Special Chapter: Hugs
Nakita ko lang 'tong nakasulat sa Mcdo notebook na souvenir ni Raice nung birthday nya. Hahaha.
--
"Ang lamig naman!" reklamo ni Kent isang araw.
"Magkumot ka," sabi ko sa kanya.
He smiled sheepishly. "Yakapin mo na lang ako."
I wrinkled my nose. "Ayoko. Hindi ka pa naliligo."
Napabulanghit siya ng tawa, then he stretched his arms out to me. Lumayo ako.
"Jazz..."
"Maligo ka muna."
"Malamig nga kasi!"
"Mag-heater ka!"
He scowled. "Hindi naman ako mabaho!" reklamo nya. Humakbang sya palapit habang ako naman ay lumayo. Day off nya ngayon. Hapon na pero hindi pa rin sya naliligo. Malamig nga kasi. Ilang araw na ring umuulan.
"Maligo ka na, Kent. May mainit na tubig naman," pamimilit ko sa kanya.
Sumimangot sya at ngumuso. "Bakit ba ayaw mong magpayakap?"
"Bakit ayaw mong maligo?" pabalik kong tanong.
"Malamig nga kasi."
"Mabaho ka."
"Grabe ka naman!" He looked offended. Ayaw kong magpayakap sa kanya dahil bangong-bango ako sa sarili ko ngayon. Kahit kanina pa akong umaga naligo, amoy baby powder pa rin ako.
"Kapag hindi ka naligo huwag kang tatabi sa 'kin mamaya."
He grunted and stomped towards the bathroom. Madalian syang naligo. Nang lumabas siya a few minutes later, salubong ang kilay nya. He may be a thirty year-old man, but he has an attitude of an 8-year old.
Lumapit ako sa kanya at tinuyo ang buhok nya gamit ang towel na naka-drape sa balikat nya. He put his hands on my waist to steady me. I smiled at him. Being with him is fun. Hindi lang puro kilig. Sure, madalas kaming mag-asaran pero walang major fights. I hope we're past that already. Sana kung mag-aaway man kami, hindi masyadong malala.
Unfortunately, I can't wish for our relationship to have a smooth ride, because that's impossible.
Kent pulled me by the waist. I automatically closed my eyes and waited. I knew he's going to kiss me. When I felt his lips on mine, I felt shivers down my spine. Ikinawit ko ang mga braso ko sa batok niya.
Nagkatinginan kami after that. I have no idea what he was thinking about. Blangko ang mukha nya.
"What?" I asked, frowning.
"Iniisip ko lang kung ano'ng nagustuhan ko sa'yo."
I slapped his arm. Hindi talaga lilipas ang isang araw na hindi nya ako inaalaska.
"You dare say those words after kissing me?"
"Banat 'to, pramis."
I rolled my eyes. "Lulusot ka pa!"
"Seryoso nga!"
I pursed my lips. "Sige nga, ano'ng nagustuhan mo sa 'kin?"
He looked into my eyes intently. Pinangilabutan ako.
"Lahat."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro