Chapter 29 - Conditions and Compromise
It's less than two months before the wedding and his birthday. The plans for the former were not really going smoothly but we are managing. Mabuti na lamang at nandyan ang nanay ko, mommy nya at si Gale. Kung ako lang siguro ang mag-aasikaso ng lahat, baka sumabog na 'ko sa sobrang stress.
Totoong nagiging bridezilla ang mga babaeng malapit nang ikasal. Kahit ano sigurong tino mo, kapag na-expose ka sa ganitong klase ng pressure, all your resolve will be thrown out the window. Ilang beses ko na ngang napagbuntunan ng galit si Kent. He had experience on this though, so medyo iniintindi na lang nya ako. Kahit pala si Kiele naging bridezilla dati. At mas malala ito because she threw a fit right at the wedding, where she ran off and left him crying. So, compared to that, I'm good. Really good.
Tuwing weekend, pinipilit nyang ilayo yung utak ko sa wedding preparations. Most of the times, it's not working. Lalo na at ilang linggo na lang ang binibilang before the big day. Feeling ko palagi may bricks ako sa tiyan. The mere mention of the word 'wedding' could drain the blood on my face.
"Na-train mo na ba si Snow na sa labas mag-CR?" tanong ko sa kanya.
Since it's weekend, I was obliged to be at his house. Tuwing weekdays, sa bahay sya nagdi-dinner. Sya ang tagaluto, ako ang tagahugas ng pinggan. Nai-spoil na sa 'min ang pamilya ko.
"Snow? Akala ko ba nagkasundo na tayo sa Whitey?" kunot-noo nyang tanong.
"Ayoko ng whitey. Asong-aso naman ang pangalan."
"E aso kaya 'yan," giit nya.
"Mas cute ang Snow."
"Okay, to settle this argument, let's call him by the names we want at kung saan sya mag-respond, yun ang gagamitin nating pangalan."
"Okay."
Si Snow yung tuta na binili nya para raw ma-practice namin 'yong 'parenting' skills namin. When I went to New York and he followed, inihabilin nya ito kina Gale. Gale named him Jacques. He never responded to that name.
Kent, being so creative with names, named him Whitey. I called him Snow. Pero NR lang ang tuta kapag tinatawag namin ito sa pangalang gusto namin.
"Ano ba yan. Bakit ayaw nyang lumapit?"
"Snow!"
"Whitey!"
Nang sabay kaming nagsalita ay saka tumingin ang tuta sa direksyon namin.
"So kailangang in sync?" natatawang tanong ni Kent.
"Snow!"
"Whitey!"
This time, nauna akong tumawag. The dog jerked his head on our direction.
"Snow Whitey?"
Nakatitig lang sa 'min ang aso.
"Snow White?"
Kent rolled his eyes. "Jazz, he's a bo—"
Napanganga kaming pareho nang lumapit sa amin yung tuta.
"Snow White?!" Kumahol ito. Kent raised the puppy. "Akala ko ba lalaki ka?"
"Kaya pala mas malambing sya sa 'yo," natatawa kong kumento. Kent tried calling the puppy's attention by other names pero hindi ito namamansin kapag hindi Snow White ang tawag dito. Ayaw rin nito sa Snow lang. Gusto kumpleto.
We fed Snow and played with him until he's tired enough to sleep. Habang natutulog ang aso at wala kaming magawa, Kent thought of an activity that he said might turn out to be helpful for our marriage.
"Marriage Agreement?"
Tumango sya. He gave me a notebook and a pen. Mayroon din syang kanya.
"It's like playing twenty questions. Same rules. Halinhinan tayo. Only this time, the things we will say are not questions but more of terms and conditions. If we agreed on them, we will follow these agreements kapag kasal na tayo."
"Okay?" Kahit nag-aalangan, sumang-ayon na rin ako kasi alam kong hindi nya ako titigilan hanggat hindi ako pumapayag. So I'll just reserve my energy for later, dahil alam kong magtatalo kami dahil sa mga kundisyon na 'yan.
"I'll start." He began scribbling to his notebook. When he was done, he showed me what he wrote.
"Yan agad?!"
He frowned. "Bakit? It's a fundamental aspect of a marriage."
"Small things muna! Saka na yan."
"Okay." He scratched the first term saka sya nagsulat ng bago. Then he showed it to me.
"Jazz will always wear lingerie to bed. No pajamas allowed," I read. "Paano kapag nanaba ako?"
"Kapag tumaba ka, sa couch ka matutulog."
"Grabe ka!"
Tumawa sya. "Biro lang. So ano?"
"Hmp. Okay."
We signed the first condition. Then, ako naman ang nagsulat saka ko ipinakita sa kanya.
"Kent is not allowed to walk around the house naked."
Mukhang nagulat pa sya sa una kong kundisyon. "Why? Bahay ko 'to."
"Okay. I guess sa bahay na lang namin ako titira. Dalawin na lang kita tuwing weekend, ha?"
He grunted. "Fine. Half-naked okay?"
"Hindi ka ba nilalamig?"
Umiling sya. "I'm used to it 'cause I'm hot," he said non-chalantly.
"Nye nye. Ano, agree o disagree?"
"Agree." Mabilis nyang sagot. He took the notebook from me and signed next to my first condition.
His turn.
"Sabay tayong maligo."
Pinandilatan ko sya. "Ayoko nga!"
"Para tipid sa tubig."
"Mag-aambag ako sa water bill!"
"Tsk. KJ."
"Denied 'yan ha. Lagyan mo ng DENIED sa tabi."
"Oo na!" Wala syang nagawa kundi sumunod. He showed it to me para maniwala ako.
"Second condition ko: Tutulong ka sa gawaing bahay."
"Fine. I'll take the kitchen off your hands," pagbubulontaryo nya.
"The kitchen, the bathroom and the garden," I negotiated.
"Kumuha na lang kaya tayo ng katulong?"
"Saka na. Tayo na lang muna ang mag-maintain ng kalinisan ng bahay for the first few months."
He sighed in defeat. "Fine. My turn. You will cook for me at least once a week."
"Sure!"
"Hindi pa ako tapos. If your cooking is not up to par, you will take my turn in cleaning."
"Madaya! E di kahit masarap 'yong luto ko, sasabihin mong hindi para mapaglinis mo lang ako."
Umiling sya. "Hindi 'yan. I don't cheat when it comes to cooking. Trust me."
"Fine. Pero tuturuan mo 'kong magluto. That's my third condition."
"Ayoko. Mahirap kang turuan. Ilang beses ka nang nagpaturo pero wala naman akong nakikitang improvement."
Sinimangutan ko sya. "Ayaw mo akong turuan. Ayaw mo rin namang nagpapatulong ako sa iba. Paano ako matututo nyan? Ni ayaw mong manuod ako ng cooking shows sa Youtube!" reklamo ko sa kanya.
"There are many women chefs in the world. Bakit kasi puro lalaki yung pinapanuod mo?"
"Ang seloso mo, 'no?"
"Masakit lang sa ego."
"Sira!"
He laughed and eventually gave in. "Fine. I'll teach you how to cook."
Sa sobrang dami ng kundisyon namin sa isa't isa, halos maubos ang kalahati ng mga notebooks namin. Most of his conditions were denied, of course, but I let some slip kahit feeling ko hindi ko kaya. Hey, if he could compromise, then so can I.
Mag-e-early dinner sana kami kasi nakaluto na sya ng bandang 5 nang datnan ako ng buwanang dalaw ko. Kaya naman pala wala akong ganang kumain kanina.
Nakabaluktot ako sa kama nang pumasok sya.
"O? Ano'ng nangyari sa 'yo?"
"Meron ako," tipid kong sagot sa kanya.
"Merong ano?" kunot-noo nyang tanong.
"Dalaw."
"Huh?"
"Ano ba. Para kang walang kapatid na babae."
Medyo nag-hang pa yata ang utak nya bago nya naintindihan kung ano ang gusto kong sabihin. "Kaya naman pala ang taray mo ngayon e."
Umungot ako. "Kent..."
"Ano?" He sat next to me.
"Ibili mo 'kong napkin."
Kinalkal ko na yung dala kong bag pero wala akong makita. Bukas pa kasi or sa Monday yung expected kong date. Yung isa kong bag yung may napkin. Pagkakataon nga naman.
"Ayoko nga!"
"Dali na..."
"Baka may naiwan dito si Gale. Teka lang."
Naghanap sya sa cabinet nya, sa mga drawers, sa CR... kahit sa kitchen cupboards pero wala syang nakita. Simangot na simangot syang bumalik sa kwarto.
"Ibili mo na 'ko. Sige na..."
Nagpakawala sya ng malalim na buntong-hininga. Saka sya lumabas ng bahay para bumili. Maya-maya ay may dala syang isang plastic ng sanitary napkins.
"Hindi ko alam kung anong brand ang gamit mo so I bought a few."
Tiningnan ko yung hawak nyang plastic. "A few? E pang-isang taong supply yata yang binili mo e."
"Huwag ka na ngang magreklamo. Lumubog ako sa kahihiyan dahil dyan."
I rolled my eyes. Ang arte. Cute kaya ang lalaking bumibili ng sanitary napkin para sa girlfriend nya. Well, at least para sa girlfriend nya. He must've been so humiliated earlier. Buti nga sa kanya.
I took the plastic from him and did my thing on the bathroom. Since sumasakit talaga ng sobra ang puson ko kapag first day, hindi ako nakauwi agad. Hindi rin ako nakapaghapunan since wala akong gana. Natulog na lang ako.
Bandang alas otso nang ihatid nya ako sa bahay. Dumiretso ako ng kwarto ko para matulog ulit. Sumakit na naman kasi ang puson ko dahil sa byahe.
I was laying on the bed with my eyes closed nang makarinig ako ng kaluskos. Napabalikwas ako ng bangon.
"Relax! Ako lang 'to."
"Toby!"
"Sorry. Akala ko kasi tulog ka."
Kumuha ako ng maliit na unan para idiin sa puson ko. "Ano'ng ginagawa mo rito?"
"Dinalhan kita ng heat compress." He threw that to me. "Gusto mo ng gamot sa dysmenorrhea?"
Nakangiwi akong tumango. Dumukot naman sya sa bulsa at binigyan ako ng tableta. Madalas kaming ganito. Bago pa man ako magka-period, alam nya na. Kaya palagi syang may nakatagong napkin at gamot sa bag nya nung high school kami.
One time, may nangialam ng bag nya tapos nakita yung sanitary napkin na nakatago. Isang linggo rin syang nalokong bakla noon. The teasing stopped when I admitted na dahil sa 'kin yun. Tapos, naiba na ang panloko nila kay Toby.
They started pairing us up. Ang sweet-sweet daw nya at ang swerte-swerte ko raw.
Napaisip ako noon. Inuntog ko pa ang ulo ko sa pader. Baka sakaling magising ako isang araw na gusto ko na sya. Uso kasi yung mga mag-best friend na nagiging lovers. Akala ko ganun din kami. Pero kahit anong pilit ko, hindi ko sya magustuhan ng higit pa sa kaibigan.
I thought we were on the same pace back then. Naisip ko na baka ganoon lang talaga sya sa 'kin. Well, when we went to college, I was proven wrong.
Swerte ang babaeng makakatuluyan ni Toby. Sobrang swerte. He's the most loving guy I know. Probably more loving than Kent. And if I could only teach my heart to love him, I would have taught it a long time ago. But that's not how love works.
"Hoy, Jazz!"
"Ha?"
"Tinatanong kita kung gusto mo ng maligamgam na tubig."
"Sige."
Tumango sya at bumaba sa kusina para kumuha ng tubig. And I was left alone to wonder... why exactly can't I love him?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro