Special Chapter: Sushi
Dahil badtrip ako sa opis.
--
When Game of Thrones got to that episode where Robb Stark was murdered, I stopped watching it. And every time na naaalala ko yung isang scene dun, napapangiwi ako. Kent would always tease me about it, like a great husband would. Insert sarcasm there.
Tanda ko pa yung nangyari that night. Inihaharang ko yung kamay nya sa mukha ko kasi hindi ko matagalan yung scene. Paano ba naman! Lord Frey planned on killing Robb Stark and his mother. E kasama yung asawa nito na buntis. After the dinner to celebrate the wedding of his uncle and one of the Frey girls, they barred the doors and started killing.
And the poor pregnant woman was stabbed to death. Stabbed on her stomach! That's sick!
Napahawak ako agad sa tiyan ko saka ako pumikit.
"O, ano ka ngayon?" natatawa nyang tanong.
"Tanggalan mo ng sound!"
"Paano ko tatanggalan ng sound e inuupuan mo yung remote?"
Agad kong kinapa ang remote na inupuan ko kanina saka ko ibinigay sa kanya. Maya-maya'y nawalan nang sound yung TV. Pero alam kong bukas pa rin dahil kita pa rin ng mata ko yung liwanag. Kahit nakapikit ako. Basta. Ramdam kasi ng mata kapag may liwanag, kahit nakapikit pa.
"O 'yan, tapos na."
I opened one eye. Tapos na nga yung scene. Pero nakaluhod naman si Robb Stark sa tabi ng asawa nya. I saw her bloody stomach. Nanlata ako.
"Kainis ka!" Hinampas ko si Kent ng malakas. "Kapag ako na-trauma, kasalanan mo!"
"Kasalanan ko?!" Bigla siyang nagtaas ng boses. "Ikaw kaya 'yang haling na haling sa palabas na yan!"
Sumimangot ako sa kanya. Alam ko naman 'yon. Ako naman ang may gustong manuod ng Game of Thrones. Pero yung scene talaga na 'yon. Ang sadistic!
Since then, hindi ko na itinuloy ang panunuod ng GoT. And every time na magluluto sya, I make sure na malayo ako sa kanya. I know that he wouldn't hurt me. Nagpi-play lang sa utak ko yung scene kaya medyo ilag ako sa kutsilyo. Nangingilo ako.
But Kent made it worse. Hindi dahil sa asawa nya ako e ligtas na ako sa mga kalokohan nya. Kung tutuusin nga, ako pa ang main target. Sukat ba namang dalhin nya ako sa isang sushi restaurant! It's one of those restaurants na may area kung saan may sushi master na nagja-juggle ng kutsilyo tapos nagf-fruit ninja. Okay, that's a bit exaggerated.
Truth is they don't throw their knives in the air. They keep them low. Marahan din sila kung mag-fillet ng isda o gulay. But the knives were super sharp. Tinitingnan ko pa lang, parang nahihiwa na 'ko.
I flinch every time the blade touches the fish.
"Jazz, isda ang hinihiwa nila, hindi ikaw. Umayos ka nga."
"Lumipat na lang kasi tayo sa normal na table!" aya ko sa kanya.
"Why? It's nice here. Kita mo kung paano nila ginagawa yung pagkain mo."
"Hindi naman ako kakain ng sushi e."
I already ordered ramen. Sya lang naman itong nagpupumilit mag-sushi. He's clearly torturing me.
"Arigatou Gozaimasu!" Nag-bow sya nang iabot sa kanya yung isang maliit na pinggan na may lamang tatlong sushi. Ang ganda nung pagkakagawa. Parang pang-display. Medyo nanghinayang ako nang kainin nya yung mga 'yon.
Pero kung hindi naman nya kakainin, mas manghihinayang ako. Yung tatlong piraso na 'yon, 500 pesos na. Grabe talaga syang magwaldas ng pera. Dahilan nya kasi, masarap naman daw. Saka mayaman naman daw sya.
Mayabang kamo.
I waited for him to finish eating his sushi. Bawal kasi ang kutsara't tinidor dito. Lahat naka-chopsticks. E sa pagkakatanda ko, ayaw sa 'kin ng chopsticks. Gugutumin nya yata talaga ako.
"Bakit hindi ka kumakain?" taas-kilay nyang tanong. "Akala ko ba nagki-crave ka ng ramen?"
I groaned inwardly. So kasalanan ko pa pala kung bakit kami nandito. Gusto ko kasi ng ramen. Akala ko naman ipagluluto nya 'ko. Kaso nag-aya syang lumabas kasi gusto nya rin daw ng sushi. Then he took me to this authentic Japanese restaurant. Japanese yung mga sushi masters. Mga pinoy lang yung crew.
Itinuro ko yung chopsticks. Meron namang soup spoon para sa sabaw pero yung noodles, hindi ko makuha. Unless puputol-putulin ko. E kung gagawin ko naman 'yon, hindi na sya maituturing na noodles. Haynako. Ang arte ko lang.
"Magpapasubo ka na naman?" tanong nya.
Agad akong tumango.
He grunted. "Haynako."
Kumapit ako sa braso nya. "Sige na... Gutom na kami ni baby."
Sinamaan nya ako ng tingin. Ay, oo nga pala. No using the baby against him. E paano naman kung yung baby ang susi sa lahat ng bagay na gusto ko? Dapat syempre napi-please muna yung nanay.
"Kent, kapag nagutom ako, gutom din ang anak mo," pangungunsensya ko sa kanya.
Sighing, he took the chopsticks na hindi ko pa man lang nabubuksan. Sinubuan nya ako ng ilang beses tapos saka nya ako tinuruan. Pero napikon lang sya kaya tinigilan nya na. Nang mabusog naman ako, hinayaan ko na syang kumain. But I had to order another bowl before that.
"Sa susunod nga na magki-crave ka, yung hindi naman ginagamitan ng chopsticks!" sabi nya nang makaalis kami ng restaurant.
"As if naman kaya kong kontrolin ang cravings ko," reklamo ko sa kanya.
"Well, try!"
Napataas ang kilay ko nang pagtaasan nya na naman ako ng boses. "Galit ka?"
"Hindi!"
"Wow ha. Hindi halata."
"Halata mo naman pala. Bakit ka pa nagtatanong?"
"Ayaw ko kasing mag-assume."
Nailing na lang sya. "Ewan ko sa 'yo."
Hindi nya na ako kinausap hanggang sa makarating kami ng bahay.
--
Isang oras na mula nung makarating kami ng bahay pero hindi nya pa rin ako iniimikan. Grabe naman. Ganun ba sya kagalit sa 'kin dahil lang sa inabala ko sya sa pagkain? Maiintindihan ko naman kung sasabihin nya sa 'king stressed sya. Alam kong busy sya lately.
MIA na naman kasi si France. Nakikipag-date. Akalain mo nga namang may love life na rin pala yung tuod na 'yon. Akala ko kasi dati, trabaho lang ang mahal nito sa buhay. It turns out na may nililigawan na pala ito. And the woman turned out to be Mira! Ang liit nga naman ng mundo...
Sinipa ko yung binti ni Kent. Nakaupo sya sa couch, hawak-hawak ang isang issue ng FHM magazine. I guess nauumay na sya na ako lang ang nakikita nya sa bahay. Ang laki ko na pa naman.
"Ano?!" iritado nyang tanong.
"Sungit!"
"Nagpapahinga 'ko. Huwag kang magulo."
"Bakit galit ka?"
He sighed. "Hindi ako galit. Inis lang."
"Ganun na rin 'yon."
Bumuntong-hininga sya ulit. Then he patted his lap, pinapaupo ako. So ako naman, umupo agad.
"Grabe ang big—"
I glared at him.
"Ano?"
"Wala."
"May sasabihin ka e!"
"Wala nga!"
Palagay ko kung hindi ako buntis, kanina pa nya ako itinulak.
"Mabigat ako?"
Agad syang umiling. "Ang gaan mo nga e!"
"Sinungaling!"
"Tamo 'to! Magtatanong tapos hindi maniniwala sa sagot!"
"Aminin mo na kasing nabibigatan ka!"
"Tapos magagalit ka? Ayos ka rin e!"
"Bakit mo 'ko sinisigawan?!"
"Hindi kita sinisigawan," malumanay nyang sagot.
Sabay hinahon...
"Galit ka pa?" tanong ko.
Napasapo na lang sya. "Hindi nga sabi."
"Galit ka e."
He rolled his eyes. "Ewan ko sa 'yo."
Yung magazine na hawak nya ang napagdiskitahan ko.
"Bakit ka nagbabasa nyan?"
"Bawal?"
"Nabibigatan ka na sa 'kin?"
Kumunot na naman ang noo nya. "Why are you trying to make me get you mad?"
"Tinatanong lang kita."
"Tapos magagalit ka sa sagot ko."
"E di ayusin mo yung sagot mo."
He sighed. "May maayos bang sagot sa inyong mga babae? Parang lahat na lang ng sabihin namin, ititwist nyo para lang may excuse kayo para magalit sa 'min."
"Kagalit-galit naman kasi kayo," depensa ko naman.
"Not all the time!"
"O, galit ka na naman."
He pinched my nose. "Ang kulit mo."
Natawa ako. Oo nga, narealize ko na ang kulit ko pala ngayong araw. Mas mahaba kasi yung time na nasa restaurant sya. Kahit weekends. Tapos kapag uuwi sya sa gabi, pagod na sya. Ni ayaw nyang magsalita habang nagdidinner.
Nabo-bore ako sa bahay. Si Snow lang ang madalas kong kasama. Tapos pesteng aso 'yan, mas gusto sa kanya! Pati ba naman aso, berde na rin ang dugo? Haynako.
"Tayo ka muna, matutulog ako," sabi nya.
Tumayo ako. "Pasama. Gusto ko ring matulog."
"Okay." He encircled my waist. "Whoa!"
"What?"
"Nothing." He smiled and kissed my cheek. "Tulog na tayo."
"May sasabihin ka e."
"Wala..." tanggi nya. Okay na sana, but then he spoke again. "Tingin mo healthy si baby? Kasi healthy ka e."
Sinamaan ko sya ng tingin. "Natatabaan ka sa 'kin?!"
"Sa 'yo nanggaling 'yan."
Kinurot ko sya. "Ang sama mo!"
"Ikaw naman ang may sabing nananaba ka, di ba?"
"Hindi ko sinabi! Tinanong ko!"
"Hindi ko naman sinagot. Bakit ka nagagalit sa 'kin?"
"Kasi!"
Kasi kahit hindi nya sabihin ng diretso, halata naman sa mga parinig nya. Niyakap nya 'ko bigla. Para siguro mabawasan ang inis ko sa kanya.
"Hindi ka pa nasanay."
"Try mong tumaba para fair."
"Sorry. Ayaw makisama ng abs ko e," natatawa nyang sabi.
"Yabang!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro