang feeling close rito. Nahihiya na nga siya. At talagang nahiya ka pa sa lagay mong 'yan Gail?! At least 'di siya mabo-bore sa buong byahe.

"Gre -"

"Oh!" nagulat siya nang biglang prumeno ang bus. Nasubsob tuloy ang mukha niya sa harap. "Aw! Ano ba 'yan." Napangiwi siya. Tinulungan naman siya ni Hanzel na makaupo ulit.

"Stay still," bulong nito bigla sa tainga niya.

Bigla naman siyang kinabahan. Hindi niya alam kung bakit pero biglang nag-iba ang pakiramdam niya. Ngayon pa't biglang tumigil ang bus. Sumilip sa bintana si Hanzel. Hindi niya gusto ang expression ng mukha nito. Lalo lang siyang kinabahan.

Isa-isa namang nagising ang mga pasahero na para bang nakaramdam rin ng kakaiba. Napansin niyang may naglalarong ilaw sa harap at nang bumukas ang pinto ng bus hindi niya napigilan ang pagtigil ng tibok ng puso niya. Para kasing may mali. Natatakot siya.

"Hold my hand," naibaling niya ang tingin kay Hanzel. Naramdaman niya ang paghawak nito sa kamay niya. "No matter what happens, just hold my hand."

"H-Hanzel?"

"Walang gagalaw!"

Napasinghap ang lahat ng mga pasahero at tuluyan nang nilamon ng takot ang mga tao nang umakyat ang limang armadong lalaki sa bus. Puputok yata ang puso ni Gail sa takot.

"Hoy! Mag-drive ka!" tinutukan ng baril ang driber ng isa sa mga armadong lalaki.

"Walang tatawag! Kung sino man ang mahuli namin na tumatawag ng tulong ay papatayin ko. Maliwanag ba?!"

Nagsimulang manginig ang mga kamay niya. Humigpit naman ang pagkakahawak ni Hanzel sa kamay niya.

"I'm here," 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro