Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Destiny 18

ISANG araw nagkalakas-loob si Gail na bisitahin si Hanzel sa hospital room nito. Mag-iisang buwan na siya sa ospital at bukas maari na siyang ma discharge dahil okay naman na siya. Kakalipat nga lang daw ni Hanzel sa isang private room simula nang magising ito sa ICU. Lagi niyang binibibisita ito noon, kahit makita lang niya si Hanzel na okay o marinig mula sa nurse na gumagaling na ito ay masaya na siya.

Noong isang araw lang, pinuntahan siya ng personal lawyer ng Sebastian para ibigay sa kanya ang tseke na tinanggihan niya agad. Ngayon, kahit sa huling beses, bago siya tuluyang umalis sa buhay nito ay makita man lang niya ito at mabigay ang storybook na hawak. Hindi na niya kakausapin ito. Iiwan niya lang ang libro.

Humigpit ang pagkakahawak ni Gail sa libro.

Nasa harap na siya ng silid nito. Humugot siya ng malalim na hininga. Alam niyang tulog si Hanzel ng mga oras na 'yon dahil nakausap na niya ang huling nurse na pumasok at nag-aasikaso nito kanina. Wala din daw bantay dahil umalis muna saglit.

Bumuga siya ng hangin bago hinawakan ang knob ng pinto. Akmang bubuksan na niya ang pinto nang –

"Sino ka?" natigilan siya. Kasabay nun ang paglakas ng tibok ng puso niya. "Anong kailangan mo sa anak ko?" Ang nanay ni Hanzel? Nabitiwan niya ang knob ng pinto. "Humarap ka saken."

Napalunok siya sa sobrang takot. Pikit matang akmang aalis na sana siya nang mabilis na mahawakan nito ang isang braso niya. Wala siyang nagawa kung hindi ang mapatingin rito. Seryoso ang mukha nito. Mukhang namukhaan din siya nito.

"You're Grethel Gail?"

Bahagyang tumango siya. "P-Pasensiya na po. A-Alis na po ako." Buong pag-iingat na inalis niya ang kamay ng ginang sa pagkakahawak sa kanya. "S-Sorry po."

"Wait," muli siya nitong pinigilan.

"Pasensiya na po. Hindi na po ako magpapakita sa anak n'yo." Matapang na sinalubong niya ang tingin ng ginang. "Hindi din po ako personal nakilala ni Hanzel. Nagkakilala lang din kami sa bus. Pero huwag n'yo po sana alisin saken na mag-aalala sa anak n'yo. Utang na loob ko po sa kanya ang buhay ko. Kung hindi dahil sa kanya baka isa na rin ako sa mga taong namatay sa aksidente na 'yon."

Humugot siya nang malalim na hininga bago inabot rito ang story book.

"Pero hayaan n'yo pong ibigay ko po 'to sa anak n'yo ma'am. Alam ko pong hindi na ho ulit ako makikilala ng anak n'yo at kung magbalik man ang memorya niya alam kung hindi din ako magiging kawalan sa buhay niya. Wala ho akong ibang maibigay sa kanya bilang pasasalamat. Ito lang po. Mahalaga saken ang libro na ito at gustong ibigay ito kay Hanzel."

Pilit na pinahawak sa ginang ang libro.

"Salamat po."

Saka siya umalis.




"SIGURADO ka na bang gusto mo akong pakasalan Hanzel?" tanong ni Gail kay Hanzel habang nasa madilim na kalangitan siya nakatingin. Isinandal niya ang dalawang braso sa railings ng terrace.

Napangiti siya dahil madaming bituin sa kalangitan ngayon.

"Ano bang klaseng tanong 'yan?" pumwesto ito sa likod niya. Pinulupot nito ang mga kamay sa baywang niya saka inihilig nito ang ulo sa balikat niya. "Sa lahat ng ikakasal bukas ikaw 'tong may last minute back out tendency."

"Ayoko lang pagsisihan mo."

"Ako pa talaga ang magsisisi o baka ikaw diyan?"

"Ako?" bahagya niya itong binalingan. "Hindi, noh? Baka kapag bumalik na memorya mo bigla mo na lang akong iwan."

Kumunot ang noo nito. "Kung may isa pa ngang Gail sa buhay ko 'di sana matagal na siyang nagpakita at bumalik sa buhay ko. Kaso wala. Kung mahalaga ako sa kanya 'di sana nandoon siya noong mga panahon na kailangan ko siya. But she wasn't there, what came is this cute little woman in front of me." Pinihit siya nito parahap rito. Naisandal niya ang likod sa railings. "My Grethel Gail with our twins."

Naipikit niya ang mga mata nang halikan siya nito sa noo.

"Wala na akong pakialam kung ano lang tayo noon o kung may minahal man ako dati na hindi ko na maalala. Ikaw ang meron ako ngayon. Kayo ng mga anak ko." Naimulat niya ang mga mata at may ngiting tinignan si Hanzel. "Kung sakali mang dumating ang araw na makalimutan ko ang pagmamahal ko sayo. Huwag mo sana akong isuko. Don't give up on me Gail. Can you promise me that?"

"Hanzel?"

"Natatakot din ako." He buried his face on her neck. "Natatakot ako na baka dumating ang araw na makalimutan ko ang pagmamahal ko sayo. That I'll forget this day, my brother and my wife. Bringing my memories back would mean losing you or losing myself and I may not have the power to make you smile or happy again."

Biglang nanikip ang dibdib niya sa mga sinabi nito. Bumalik ang kaba at takot sa puso niya. Pero hindi, hindi dapat siya matakot. Mahal siya ni Hanzel. Hindi siya nito makakalimutan. Niyakap niya ito nang mahigpit.

"If I end up pushing you away please don't let me."

"Paano kung -"

"No buts' Gail. Please, don't give up on me."

Humugot siya nang malalim na hininga bago ulit nagawang ngumiti.

Tumango siya. "Hindi kita isusuko. Pangako ko 'yan." Saka niya niya niyakap ng mahigpit.

"I love you Gail."

"Mahal din kita Hanzel."

"You're always be my Grethel Gail."

Mabilis na pinunasan niya ang mga luhang umalpas sa mga mata niya. Huwag mo lang sana akong masyadong itulak palayo Hanzel. Baka hindi ko kayanin.







"GAGA ka bakit 'di mo sinabi na kapatid ni Hanzel si Crosoft?" mahinang bulong ni Mohana sa kay Gail na may halong gigil. "Nak ng pating. 'Di ko man lang nakapalan ang kilay ko."

"Anong meron sa kilay?"

"Kilay is life. Pero nakakainis ka. Ikaw na. Ikaw na ang bukod na pinagpala. Sinong mag-aakala na magiging brother-in-law mo ang lalaking pinagnanasaan natin noong mga nene pa tayo."

Natawa siya sa kaibigan. "Grabeh 'to. Baka marinig ka pa ng asawa niya. Tumahimik ka na nga diyan."

Halos yakapin na nito ang isang braso niya. "Pero Bes, masaya ako sayo. Kasi may Hanzel ka na. May complete na family na ang kambal." Napangiti siya. "Kahit na civil wedding pa lang 'to at least gusto ka na talaga niyang gawing legal kang asawa."

"Huwag kang mag-alala. Ikaw pa rin naman ng maid of honor ko."

"Ay gusto ko 'yan. Pero pwede mag-request, pwede ko bang i-partner si John Lloyd o 'di kaya si Jericho Rosales sa kasal n'yo sa simbahan?"

"Try natin."

"Ka-excite, sana bukas na church wedding n'yo."

"Ahem," bigla na mang may tumikhim sa likod nila. Sabay na napatingin sila sa likod. Nakangiting nakatingin si Hanzel sa kanya. "Ang ganda mo talaga."

"Thank you," natawa naman siya nang si Mohana ang sumagot. "Ay sorry, 'di pala para saken 'yon." Nanunuksong siniko siya ng kaibigan. Pabirong pinalo niya ito sa kamay. "Ako nga pala si Mohana. Ang bff at ninang ng kambal." Inilahad nito ang kamay kay Hanzel. "Nice to meet you."

 Nakangiting nakipagkamay rito si Hanzel. "Hanzel."  

"May isa pa ba kayong kapatid? Pinsan? Kapitbahay? 'Yong nag-a-advocate ng commitment at true love?"

Pasimple niya ulit na siniko si Mohana. Ang babaeng 'to! 

Natawa lang si Hanzel.

"Pasensiya ka na hindi pa ako napakilala masyado ni Gail sayo. Busy kasi ako lagi. Taping doon. Shooting doon. Fan meeting and all. Kaka-stress."

"Artista ka pala?" natatawang sakay pa ni Hanzel sa kaibigan.

"Naku hindi naman masyado, nagpapa-utang lang at taga singil ng utang kaya in demand. Minsan kapag may time nagni-networking. Open minded ka naman, diba?"

Kamuntik na niyang batukan si Mohana sa kadaldalan nito pero natatawa lang siya. Ang gaga kapag naibuka ang bibig 'di na masarado. 

"Bro," lumapit naman si Crosoft sa kanila. Naibaling naman ang tingin ni Crosoft kay Mohana at sobrang ikinatili ng kaibigan. Muntik na niyang masapak ang gaga kung hindi niya lang nakurot sa tagiliran. "Is she okay?"

"'Ray naman."

"Umayos ka," bulong niya sa kaibigan.

Umayos ito nang tayo at awtomatikong may handang ngiti ito kay Crosoft. Pero hindi pa rin napigilan nito ang pagka-die hard fan at mabilis na hinalungkat ang bag nito. "Jus ko! Pa autograph. Minsan lang 'to. Ipapa-frame ko 'to sa bahay. Maiinggit ang mga kapitbahay namin. Teka lang, 'yong digicam ko asaan na ba 'yon."

Sa huli ay natawa lang si Crosoft. "Seems familiar?" pabirong binalingan nito ang kapatid. "Naalala mo si Gail ganitong-ganito rin sak –" hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil siniko na ito ni Hanzel. "Aw," napahawak sa tagiliran si Crosoft. "Pak juice!"

Lumapit sa kanya si Hanzel at hinawakan ang mga kamay niya. Tumaas ang tingin nito sa mukha niya. 

"Brutal n'yo talaga sa isa't isa." Nakangiting komento niya.

Hanzel just shrugged and smile. "Hindi man lang kita nabigyan ng engagement ring."

"Ano ka ba, may wedding rin naman tayo mamaya."

"To be follow na lang."

"Huwag na. Sapat na saken ang isang sing-sing." Dinala nito ang isang kamay sa bibig nito. Masuyong ginawaran nito ng halik ang likod ng kamay niya. "Mamaya asawa na kita."

"Wala na 'yang atrasan."

"Syempre naman. Ako aatras? Ang hirap kayang kunin ng I DO mo." Hinila siya nito palapit saka mabilis na hinalikan sa mga labi.

"Hay naku! Respeto naman sa walang love life oh." Natawa naman sila nang mag-walk out si Mohana. "Saan kaya ako makakahanap ng pagmamahal? Ah hayun, baka single pa si sir. Kuya! Kuya! Ang gwapo mo ah. Open minded ka ba?"

"Hmm," sumunod naman si Crosoft. "Na saan na ba 'yong my lubs ko. Medyo naiingit ako ng slight. Cambria magpakita ka sa asawa mo."

Natatawang pinisil niya ang ilong ni Hanzel.

"I love you." She mouthed.

"I love you too."







"HANZEL!" tili ni Gail nang biglang pumasok sa banyo si Hanzel.

Tanging puting tuwalya lang ang nakatapis sa ibabang bahagi ng katawan nito. Oo na! Ikaw na ang may abs at maganda katawan. Jus ko! Nagkumahog siya sa kung anong gagawin niyang pantakip sa katawan niya habang nakalublob siya sa bathtub. Buti na lang maraming mga bubbles kaya natatakpan ang katawan niya.

Pero hindi niya pa rin maiwasang mailang. Damang-dama niya ang pag-init ng mga pisngi niya.

"Ano ka ba, parang 'di ko pa 'yan nakita." Mabilis na tinakpan niya ang mga mata nang alisin nito ang tuwalya sa baywangnito. Hanzel nakakaasar ka na, ha?! Pero tinawanan lang siya ng loko. "Ang cute talaga ng asawa ko. Nahihiya pa."

"Hanzel naman eh! Sa banyo ka talaga laging nanggugulat."

"Masaya sa banyo. Madaming nagagawa."

Sinamahan siya nito sa bathtub at pumwesto sa likod niya. Para siyang kinalibutan sa pagkakadampi ng mga balat nila sa ilalim ng tubig. Hindi pa rin siya nasasanay sa kakaibang pakiramdam na 'yon. Parang may kung anong init na unti-unting nabubuhay sa loob-loob niya kahit sa simpleng pagkakadampi lang ng kanilang mga balat.

"Naiilang ako," napayukong pag-amin niya. Nakagat niya ang ibabang labi. "Hindi ako sanay na ganito tayo Hanz." Tinawanan lang siya ng ugok. "Seryoso ako."

Mayamaya ay naramdaman na niya ang mainit na hininga nito sa leeg niya. Naipikit niya ang mga mata nang unti-unting paraanan nito ng mga halik ang leeg niya pababa sa nakahantad niyang mga balikat.

"Hmm..." tanging sagot nito.

"Talagang sa bathtub mo naman gustong subukan?"

He chuckled. "Pwede rin."

Magtigil ka nga diyan Gail. Honeymoon n'yo ngayon alangan namang magtitigan lang kayo buong gabi. Pero, sa bathtub? Normal pa ba 'yon?

"Teka lang! Teka lang!" pigil niya kay Hanzel. "Kinakabahan ako."

"Ba't ka kinakabahan? Lagi naman natin 'tong ginagawa." Nakangising sagot ni Hanzel sa kanya. Halatang nag-i-enjoy sa nakikita niyang pag-aalala sa mukha niya.

"Pero hindi pa sa bathtub."

"Kaya nga, try din natin."

"Ayoko."

"Huh?" tila hindi naman maalis ang pagka-amuse sa mukha ni Hanzel. "Malaki naman 'tong bathtub. Kasyang-kasya tayo."

"Paano kung malunod ako?"

"Malunod ka sa sarap –"

"Hanzel!" binasa niya ito ng tubig sa mukha. Malakas na tumawa lang ito. "Nakakainis ka na. Tahimik na naliligo lang ako dito pero nang-aano ka. Saka na natin gawin 'yon." Niyakap naman siya nito bigla. Napasinghap siya nang maramdaman niya ang mga binti din nitong nakayakap din sa mga binti niya.

Hindi pa nga sa nakakabawi sa ginawa nito heto't nagawa siya nitong pihitin paharap rito. Nasa itaas na siya nito. Sa ginawa nito ay natitigan niyang maagi ang mukha ni Hanzel. Nakangiti ito sa kanya at mukhang aliw na aliw sa ginagawa nito sa kanya.

Napalunok siya bigla. Bakit ba ang gwapo ng asawa ko?

"Let's just enjoy the moment." Basag nito.

Kumalma naman lahat ng mg nag-aalsa niyang pakiramdam at tuluyan na nga siyang napangiti. "Bahala ka na nga sa buhay mo." Bahagya siyang lumayo para makatabi rito. "Isug ka ng konti."

Tumalima naman agad ito. Sumiksik siya sa tabi nito at umunan sa balikat nito. "Bibigay ka din naman pala."

"Ikaw kasi binibigla mo ako." Simangot niya. "Puro ka kalokohan."

"Ang cute mo kasing binibiro. Masyado kang seryoso."

"Nanahimik ako dito."

"Eh gusto kong mag-ingay tayo."

"'Di sumigaw ka. Gago."

Natawa lang ito sa sagot niya. "Masyado kang highblood diyan. Honeymoon natin 'to, we're supposed to be cuddling all day or making love every hour."

"Mag-isa ka sa every hour mo Hanzel. Baka bukas 'di na ako makalakad."

Lumakas lang ang tawa nito. "'Yan ang gusto ko sayo eh. Sarap mong mambara."

"Naaliw ka ba masyado?" pabalang pa rin niya sagot.

"Tama na nga," pinasiksik pa siya nito sa tabi niya. "Ayokong iniinis ang asawa ko't gabi na. Madami pa namang pwedeng gawin kapag gabi."

"Oo ang matulog."

Itinaas nito sa harap nila ang mga kamay nila kung saan suot nila ang wedding ring nila. Pinagsalikop ni Hanzel ang mga kamay nila.

"Kompleto na ako Gail."

"Huh?"

"Kahit na hindi ko pa naalala ang lahat pero 'yong dito sa parteng 'to." Itinuro nito ang puso nito. "Kompleto na. Masaya na." Napangiti siya. "Wala na yata akong mahihiling pa Gail kung hindi ay maging masaya lang tayo at maging malusog ang mga anak natin."

"Ako din."

"And of course, masaya ako dahil asawa na kita." Dinala nito ang kamay niya sa bibig nito saka hinalikan ang likod ng kamay niya. "I want us to focus on what we have at present. Maging masaya lang tayo. Alagaan natin ang isa't isa at ang mga anak natin. Enjoy every moments we have. Arguments are okay, as long as at the end of the day we make that up with a kiss."

"Gusto ko din 'yan."

"Me too,"

Bumaba ang mukha nito sa mukha niya saka nito sinakop ang mga labi niya. She opened her mouth for him and hungrily kissed him back with the same eagerness and passion. Sinapo nito ang panga niya para pailaliman ang halik.

Nagsimulang maglikot ang mga kamay nito sa katawan niya. Napaungol siya nang maramdaman niya ang isang kamay nito na minamasahe ang isang dibdib niya. Bumaba naman ang mga halik nito sa panga niya hanggang sa mga balikat niya. Nilulunod siya nito ng mga halik while his other free hand exploring every part of her body.

Bumalik ang labi nito sa labi niya at muling pinagsawa ang sarili nila sa paghalik sa isa't isa. Tumaas ang mga kamay niya sa buhok nito at kinabig pa ito palapit sa kanya. Naramdaman niya ang pagngiti nito sa halik ni Hanzel.

Tumigil ito at hinuli ang tingin niya. "Alam mo pwede naman tayong lumipat sa kama –"

"Hindi na," may ngiting putol niya rito. "Okay lang ako dito."

"Sabi mo 'yan ah."

May ngiting tumango siya. Napasinghap naman siya nang bigla siya nitong siilin ulit ng halik. She let out heartily chuckle in between kisses saka nakipagtagisan ng halik kay Hanzel. Kissing him with the same desire and longing to be owned by him. Para sa asawa niya, handa siyang magpa-angkin rito ng paulit-ulit.

"I love you, Baby." Anas nito sa tainga niya.

"Mahal din kita."

At nang gabing 'yon ilang ulit siyang inangkin ng asawa niya na hindi niya tinutulan at buong puso niyang ibinigay.








"NANDITO ka lang pala!" hinihingal na lumapit si Hanzel kay Gail. Naingat niya naman ang mukha kay Hanzel. "Akala ko naman kung na saan ka na naman." Pagod na pagod na naupo ito sa tabi niya. Hanzel stretched his legs in front and leaned his arms behind.

"Ganda noh?" basag niya.

Pinagsawa niya ang tingin sa papalubog na araw. Nagmistulang orange sky ang buong kalangitan. Ang gandang tignan na unti-unti nang nagtatago ang araw sa ilalim ng dagat.

"Napapansin kong kapag nasa malapit ka sa dagat mahilig kang tumambay sa dalampasigan." Komento nito.

May ngiting binalingan siya nito. "Gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakakakita ako ng dagat. At saka, naalala ko ang Tatay at ang pamilya ko. Kapag kasi ganitong oras na at halos kalat na ang kulay orange sa kalangitan tumatambay kami nila Tatay sa labas ng bahay at sabay naming hinihintay na lumubog ang araw."

"Miss na miss muna siguro ang Tatay mo, noh?"

"Oo naman. At alam ko magkikita din kami." Umisod siya palapit rito. Umayos naman ng upo si Hanzel at tiniklop ang mga binti sa harap nito. Niyakap niya ang isang braso nito sabay hilig ng ulo sa balikat nito. "Naniniwala ako na magkikita ulit kami."

"Nangako ako diba? Nangako akong tutulungan kitang hanapin ang Tatay mo. Kaya magtiwala ka saken."

"Salamat,"

Ilang segundo silang natahimik at nakontento lamang sa pagtanaw sa magandang view sa harap nila.

"Alam mo ba ang sabi ng kuya ko kung bakit gustong-gusto niya ang papalubog na araw at orange skies?" Basag nito mayamaya.

Bahagya niyang inangat ang mukha kay Hanzel. "Bakit?"

"Cause it always feels like no matter how bad your day was and how frustrated you were that day... at the end of the day, God still give you a beautiful ending."

"Tama." Tumango siya. " Maganda nga."

Inakbayan siya ni Hanzel. "Tama, dapat planohin na din natin na sundan ang kambal."

"Mag-plano ka mag-isa."

"Sige, okay lang saken basta tayong dalawa gagawa."

"Gago!"

"Hahaha."






Kahit na weekend update lang ang nagagawa ko ay masaya ako dahil madami pa rin sa inyo ang naghihintay at sumusubaybay sa kwento nila Hanzel at Gail at dahil diyan napaka-awesome n'yong lahat. Hindi ko tuloy alam kung ano ba dapat i-gift ko sa mga loyal readers ko at lalo na sa mga nagtitiyagang maghintay sa mga updates. 'Yon lang. Salamat! Salamat din sa mga comments n'yo. Nakaka-inspire. <3 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro