Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6 - Indirectly

Ngayon ko lang na-appreciate talaga ang pagiging eye candy ni Kent. I mean, who wouldn't want to kiss those lips? Isa siguro ito sa mga rason kung bakit madalas syang titigan ng mga babae kahit nasa'n man sya. Ang tangkad nya rin. Para syang model, hindi chef. Ang gwapo nya ring pumorma. Ilang beses na ngang may lumapit sa 'min sa mall, kinukuha syang model. Tapos sya naman, tinatawanan lang 'yon.

"Are you done drooling?"

Napalayo ako nang bigla syang magsalita. Nakapikit pa rin sya. I thought he was still asleep. Hindi kasi sya gumagalaw kanina.

Pagkatapos nilang mag-inom ni tatay kaninang madaling-araw, dito sya sa couch namin humilata. Mabuti na nga lang at nagising si nanay kanina para kumutan sya at tapatan ng electric fan kundi baka pinapak na sya ng lamok.

"I'm not drooling."

Bumangon sya at kinusot ang isang mata. Maya-maya'y nagmulat sya tapos ay ngumiti sa 'kin. "You're obviously ogling at me."

"It's called observing."

Pinisil nya ang kaliwa kong pisngi tapos nang umaray ako, tinapik-tapik nya bigla. Then he got up. "Palipat sa kwarto mo."

Tumayo rin ako. "Okay. Pero aayusin ko muna."

"Huwag na." Naglakad sya paakyat ng hagdan. Tsk. Ang tigas ng ulo. Sumunod na lang ako sa kanya. By the time na nakapasok ako ng kwarto ko, nakadapa na sya sa higaan ko. Mukhang tulog na.

Binuksan ko na lang ang electric fan tapos kinumutan ko sya ng bahagya.

Bumaba ako sa kusina kung saan nagluluto si nanay ng arroz caldo.

"Anak, himayin mo nga 'yung manok." Itinuro ni nanay 'yung isang bowl na may lamang chicken breast na nilaga niya kanina. Ganito kaming magluto ng arroz, hinihimay ang manok. Para nga naman tipid. Maya-maya'y nagsalita sya. "Gusto mo talaga sya ano?"

"Po?"

Ngumiti si nanay sa 'kin. "Ganyan din ako noong bago pa lang kami ng tatay mo." Parang bahagyang namula ang pisngi ng nanay ko. Hala, kinikilig pa rin?

"Nay, ano ba'ng topic natin?"

"Kanina kasi," bulong nya. "Nakita ko kung paano ka tumingin sa kanya, 'nak."

"Ganun po talaga kapag gwapo. May ganung effect," dahilan ko sa kanya.

Umiling naman si nanay. "Gwapo rin si Toby, anak, pero kahit kailan hindi mo siya tinitigan ng ganon."

"Mas gwapo po si Kent."

"Kahit naman sino magiging pinakagwapo basta mahal mo. Sa lahat nga ng manliligaw ko, tatay mo ang pinakapangit. Pero sya ang naging pinakagwapo sa paningin ko."

"Hala, 'nay!" Ang gwapo kaya ni tatay. Sure, he's not commercially handsome pero gwapo sya sa simpleng paraan. Katamtaman lang ang tangkad nya, hindi naman kapayatan—medyo malaki na nga lang ang tiyan kakainom. Maraming laughlines ang tatay ko dahil masayahin sya. Palaging may kinang ang mga mata. Hindi naman katangusan ang ilong pero hindi rin pango. Para sa 'kin gwapo ang tatay ko pero kung sasabihin ni nanay na pinakapangit ito sa lahat ng naging manliligaw nya... wow. So ibig sabihin mga artistahin ang hitsura ng mga ibang nanligaw kay nanay noon?

Tumawa si nanay. "Totoo nga! Si Ninong Jobert mo? Nanligaw sa 'kin dati 'yun!"

"Grabe. Seryoso?" Si Ninong Jobert ang mayor namin ngayon. Wow. Think about it, he could have been my father! Pero hindi rin pala. Kailangan din nga pala ng genes ni tatay para mabuo ako.

"Seryoso. Apat na taon nya akong niligawan at muntikan ko na syang sagutin kaso ay nakilala ko ang tatay mo."

"So hindi nyo nagustuhan si Ninong Jo?"

Nagkibit-balikat si nanay. "Gusto naman, anak. Kaya lang, wala 'yong kilig. 'Yong para bang okay lang. Parang ikaw kay Toby. Kumportable ka. Maaasahan sya, kaya kang buhayin, mahal ka... pero iba 'yong pakiramdam mo kapag si Kent ang kasama mo. Iba 'yong saya. Ganoon ako sa tatay mo."

"Hanggang ngayon kilikilig ka pa rin kay tatay?"

"Minsan," natatawang sagot ni nanay. "Minsan, hindi. Pero masaya ako."

Maya-maya, pinagising na ni nanay sa 'kin sina tatay para kumain. Inuna kong gisingin si Kent.

"Kent, bumangon ka na dyan." Sinipa ko sya sa binti. Umungot lang sya.

I sat down on the edge of the bed and tried tickling his side. Gumalaw naman sya... para lumayo sa 'kin.

"Kent!" sigaw ko sa may tenga nya.

"Ano? Kakatulog ko lang!" reklamo nya.

"Kumain ka muna. Bangon na, dali!" I helped him up.

"I'm not hungry."

"You need to eat. Maligo ka na rin pagkatapos. Amoy kang alak," puna ko.

"Natural amoy akong alak. We drank alcohol, not coffee."

"There's no need to be sarcastic."

"Sit," he told me when I stood up. Naupo naman ako.

"What?"

Sumandal sya sa 'kin. I grunted. Pati pawis nya, amoy alak. Si tatay talaga, walang patawad sa kainom. Hindi ko naman masisi si Kent for tolerating my father--I'm sure they did not stop drinking till the last drop—he just wanted to please him. And he told him he loves me. I can't get angry with him.

"Kent, how did the talk go?"

"It's okay, I guess."

"Ano'ng napag-usapan nyo?"

"Oh, you know... the usual." Yumakap sya sa 'kin. "I'm sleepy."

We were like that for almost five minutes. He's sleeping again. Umaalingasaw 'yung baho ng alak. Kaya ayaw na ayaw kong nilalapitan si tatay kapag nag-iinom e. Ang baho. Amoy Red Horse.

"Kent." Niyugyog ko sya.

"I'm not hungry," he mumbled.

"But you have to eat. Come on." I pulled on his hair, na ngayon ko lang napansin na ang haba na pala. Halos natatakpan na ang tenga nya. Kung hindi nga nya hinahawi ang buhok nya, baka tungki na lang ng ilong nya ang nakikita ko. "Saka magpagupit ka na rin ha?"

He grunted and straightened up. Saka nya ginulo-gulo ang buhok nya. "My hair's fine."

"It's messy."

He squinted at me. "I thought you liked it messy?"

"Yes pero ang haba na kasi. Natatakpan na kaya 'yang mukha mo." I hopped on the bed behind him and pulled my ponytail. Hinawi ko ang buhok nya at inipon ko sa may tuktok. "Kung ayaw mong magpagupit, magpuyod ka na lang."

"Ang dami mong arte," reklamo nya.

Yumakap ako sa kanya. "Hindi ko kasi makita ang mukha mo. Ang gwapo-gwapo mo pa naman." I kissed his cheek. "Pagupit ka na please?"

Kunot-noo syang bumaling sa 'kin? "What the hell is wrong with you?" taka nyang tanong.

I smiled at him. "Nothing. Maganda lang ang gising ko." I got off the bed, pulling him by the hand in the process. "Tara na. Gigisingin ko pa si tatay."

We ate in peace for the first time. It's not the usual 'quiet' with no talking but loud grunts instead. For the first time, pleasant ang pagkain namin kasama si Kent. My father's even polite enough to greet him good morning.

Nang matapos syang kumain, umuwi na sya. He said he needs to sleep.

Bandang hapon na nang tumawag sya sa 'kin. Labas daw kami. Nagpaalam ako kay tatay and surprisingly, isang tanong ko pa lang, payag na sya. Pero syempre, may curfew pa rin. But I didn't mind.

Sinundo ako ni Kent bandang alas kwatro ng hapon.

"We're here."

"Where?"

"Sabi mo magpagupit ako." He unbuckled his seatbelt. I did the same. Bumaba kami ng sasakyan. In front of us is a little salon. Salon? Gusto kong matawa. Apparently, hindi sya sanay sa barber shop.

"Here?" I pointed at the sign. May isang malaking glass window sa tapat namin, like all of the salons in the city. Napansin kong puro naka-black polo shirt at slacks ang mga nasa loob. Lahat sila makukulay ang buhok. Most are dirty blond.

"Well, I can't take a haircut from a restaurant, can I? Come on."

I ignored his sarcasm and went inside the salon. We were greeted by this gay guy na mukhang kakilala ni Kent. He must be a regular here.

Tumingin ito sa 'kin mula ulo hanggang paa. Medyo nailang ako. Naka-t shirt at shorts lang ako.

"Girlfriend mo, dear?" Napataas naman ang kilay ko sa dear. So sila may endearment, kami wala? Tumango lang si Kent. Pinaupo nila ako sa gilid, katabi ng magazine stack. He said he'll have the usual cut. Agad namang trumabaho ang paglorista. I tried to kill time by reading a magazine but I often get distracted by their loud voices. Kwentuhan kasi ng kwentuhan ang mga nandoon.

"Kailan pa kayo?" tanong ng bakla sa kanya.

"Bago lang," sagot nya.

"Medyo plain ha..."

Napatikhim ako. Plain? Okay, that kinda hurt. I guess I should have worn makeup.

"No, she's okay." Of course, I'm bloody okay.

"Kelan ang expiration date?"

Nagpanting ang tenga ko sa expiration date. Who the hell asks that? And within my earshot? Is this gay guy trying to unnerve me?

"Oh... she's not—not that kind of girlfriend."

Itinaas ko ang magazine para matakpan ang mukha ko. I won't want to catch them catch me looking at them.

"Oooohhh... seryoso na ba 'yan?" I didn't hear any answer from him. Maya-maya'y nagrinig ko na naman ang boses nung bakla. "Mabuti naman. Akala ko hindi ka pa rin nakakamove on kay ano."

Kiele?

"Could you color my hair? Gusto ko medyo brown. But not too much. Para lang hindi itim na itim 'yong buhok ko," I heard Kent ask.

"Okay, sure."

Medyo tumagal kami dahil nagpakulay pa sya ng buhok. Nang matapos sila, madilim na sa labas. Nag-dinner na kami pagkatapos.

"Kung mag-usap kayo kanina, parang wala ako do'n a."

"Ganun talaga 'yon."

"Cute ng endearment nyo. Dear."

He dropped the spoon and fork and looked at me intently. "Nagseselos ka ba?"

"Kanino? Sa baklang 'yon?" I scoffed. "Please."

"If you really want it, we could come up with an endearment."

Umiling ako. "Corny."

"I thought so."

"Ang corny nyo nga kanina. Parang kayo 'yong mag-on." He smirked at me. "What?"

"Nothing. It's just that you're sweat smells like jealousy."

I stuck my tongue out at him.

"So what do you think of my haircut? Gwapo na ba ulit ako?"

"No. Ang pangit ng gupit mo."

"Nagseselos ka nga."

"Am not."

"Are to. And let's stop with the bickering before it gets annoying."

"Ikaw kaya ang nagsimula."

He rolled his eyes. "Fine, it's my fault. Now can we continue eating?"

I shrugged in response.

Pagkatapos naming kumain ng hapunan, iniuwi na ako ni Kent. But we stayed in his car for almost an hour. Nagkikwentuhan lang kami. Kapag daw kasi nasa loob kami ng bahay, palaging nakamanman sa kanya ang tatay ko. Nakakailang daw.

And this is the guy who I caught humping someone on my first day at his house. Lahat pala talaga ng tao, may hiya. Magaling lang magtago 'yong iba.

"Anong oras kita susunduin bukas? The usual time?"

"Huwag na. Marunong naman akong mag-commute," sagot ko sa kanya. Aksaya sa gas. Aksaya sa oras. Itutulog pa sana nya, ipinangsusundo nya pa sa'kin. Alam kong gawain talaga ng boyfriends 'yon pero hindi naman kasi ako baldado. Kaya ko namang pumasok sa office ng walang taga-hatid.

"Okay lang naman sa 'kin e."

I shook my head. "Huwag na. Sunduin mo na lang ako sa hapon kung mapilit ka talaga."

"Are you sure?" Tumango ako. Napakibit-balikat na lang sya. "Okay."

"Sige na. Papasok na 'ko," paalam ko sa kanya. Before he could protest, natanggal ko na 'yung seatbelt ko. I leaned on him and kissed him good night. "Kita na lang tayo bukas."

"Wait, Jazz..."

I was just about to open the door. "Hmm?"

He unbuckled his seatbelt and got out of the car. "Baka sabihin ng tatay mo hindi kita inihatid." Pinagbuksan nya ako ng pintuan tapos inihatid hanggang sa may pintuan. He knocked on the door. Si nanay ang nagbukas.

"O, ang aga nyo yata?"

"Lunes po kasi. Baka mapuyat si Jazz." Ngumiti sya sa nanay ko saka bumaling sa 'kin. "Good night."

"Okay?" He seemed weird today. "Good night din."

He started walking towards his car.

"Kent!" I called out to him.

He stopped walking and turned. "What?"

"Bagay sa 'yo 'yang gupit mo," I said before getting inside.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro