Destiny 17
"SABI ko sayo uulan eh." Nakatawang ulit na naman ni Gail nang mabuksan ang pinto ng kwarto nila. "Ayaw mo makinig."
"Nag-enjoy ka naman." Isinarado ni Hanzel ang pinto sa likod nito sabay lapit sa kanya para alisin ang mga dumikit na hilbla ng buhok sa mukha niya dahil basang-basa na silang dalawa sa ulan. "So no regrets."
"Maliligo ako." Ibinaba niya ang mga kamay ni Hanzel. "Ako muna tapos sumunod ka. Baka siponin ka pa." Tinalikuran niya na ito pero hindi pa nga siya gaanong nakakalayo ay mabilis na pumulupot ang mga braso nito sa baywang niya.
"Hindi ba pwedeng sabay na lang tayo maligo?" malambing na bulong nito sa tenga niya.
"Hindi pwede." Kumalas siya sa pagkakayakap ni Hanzel. Hinarap niya ito at pinangkitan ng mata. "Conservative ako." Biro niya.
Malutong na natawa ito sa kanya. "So ako ang mag-a-adjust para sayo?"
"Malamang,"
Amuse na amuse na pinag-krus nito ang dalawang braso sa itaas ng dibdib nito. "You're cute Gail."
"Matagal ko ng alam 'yan." Tinalikuran niya na ito at mabilis na tinungo ang banyo. "Diyan ka lang."
"Make me."
"Stay there Hanzel D'Cruze."
"Can't promise that Honey."
Nakangiti pa rin na pumasok siya sa banyo. Hindi niya inakala na ganoon kagaan sa pakiramdam 'yong wala na siyang pinipigilan sa sarili. Malaya na siyang gawin ang lahat ng gusto niya. Malaya na siyang mahalin si Hanzel.
Nasa kalagitnaan siya ng paghuhubad ng damit niya nang biglang pumasok si Hanzel sa banyo.
"Hanzel!" Napasinghap siya sa sobrang gulat.
Nakalimutan niyang i-lock ang pinto.
"I told you I can't promise that."
Napakurap-kurap siya nang mabilis na mahubad ni Hanzel ang suot niyang blouse. Mabilis na naitakip niya ang mga kamay sa katawan niya. Kulang na lang ay lumabas ang puso niya sa dibdib niya sa sobrang kaba. Hindi siya sanay sa kakaibang titig na ibinibigay ni Hanzel sa kanya.
Tila ba hinuhubaran siya ng mga titig nito. Well, hinubaran ka naman na niya Gail. No. Pinalis niya ang naglalarong kamunduhan sa isipan niya.
"Hanzel," itinulak niya ito palabas pero tila hindi man lang ito natinag. Mabilis na nahawakan nito ang kamay niya saka 'yon dinala sa bibig nito. Hindi na niya makalma ang sarili niya nang isa-isa nitong halikan ang mga daliri niya habang ang mga mata nito ay sa kanya lang nakatingin. "H-Hanzel... a-anong... g-ginagawa mo?"
Napasinghap siya nang bahagya siya nitong itulak sa malamig na pader. Bahagyang ibinaba nito ang mukha sa kanya saka uli nito hinuli ang mga mata niya.
"Would you hate me?"
"Huh?"
"I want you Gail..." isinandal nito ang isang braso sa pader. Sa ginawa nito ay lalo lang silang napalapit sa isa't isa. Malakas pa rin ang tibok ng puso niya. Hindi niya magawang makalma ang sarili niya lalo na't nakakulong siya sa ilalim nito.
"I want to make love with you right now." Napakurap-kurap siya sa mga salitang binitiwan nito. Handa na ba siya? "Pero natatakot ako na baka magalit ka." Tila nahihirapan na dagdag nito.
Pero handa na ba ulit siyang ibigay ang sarili kay Hanzel? Noong unang may mangyari sa kanila ay dala lamang ng takot at pagpilit sa kanila. Hinayaan niya ito dahil buo ang tiwala niya rito at tako rin siyang patayin ng mga armadong lalaki. Pero iba na ang sitwasyon nilang dalawang ngayon. Maraming pwedeng mangyari. Maaring 'di niya 'yon magustuhan pero... Would she still give him the trust she gave to him when they were both strangers?
Buo pa din ba ang tiwala niya kay Hanzel?
Humugot siya ng malalim na hininga. Matapang na sinalubong niya ang mga mata nito. She saw a burning passion in his eyes. Tila may pinipigilan ito sa loob-loob nito na mukhang ano mang oras ay kayang-kayang tibagin ang kung ano mang pumipigil rito.
Pero mukhang hindi si Hanzel ang unang bibigay sa pagkakataong ito.
"Hindi ako magagalit."
Mabilis na ikinuwit niya ang mga kamay sa leeg nito saka hinila ito palapit hanggang sa maglapat ang mga labi nila. Naramdaman niya ang pagkabigla ni Hanzel sa ginawa niya pero dali din 'yong nawala at napalitan ng halik na may ngiti.
Kinabig siya nito palapit sa katawan nito at mas lalong pinailalaliman ang bawat halik na ibinabalik nito sa kanya. Tila uhaw na uhaw sila sa isa't isa at ibunubuhos nila ang lahat ng 'yon sa mga halik. Pinasan siya nito at pinaupo sa sink counter nang hindi pinuputol ang halik. Bumaba ang mga halik nito sa leeg niya hanggang sa itaas ng dibdib niya.
Napa-ungol siya nang maramdaman ang bahagyang pagkagat nito sa leeg niya. Napadiin ang paghawak niya sa kwelyo ng damit nito. Sunod niyang naramdaman ang mainit na kamay nito sa katawan niya. Tila napapaso siya sa bawat haplos na ibinibigay nito sa kanya. Tila unti-unti siyang sinisilaban na hindi niya maintindihan.
Parehong habol ang hininga na pinutol nito ang halik. Pinagdikit nito ang mga noo nila saka siya nito ginawaran ng mga mumuntik halik sa mukha. Hindi niya mapigilan ang mapangiti sa ginagawa nito.
"C'mon, I'll take you to bed." Anas nito.
Pinangko siya nito at muling hinalikan sa mga labi. She wrapped her legs around his waist at kumapit ng mabuti kay Hanzel. Maingat na inihiga siya nito sa kama habang unti-unti niya namang hinihila ito palapit gamit ng kwelyo ng polo nito. Saka niya isa-isang kinakalas ang butones ng polo nito hanggang sa mahubad 'yon.
"I want you to promise me that you won't regret any of this tomorrow." Wika nito habang hinuhubad ang suot nitong pantalon. "'Cause I'm already dying to be with you tonight, Honey."
May tangong ngumiti siya rito. "Promise."
"Thank Goodness." Muli siya nitong siniil ng halik sa labi na buong puso niyang tinugon. "God, I love you Gail."
Mahal din kita Hanzel at hindi ko pagsisihan na ibigay ang sarili ko sayo.
MALAKAS ang simoy ng hangin. Tila musika naman sa pandinig ni Gail ang alon ng dagat. Naka unan siya sa balikat ni Hanzel habang nakahiga sila sa duyan sa lilim ng puno ng niyog. Inaantok tuloy siya sa paraan ng paghaplos ni Hanzel sa buhok niya.
"Gail," basag nito.
"Hmm?"
"Napansin ko lang na hindi mo pa nababanggit sa akin ang pamilya mo. Mag-isa ka na lang ba?"
Naimulat niya ang mga mata. "Sa totoo lang..." naisip niya ang tatay at mga kapatid niya. "Hindi ko alam kung na saan sila." Malungkot na pag-amin niya.
"What happened?"
"Napilitan akong umalis sa bahay." Simula niya. "Halos araw-araw naglalasing ang Tatay ko at nag-aaway kami. Hanggang sa tuluyan na nga niya akong pinalayas sa bahay." Napangiti siya ng mapait. "Alam mo, hindi naman ganoon ang Tatay noon."
"Nagbago siya? Kasi, diba nabanggit mong close na close kayo ng Tatay mo. Lagi ka nga niyang sinasamahan sa mga contest."
Bahagya siyang tumango. "Sobrang bait nun. Sobra. Sabi ko sa sarili noon na sobrang blessed ko dahil ang bait ni Tatay. Kahit na hindi kami mayaman, masaya lang kami nila Nanay. Simple lang ang buhay pero ang saya pa rin."
"Then why did he changed?"
Napabuntong-hininga siya. "Nalaman niya na hindi pala niya ako totoong anak."
Nakaramdam na naman siya ng kirot sa dibdib niya. Ilang beses niyang pinagdasal sa Dios na sana magising na siya sa masamang panaginip na 'yon. Na sa paggising niya, totoong anak parin siya ng kinilala niyang ama.
Bigla-bigla ay naramdaman niya ang pamamasa ng mga mata niya.
"Gail?" puno ng pag-aalalang tawag ni Hanzel sa kanya.
"Debut ko nun, simple lang naman 'yong handa. Plano lahat 'yon ni Tatay. Yong parang debut lang din. May eighteen roses, pero 'yong akin eighteen gumamelas." Hindi niya mapigilan ang mapangiti sa alaalang 'yon. "May eighteen treasures din ako, eighteen sea shells na may mentos sa loob." Narinig niyang bahagyang natawa si Hanzel sa narinig. Kahit noon natawa din siya. "Tapos may father and daughter dance."
"Seems fun and memorable."
"Oo sana," bigla siyang nalungkot. "Kaso noong araw ding 'yon nalaman ni tatay na hindi niya ako totoong anak. Dumating 'yong isang kaibigan ni Tatay mula abroad. At aksidente nitong nabanggit ang tungkol sa relasyon ni Nanay sa kaibigan nito noon nang malasing ito. Na kamukhang-kamukha ko daw ang totoo kung ama."
Tuluyan na niyang hindi napigilan ang mga luha. "Galit na kinumpronta nito si Nanay at doon nga sila nagkaaminan. Na habang magkasintahan pa lang sila ni Tatay noon at nasa syudad ito ay nakilala naman ni Nanay ang totoo niyang ama. Kaso, pinaglaruan lang nito ang nanay niya at iniwan din sa huli. Simula noon hindi na ulit siya ang amang nakilala ko. Sobrang nasaktan si Tatay sa ginawang panloloko sa kanya ni Nanay. Hindi ko naiwasang sisihin si Nanay noon. Nagalit ako sa kanya."
Kaso...
"Namatay siya nang hindi man lang ako nakakapag-sorry sa kanya." Hikbi niya. "Kung alam ko lang na ganoon pala kaaga siyang mawawala sa amin 'di sana inunawa ko siya."
Naramdaman niya ang pagyakap ni Hanzel sa kanya. "Gail, it's okay."
"Hindi ko man lang nasabi sa kanya na mahal ko pa rin siya. Sobrang pinagsisihan ko ang ginawa kong 'yon Hanzel. Gusto ko siyang makausap muli at makita pero alam kung imposible dahil wala na talaga siya."
"I'm sure na naintindihan ka ng Nanay mo Gail. Ina siya. Maiintindihan ka niya."
"Alam ko, pero sinayang ko pa rin."
"Kung na saan man ang nanay mo ngayon, sigurado akong masaya ka niyang binabantayan."
"G-Gusto kong makita ulit si Tatay. K-Kaso... h-hindi ko alam... h-hindi ko alam kung saan ko sila hahanapin." Kung sana hindi sila umalis ng Santa Fe. Kung sana nandoon pa rin sila.
"We can." Naingat niya ang luhaang mukha rito. May ngiting pinahid nito ang mga luha sa mukha niya. "Alam mo, walang imposible kapag gusto. Tiwala lang. Mahahanap natin ang Tatay mo."
Nakangiting napa-iyak siya. "S-Salamat." Mahigpit na niyakap niya si Hanzel. "Salamat Hanzel."
"You're always welcome my Grethel Gail."
GULAT ang unang naramdaman ni Gail nang makita sila Milko at Milky sa bahay. Hindi niya mapaliwanag pero naiiyak siya sa sobrang pagka-miss niya sa dalawa. Kulang na lang ay takbuhin niya ang distansyang pagitan nila ng mga anak.
"Milko! Milky!" sigaw niya sabay yakap sa dalawa.
"Mama!" sabay ng dalawa. "Sobrang na miss ka po namin." Iyak ng mga ito. "Sama ka na lang pala sa susunod Mama. Hindi pala namin kaya."
Natawa siya. Pero mas nagulat siya dahil ang pupula na ng mga pisngi ng dalawa. Halatang nababad ng matagal sa sikat ng araw. Hindi niya napigilan ang kurotin ang mga pisngi ng dalawa.
Napadaing naman ang kambal. "Mama. Ang sakit. Huwag po. Masakit."
"'Yan kasi. Sinong may sabing magbabad kayo ng buong araw sa ilalim ng araw? Sunog na sunog na kayo."
"Ay, nakakasama ng loob." Kakapasok lang ni Hanzel sa bahay. "'Yong Mama n'yo lang ang na miss n'yo?" Ibinaba nito sa sahig ang maleta nila.
"Papa!" sigaw ng kambal sabay takbo at yakap sa Papa nila. "Papa we miss you po."
"Talaga ba, ha?"
"Oo naman po!"
"'Di po kami nagla-lie."
"Brother!" mabilis pa sa alas-kwatrong lumapit at umakbay si Crosoft kay Hanzel. "How are you? It's been what? 10 years? Haha."
"Gago!" siniko nito ang kapatid. "May atraso ka pa saken."
"Ay talaga ba? Susuntukin mo ba ako o papasalamatan?"
"Kakatayin kita."
"Haha," mabilis na lumayo si Crosoft kay Hanzel. "Halika na, kain tayo sa labas. My treat."
"Yes!" masiglang tili ni Danah.
"Okay Danah, ilabas na ang mga table sa labas."
"Daddy, ha? 'Yan ka na naman."
Ngumisi si Crosoft. "I know right." Inakbayan nito si Danah saka pinisil ang tungki ng ilong nito. "Joke lang. Ikaw talaga."
NAGTATAKA si Gail kung bakit busy-ing-busy si Hanzel sa kung ano. Naabutan niya itong naka-upo sa gilid ng kama habang maraming nakakalat na papel sa itaas ng kama. Nilapitan niya ito at sinilip ang mga nakasulat sa mga nakakalat na papel.
Kumunot lang ang noo niya nang makita ang NSO at mga government IDs and documents nito. Ano na namang ginagawa ng 'sang 'to?
"Oy anong ginagawa mo diyan?"
"I'm preparing the requirements."
"Requirements sa ano?"
Inangat nito ang mukha sa kanya. "Requirements para sa civil wedding natin."
Muntik na siyang mabulunan sa sinabi nito. Napa-ubo talaga siya sa sobrang gulat. Hindi niya inasahan ang sasabihin ni Hanzel.
"C-Civil Wedding?" hindi makapaniwalang ulit niya.
"Uh-huh, you heard that right."
"Pakakasalan mo ba sarili mo?"
"Natin nga diba?"
"Eh ba't requirements mo lang?"
"Sasabihin ko pa lang 'yong plano ko. Kaso na huli muna ako." He give her a mischievous smile.
"Mahuhuli ka talaga dahil masyado kang pa obvious diyan."
"Talaga ba?"
"Ewan ko sayo." Hindi niya mapigilan ang matawa. Tumayo naman ito at lumapit sa kanya. He wrap his arms around her waist and look at her straight in the eyes. "Oh ano? Handa ka na bang pakasalan ang sarili mo?"
"Silly," pabirong pinisil nito ang ilong niya. "Tayo nga, diba?"
"Pumayag ba ako?"
"Ikaw na lang mag-adjust para saken."
"Nag-a-assume ka na naman."
"Marry me Gail."
"Why would I?"
"Kasi lumalaki ang kasalanan natin sa Dios dahil lagi tayong gumaganon nang hindi pa tayo kasal. So bawasan na natin 'yon. Less Sin, More Ganun."
Pinaningkitan niya ng mata si Hanzel. "Anong ganun na naman 'yan, ha?"
Binitiwan siya nito at umakto itong nahihiya. Napahawak ito sa magkabilang pisngi nito. "Gail, don't make me say it. Nahihiya ako."
"Baliw! Tigilan mo ako Hanzel, ha?" Hindi niya mapigilan ang matawa. "Seryosong usapan ang kasal. Kahit na civil lang, legal 'yon."
"Of course I know that." Umayos ito ng tayo. He give her a serious face. "Seryoso ako. I want to marry you."
"Pero wala ka pang naalala. Diba ang usapan nat –"
"I don't care about my lost memories. It won't stop me from choosing you as my wife. It wont stop from being Milky and Milko's father. I want them to have a complete family. I want to spend my life with you Gail. Bakit pa natin 'yon patatagalin?"
Napabuntong-hininga siya. "Sino bang may sabing hindi ako papayag?"
"Gail, pag-aawayan na naman ba natin –" kumunot ang noo nito nang tila may napansin itong iba sa sinabi niya. Nanlaki bigla ang mga mata nito. "Did you just said YES?"
"No," Kumunot ang noo nito. Ngumiti naman siya. "Kasi sabi ko I DO."
Bigla-bigla ay niyakap siya nito at pinaikot-ikot. Napatili siya habang mariing napayakap rito ng mahigpit. "Hanzel!"
"Yes! Yes!" Huminto ito. Habang hilo-hilo naman siyang nakaapak ulit sa sahig. Pero hindi pa nga siya nakakahuma ay siniil na siya nito ng halik sa mga labi. "I love you! I love you!"
Hindi niya naman mapigilan ang mapangiti at matawa. "Gago ka! Nahihilo ako sayo."
"Nahihilo ka?" mabilis na hinawakan nito ang mukha at mga balikat niya na tila takot ito na baka may kung anong masakit sa kanya. "Buntis ka na ba? Ilang seconds na?"
"Gago ka!" nasuntok niya ito sa braso. "Umayos ka at baka magbago pa isip ko."
Bigla naman itong tumayo ng maayos. "Maayos na ba ako?"
Hindi niya alam kung matatawa siya o maasar kay Hanzel. Pero mas pinili niyang halikan ito sa mga labi. Na out of balance ito kaya pareho silang bumagsak sa itaas ng kama. Pinutol niya ang halik at tinignan ito sa mga mata.
"Naks, aggressive. I like that." Natawa lang siya sa amuse na amuse na reaksyon nito. Akmang hahalikan niya ulit ito nang pigilan siya nito. "Teka lang, 'yong mga birth certificate ko baka mawala."
"Sino ba kasing nagsabi sayo na sa kama ka mag-compile ng mga papeles mo?"
"Oo nga, noh? Bobo masyado. Pero promise, saglit lang 'to. Importante ang birth certificate ko." He chuckled. "Tang na juice. Sana pala sa sahig na lang." Ngumisi ito bigla na para bang may naisip ito bigla. "Sa sahig na lang tayo."
"Anong sa sahig?"
"Sa sahig na lang tayo mag ganun."
"Ayoko nga! Masakit sa likod."
"Sa taas ka na lang pumwesto –" napalo niya naman ito sa dibdib. Malutong naman itong tumawa. "Ang sakit po, ha?"
"Maglinis ka na lang muna." Tumayo na siya.
"Sa banyo na lang tayo."
"Maglinis ka."
"Hmm," hinila nito ang sarili pa upo sa gilid ng kama. Naglapat ang mga labi nito. "Sabi ko nga maglilinis ako." Sa huli ay napakamot na lang ito sa ulo.
"'Yan kasi. Kung saan nagkakalat."
"Sorry na nga po."
Hay naku Hanzel. Kahit kailan talaga. Ikaw ang kulit mo.
Hope you enjoyed! <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro