Destiny 1
"MAGANDANG araw po Aling Pina!" may malaking ngiting bati ni Gail sa matandang suki nila sa bakery shop sa Santa Fe. Hindi 'yon kasin laki at kasin kulay ng ibang bakeshop sa islang 'yon pero marami silang suki. "Ang aga n'yo naman yata ngayon Aling Pina? Ano pong gusto n'yo?"
"Naku! Naku! Mayroon na ba kayo no'ng mga munchkins n'yo?" napakamot ito sa nakakunot na noo nito. "At 'tong mga apo kaaga-aga ay naghahanap ng matamis. Hayun at 'di na matigil sa pag-iyak."
"Naku Aling Pina wala pa, sa hapon pa 'yon eh." Saglit siyang natigilan. Ano bang pwede niyang ibigay kay Aling Pina kapalit ng mga munchkins? Ah alam ko na! Pinitik niya ang mga daliri. Lumapad pa lalo ang ngiti ni Gail. "Today is your lucky day Aling Pina! At dahil Sabado ngayon may special cookies kami."
Sumilay ang isang napakatamis na ngiti rito. "'Ay diay? Meron kayong kokes?"
"Aba'y oo naman! Dito sa bakery namin walang imposible! Waits ka lang diyan Aling Pina. Huwag kang pipikit. Pagbalik ko 'di na iiyak ang mga apo mo." Kinindatan pa niya ang ginang.
Mabilis na bumalik siya sa loob kung saan ginagawa ang mga tinda nilang mga tinapay at matatamis na mga pagkain. Kahit sa totoo lang naman ay wala talaga silang cookies na gawa ngayon. Nagkataon lang na naalala niyang nag-bake siya kagabi ng cookies para sa sarili sana niya. Pero dahil nga suki na nila si Aling Pina syempre kailangang bigyan niya rin ito ng ibang mai-o-offer.
Isinilid niya sa plastic ang limang cookies bago binalikan sa labas ang ginang.
"Oh Aling Pina nandito na!" may ngiting inabot niya ang supot sa matanda.
"Aba'y meron nga, ano?" may ngiting inangat ng ginang ang tingin nito sa kanya. "Salamat dito inday Gail. The beyst ka talaga!"
Natawa lang si Gail. "Ey sus! Wala hong problema basta ba gawin n'yong forever ang pagbili sa bakeshop namin. Okay na okay na 'yon para saken."
"Ay syempre naman! 'Ku, ang bekiri n'yo ang pinaka-the-beyst sa lahat!"
"Naks! Gusto ko 'yan. Agree! Agree!" Gail chuckled.
"Oh siya, ito na ang bayad ko." Akmang iabot nito ang bayad nang tanggihan niya 'yon.
"Naku huwag na Aling Pina. Libre ko na 'yan."
"Libre? Naku, 'di na inday, tanggapin mo na 'to."
Muli niyang ibinalik ang bayad sa matanda. "Huwag na po. Sabi ko nga diba may special cookies ako. Gift ko na 'yan sa inyo."
"Ay, ang bait mo talagang bata ka. Oh siya, sige na... salamat. Napaka-swerte talaga ng tatay mo sa iyo. Maganda na nga, matalino, mabait pa."
"Ay sus! Nambola pa si Aling Pina."
Natawa lang ang ginang. "Ikaw talagang bata ka." Tinapik siya nito sa braso bago tuluyang umalis.
Napabuntong-hininga siya habang sinusundan ng tingin ang papalayong si Aling Pina. Naalala niya ang tatay niya. Kung sana ganoon din ang iniisip nito. Bumalik na siya sa loob. Ang aga-aga pero bad vibes na agad.
Dumiretso siya sa kusina. Kanina may ginagawa siyang cup cakes. Experiment lang naman 'yon. Kapag may natitira siya sa ipon niya ay nag-i-internet siya para lang matutong gumawa ng mga cup cakes, cakes, at kung ano pang mga-desserts. Sa ngayon, puro simpleng klase ng mga tinapay lang ang ginagawa nila dahil masyado ring mahal ang mga ingredients.
Katulong niya sa bakery ang baklang kapatid na si Bambi. Simula nang mamatay ang nanay nila at nalulong sa sugal ang tatay nila ay sila ng dalawa ang nagtutulong-tulong sa pagpatakbo ng maliit na bakery. Dahil nga lumaki siya sa bakery nila ay natuto rin siyang gumawa ng mga tinapay.
Pangarap nga niya noon ang maging pastry chef kaso wala siyang panggastos sa pag-aaral. Hindi din naman 'yon ini-offer sa state college nila doon. Kaya mas pinili niya na lang na ituon ang buong atensyon sa bakery. Maliit man 'yon kahit papaano may nakukunan silang panggastos sa pag-aaral pa ng tatlong kapatid na parehong nasa elementarya pa. Si Bambi na malapit na ring makatapos ng high school.
Ang plano niya ay pag-aralin ito ng college. Kung 'di man 'yon para sa kanya marahil para 'yon sa kapatid niya. Masaya na siya na nakikitang masaya at malulusog ang mga kapatid niya.
Tinigilan ang ginagawang pagmi-mix ng mga ingredients nang may maalala siya.
"Matamis kaya 'yong cookies?" napangiwi siya. "Hindi ko pa naman 'yon natitikman."
De ang lungkot! Huhu.
"I TOLD you to break up with her already!" sigaw ng ina ni Hanzel. Umalingaw-ngaw 'yon sa buong mansion. "Bakit ba ayaw mong makinig saken?" nahilot ng ina nito ang sentido.
"Ina lang kita. You don't have the power to manipulate my life or to tell me whom to love! At kahit paulit-ulitin mo 'yong sabihin saken 'yon hindi ko hihiwalayan si Abegail." Seryosong sagot ni Hanzel. "Wala akong pakialam kung alisan mo man ako ng mana. Do it! I can manage on my own."
"Well you just listen to me -"
"Let's stop this Mom. If you don't want her, then it's your choice. Hindi ko naman kailangan ang permission mo para sa pagpapakasal namin ni Gail. Sinabi ko lang dahil ina parin kita. 'Yon lang."
"Hanz -"
"Aalis na ako," tinalikuran na niya ang ina at tinungo ang pinto.
"Hanzel! Hanzel bumalik ka dito!"
Pero hindi na niya ito pinakinggan pa. Pumunta lang naman siya para sabihin rito ang desisyon niya. Kahit na minsan ay masyadong sakit siya sa ulo ay malaki parin ang respeto niya sa ina. Sa kabila ng matapobre nitong ugali ay alam niyang mabait naman ito. Masyado lang itong control freak. Lalo lang 'yong lumala nang malaman nitong ikalawang pamilya lamang sila ng tatay niya.
The guy was an asshole. He grew up without his father on his side. Na sanay siyang lagi itong nawawala. Kaya naman pala hindi nito mapakasalan ang nanay niya dahil kabit lang ito. He hated his father for that. Kung naging mahirap lang sila baka matagal nang nabaliw ang mama niya. Dapat nga yata niyang ipagpasalamat na galing sila sa may kayang pamilya. It lessens the guilt of that bastard.
Wala siyang pakialam sa ama niya. At he don't f*ckin care kung magpakita paman 'yon sa kanya. He's totally done with his bullsh*ts!
"Hanzel!" muling sigaw ng ina.
I'm sorry Mom.
He sighed.
Nasa labas na siya ng bahay ng tumunog ang cell phone niya. Mabilis na sinagot niya ang tawag.
"Hello,"
"Hanz, kumusta?"
Tipid siyang napangiti. "It's okay, you don't need to worry anything."
"Hindi niya ba talaga ako gusto?"
"Kilala mo naman si Mama. Huwag mo na 'yong isipin pa. Anyway, na saan ka na?"
"Oh that -"
"Hanzel!" napalingon siya sa gumigaw. Ang mama niya.
"Wait," itinakip niya ang isang kamay sa cell phone na hawak. "Ano na naman Ma?"
"Magkikita ba kayo ng hampaslupang Abegail na 'yon?!"
"Stop it Ma, don't call her that." Galit niyang balik. "Hahayaan kitang insultuhin ako pero wala kang karapatang bastusin si Gail ng ganoon!"
"You're crazy! Lolokin ka lang ng babaeng 'yon! Pera lang ang gusto nun sayo!"
"Tama na!" sigaw niya. "Hindi siya katulad ni Papa! Hindi n'yo ako katulad na madaling maloko. Hindi ako sasaktan ni Gail! Mahal namin ang isa't isa. Kaya pwede ba Ma, stop meddling with my life! And will you please stop comparing my life with yours. Hindi tayo magkatulad!"
"Hanzel D'cruze!"
"Don't call me that name! Hindi ako isang D'cruze. At hindi ko kailanman pinangarap ang apelyidong 'yan. Aalis na ako."
"Magsisi ka rin! Tandaan mo 'yan Hanzel. You'll realize na tama parin ako."
NAABUTAN ni Gail na nagkakagulo sa bahay nila. Marami rin ang mga taong nakiki-usyuso sa mga nangyayari sa labas ng bahay nila. Bigla siyang kinabahan. Baka mayroong masamang nangyayari sa tatay at kapatid niya. Pinauna niya kanina si Bambi dahil namalengke pa siya.
Mabilis ang mga hakbang na tinungo niya ang bahay. Hindi niya naman maiwasang marinig ang mga bulong-bulongan ng tao tungkol sa kanya. Pero hindi niya 'yon ganoong pinansin.
"Na saan na 'yong langya mong ate!" narinig niyang sigaw ng kanyang ama.
"Tay, tigil na nga po. Lasing po kayo." Hinawakan ni Bambi ang isang braso ng tatay nila. "Huwag na po kasi kayong ganyan. Wala namang ginagawang masama si Ate sa inyo."
"Tay!" salita niya nang makapasok. "Bambi?"
"Ate!" mabilis naman na lumapit sa kanya ang tatlong kapatid maliban kay Bambi na nakahawak parin sa tatay nila. Napansin niyang umiiyak ang mga kapatid. Tumingkayad siya ng upo para punasan ang mga mukha ng mga kapatid. "Ate..." iyak nila.
"Buti naman at nandito ka na!"
"Tay? A-Ano na naman po 'to?"
"Tay, tama na nga po eh." Pigil ni Bambi. "Lasing kayo."
"Bitiwan mo 'kong bakla ka! Isa ka pang walang silbi!" itinulak nito ang kapatid. "At hindi ako lasing! Alam ko ang ginagawa ko." Pasuray-suray na naglakad ito. May hawak pa itong bote ng alak sa kamay. Puno ng galit ang mga mata ng ama habang nakatingin sa kanya. "Ikaw na babae ka! Dapat matagal na kitang pinalayas! Anak ka ng 'tang ina niyang kabit!"
"Tay!" sigaw ni Bambi. "Tama na nga 'yan eh!"
Pero hindi ito pinakinggan ng ama nila. "Pesteng buhay 'to! Sa tuwing nakikita kita dito pinapaalala mo lang saken ang panloloko ng nanay mo saken! Bwesit na buhay 'to oh!"
Nagsimulang manikip ang dibdib niya. Matagal na niyang alam na hindi siya tunay na anak ng itinuring niyang ama. Ganun paman hindi naman 'yon nabawasan ang pagmamahal at respeto niya rito. Pero hindi ganun kadali 'yon para rito. Masyadong masakit ang ginawa ng nanay niya rito. Muntik na nitong mapatay si nanay nang malaman ni Tatay ang lahat mula sa kaibigan nito ang lihim ni Nanay.
Kung noon ay mahal na mahal siya ng tatay niya bigla nalang nagbago ang lahat ng 'yon nang malaman nitong 'di siya nito totoong anak. Sobrang nasaktan siya sa pagbabago ng pakikitungo nito sa kanya pero wala siyang magawa. May karapatan itong magalit. Pero tiniis niya 'yong lahat para sa nanay niya. At dahil mahal na mahal parin niya ang tatay niya kahit na tuluyan na nitong kinalimutan ang pagmamahal nito sa kanya.
Napasinghap siya nang hablotin nito ang isang braso niya. "T-Tay..."
"Lumayas ka na dito! Wala na ang nanay mo!" hinila siya nito palabas ng bahay.
Umiiyak na sumunod at kumapit ang mga kapatid niya sa kanya. Sinubukan namang pigilan ni Bambi ang tatay nila.
"Tatay huwag naman ganito oh!" naiiyak niyang sabi. "Tay pag-usapan natin 'to."
Madalas siyang pagsalitaan ng masama ng tatay niya kapag lasing ito pero ngayon lang ito umabot sa ganito. Na palalayasin na siya nito.
"Tay, maawa kayo kay ate!"
"Ate! Ate..."
"Tay, huwag po. Wala po akong ibang mapupuntahan." Iyak niya.
Pero hindi ito nakinig. Hinablot nito sa mga braso ang mga kapatid niya at pilit na pinapalayo sa kanya.
"Magsitigil kayo! Hindi n'yo 'yan ate!"
"T-Tay..." natutop niya ang bibig sa pag-iyak.
Iyak lang ng iyak ang mga kapatid niya. Yakap-yakap ito ni Bambi. Hindi sila makalapit sa kanya dahil pumapagitan ang tatay nila.
"Tay... pag-usapan natin 'to oh."
"Lumayas ka na dito! Ayaw na kitang makita sa lugar na 'to! Doon ka na sa kabit ng nanay mo! Peste! Ikaw ang malas sa buhay ko!"
"T-Tay..." napahagulhol siya ng iyak.
Noon akala niya nasanay na siya sa sakit. Hindi pa pala. Ngayon, parang bumabalik lahat ng kinalimutan niyang sakit. Naninikip ang dibdib niya sa pag-iyak. Hindi niya gustong iwan ang mga kapatid niya. Hindi niya rin gustong iwan ang tatay niya.
"Huwag na huwag ka ng magpapakita saken!"
"ATE,"
"Bambi," mabilis na kinuha niya rito ang dala-dala nitong malaking bag na pinakuha niya rito. "Salamat. Sige, bumalik ka na."
"Ate, aalis ka ba talaga? Iiwan mo ba talaga kami?"
Mugtong-mugto na ang mga mata niya sa kakaiyak. Pero ayaw niyang ipakita sa kapatid na mahina siya. Hinawakan niya sa isang balikat si Bambi.
"Bambi, aalis muna ako. Pero babalik rin ako. Kapag..." kahit na wala pa naman talaga siyang plano sa kung saan siya pupunta. Saka na niya 'yon iisipin. "Kapag okay na ang lahat. Sa ngayon, maghahanap muna ako ng trabaho. Mag-iipon ako. Kapag malaki na ang ipon ko babalikan ko kayo."
"A-Ate..."
"Basta... ikaw na muna ang bahala sa mga kapatid natin, ha? Saka huwag mong pababayaan ang pag-aaral mo... ang pag-aaral n'yo... at ang bakery. Alam mo naman kung gaano 'yon kahalaga para kay nanay."
"Mag-iingat ka, ha?"
Tumango siya. "Kayo rin, huwag mong pababayan si Tatay. Pagpasensiyahan n'yo na rin siya." Napabuntong-hininga siya. "Baka... baka kapag lumayo ako bumalik na 'yong dating ugali ni Tatay." 'yong sobrang mapagmahal at maalaga. Napangiti siya ng mapait.
"A-Ate..."
"Oh sige na, aalis na ako. Baka 'di ko na maabutan ang huling byahe ng ferry papunta sa kabilang bayan." Tinapik niya ang mukha ng kapatid. "Mag-iingat kayo."
"GAIL? Gail, sorry... naputol ka kanina -"
"Hanzel, itigil na lang natin 'to."
"What? What do you mean?" kumunot ang noo ni Hanzel. "Gail?"
"Siguro nga tama ang Mama mo. Siguro nga..."
"Gail where are you?!" seryosong tanong niya. Iginala niya ang tingin sa buong paligid. Damn it! "Gail!"
"I'm sorry..."
"No! No! Let's talk. Na saan ka ba?"
"Bumalik na ako kaya huwag mo na akong hintayin."
"Oh! Lalarga na! Lalarga na!"
"No! Let's talk... pupuntahan kita sa apartment mo."
"Goodbye Hanz..."
End call.
"Gail? Gail?! Damn it Gail!" marahas na naisuklay ang kamay sa buhok. He tried to call her back but she wont answer. Damn it! "Great!"
Mabilis na sumakay siya sa bus.
"Pucha 'yon ah!"
Pero hanggang sa pag-upo hindi parin siya mapakali. Ilang ulit niyang tinawagan si Gail pero hindi nito sinasagot ang tawag.
"Damn this day!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro