Chapter 31 - Wedding Jitters
Isang linggo na lang bago ang kasal. Hindi na kami mapakali pare-pareho. Parang ang sarap ngang i-postpone ng kasal kasi feeling ko sobrang kulang yung time for preparations. Ni hindi ko pa magawang mag-diet para makasigurado akong kakasya ako sa wedding gown ko.
Sinukat ko ito the other day and I almost cried when it didn't fit. I was bigger by a few centimeters. Kung ipipilit ko, either mauubusan ako ng hangin sa hindi paghinga o masisira ko yung gown altogether. Good thing Gale was there to talk some sense into me. She asked for the tailor to make little adjustments on the waistline.
Nagkatrangkaso yung ring bearer na kinuha namin. Hindi pa namin alam kung gagaling ang bata just in time for the wedding. There's the plan to change the motif on the last minute. Nawiwindang na rin yata pati ang nanay ko. She suddenly felt ill with our color scheme.
Parang lahat ng involved sa pagpaplano, feeling sila ang ikakasal. May nagkaaway-away pa dahil hindi magkasundo sa isang maliit na bagay.
Feeling ko talaga may hindi mangyayaring maganda e. Sana lang huwag sa mismong araw ng kasal ko. Baka hindi ko kayanin.
Si Kent naman, nagpapaka-busy sa trabaho para makaiwas sa pagpaplano. He hates planning at kahit sa sarili niyang kasal ay gusto nyang minimal participation lang ang gagawin nya. Kaya sya na lang ang pinag-asikaso ko ng catering, since malapit naman ang pagkain sa puso nya.
France will be the caterer. Lalayo pa ba kami? At least, discounted ang pagkain without sacrificing the quality of the food.
Ang hirap pala kapag once in a lifetime ka lang ikakasal. Nakaka-pressure. Kung at least parang birthday na taon-taong ginagawa, at least pwede kang masanay. Dito, it's either you'll screw up or it will be perfect. There's a very thin line separating those two. And I'm pretty sure mine's leaning on the former.
Monday
"Dito ka na matulog para diretso na tayo sa pagchi-check ng cake bukas."
"Bakit kailangan pang i-check 'yong cake? Akala ko ba okay na?" kunot-noo kong tanong sa kanya.
"E di yung souvenirs ang i-check natin."
Tiningnan ko sya ng mataman. "Gusto mo lang yata akong patulugin sa bahay mo e."
He let out a chuckle. "Halatang-halata ba?"
I smiled at him. Ilang araw din kaming hindi nagkita. Medyo napadalas ang pag-o-overtime ko para magpa-good shot kay boss. Dalawang linggo rin akong magbabakasyon. E dahil sa nabulilyaso 'yong permanent job ko sana sa New York, medyo hindi kami in good terms ng boss ko.
"Miss mo na 'ko 'no?" Tinusok-tusok ko sya sa tagiliran. He quickly caught my hand. Inakbayan nya ako at inihilig ang ulo ko sa dibdib nya.
"Can you hear it?" he whispered.
I listened intently. His heartbeat was faster than the usual.
"Nagkape ka?"
Medyo nagpa-palpitate sya kapag nagkakape. Kaya ayaw nya ng kape. Bumibilis ang tibok ng puso nya.
"No," he answered. "I'm just this excited for Sunday."
"Buti ka pa excited. Ako, sa sobrang nerbiyos ko, hindi ko na maramdaman ang excitement."
"Bakit ka naman ninenerbiyos?"
"E kasi... parang nagkaka-gulo-gulo kung kailan last minute na. Paano na lang kapag sobrang naging magulo na hindi na sya maayos before the wedding?"
"Huwag mo kasing isiping hindi na maaayos. Actually, dapat nga mas matakot ka if everything is going so well. Kapag walang problema, doon may problema talaga."
I guess he's right. Takot din ako kapag parang walang nangyayaring masama e.
"Tell you what. Let's get your mind off those things." Ngumiti sya sa 'kin tapos saka sya tumayo, pulling me up while at it.
"And how exactly are we going to do that?"
"Cooking," he answered nonchalantly. "Bakit? Ano na naman ba ang nasa isip mo?" natatawa nyang tanong.
Sinamaan ko na lang sya ng tingin. Palagi namang may lusty undertone ang mga sinasabi nya e. Matalas na ang pandinig ko sa mga 'yon. Sa dalas ba naman nyang magbitaw ng green jokes e.
Tuesday
Nakaleave ako maghapon para asikasuhin pa yung mga natitirang details na hindi pa plantsado. Kent also took a leave from work. I told him to just switch shifts with France pero ayaw nya. Tinatamad na naman kasi sya.
We checked the cake and the souvenirs to see if they're okay. Wine ang napili naming gawing souvenir. Nasa maliit na bote lang sya. Mga limang tungga lang siguro. Yun na lang para at least daw, unique ang giveaways namin. Hindi kagaya nung madalas na mga pang-display na hindi naman talaga nagagamit.
I initially suggested cupcakes pero sabi nya masisira daw agad 'yon. So we settled for wine.
Tapos dumiretso kami ng Sagada dahil trip nya lang. Mini-getaway daw. Nang makabalik kami, he suggested that we cook stuffed chicken. Nakabili kami ng chickens na kulay dilaw ang balat nung pauwi na kami. Gusto niyang lutuin agad pagkadating namin.
Gusto nyang tinola ang lutuin o kaya, adobo pero mapaparami ang kain ko kapag isa sa dalawang iyon ang ulam kaya sabi ko stuffed chicken na lang. May rice stuffing na sa loob tapos may potatoes and carrots para all in one na.
At dahil ako ang nag-suggest, he made me stuff the chicken. Ang dumi-dumi tuloy ng kamay ko pagkatapos. But it was worth it. Nang maluto naman, bawing-bawi ako sa pagkain.
Wednesday
Balik office ulit ako. May meeting with an important client kaya sobra ang pagpiprepare na ginawa namin. I couldn't even think of anything else dahil maya't maya akong kinukulit ng boss ko for the designs na ipapakita namin.
One of the Singaporean clients even tried to hit on me. Matandang binata kasi iyon saka friendly. Out of the three visitors, he's the only one gracious enough to invite us to have dinner with him. Libre nya lahat tapos sa mamahaling restaurants pa.
"She's already getting married this coming Sunday!" sabat ng isa kong officemate.
"Oh? Congratulations, then!" nakangitiing sabi ni Sir Ang. "It's just that... I did not see any ring so I thought she's still available."
Halos sabay-sabay kaming napatingin sa kamay ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang wala nga ang siingsing! Mangiyak-ngiyak ako habang hinahanap ko iyon sa ilalim ng lamesa. Kamayan pa naman yung restaurant na kinainan namin so hinanap ko rin hanggang sa CR. Wala. Hindi ko talaga makita!
Thursday
Kent's been calling me all day. Natatakot akong sagutin ang tawag nya. He had sent me tons of messages already pero hindi ko binabasa. Hinalughog ko na ang buong bahay namin pero wala pa rin. Hindi ko makita. Nakailang iyak at dasal na ako pero wala pa rin.
Sinunod ko na nga yung sinabi nilang huwag hanapin ang isang bagay dahil kusa itong magpapakita but after an hour of waiting at wala pa rin, halos mabaliw na ako sa kahahanap.
Sinusubukan akong pakalmahin nina nanay. Ikakasal na naman daw ako. It's the thought that counts daw. Alam na naman daw ng lahat na ikakasal na ako so the ring wouldn't really matter that much pero hindi kasi nila naiintindihan.
Ang mahal kaya ng engagement ring!
Saka ano na lang ang iisipin ni Kent when he learned that a few days before our wedding e naiwala ko 'yon? Baka isipin nya pa na hindi ko binibigyang importansya yung simbolo ng pagpo-propose nya. Syampre big deal sa kanya yun. Kasi naiwan na sya once sa altar.
He wanted to make everything right this time and yet... I was the one who ruined it for him.
Friday
Nag-early out ako para magtago ulit. Hindi muna ako didiretso sa bahay. Baka makitulog na lang ako kina Femi. Siguro sa wedding na lang ako magpapakita. Tatakpan ko na lang ng kung ano ang kamay ko para hindi nya halata.
Well, that was the plan...
Nagulat ako nang madatnan ko sya sa lobby.
"Jazz..."
Awtomatiko kong naipamulsa ang kaliwa kong kamay.
"K-Kent!" I willed myself to smile but my face was on the verge of twitching. "What are you doing here?"
"Tinawagan ako ni nanay. Kahapon ka pa raw nagpi-freak out kahahanap ng singsing mo."
Nawalan ng kulay ang mukha ko at the very instant.
"Kent, I'm sorry! Hindi ko talaga alam kung paano nawala sa kamay ko—"
"I've been trying to tell you since yesterday." Dumukot sya sa bulsa at doon ko nakita ang singsing na noong isang araw ko pa hinahanap. It was dangling on a silver necklace.
"Saan mo nakita 'yan?!"
"Naiwan mo sa bahay. Nasa sink sa bathroom."
And that's when I remembered. Naghugas ako ng kamay dahil ako ang maglalagay ng stuffing sa manok. Since ayaw kong madumihan ang singsing, tinanggal ko muna ito at ipinatong sa kitchen sink. Pero nawala sa utak ko na ginawa ko 'yon.
Tapos hassle pa sa sobrang stress ang trabaho ko kinabukasan kaya hindi ko na talaga naalala. It was not until Sir Ang pointed it out that I realized that it was already missing.
Hinila nya ako paupo sa couch sa may tabi ng station ni manong guard. Tinanggal niya sa pagkakakabit sa kwintas ang singsing saka niya iyon muling isinuot sa 'kin.
"Kaya pala hindi ka nagpaparamdam e. Akala ko tinakasan mo na 'ko."
"Oy hindi a. Wala akong planong takasan ka. Nagpanic lang ako kasi baka magalit ka sa 'kin."
He held my hand and squeezed it. "Ano ka ba, Jazz. There's no need to panic. I'd rather lose the ring than lose you."
"Yeehee! Kinikilig ako sa inyo, ma'am!" tudyo ni kuya guard. He was even making a face. Yung parang nakainom ng suka.
"Adik ka kuya!" natatawa kong sabi.
"Congrats sa inyo ma'am, sir!"
"Salamat po." Kent stood up. "Let's go home?"
"Okay..."
Saturday
Ito na yung kinakatakot ko e. Bridal shower. Huling araw namin bilang mga single. Last day para umatras. Dahil bukas, wala nang atrasan.
"Hoy Toby, babantayan mo 'yang maigi ha? Baka may ibang mag-uwi dyan!" bilin ko kay Toby. Nasa bahay si Kent kasama sina Toby at sina tatay. Aalis na rin kami mamaya para sa separate party para sa 'kin.
"Oo na. Paulit-ulit?" iritado na si Toby. Nakukulitan na yata sa 'kin.
"Huwag kayong masyadong late uuwi ha? Baka mapuyat 'yan."
"Jazz, relax. I'll be fine," Kent assured me.
"Huwag ka na lang kayang sumama? Mukhang ayaw kang paalisin ng kapatid ko e," biro ni kuya.
"Sasama ako! Last day of freedom e!"
Hinampas ko sya sa braso. "May nalalaman ka pang ganyan!"
Tumawa sya. He cupped my face. "Relax, okay? I'll be back tomorrow for the wedding. Promise."
"Huwag kang maglalasing ha?" paalala ko sa kanya.
He kissed my forehead. "I'll be good."
"Tama na 'yan! Hinihintay na nila tayo!" aya ni tatay. Nagsilabasan silang lahat ng bahay. Pati sina nanay, sumunod na rin sa labas.
When we're alone inside the house, I hugged Kent tightly.
"Bukas na..."
"Bukas na nga," pag-uulit nya.
"Are you still sure about this?" nag-aalangan kong tanong.
"Of course. It's too late to back out now, Jazz."
"Baka naman magloko ka pa for the last time ha."
He held my chin and tilted my face up. He was looking at me intently. "Ikakasal na tayo bukas. Hanggang ngayon, wala ka pa ring tiwala sa 'kin?"
Umiling ako. "Sorry. I'm just being paranoid again."
He smiled. "I promise that I'll be there at the altar tomorrow. I will watch you walk down that aisle. I will say my vows to you and I will say I do. Now, all I ask from you is to believe in those things that I've just said. Can you do that?"
Tumango ako. "Yes."
"Good." He leaned down to kiss me. "I love you."
"I love you too, Kent."
Sunday...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro