Chapter 23 - Starry Sky
Since sinabi ko kay Kent na hindi ko tinanggap yung job offer, he became more pleasant to be with. Hindi na sya ilag or rigid kagaya nitong mga nakaraang buwan. He waited for me to officially finish my project tapos nang makuha ko ang sweldo ko (na may kasama pang bonus), namili kami ng pasalubong para kina nanay at saka para dun sa mga kaibigan ko. Dahil sa hindi ko nga tinanggap ang trabaho, isang linggo lang ang pahinga ko tapos balik na naman ako sa office by Monday. Ayos na rin, wala naman akong ginagawang productive kundi ang magtrabaho.
"Jazz, are you ready?"
"Saglit lang. Maglalagay lang ako ng towel."
Tumayo ako para kumuha ng towel sa drawer ko. He sat on the edge of the bed and rummaged through the stuff that I was packing. Inaya nya ako sa isang beach na hindi ko matandaan ang pangalan. Three days kami doon. Sunday na ang balik namin para makapagpahinga kami pareho and then back to work on Monday.
Hindi ko alam kung ano ang ipinakain nya kay tatay at napapayag nya ito na kami lang dalawa ang magkasama. Ngayon pa lang natatakot na 'ko sa kung ano'ng pinaplano nyang gawin. Knowing him, hindi yun mawawalan ng kahalayan.
"Where's your bikini?" kunot-noo nyang tanong. Naitaktak nya na lahat ng laman ng bag ko.
"Wala akong dala."
"Bakit? Sa beach tayo pupunta, dapat may bikini ka."
"Wala akong bikini." Wala akong gustong dalhin. Hindi talaga ako mahilig sa beach. Kung maglalangoy man kami sa dagat, naka-shirt at shorts ako. And with him around? I don't think I'd want to wear a bikini.
Tumayo sya at pinuntahan ang drawer ko. Naghalughog sya ng bikini or anything na maisusuot ko sa beach na paniguradong magpapakita ng balat. Nasa pinakang-ilalim yun ng drawer ko, natatakpan ng mga shorts ko. Doon ko talaga itinago ang mga yun para hindi ko man lang maisipang isuot. Pero hanggang doon ay nahalughog nya pa. Sobrang determinado nya yatang pagsuotin ako nun?
When he found it, yung reaksyon nya e akala mo ginto ang nahukay nya sa damitan ko.
Yung mga bikini ang unang-una nyang nilagay sa bag ko. Tapos saka nya ibinalik lahat ng damit na naiempake ko na kanina.
"Kent, I won't wear those," I said grimly.
"Oh, you will," he contradicted, quite confidently.
It was a two-hour drive from my place to the beach. Medyo tago ito at may pagka-probinsya kaya hindi matao sa tabing-dagat. Pero may tao naman, mangilan-ngilan nga lang. Halos tig-lilimang dipa ang layo ng mga magkakasama mula sa iba. Kent parked his car near one store tapos ay nagrenta kami ng tricycle. Doon muna ang sasakyan niya tutal kakilala naman nya yung may-ari.
Mahirap kasing padaanan ng sasakyan yung makipot na kalsada papunta sa beach.
Tig-isa lang kami ng hand-carry tapos backpacks. Wala na kaming ibang dala. As for our food and shelter, he said that it was already provided. Mula sa maliit na bahay na pinagdalhan sa 'min nung tricycle, maglalakad kami ng mga ten minutes papunta sa mismong beach.
Nagulat ako nang makita kong may ref sa loob ng bahay. Ref lang ang appliance na nasa loob saka isang electric fan sa kwarto. Kakainom ko pa lang ng tubig nang mag-aya na sya agad sa beach. Halos mag-aalas-syete pa lang ng umaga. Ang aga kasi naming umalis kanina. Para nga naman masulit ang three days.
Kinuha ko yung towel ko mula sa bag at isinukbit ito sa balikat ko. Nang palabas na ako ng pintuan, bigla naman syang humarang.
"Ano? Sabi mo pupunta na tayo?"
"Yeah, but you're not wearing that." He pointed at my shirt.
I rolled my eyes. "Kent, I'm not wearing a bikini!"
"Yes, you are." Ngumisi sya habang papalapit sa 'kin. I didn't budge. Hinayaan ko lang syang lumapit. Ayoko talagang mag-bikini. Hindi naman ako kampante sa katawan ko. He lifted the hem of my shirt. Pinigilan ko naman ang kamay nya ng kamay ko.
"No," mariin kong sabi.
He bent his head and gently kissed the corners of my lips. "Please?"
Napabuntong-hininga na lang ako. Truth is, I'm already wearing the bikini. Pinilit nya ako kanina bago kami umalis ng bahay. Sabi ko isusuot ko na pero papaibabawan ko ng t-shirt.
With his pleading look, I ended up taking the shirt off. But I draped the towel on my shoulders to keep him from staring. But he pulled it from me when I was about to step out of the house.
"Kent!"
He grinned even wider. "Look, maghuhubad din ako para fair sa 'yo," he said sabay tanggal ng shirt nya. Muntik na akong mapapaypayan sa sarili ko. He couldn't laughing at my reaction. Na parang ngayon lang daw ako nakakita ng lalaking hubad. Maraming beses na kaya! Pero kapag ibang lalaki naman, walang epekto sa 'kin. Ugh.
Hinablot ko yung shirt nya saka ko inihampas ng paulit-ulit sa kanya.
Kasagsagan ng tag-ulan nang mag-aya syang mag-beach. Kamusta naman? Mabuti na nga lang at tyempong pag-uwi namin ng Pilipinas e mainit. Sabi ni nanay, pabago-bago raw ang panahon. Ngayon, mainit tapos uulan bukas tapos iinit na naman. Para raw babae ang panahon. Magulo.
Ang higpit ng hawak ni Kent sa kamay ko kaya hindi ako makatanggi kung saan man nya ako hilahin. Nasa balikat nya yung towel naming dalawa kaya hindi rin ako makapagtakip. Mabuti na nga lang at nauuna syang maglakad. Pero kapag lumilingon sya, automatic na napapashield ako sa katawan ko. Walang-habas pa naman sya kung makatingin.
Sa may batuhan namin iniwan yung mga tsinelas at towels namin. And then we walked inside this cave-like structure na may maliit na pabilog na tubig sa loob. Parang swimming pool. Maliwanag ang loob kasi butas-butas naman yung batuhan tapos e butas din yung ilalim. Para syang kweba na binomba ng ilang beses.
He jumped right ahead and urged me to do the same.
"Hindi ako marunong lumangoy," sabi ko sa kanya.
Hindi naman ako lumaki sa tabing-dagat and I didn't like swimming in pools so I'm way out of practice.
"I'll teach you." He held out his hand and asked me to jump. Instead, dahan-dahan lang akong nag-slide sa batuhan hanggang sa mapababa ako sa tubig.
Agad akong kumapit sa balikat nya.
"See? It's not so bad." I didn't know if he meant the water or my body 'cause he's staring down at me at the moment. I tilted his chin up to level his gaze to my face. "Hindi ka ba talaga marunong lumangoy o gusto mo lang kumapit sa 'kin?"
"Hindi talaga ako marunong lumangoy," sagot ko.
At ang walanghiya, binitawan ako! Dahil sa nakapatong lang halos ang kamay ko sa balikat nya, bahagya akong napalubog sa tubig. When he saw this, agad nya akong kinapitan at iniangat.
"Hindi nga," natatawa nyang sabi.
Hinampas ko sya. "Sira ka talaga!"
"Eto na nga o. Kakapit na."
"That's my butt, mister!"
Lalong lumakas ang tawa nya. "I know."
I dragged his hand from my butt to my waist. Pasyahan nya namang ibinabalik dun.
"Kent!"
"What?" He nuzzled my neck. "Dadalawa lang tayo rito. Jazz. No one will know if we did something crazy," bulong nya sa 'kin.
Dinala nya ako sa bandang gilid ng 'pool' and then he started kissing me. A part of me wanted to push him away, screaming that this is wrong, that this isn't the right time, that I promised myself that I will only give myself to that man who will marry me someday.
And yet, there's a larger part of me that wanted to just let him do whatever he wants with me because deep down inside, I really wanted him... so bad. Na kahit anong pagpipigil ang gawin ko, alam kong kung pipilitin nya ako ng konting-konti pa, bibigay din ako. And he's right, walang ibang tao rito kundi kaming dalawa.
No one will know. That thought made me excited.
Kanina nga nung naghubad sya, parang gusto kong maglaway. Pinigilan ko lang ang sarili ko kasi parang hindi ako. I didn't think that it's in me to want a man so bad. Then, he came into my life. And everyday, it became a constant battle between my virtues and wants. I wanted to indulge myself, to take a sinful bite but I was afraid that if I do, I won't be able to stop until I'm consumed.
"Don't think," he said while looking intently at me. Napansin nya yatang naging rigid na naman ako.
"But—"
He pressed his index finger against my lips and then later replaced it with his. And I found myself responding because at the moment, it's what I felt like doing. His hands were already on the zipper of my shorts (yes, may shorts pa ako) when we heard voices. Boses ng mga bata.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Kent pulled and swam away. Saktong pasok naman ng tatllong bata, isang babae at dalawang lalaki. Yung mga tsinelas nila e nakalagay sa may siko nila.
"Ay! May tao pala," sabi ng batang babae nang makita kami.
Nginitian ko ito. "Okay lang. Maluwag naman dito e."
Ngumiti rin yung isang batang lalaki saka tumalon bigla sa tubig. Sumunod ang dalawa. Pare-pareho silang marurunong lumangoy. Nagsimula na ring makilangoy si Kent sa kanila. Ako lang ang naiwan sa tabi na nakakapit pa rin sa batuhan.
Maya-maya'y binulungan ni Kent yung dalawa. Nilapitan nila ako tapos inaya sa bandang gitna. Hindi talaga ako marunong lumangoy. Langoy aso lang ang kaya ko tapos pagkatapos ng tatlong strokes, wala na. Lulubog na ako.
Silang apat ang umalalay sa 'kin. Tinuturuan nila ako, though I think it's a bit too late for me to learn how to swim. Dapat daw nakalabas ang ulo ko sa tubig. Tapos ikaway ko raw ang mga braso ko pati paa. Kamay muna tapos paa. Breast strokes ata yung pinapagawa nila sa 'kin dahil yun ang pinakamadali pero hindi ako makatagal ng nakalutang!
After a few failed tries, sinukuan na nila ako.
Later that day, inaya ni Kent yung mga bata na kumain kasama namin. Pinabili nya ng isda yung mga bata. Ang fresh nung mga dinala nila pabalik. Kakahuli pa lang.
Nag-ihaw kami tapos ginamit naming sawsawan yung toyo at kalamansi na pinitas lang ng mga bata sa kapitbahay. Tapos kumain kaming lima. After we ate, balik na naman sa paglalangoy ang mga bata. The sun was so high up kaya nagpaiwan na lang kami ni Kent sa ilalim ng puno kung saan kami kumain kanina.
Nang bandang alas singko na, lumangoy kami ulit. Sobrang lagkit ko na nang umahon kami sa dagat. Gumagabi na rin pala...
"Ako muna ang maliligo ha," sabi ko sa kanya.
"Hindi pwedeng makisabay?" nakangisi nyang tanong. I stuck my tongue out in response.
Pagkapaligo namin, agad naman syang nagluto ng hapunan. Ginisang sotanghon na may hipon at upo ang ulam. Ganado akong kumain kasi seafood. Tapos inaya nya ako pabalik sa dagat. Walang ilaw papunta sa mismong dagat kaya nagdala kami ng flashlight. Dahil nga sa madilim, kitang-kita yung mga stars sa taas.
Naupo kami sa blanket na inilatag nya sa buhanginan. He draped a towel on my shoulders. Saka nya ako inakbayan.
"Ang daming stars."
"Konti pa nga yan e. The last time I was here, meron pang meteor shower."
"The last time?" I frowned. "When was that?"
"A week after you left for New York. I was alone, just so you know."
"Hindi ko naman tinatanong kung may kasama ka a." Pero curious akong malaman. Buti na lang sinabi nya agad na wala syang kasama. Baka lunurin ko sya ng wala sa oras kung meron.
"Kahit naman hindi mo itanong, alam kong tumatakbo yan sa utak mo. Segurista ka e."
"Guilty." Sumandig ako sa balikat nya. Tahimik ang buong paligid. Tanging alon lang at crickets yung sound na maririnig. Sobrang peaceful ng lugar at kontra sa ingay ng syudad, I can see why he likes it here so much.
Nasa New York pa lang kami, gustong-gusto nya nang pumunta kami rito.
"Kent, random question: how many girls have you brought here?"
He chuckled. "Are you sure that's random?"
"Sagutin mo na lang kasi."
"Wala pa."
"Ows?" Come on. It's hard to imagine him not taking advantage of the scenery. Ang romantic kaya ng lugar. Saka ang convenient. Pagkatapos nila, pwede nyang i-dispose yung babae sa dagat. Dun sa pinuntahan namin kanina. Sabi nung mga bata, may naliligaw daw na pating dun.
"I discovered this place when Kiele broke up with me. I wanted to be away from everything. Para kasing ang bilis-bilis ng mga pangyayari. One moment, we were about to get married and then she suddenly called it off. Parang gusto kong tumigil ang oras. Hindi pa rin kasi ako makapaniwalang nagawa nya yun sa 'kin," seryoso nyang sabi. "Ang hirap kasi kapag masyado kang invested sa tao. Mahirap tanggapin na lahat ng pinaghirapan mo, masasayang lang sa isang iglap."
"So this became your escape?"
"Yeah." Hinaplos-haplos nya ang buhok ko. "Bumalik ako rito nang ikakasal na sya. Pakiramdam ko naman noon, napag-iiwanan na ako ng panahon. I mean, she's already moved on habang ako, stuck pa rin sa kanya. Para kasing ang unfair na nung naghiwalay kami, naging masaya sya agad while I was still struggling to get my life back together. Tapos nagkaanak sila. Sabi ko sa sarili, 'That should have been my kid' pero wala e. Iniwan ako."
"Kent, okay ka lang? Hindi mo naman kailangang magkwento...."
"No, I'm okay."
Niyakap ko sya ng mahigpit.
"Then the last time I was here, prior to this, was when you went to New York. Feeling ko kasi magkaroon lang tayo ng konting gap, iiwan mo rin ako. It happened before, hindi malabong mangyari ulit."
"Hindi mangyayari yun sa 'kin. Sabi ko naman sa 'yo, di ba? Iba ako."
"Yeah, I know." He kissed my forehead. "Jazz, I think I realized something."
"What?"
"Maybe you're the reason why my past relationships didn't work out."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro