Chapter 9 - Sick
Surprisingly, my first sleep over at his house since I came back to my own turned out to be normal. Normal as in natutulog lang kami talaga. Literal na sleeping together. Though he couldn't keep his hands entirely to himself, he didn't dare cross the line. Naging mahimbing ang tulog ko dahil walang anomalyang nangyari.
Madaling araw ng Lunes nang ihatid nya ako sa bahay. Martes na ngayon at kahit isang araw pa lang ang nakakalipas, hindi ako sanay na hindi ko naririnig ang boses nya sa phone o hindi nakakatanggap ng message mula sa kanya sa loob ng isang araw. Dahil kung hindi man sya nagpapakita sa 'kin, he makes it to a point na ipinaparamdam nyang nandyan lang sya.
Ngayon, wala. Ni isang text message, wala. Nag-aalala ako. I have so many reasons to worry. Baka may sakit sya ngayon at kasalukuyang walang nag-aalaga. Baka nambababae sya. Baka ayaw nya na sa 'kin. Baka sobrang busy nya, ipinagpalit nya na 'ko sa trabaho nya.
Ang paranoid ko talaga. Hindi ako maka-concentrate sa trabaho dahil sa kanya. Kaya naman instead of going straight home, nag-detour ako papunta sa bahay nya. Sobrang dahan-dahan pa ng pagbubukas ko sa pintuan ng bahay nya para kung may ginagawa man syang milagro, I'll catch him red-handed.
I readied my ears for the sounds of moaning. Parang noong unang araw ko lang sa bahay nya. Pero nagulat ako nang wala man lang ingay akong narinig. Patay lahat ng ilaw. Wala kayang tao?
"Kent?" pabulong kong tawag sa kanya. There came no answer so I switched on the lights on his living room. Makalat na naman. Ang kalat nya talaga kahit kailan.
May isang galon ng ice cream na wala ng laman ang nakalagay sa coffee table. There are several pop tins of beer na wala na ring laman. Tapos maliit na plato na may mugmog ng chocolate cake. It looks like he celebrated something. He celebrated without me?
Nagpunta ako sa kwarto nya at halos papikit na binuksan ang pinto. When I opened it though, I found him sleeping. Nakadapa sya tapos balot ng kumot. Mahina naman ang aircon nya pero mukhang lamig na lamig sya.
I sat on the edge of the bed and felt his temperature.
"Whoa... Kent?" Niyugyog ko ang balikat nya. "Kent, gising!"
He moved slightly.
"Kent, ang taas ng lagnat mo." Itinihaya ko sya. He was wearing this grimace on his face. Nakapikit pa rin sya pero mukhang gising na ang diwa. Tumayo ako para patayin ang aircon. Saka ako kumuha ng bimpo at mainit na tubig.
When I came back, he was already sitting up. Nakasandal sya sa headboard habang nakatungo at nakapikit pa rin.
"Kent, you should lie down." Bahagya naman syang tumango at sumunod. Ipinatong ko sa katabing lamesa ang mga bitbit ko. I soaked the towel in warm water and placed it on his forehead. He gave out a sigh, as if relieved.
"Thanks," he mumbled weakly.
"Bakit naman kasi uminom ka ng ganun karaming beer tapos may ice cream at cake pa? What were you celebrating?"
"Nothing. Trip ko lang," sagot nya.
I didn't buy it. "Ano nga?"
"First month."
"What?" I frowned. First month? Of what? Oh—"As in first monthsary?"
Oh my God, Jazz. Ikaw pa talaga ang nakalimot? Jusme! Bakit ko 'yon nakalimutan? Ah right... because I have to meet my deadline for yesterday's report. Wala ng ibang laman ang utak ko kahapon kundi puro trabaho. My gosh... nakakahiya. First monthsary namin tapos sya lang ang nakaalala?
"Bakit hindi mo ipinaalala sa 'kin?"
"It's not that important," dahilan nya.
"E bakit ka nag-celebrate kung hindi importante?"
"It's my excuse to eat cake and get drunk. It's not a big deal," giit nya.
"Hm." Nahiga ako sa tabi nya, yumakap at humalik sa kaliwa nyang pisngi. "Sorry, I forgot. Happy monthsary."
He grunted. "Ang corny."
"Taong 'to... corny raw pero nag-celebrate naman. Kunwari ka pa."
Inayos nya 'yong higa namin para nakapatong ang ulo ko sa braso nya while he could circle his arm around me. Pinapawis ako sa lagay na 'yon but he seemed comfortable so hinayaan ko na lang na nasa ganoon kaming posisyon hanggang sa nakatulog sya ulit.
Bandang alas nwebe nang umuwi ako ng bahay para kumuha ng damit. Nagpaalam na rin ako kay tatay na doon muna ako matutulog sa bahay ni Kent para maalagaan ko sya at sa boss ko na hindi ako makakapasok bukas.
My father said it was okay. Ipinahatid nya pa ako kay Toby since gabi na raw. For all I know, gusto lang nitong siguraduhin na may sakit nga si Kent. So nang makarating kami ni Toby sa bahay ni Kent, hinayaan ko itong sumunod papasok ng kwarto. He seemed convinced when he saw Kent wrapped up snuggly in a blanket. Nagpaalam na sya sa 'kin saka sya umuwi..
"I think I heard a man's voice in here," Kent said a while later, his eyes shut.
"Si Toby 'yon. Hinatid lang ako," sagot ko sa kanya.
"Gabi na a. Bakit bumalik ka pa? May pasok ka pa bukas." Nagmulat sya ng mata na mukhang antok na antok pa rin kahit na mukhang maghapon na syang tulog.
"Nag-SL ako."
"SL? You're not sick."
"Yes, but you are." Naupo ako sa tabi nya. "Bakit hindi mo 'ko tinawagan? Alam ba 'to ng mama mo?"
He scoffed. "What am I, 12?"
"You're never too old to be taken care of." Hinipo ko 'yong noo nya. Ang init pa rin. He's not even sweating yet. Pumikit sya ulit. It seemed like his eyes could not stay open for long.
Lumabas muna ako ng kwarto nya para maglinis sa sala. Nilinis ko na rin 'yong mga nagkalat na tissue paper sa sahig ng kwarto nya. That's when I noticed his laptop. It was lying on the floor, half of it was almost hidden underneath the bed. I picked it up.
"No!"
Nagulat ako nang bigla syang bumangon at agawin sa 'kin 'yon.
"B-Bakit?" maang kong tanong sa kanya.
"This is private."
"Private? Okay. What's in there?" Pictures ng mga ex nya kaya? Naku. Kapag sya may mga itinatago pang ganon.
"Kaya nga private, di ba?"
Kung di lang dahil sa manas nyang boses, mapulang ilong at katawang balot na balot ng kumot, aakalain mong wala syang sakit. Parang ang taas ng energy bigla. He's hiding something in that laptop.
"Patingin."
"No." Inilayo nya ito sa 'kin when I tried to reach for it.
"Kent." I looked at him sternly. "What are you hiding?"
Nagsukatan kami ng tingin. He was almost droopy. Inaantok na naman sya. "Porn."
"You're just saying that para tigilan kita. Ano nga?" Hindi ako naniniwalang porn 'yon. Baka sinasabi nya lang 'yon para hindi ko tingnan. Alam nyang ayaw ko ng ganon.
He started typing on his keyboard and a few seconds later, he turned the laptop to me. Agad naman akong nag-iwas ng tingin.
"Tumingin ka. Gusto mong makita, di ba?"
"Patayin mo nga 'yan!" Nagtakip ako ng tenga nang lagyan nya ng sound. Oh my God!
Mukhang pinatay na naman nya dahil biglang tumahimik. He folded the laptop and placed it on the table. "If you want to check it out, go ahead. Sabi ko naman sa 'yo, di ba? Private."
"Why are you watching porn?" I asked in disgust.
"Would you prefer it if I make one instead?" he retorted. Then he sighed and slumped back to bed. "Forget it."
"Okay, sorry na." Nahiga ulit ako sa tabi nya at yumakap sa likod nya. "Pagaling ka ha? Good night."
Kinabukasan, pawisan kaming pareho paggising ko. Some time during our sleep, he might have turned around and embraced me. Patay ang aircon at balot kaming pareho ng kumot. Ang ending, para kaming naligo sa pawis.
Lalo na ako dahil wala akong sakit.
Bumangon ako at inalis 'yong kumot na nakabalot sa kanya. I helped him get up and change his shirt. Sisinghot-singhot pa rin sya but at least the fever went down. Mukhang sinat na lang.
Kumuha ako ng bagong kumot sa drawer nya.
"Stay put. Magluluto ako ng soup," I told him. Hindi naman sya tumanggi. Wala na syang ginawa simula kahapon kundi matulog. Grabe, hindi kaya lalong sumakit ang ulo nya nyan?
Dahil ayaw nya sa instant, napilitan akong maglaga ng manok. Hindi ko alam kung paano gumawa ng matinong soup. Basta hinayaan ko lang maglasang chicken. Sana pala nagtinola na lang ako para tuloy ulam. Ang kaso, nilagyan ko ng patatas saka luya 'yong sabaw na may kasamang manok. Binudburan ko rin ng medyo maraming paminta, Magic Sarap saka asin.
Ano bang klaseng soup ang ginawa ko? Maja-justify ko ba na chicken soup 'to? A ewan.
Dala-dala ang tray na may lamang malaking bowl of chicken soup, I made my way back to his room. Pinaupo ko sya and then I started feeding him.
Wala naman syang reklamo. It's a good thing na wala syang panlasa kundi lalo syang magkakasakit sa soup na ginawa ko. Okay naman sya e. Malinamnam. But that's probably because I emptied a small pack of MS in it.
Bandang hapon na ng mawala ang lagnat nya but I did not allow him to take a bath so nakuntento na lang sya sa paghihilamos at wisik wisik. "Ngayon lang naman," I assured him.
He was okay enough to cook us dinner. Basta ako 'yong gagawa ng lahat maliban sa mismong pagluluto. He cooked tinola para raw may sabaw.
"This weekend, babawi ako sa 'yo. Magsi-celebrate tayo ng first monthsary natin."
He tsk-ed. "Huwag na."
Sinimangutan ko sya. "Bakit ba ayaw mong mag-celebrate na kasama ako?"
"Ang corny na nga ng monthsaries, papa-corny-hin mo pa by celebrating it a few days late."
"Fine. 'Di 'wag."
"Besides, we already celebrated it. Kinda."
Sa pagkakatanda ko, wala naman kaming ginawang espesyal noong Monday. Sunday pa, meron. Nagpunta kaming Tagaytay. Dinayo namin 'yong sikat na bulalohan doon. Pero one day ahead naman ng monthsary 'yon. Counted na ba 'yon?
Haynako.
Bakit ko ba kasi pinopoblema pa 'yon e ayaw nya na ngang i-celebrate? Siguro dahil guilty ako. First monthsary namin kasi. You'd think that being the female in the relationship, mas magiging matandain ako sa date.
"Stop thinking about it."
"Next time kasi, kahit gaano pa ako ka-busy, sasabihan mo 'ko," sabi ko sa kanya.
"Sana kasi tumitingin ka sa kalendaryo."
"E malay ko ba naman. Hindi ko naman alam na naging official tayo," dahilan ko sa kanya. Totoo naman. Naging opisyal bang kami? As far as I can remember, nang huling araw ko sa bahay nya at nagka-aminan kami, since then we started going out. Pero parang hindi kami. Walang label. I mean, hindi namin napagkasunduang mag-girlfriend-boyfriend na kami.
Parang bigla na lang, poof—kami na. I started calling him my boyfriend and he started getting possessive of me.
"You really are kind of slow, aren't you?" He turned off the heat of the stove and put the lid back on. Saka nya ako hinarap.
"Well, how do you expect me to realize na tayo na pala noong first day e kung hanggang ngayon naman, nanliligaw ka pa? Ang gulo kaya ng arrangement natin."
"Well, I didn't exactly have time to court you before, didn't I? At saka, akala ko ba gusto mong nililigawan ka?"
I sighed. "Hindi ko naman sinabing ayaw ko. Ang sabi ko lang, magulo ang arrangement natin." And that explains the confusion with the dates.
"So make it clear. Tayo na ba o tayo na ba?" seryoso nyang tanong.
"Tayo na," sagot ko naman agad.
He looked at the calendar on the counter. Itinuro nya ang date ngayong araw. "Remember this date. Ito na 'yong bago nating monthsary."
Tumango ako. "Agreed."
"Hey... we could still make it special."
"How?"
He told me to wait for him. Bumalik sya ng kwarto to retrieve an aged wine from his own private little cellar. I shook my head disappprovingly.
"No. No more drinks for you."
Sumimangot sya. "But aren't we supposed to celebrate?"
"Kakagaling mo lang kaya sa sakit. Gusto mong magkasakit na naman?"
Marami pa sana syang irereklamo kaso hindi nya na itinuloy nang samaan ko sya ng tingin. Pinabalik ko sa kanya 'yong bote and I told him that we'll drink it a month later.
So ang ending, we celebrated by eating tinola and orange juice—cold for me and warm for him.
Later that night, he insisted na magkatabi ulit kaming matutulog. That arrangement was supposed to apply only during weekends but since idinahilan nyang para mas mabilis syang gumaling at tutal e gusto ko rin naman, hindi na ako tumanggi.
Bandang madaling-araw nang gisingin ako ni Kent. "Time to go home," he said.
Umungot lang ako at sumiksik sa kanya. Antok na antok ako.
"Jazz, kung hindi ka babangon, mali-late ka sa trabaho," sabi nya sa 'kin. Pilit nyang tinatanggal ang braso ko na nakayakap sa bewang nya. He was goading me to get up.
"I don't care," I replied. I didn't really mean I don't care. Mas gusto ko lang talagang matulog pa ng mas matagal.
His cold hand on my neck woke up my nerves a bit. Ang sarap-sarap ng tulog ko pero dahil sa malamig nyang kamay, nagising ang diwa ko. Nagbabad ba sya ng kamay sa malamig na tubig?
"Ang lamig ng kamay mo!" reklamo ko sa kanya.
I heard him sigh. "Normal ang temp ko. Ikaw lang itong mainit."
Hindi ko sya pinansin. Sa pagkakaalam ko, mas mainit ang temperatura ko kesa sa kanya.
"Jazz... I think you have a fever."
I grunted. Great.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro