Chapter 28 - Perks of Being Engaged
One time, nasa bahay niya kami. Nililinis ko yung stove nya. After kasi nyang magluto, nililinis nya 'yon palagi. Masyado syang hygienic when it comes to his kitchen. Gusto nya spotless. Kasi kapag daw malinis ang kusina, malinis din ang pagkain. At masarap kainin ang pagkaing malinis. May point nga naman sya.
When he made me watch Kitchen Nightmares, may mga episode doon na may mga daga at ipis na nakikita sa kitchen. It was horrifying. And to think na restaurant yun tapos ganun kadumi.
As I was cleaning the stove, he moved behind me. Itinaas nya yung nakalugay kong buhok and sloppily tried to tie it up. Saka nya hinalik-halikan ang leeg ko.
"Kent." I called his name sa tonong nananaway.
Tumigil sya sa ginagawa nya saka nya ako iniharap sa kanya.
"Jazz, tapatin mo nga ako. Do you find me perverted?" kunot-noo nyang tanong.
"State the obvious day ba ngayon?" natatawa kong sagot.
Seryosong-seryoso sya e. Seryoso sya dun sa tanong nya? As if naman na hindi nya halata.
"Do you hate it though?"
"Why do you ask?"
"E kasi ikakasal na tayo. After the wedding, we will be stuck with each other until the end. If you find it off, ngayon pa lang sabihin mo na sa 'kin."
Umiling ako. "No. I don't find it off."
"E bakit palagi mo akong sinasaway?"
"E kasi nga hindi ako sanay."
"Ilang buwan mo na akong boyfriend tapos hindi ka pa rin sanay? Well, we have a lifetime to work on that."
"Gagawin mo 'kong manyak, ganun?"
He grinned. "I'll try."
"That's never gonna happen."
"KJ."
"Pero pwede kitang landiin once a month."
His eyes shone. "Talaga?"
"Yes. Itataon ko sa period ko para walang mangyayari."
Sinimangutan nya ako, "Ang corny ng joke mo."
I made a face. Pero malay nya nga, maisipan kong gawin 'yon. Kaya lang kasi, hindi ko kaya yung level ng pagiging pervert nya. All out kung all out e. Kung lalaki lang siguro ako, baka maumay na sa 'kin kakahintay ang magiging girlfriend ko.
Buti na lang talaga naging babae ako.
"Are you sure you don't want me to change it though?"
"No. It's what makes you you. And if you will lose it, then you won't be the same."
Parang na-touch sya sa sinabi ko. Nakangiti syang yumakap sa 'kin.
"I am definitely marrying you."
Being engaged has its perks and disadvantages. Sa office, kinaiinggitan ako ng mga mas matatanda sa akin na hanggang ngayon ay single pa rin. Lalo na't alam nilang si Kent ang boyfriend ko. Meron pa ngang nagtanong sa 'kin ng pabiro kung pwede raw bang mag-apply bilang mistress ni Kent.
Hindi ko na lang pinatulan.
Mula rin ng maging engaged ako, tumigil na sa pagpapa-cute yung isa kong officemate na araw-araw dumadaan sa cubicle ko para mag-hi. Medyo naging distant na sa akin ang mga katrabaho kong lalaki.
I guess all in all, the idea of being engaged is both exciting and terrifying. Mahirap maghanap ng totoong pagmamahal sa panahon ngayon. Yung pagmamahal na alam mong tatagal. Madalas ngayon, short time. Puro short-time. Mga ilang linggo, buwan o taon lang. At kapag nasa mid-twenties ka na going on 30, parang gusto mo na maging assured ka na para sa kinabukasan mo.
Pero kung hanggang sa panahon na 'yon ay wala ka pa ring nahahanap na someone to possibly spend the rest of your life with, you would think that there's no promising future ahead of you.
Kaya sobrang swerte ko dahil at the age of twenty-five, I was able to find someone who was willing enough to take it all the way. Forever is a lie, they say. So I don't really believe in forever. Ni hindi nga nila ma-quantify kung ilang taon ang forever e. I guess masaya na ako kung tumagal man kami ng matagal na matagal.
May takot pa rin na kasama sa pagiging engaged. Sa kabila ng assurance, nandun yung doubt. I guess Kent was right. Doubt is normal. Nakakatakot din kasi yung notion na isang tao lang ang makakasama mo habang buhay. What if hindi naman pala talaga kayo ang para sa isa't isa? Paano kung nagkamali ka lang pala? Na akala mo tama ang choice mo pero hindi naman pala sya tama forever.
Nasaan ang escape mo? Divorce? Annulment? Separation? Binasbasan na ng simbahan ang pagsasama ninyo. Parang kapag tumiwalag ka, Diyos na ang sinusuway mo. At paano kung magkaanak kayo? What then?
Ang daming dapat i-take into consideration. I don't think a few months of preparation are enough. But maybe that's what marriage is. It's taking a shot at someone. Na kahit hirap na hirap na kayo, you will try to make things work for your marriage and for your kids and possibly, grandkids. It's not all about love.
Love will fade eventually and if it's the only thing that's keeping you together, then you're screwed. Dapat friends din kayo. Dapat may respeto at interes kayo sa isa't isa. Dapat there is more than love to keep you glued to each other.
"Jasmine, hinihintay ka na ng fiancé mo sa lobby," my giggling officemate told me.
Kilig na kilig sila tuwing pumupunta si Kent ng office. Dati, nakakapasok pa sya hanggang sa office ng boss ko. Tuwang-tuwa kasi ito kapag may dala syang pagkain. But after New York, naging hanggang lobby na lang si Kent. Bitter pa rin si boss na denicline ko yung offer. Once in a lifetime opportunity na nga raw, tinanggihan ko pa.
He blamed Kent for that. Lalo na nang malaman nitong ikakasal na kami. He congratulated us though. Civil pa rin naman sila ni Kent, nabawasan na nga lang yung closeness.
I hurriedly packed my things and went outside. Naabutan ko si Kent na nakatayo sa may guard post, nakikipagkwentuhan kay kuya guard.
"Sige manong," paalam nya rito nang makita nya ako. Kinuha nya yung bag ko saka nya ako inakbayan.
"How was your day?" tanong ko sa kanya.
Tumingin muna sya sa akin ng mataman. And then his expression softened. "Complete," nakangiti nyang sabi.
That one word sent butterflies to my stomach.
We rode the elevator to the parking lot and when we got into his car, I kissed him on the cheek.
"What was th—"
"Don't ask." He could be clueless sometimes. Hindi nya alam na nakakatuwa o nakakakilig na yung ginagawa nya kasi wala lang 'yon sa kanya.
"Sa cheeks lang? Ang tipid mo naman."
Rolling my eyes, I unbuckled my seatbelt and leaned towards him. "Lapit na. Bilis!"
Ngumisi sya saka lumapit but not close enough.
"Pucker your lips first," he said.
I frowned. "What?"
"You heard me."
I grunted. "Fine."
I did what he asked. Pumikit pa ako. I don't want to see his face. Pang-aalaska na naman kasi yung makikita ko sa mukha nya.
Maya-maya ay may narinig ako na nag-flash. Napamulat agad ako. I saw him holding his phone against my face. Ang walanghiya, kinuhaan ako ng picture!
Halos mautas sya kakapigil ng tawa. I tried to steal the phone away pero ipinaglalayuan nya naman.
"Burahin mo yan!"
"Ayaw!"
"Kent!"
"Gagawin ko 'tong wallpaper."
I glared at him. "Don't you dare!"
Itinago nya ang phone sa kaliwa nyang bulsa para hindi ko yun makuha. "Buckle up."
"Burahin mo muna 'yan!"
"A-yaw!"
I crossed my arms against my chest. "Then fine! Ayaw ko ring mag-seatbelt."
He shrugged. "Okay."
"Bahala ka kapag nahuli tayo."
"Hindi naman tayo makukulong e."
"Pero baka pagmultahin ka."
"Mayaman ako."
"Mayabang kamo."
Ngumiti sya sa 'kin. "Mayabang ako kasi fiancée kita."
Kapag bumabanat sya ng ganyan, hindi ako maka-counter. Nahalata nya yatang natameme ako sa sinabi nya kaya mas lumapad ang ngiti nya.
"Uy... kinilig sya," he teased.
Hinampas ko yung kamay nyang nangingiliti sa tagiliran ko. "Kainis ka!"
"Ano ka ba. Gusto ko lang namang may remembrance ako ng minsanang paglalambing ng girlfriend ko sa 'kin," he explained.
Okay. Fine. Kapag bumabanat talaga sya ng ganyan, give up na 'ko.
"Correction... fiancée."
"Does this mean that I can keep the picture?"
I rolled my eyes. Oh, what the heck. "Fine."
"Nice."
I buckled the seatbelt for safety as he drove off the parking area.
Malapit na ang 30th birthday nya. He's almost at his prime. Kahit na palagi ko syang nilolokong matanda, truth is he's more youthful than I am. Sya yung perfect epitome ng motto na Carpe Diem. Basta may gusto syang gawin, ginagawa nya. Pwera na lang kapag ayaw ko.
All the preparations are still ongoing. Sina nanay ang abalang-abala sa pagpaplano. Si Gale ang madalas ka-clash ng wedding planner ko kasi gusto nito ay ito ang masusunod. At para raw magkasundo kami, dito ako dapat kakampi.
Kent and I have been enjoying each other's company. Nothing much has changed in our relationship except for the fact that we are more exclusive to each other than before. Iba pala ang epekto nung singsing. It's like I have a leash tied to my neck and a huge sign, hovering above me that says NOT AVAILABLE. Naging repellant para sa mga lalaki yung engagement ring ko.
Ang lumalandi na lang sa 'kin ay yung mga lalaking clueless o walang pakialam na engaged ako.
For Kent, it's a different story. Mas lumala ang panglalandi sa kanya. Ikakasal na nga naman sya. After that, anything bad na gagawin nya is not only considered cheating, it's also illegal and immoral. Kaya habang hindi pa sya kasal, e ubusan na nga naman nya ang kalokohan nya sa buhay.
We've talked about it. Sabi ko sa kanya, hahayaan ko syang magloko tutal naman, ilang buwan na lang e hindi na sya pwede. Just be safe and careful to not impregnate anyone.
Sobrang natuwa ako sa isinagot nya sa 'kin.
"I've had enough foolish choices to last me a lifetime. I don't want to do it anymore."
I wanted to give him a ring too. At kung kailan ikakasal na ako ay saka ko lang nalaman na may engagement ring din pala para sa mga lalaki. I went to this jewelry store to ask for it. Pumili ako ng design na medyo similar sa engagement ring ko.
Meron din syang diamond but a tad smaller saka hindi nakaumbok. Kulay silver sya na may gold lacing sa tigkabilang edge. The diamond is kind of engraved on the silver band. Nakalagay rin ito sa loob ng isang maliit na tarheta.
Nang magkita kami ni Kent one weekend, I had a chance to give it to him. Nagpaturo muna ako sa kanya kung paano magluto ng isang fancy dinner because that's exactly what we will have. I insisted to do almost all the work habang puro instruction lang ang ibinibigay nya.
We ate when we finished cooking and when it was time for dessert, I asked him the big question.
"Kent, I have a favor to ask."
"What?"
"Can you wear this ring, please?"
Inilabas ko ang tarheta at binuksan sa harap nya. Sobra syang nagulat when he saw the ring.
"A-Are you serious? Jazz, you didn't have to buy me this!"
"I want you to have it. I want them to see that you're no longer available."
Nang makabawi sa pagkagulat ay napangiti sya sa sinabi ko. "Possessive ka rin pala."
"Hindi naman, slight lang. Ano, tatanggapin mo ba o hindi?"
Inilahad nya ang kamay nya. "Isuot mo."
"Ano ka babae?"
"Dali na. Huwag kang KJ. Ako nga, lumuhod pa sa harap mo e."
"Natural!"
"Dali na kasi."
Ang dami nyang arte. Pero sabagay, nag-inarte rin pala ako kaya sige, kwits lang.
I removed the ring from the box and slid it to his ring finger. And when he demanded for a kiss, I got up from my chair, sat on his lap, cupped his face and kissed his lips. Saka namin kinuhaan ng pictures yung mga daliri naming may suot na mga engagement rings tapos ipinost namin sa Facebook and IG.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro