Destiny 16
MUNTIK nang matalisod si Gail at mapasigaw kung hindi lang nakasunod si Hanzel at nahawakan siya nito. Kaso ang walangya buong mukha naman ang tinakpan nito. Imbes na mapagsalamat ay naiinis lang siya rito.
Asar na pinalis niya ang kamay nito at pinaningkitan ito ng mata.
"Huwag kang masyadong mag-ingay." Kumunot ang noo niya. "Napaka-sensitive ng mga tarsier. Kapag 'yan naasar sayo. Aakyan 'yan doon sa pinakamataas na sanga at tatalon. Sige ka, ikaw pa ang maging dahilan ng kamatayan nila."
"Ba't naman sila magpapakamatay?"
"Maliit lang mga utak nila. Masyado pang sensitive. Nai-stress sila ng sobra sa ingay, flash ng camera at kapag panay hawak mo sa kanila. Kapag stress out sila pinupukpok nila ang ulo nila sa cage or umaakyat sila sa taas para lang mag suicide."
"Ay ganun?"
Hanzel nodded. "Kaya huwag kang masyadong makulit dahil kahit ako nai-stress sa ka hyperan mo. Baka ang tarsier na lang ang mag-adjust para sayo."
Kumapit siya kay Hanzel. "Alis na lang tayo. Ayokong dumanak ang dugo ng mga tarsier dahil saken. Hindi ko kaya kakayanin 'yon."
Natawa naman si Hanzel sa kanya. "Baliw. But anyway, since nabanggit mo na rin 'yan. Pumunta na lang tayo sa chocolate hills saka sa man made forest." Inakbayan na siya nito. "Sa Loboc river cruise na lang din tayo kumain pagkatapos."
"Mauubos naman yata natin agad ang mga tourist spots dito."
"Ano ka ba, okay lang 'yan. Ang plano ko talaga, gumala tayo ng isang linggo tapos magkulong tayo sa kwarto ng isang linggo." Kinurot niya ito sa tagiliran. "Pak juice! Ang sakit naman nun." Ngiwi nito. "'To naman hindi na mabiro."
"HANZEL dali picture-ran muna ako habang wala pang dumadaan!"
Pumwesto agad si Gail sa gitna ng mga naghihigantihang puno na tila nagsilbing shade sa buong daan. Sa TV lang niya 'yon nakikita. Ang ganda pala ng man made forest sa personal. Malamig pa.
"Ang daya ikaw lang mag-isa?!"
"Salitan tayo. Pagkatapos ko, ikaw naman kukunan ko. Dali na baka may dumaan na bus." Lumingon pa siya sa likod bago itinaas ang dalawang kamay sa ere para sa gusto niyang pose. "Ready na ako."
Inihanda na ni Hanzel ang camera. "Handa ka na?"
"Oo! Dali na baka may dumaan!"
"Handa ka ng mahalin ako?!"
"Oo!" Kumunot ang noo niya sakto namang nakuhaan na siya nito ng picture. Napasimangot naman siya. "Ang daya mo! Ang pangit ko sa picture, noh?" Nilapitan niya si Hanzel at pinalo sa braso. "Ulitin mo."
"Uulitin ko kapag sinabi mong handa mo na akong mahalin." He teased. "Narinig ko sabi mo oo."
"Wala akong narinig." Kaila niya.
"Aysus! Ayaw pa umamin. Sabihin mo lang oo at pakakasalan kita ngayon din."
"Echosero 'to. Oh ikaw na pumwesto sa gitna." Itinulak na niya ito. "It's your time to shine." Pero sa halip na tumalima ay lumapit ito sa isa sa mga turista doon at mukhang naki-usap pa itong kunan sila ng picture.
"Halika na," hinila na siya nito papunta sa gitna pagkatapos. "Damihan mo pose mo dahil unlimited 'to."
Ang dami yatang picture nilang dalawa ni Hanzel. Ang kulit-kulit kasi. Ang daming pose ng loko. Pati siya nahahawa sa ka hyperan nito. Nag-enjoy lang din siya. Kanina madami din silang pictures sa Chocolate Hills. Napagod lang siya sa pag-akyat.
Bigla-bigla namang umulan. Mabilis na nagpasilong sila sa isang tabi. Hindi pa rin maalis ang saya sa mukha ni Hanzel kahit na nababasa na sila. Hindi niya naman mapigilan na pagmasdan ang mukha nito. Hindi niya namalayan na napapangiti na pala siya sa sayang nakikita niya sa mukha nito.
Napasinghap naman siya nang bigla itong bumaling sa kanya. Patay! Napansin kaya niyang nakakatitig ako sa kanya?
"Oh? Bakit?"
"Wala! Ano lang, 'yong camera natin basa na." Kaila niya.
"Huwag kang mag-alala, waterproof naman 'to. Chill ka lang."
"Ah, buti naman." Diosk ko Gail. Kumalma ka diyan. Pero bakit ganun? Bakit bigla-bigla ay gusto ko siyang yakapin at mahawakan? 'Yong feeling na ayoko ng lumayo sa kanya? Ganoon na ba talaga kita ka mahal Hanzel?
Nagulat siya nang biglang may mabilis na bus na dumaan sa harap nila. Sa sobrang gulat niya ay talagang natigilan siya at napatulala. Bigla-bigla ay naramdaman niya ang pagyakap at pagtabi ni Hanzel sa kanya.
Napakurap-kurap siya.
"Are you okay?"
"H-Huh?"
Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. Naingat niya ang mukha kay Hanzel. He cupped her face and rubbed her arms to check kung okay lang ba talaga siya. Tulala pa rin siya.
"Gail, okay ka lang ba?"
"A-Ano..."
"Sorry 'di ko agad na pansin na sobrang lapit pala ng bus sa atin. Hindi din agad ako nakakilos." Napatitig siya sa mga mata ni Hanzel. Seryosong-seryoso din ang expression ng mukha nito na tila ba may bumabagabag sa isipan nito.
"O-Okay lang."
"Halika na, umuwi na muna tayo."
Tumango lang siya. Ganoon ba siya kagulat kanina para hindi niya mapansin na mahahagip siya ng bus? Parang ngayon lang yata siya pinanghinaan ng lakas.
TAHIMIK na ipinikit ni Gail ang mga mata at nilanghap ang sariwang hangin ng gabi. Sa ginawang 'yon ay nakadama siya ng kakaibang panatag sa puso. Ini-imagine niyang nasa bayan siya ng Santa Fe. Na kapag lumingon siya makikita niya ang maliit na bahay nila malapit sa dagat. Naglalaro ang mga kapatid niya habang naglalambing ang tatay niya sa nanay niya sa kusina.
Napangiti siya. Miss na miss ko na kayo Pa. Sana okay lang kayo ng mga kapatid ko. Sana, kahit 'di man ngayon, magkita ulit tayo.
"Akala ko iniwan muna ako dahil masyado na akong tahimik buong mag-hapon."
Naimulat niya ang mga mata at naibaling ang tingin sa nagsalita. Naupo sa tabi niya si Hanzel. Nililipad ng mabining hangin ang buhok nito. Napangiti siya nang tignan siya nito.
"Gago, sa tingin mo malalangoy ko ang pagitan ng Bohol at Cebu." Ibinalik niya ang tingin sa dagat habang nilaro-laro ng kamay niya ang maputing buhangin. "Hindi nga ako marunong lumangoy."
Hanzel chuckled. "Pasensiya na nga pala kanina. Nasira ko pa 'yong mood sa biglang pananahimik ko."
"Okay lang, madami naman na tayong na pasyalan."
Sandali itong na tahimik. Tila na hulog na naman ito sa malalim na pag-iisip. "Kanina," basag nito. "Nang dumaan 'yong bus..." naibaling niya ang tingin rito. "Naramdaman ko ulit 'yong takot. I felt that same fear I've been trying to ignore. Lalo na nang huli na para mapansin na sobrang lapit mo sa daan... na kung na huli ako ay baka nahagip ka na nun."
"Hanzel?"
"Alam mo bang simula nang aksidente na 'yon. Hindi ko na ulit nagawang sumakay ng bus." Malungkot na ngumiti ito. "Even when I was in States, as much as possible I take a cab."
Mas sosyal ka, ako nga jeep lang, kapag 'di kinaya ng budget dipadyak or trysikil. Pero hindi ko alam na pareho pala tayo. Hindi na rin ako nakakasakay ng bus.
"Pero minsan ba naiisip mo Hanzel kung magkakalakas loob ka pang sumakay ng bus? Na baka kapag nagawa mo 'yon makakatulong 'yon para maibalik ang memorya mo?"
"Should I try?" he glance at her.
"Hindi ko alam. Naisip ko lang din naman."
"Pero maiba ako Gail."
"Hmm?"
"Kung hindi ba tayo magkakilala. I mean, kunwari nagkita lang tayo dito sa resort. May appeal ba ako sayo? Magkaka-crush ka ba saken?"
Natawa naman siya. "Anong klaseng tanong 'yan?"
"Sagutin mo na lang ako. Gusto kung malaman kung may chance pa rin tayo kung sakaling na iba ang sitwasyon."
"At talagang ako pa ang tinatanong mo ng ganyan? Baka ikaw pa 'tong hindi man lang ako tatapunan kahit isang tingin lang." Una nga tayong nagkita namudmud pa ang pagmumukha ko tabi ng bus dahil dinaanan mo lang ako.
"Hindi naman siguro, noh?" parang batang simangot nito.
"Sigurado ako. Sa taas ng standards mo mapapansin mo pa kaya 'tong simpleng ganda ko?" pasimple niyang hinawi ang buhok sa likod ng isang tenga niya at nagpa-cute. "Hindi mo mapapansin."
"Mapapansin ko."
"Hindi."
"Mapapansin ko nga." Inis na inis na ito. Siya naman natatawa siya. Para kasing bata ito na ayaw magpatalo. "Basta mapapansin ko. Mapapansin kita. Mamahalin kita."
Natahimik sila pareho.
"Hindi ka naman mahirap mahalin Gail. Alam kong makakaya kitang mahalin."
Napangiti siya. "Sabi mo eh." Bumuga siya ng hangin. "Ako naman." Binalingan niya muli ito. "Gusto kong malaman Hanzel kung sakali ngang totoo lahat ng sinabi ko sayo na hindi ako ang totoong Gail mo. Ano ang unang-unang gagawin at sasabihin mo saken?"
Kumunot ang noo nito sa kanya at tila napa-isip dahil hindi agad ito nakasagot.
"H-Hindi ko alam."
Napangiti siya ng mapait. Inihilig niya ang ulo sa balikat nito. "Ayoko ding isipin."
"Bakit? Ano bang naiisip mong gagawin ko?"
"Ayoko ngang isipin."
"Hindi huwag mong isipin."
Nagulat siya bigla nang halikan siya nito sa mga labi. Hinawakan nito ang kabila niyang mukha para pailaliman ang halik. Wala siyang nagawa kung hindi ang ipikit ang mga mata at magpa-ubaya. Pipigilan niya pa ba ang sarili niya kung mahal na niya si Hanzel?
Parehong habol ang hininga na pinutol nito ang halik.
"You did not protest this time." Nakangiting hinaplos ni Hanzel ang mukha niya.
"Gusto mo bang pigilan kita?"
"No," at muli na naman nitong sinakop ang kanyang mga labi para sa isang halik. Naramdaman niya ang ngiti nito sa halik.
Natatakot ako na baka kapag bumalik na ang alaalala mo ay piliin mo ang totoong Mahal mo Hanzel pero ayokong isipin 'yon sa ngayon pero kung oo, hinding-hindi kita basta-bastang ibibigay uli sa kanya.
"KAIN ka pa." Nilagyan ng maraming pagkain ni Hanzel ang plato ni Gail. "Kulang ka pa sa height. Kain pa."
"Gago!" pinalo niya sa braso si Hanzel. "Hindi na ako makahinga sa kinakain ko. Ayoko na. Tama na Hanzel."
"Hindi kumain ka pa. Ayokong nagugutom ang baby ko." He propped one arm on the table to catch the other side of his face. Titig na titig lang ito sa kanya.
"Huwag mo nga akong tignan ng ganyan. Naiilang ako."
"Naaliw akong titigan ka."
"Ako hindi. Kaya tigilan mo na 'yan."
"Bakit ba ang cute mo?"
"Hanzel, ha?" pinipigilan niya ang hindi mapangiti pero natatawa talaga siya sa itsura nito. Masyadong pa cute. "Awat na. Kanina ka pa."
Inabala na lang niya ang tingin sa paligid. Kasalukuyan silang kumakain sa floating restaurant sa Loboc River. Nagkakasayahan ang lahat at malapit na rin kami doon sa isang stop over floating cottage na may mga nakasuot ng tradisyonal na kimuna at kamisa di chino na masayang nagtutugtugan at nagsasayawan.
"Sayaw tayo Han."
"Teka ano 'yong tinawag mo saken?"
"Hanz?"
"Nope, sabi mo Hon. Short for Honey."
"Wala akong sinabing ganyan. Sabi ko Hanz. Nabibingi ka lang."
"Hindi. Hon talaga sinabi mo kanina."
"Hanz nga ang kulit." She stick her tongue out at him. Natawa lang ito sa ginawa niya. Tumayo na siya at hinila ito patayo. "Halika, sayaw tayo."
"Hon 'di ako marunong magsayaw."
Tumigil siya at nilingon niya ito. "Hindi ko type 'yong mga lalaking hindi marunong magsayaw."
Bigla namang tumaas ang energy nito. "Sinong hindi marunong sumayaw? Ako? Ha! Hindi kaya. Halika na. Isasayaw kita hanggang umaga."
Natawa lang siya.
Sa sobrang kulit nilang dalawa at talagang sumampa pa sila doon sa floating cottage para lang makisabay sa mga nagro-rondalla at mga batang naka traditional costume din na nagsasayaw ng tinikling.
Magkahawak kamay na sinubukan din nilang dalawa ang tinikling. Aliw na aliw din ang mga turisting tumitingin sa kanila. Tawa lang sila nang tawa ni Hanzel at nang matapos ay sabay-sabay na sumigaw ang lahat ng kiss.
Mabilis naman na pinamulahan siya ng pisngi. Syempre nakakahiya naman, noh? Napasinghap naman siya nang bigla siyang kabigin ni Hanzel paharap rito para sa isang mabilis na halik. Naitakip niya tuloy ang mga kamay sa mukha. Nakakahiya!
Napalo niya sa balikat si Hanzel pero ang walangya mukhang enjoy na enjoy naman. Naramdaman niya naman bigla ang mainit na hininga nito sa isang tenga niya.
"I didn't know you dance like that Grethel Gail?" tila amuse na amuse na bulong nito sa kanya.
"Dancing princess ako sa Bantayan Island." May kindat na sagot niya rito.
"SO ano pang hindi ko alam tungkol sayo?"
Hinarap ni Gail si Hanzel at patalikod na naglakad. Papalubog na ang araw at naglalakad na lang sila sa dalampasigan sa resort.
"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong ako si Marimar?"
Natawa si Hanzel. "Seriously?"
Tumango siya. "Mahilig talaga ako magsayaw dati pa. 'Yong tatay ko kasi, suki 'yon sa mga diskoral sa barrio namin. Alam mo 'yong diskoral?"
"Yes, 'yong disco sa barangay. Probinsiya din naman ang samen. It's not new to me."
"Tama, tapos sikat talaga ang Papa ko sa mga ganoon. Kaya kapag may dancing contest sa school o sa mga barrio-barrio ay pambato ako." Napapangiti siya sa kinukwento. "Tapos, sikat-sikat pa si Thalia noon as Marimar. Kaya kapag may contest 'yon ang sinasayaw ko."
"Huwag mong sabihing nagdadala ka rin ng aso?"
Natawa siya. "Malamang, tapos pinaglalako pa ako ni Nanay ng mga isda at gulay. Hindi kasi ako nagsusuklay noon kaya medyo nangu-ngulot ang buhok ko. Tapos minsan nakaapak pa ako."
Napakurap-kurap si Hanzel sa kanya. Tila hindi makapaniwala. "May picture ka ba nun? Gusto kong makita."
"Meron akong natago isa. Sa bahay ipapakita ko."
Tila hindi naman niya napigilan ang sarili na mapasayaw. Hindi naman 'yong hataw talaga. Sinasabayan niya lang 'yong masarap na simoy ng hangin at tunog ng alon ng dagat. Konting ikot at kumpas ng mga kamay sa ere... pa simpleng kembot... at...
Pagbaling niya muli kay Hanzel ay aliw na aliw siya nitong vini-videohan sa cell phone nito. Natigilan siya at dinuro ito.
"Hoy Hanzel! Itigil mo 'yan."
"Ayoko nga." Binaba na nito ang cell phone nito at isinilid sa bulsa nito. Lumapit ito at hinawakan ang isang kamay niya. "Ikot ka." Itinaas nito ang magkahawak nilang mga kamay para makalusot at ikot siya. "Mas gusto kong ganyan ka lagi."
"Huh?"
"'Yong masaya ka lang. 'Yong sumasayaw ka lang dahil gusto mo. 'Yong ikaw na walang pakialam kahit saan ma dalhin ng mundo."
Napangiti siya. "Alam mo ba kung ano pang isang bagay na nagpapasaya saken?"
"Ang mga anak natin?"
"Kasama na 'yon sa listahan. May isa akong nadagdag."
Kumunot ang noo nito. "Ano?"
"Hindi ano, sino?" pilya siyang ngumiti.
Sumilay naman ang malaking ngiti sa mukha ni Hanzel. "Hindi sa nag-a-assume ako pero... ako ba 'yan?"
Natawa naman siya. "Lakas talaga ng fighting spirit mo sa sarili, ano?"
"Alangan namang maghanap pa ako ng iba eh ako lang naman ang lalaki sa buhay mo."
"Haha ungas!"
"Bakit 'di ba totoo?"
"Bakit sinabi ko bang hindi?" tinakbuhan niya na si Hanzel.
"Hoy! Bumalik ka dito. So ako nga?"
"Hahaha!"
"Hoy Gail!" hinabol siya nito pero malas niya mabilis din akong tumakbo. "Ay grabeh 'to."
"MASAYA AKO NA KASAMA KA HANZEL DAVE SEBASTIAN D'CRUZE!"
"Hey! Paano mo nalaman ang buong pangalan ko?!"
"Secret!"
"Patay ka saken kapag nahabol kita."
"Hahaha."
Ang sarap pala sa feeling na nasabi ko na gusto ko na siya. Ang sarap sa pakiramdam na wala ng itinatago. Simula ngayon, ipaglalaban na kita Hanzel.
Short Update but I hope you enjoyed. May naisip akong eksena pagkatapos ng aminan moments ni Gail. Hmm... ano kaya 'yon? Abangan! <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro