Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25 - Goodbye

Nagulat ako nang sabihin ni Mira sa 'kin yun. All this time pala, she was trying to contact Kent to reach out to me. Alam kasi niyang kung sa akin sya unang lumapit e hindi ko sya papansinin pero iba kapag kay Kent. And she was right. So she caught my attention and now she wants to meet up with me.

Iniwan ko sa salon yung phone ko nang matapos sila and told them to tell Kent na may pinuntahan lang ako and that I'll meet him later. Tapos kami naman ni Mira ang nagkita sa isang coffee shop.

She was beaming when she saw me walk inside the cafe. Hindi ko alam kung bakit parang ang saya-saya nyang makita ako, Yumakap pa!

"Sorry, I was just—w-why don't we sit down?"

We ordered first before getting into business. At hindi naman sya nagpaligoy-ligoy pa.

"I take it that you already knew what happened between me and Kent."

"Yes," sagot ko na may kasamang tango.

"To be honest with you, Jazz, I didn't really think that the two of you would last this long. I gave it a week. Pinakamahaba na yung isang buwan. But many months later, you're still here. He's still with you."

"It's because I'm different, Mira. I stayed."

Binigyan nya ako ng mapaklang ngiti. "Yeah, I figured that did the trick. When I was with him, he asked me to leave Brent, to start anew. I was about to. He seemed so... perfect back then. I thought that he'd do the trick. Akala ko sya na talaga. And then, Brent contacted me again. At parang bumalik sa 'kin lahat. For a while, I forgot about Kent. Pinuno ni Brent ang isip ko nun. Parang tama lang na bigyan ko sya ulit ng chance.

"Ang tagal ko kasing hinintay yun e. Ang hirap magmove-on. Kahit anong pilit ko, hindi pa rin ako makaalis sa kinatatayuan ko. I was waiting for him. I was waiting for him to come back and tell me that he made a mistake. Gusto kong sabihin nya sa 'king ako lang talaga. And when he finally did it, nagpakatanga na naman ako. Sumama ako agad. Tapos nang magkasama na ulit kami, I thought of Kent.

"Noong una, simpleng napadaan lang sya sa utak ko. I brushed it off. Akala ko wala lang. And then, naging mas madaas. Suddenly, he's all I could think about. And that's when I knew I made a mistake of getting back together with Brent. But when I finally broke the chain and went after him, saka naman ayaw nya na. He didn't want anything to do with me."

"Why are you telling me this?"

"I don't know. I honestly don't know. I just feel like telling you."

"Well, you don't have to. Kung ano man ang nangyari sa past nya, tanggap ko na. Ang importante naman, yung ngayon di ba? We're together now. And I want it to stay that way."

"I don't have any plans of stealing him away, Jazz. And it's not as if I can. Nang putulin nya ang koneksyon naming dalawa, tumigil na rin ako sa kaaasa. He's the kind of person na kapag iniwan mo, huwag ka nang umasang kaya mo pang balikan. Kapag sya ang nagsawa, wala ka nang magagawa.

"And I knew that he's planning to hold on to you for a while too. So I'm not going to get between the two of you. I guess I just need closure and not just from him but from you as well. I know you see me as threat. Alam kong napaparanoid ka whenever someone from his past comes knocking on his door. I've been there, Jazz. I know the feeling.

"All I ask of you is to let go of this idea that I will steal him away 'cause I won't. Not when... I-I already have someone. Well, kind of. Hindi pa ako sure pero... without you and Kent, I wouldn't have met him. So Kent's all yours now."

Can't this day be any more surprising? Sino kaya yung guy na tinutukoy ni Mira? Hm, who knows? I'm not about to pry. Hindi naman kami close. Mira talked some more and for a minute there, medyo naengganyo na akong ayain sya sa kasal ko, kung ikakasal man ako, just for old time's sake. But I let the idea pass. Baka pagsisihan ko e.

When Kent called to ask where I am, nagpaalam na ako kay Mira. May pupuntahan pa nga pala kami and I still have to get ready. Malayo pa ang byahe namin papunta sa venue. Aayusan pa 'ko ni Gale.

"Where have you been?" he asked a while later.

"Bumili lang ako ng pagkain. Nagugutom na kasi ako," dahilan ko sa kanya.

"Kumain ka na? Hindi mo man lang ako inantay."

"Konti lang naman ang kinain ko. Gutom pa nga ako e. Kain tayo?"

Buti na lang hindi ako umorder ng marami. Cinnamon roll lang ang kinain ko kanina. Wala rin akong masyadong gana e.

We ate first and then we headed to the venue right away.

Inaantay na ako ni Gale sa kwarto niya. Nandoon na rin ang isusuot ko na siya na rin ang namili. Black dress ang isusuot ko na hanggang talampakan ang haba. Halter ang style tapos may slit na sobrang haba. Parang kahit kaliit-liitang hakbang ko, lalabas ang kaliwa kong hita. The fabric was stretchy and sparkly at sobrang sarap sa pakiramdam kapag suot. It almost feels like I'm wearing nothing. Ganun ito kagaan sa pakiramdam but the cut was provocative.

Yung halter strap ang nagsusuporta sa damit para hindi ito humushos pababa. Tapos bare back. Then she made me wear elbow-length white gloves. Shet. Hindi ko alam kung kaya ko itong ipull-off. Mabuti na nga lang at may mink na pang-cover up. Cloak sya na hanggang tiyan ang haba tapos kulay black rin. Sabi ni Gale, pwede ko raw iyong isuot pagpunta sa dinner pero tatanggalin ko rin or else, she'll yank it off me. Yung slit na lang talaga ang problema ko. Ang hirap pa namang takpan.

"Gale, baka magmukha lang akong tanga."

"Ano ka ba. Maging confident ka nga sa katawan mo."

She made me wear pumps na kulay black din pero velvet yung texture. Outfit pa lang, feeling ko ang yaman-yaman ko na. Lalo na nang inayusan ako ni Gale. Dahil jet black na ang kulay ng buhok ko at hindi brownish, Gale used the classic wavy up-do on my hair. Yung parang ayos ng mga sosyaling babae sa black and white American movies. Tapos red lipstick. Palagi na lang red lipstick.

When she was finished, she made me stand up next to a full body mirror.

"Give me the first word that pops into your head."

Inalis ko yung cloak saka ako bahagyang tumalikod sa salamin. "Foxy?"

She grinned at me. "Great! Just one more thing."

Tinanggal nya yung kwintas ko. Hindi raw kasi bagay sa outfit ko. She made me wear pearl earrings instead.

"Teka, baka hanapin ni Kent 'yan."

"Kapag hinanap nya, sabihin mong nasa akin. Ibabalik ko rin naman sa 'yo 'to mamaya e."

"Baka magalit yun."

"Hindi yan. I'm sure he won't be anything but glad kapag nakita ka nya."

That made me blush. Ngayon pa lang kinakabahan na ako sa magiging reaksyon ni Kent kapag nakita nya ako. Kaba na may kasama excitement... kasi alam kong hindi na naman nya matatanggal ang tingin nya sa 'kin mamaya. Kumpara sa ayos ko noong birthday nya, mas malala 'to. Kahit ako muntikan ng malaglag ang panga nang makita ko ang sarili ko sa salamin.

Sana lang kaya 'tong ipull-off ng confidence kong hindi naman kataasan.

Biglang lumakas ang kaba ko nang may kumatok. "Nak?"

"Nay?"

Ano'ng ginagawa ng nanay ko rito? Bumukas ang pintuan at pumasok ang nanay kong bihis na bihis. Ngayon ko lang nakitang ganito kaganda ang nanay ko. Naka-dress din ito saka naka-makeup.

Ngumiti si nanay nang makita ako.

"Ang ganda-ganda mo anak!"

"Nanay, ano po'ng ginagawa nyo rito?"

"Hindi ba sinabi sa 'yo ni kuya?" singit ni Gale. "Gustong ma-meet nina mama ang parents mo kaya nandito rin sila."

"Pinahiram pa nga ako ni balae ng damit. Ang ganda, ano 'nak?"

"Balae?!" Medyo napataas ang boses ko dun a. Hindi pa nga nagpo-propose, balae na kaagad ang tawag ni nanay kay Tita? Grabe naman sa advanced mag-isip ni nanay.

My mother laughed. "Ano ka ba, anak. Huwag ka na ngang magulat dyan. Pasasaan ba't ikakasal din naman kayong dalawa."

"Nay, matagal pa yun... saka hindi pa ako sigurado kung magkakatotoo nga."

"Magkakatotoo yun and sana, sooner. Naghahanap na ng apo si mama. Tuwing nagvo-volunteer ako, sinasamaan nila ako ng tingin," natatawang kumento ni Gale.

Bigla tuloy akong na-pressure!

May malaking bakuran ang bahay na pinuntahan namin and I guess na dito sila palaging nagdaraos ng gatherings. Feeling at home kasi sila. I learned from Gale na bahay pa ito ng lola niya sa tuhod. Walang nakatira dito pero alagang-alaga ng caretaker nila para kapag dumating yung time na kailangan nila ng venue e meron agad silang mapupuntahan. The foods were laid on a long rectangular table that was situated on one side of the yard. Yung mga round tables naman, nasa gilid-gilid. Tapos sa gitna, may naka-raise na platform na kung hindi ako nagkakamali e para sa sayawan.

Nasa isang table sina tatay, na kanina pa hila ng hila sa tie nito. Hindi naman kasi sanay magsuot ng formal wear ang tatay ko. Nakakagulat ngang napilit ito ni nanay na magsuot ng ganun. Siguro out of courtesy na rin sa nag-imbita, na nasa katabing table lang.

They all smiled at us when Gale and I walked towards them.

"Now, for the big reveal," pabulong na sabi ni Gale habang tinatanggal ang cloak na nakatakip sa upper half ng dress ko. I heard a collective gasp from the crowd. Agad naman akong namula. Kahit sina kuya na abalang-abala sa paghahanap ng chicks e napatingin sa 'kin. Grabe, nakakahiya. Ako na naman ang nasa spotlight.

"Wow..."

Agad nanayo ang buhok ko sa batok nang marinig ko ang boses na 'yon. When I turned around, Kent was standing next to me. Wow yourself. Kahit naman ano'ng outfit ang suot nya, gwapo pa rin sya e. Pero iba kapag naka-tuxedo. Mukhang sobrang mamahalin. Unreachable, even. But the thought that he may seem unreachable yet he's already mine is just... wow. I have no other word to describe it.

Tinabihan ako ni Kent while he introduced my family to the rest of his relatives na hindi pa nakakakilala sa kanila. Agad na nakasundo ni tatay ang papa niya saka yung isa pa nyang tito na may-ari ng fish pond sa Laguna. Si mama naman, panay ang kwento with his mom.

Ang sasarap ng pagkain sa buffet table pero hindi ako makakain ng maayos dahil sa mga paru-paro sa tiyan ko. He wouldn't let go of me. Kahit saan ako magpunta, nakabuntot sya. Parang ayaw nyang mawawala ako sa paningin nya. And although hindi na naman sa 'kin bago yun, nakakakilig pa rin pala...

When he noticed that I really couldn't eat, inaya nya akong sumayaw.

Nang magkadikit kami, lalong lumakas ang kaba ko. He smelled so good. I just want to bury my face on his neck and sniff him until his perfume wears off. Halos nakayakap na sya sa 'kin. He was holding one hand while the other was caressing my bare back. Ang isa ko namang kamay ay nasa batok nya. Pinipilit kong huwag tingnan ang mga kamag-anak nyang nakatingin sa aming dalawa habang nagsasayaw kami sa gitna.

Parang ayaw nilang makigulo. Lahat sila busy sa pagkain at panunuod. Kami heto, pa-sway-sway sa dance floor.

"Jazz, relax."

"I am relaxed."

He chuckled. "Yeah, right." He looked down on me... and then lower. I had the urge to run back to Gale to take my cloak back and cover myself up so he won't have to stare so intently.

Then he frowned.

"What?"

"Where's your necklace?"

Sinasabi ko na nga bang hahanapin nya. I make sure na palagi ko iyong suot kasi palagi nyang tinitingnan kung suot ko at hinahanap kapag hindi.

"Na kay Gale. Hindi raw kasi bagay sa damit ko."

He contemplated on it for a bit. "Hmm, maybe she's right. Hindi nga bagay."

"Don't worry, kukunin ko rin naman mamaya."

"No need. Nasa akin na."

"Ha?"

He smiled at me as he reach for his pocket. Then he showed me the ring.

"Nakuha mo na pala e."

Lalong lumapad ang ngiti nya. Weird. Something's not right. Oh my God, bakit bigla-bigla akong nag-panic? Parang may something sa ngiti nyang yun. Kinakabahan na talaga ako. Lalo na nang patigilan nya yung music.

"K-Kent?"

"Jazz, ilang buwan na akong kinukulit ni mama."

Narinig kong may tumawa sa bandang likuran ko. Hala... pinagpawisan tuloy ako bigla.

"Pakasalan na raw kita."

"K-Kent..." Kulang na lang tumalon yung puso ko palabas nang bigla syang lumuhod.

"Just to clarify things with you, I am not doing this because they're forcing me to do it. I've told my mom 'no' a dozen times already 'cause I don't think we're both ready yet. But you know what? I don't think we'll ever be ready. And if that's the case, then now's as good as tomorrow or the next day or the next month. All I know is that if I would give my name to anyone, I'd want it to be you.

"I'm done with fooling around. I'm done with screwing things up. I want to settle down and have kids and be someone's husband. Yours. So will you marry me?"

"P-Pero s-si tatay..." Alam kong hindi basta-basta papayag ang tatay ko na magpakasal ako agad. At kung hindi papayag ang tatay ko, hindi talaga ako tutuloy. Gusto kong ihahatid ako nito sa altar. Gusto ko ng ganun. Minsan lang akong ikakasal at kapag wala ang tatay ko sa tabi ko sa araw na 'yon, it wouldn't be perfect for me.

"Matagal na akong nagsabi sa tatay mo at paulit-ulit na rin akong humingi ng basbas. Nag-propose muna ako sa tatay mo bago sa 'yo. And he's here because he finally said yes to me."

Hindi ko na napigilang maiyak.

"So, what's your answer?"

"P-Pwedeng huminga muna?" Napapaypay ako sa sarili ko. Baka magalit si Gale dahil ginulo ko yung makeup nya. Pero ano namang magagawa ko. Sobrang naiiyak ako e!

"Okay. Pero huwag mong tagalan ha. Nagsisimula na akong mangalay," natatawa nyang sabi.

"Hooooo!" Nakailang hinga na ako pero hindi pa rin ako makakalma.

Ganito pala ang feeling kapag sa 'yo nakatutok ang lahat ng atensyon at hinihintay ka lang na magsalita. Para kang ticking time bomb na hinihintay sumabog. I can almost hear an imaginary clock ticking.

His face was expectant. They're all expectant. Gustong-gusto ko nang sumagot pero parang may malaking tinapay na nakaharang sa lalamunan ko. Huminga ulit ako ng malalim. Pakiramdam ko nauubusan na ako ng hangin.

Tumingin ulit ako sa kanya. He was still smiling pero nangingilid na ang luha sa mga mata nya. Doon ako humugot ng lakas ng loob para magsalita.

"YES."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro