Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19 - Absence Makes the Heart Go...?

Though I still don't buy that crap about LDR not working out, I must admit... nakakaparanoid pala talaga. Kahit may tiwala ka doon sa tao, hindi mo pa rin maiwasang baka makagawa sila ng pagkakamali kasi hindi ka nakabantay.

I know it's unfair of me to think that of Kent pero kung tutuusin kasi, between the two of us, sya ang may tendency na magloko.

"How was your day?" he asked. Naghihikab pa sya. Alas-singko pa lang kasi ng umaga sa Pilipinas.

"Okay lang. Mamaya na lang kaya tayo mag-Skype?"

Isang mata pa lang ang dilat sa kanya.

"It's fine. Kailangan ko rin namang gumising ng maaga."

Nakakaisang linggo na ako sa New York. So far naman, mababait sa 'kin ang mga katrabaho ko. Nakapag-adjust na rin ang body clock ko sa time zone ng New York. Kapag hindi ako makatulog agad, umiinom ako ng gatas o nagpapakapagod ako sa maghapon para antukin ako.

Ang hindi ko pa lang masyadong nakukuha e yung pagkain na walang kanin. Nauumay na ako sa pizza at pasta at burgers. Tapos wala kang makausap ng Tagalog. Nakaka-OP.

It became our routine every day. I'd tell him about my day when it's morning in the Philippines and he'd do the same when it's morning here. So palaging may isa sa 'ming bagong gising kapag magvi-video chat kami.

I've been working my ass off in the office dahil ang sabi sa 'kin ni Sir Josh—who insisted I drop the Sir—na kapag mas maagang matatapos ang project, mas maaga akong makakauwi. Three months ang allotted time pero depende pa rin kung matatapos ng maaga.

Ang downside nga lang, kung ma-delay, delayed din ang pag-uwi ko ng Pilipinas. Kaiyak.

Feeling ko nangangayayat na ako dahil puro tinapay ang kinakain ko. Tinapay sa umaga tapos tinapay pa rin sa gabi. Mabuti na nga lang at mababait yung mga ka-team ko. Palagi silang may pa-pizza kapag natripan nila.

I looked at the stack of sliced bread on the table. Gusto ko na talagang makakain ng kanin kaya lumabas ako at naghanap ng kakainan. Nagtanong-tanong ako sa mga tao sa daan kung saang banda may Asian restaurant. Dalawa sa napagtanungan ko ang nagturo sa Peking Duck House. Ang mga available lang kasing alam nilang Asian e Indian or Chinese.

I'm not really a fan of Indian food kasi hindi pa naman ako nakakatikim ng kahit anong pagkaing alam kong Indian maliban sa curry. So nagpunta na lang ako sa Peking Duck House. At least kapag Chinese restaurant, sigurado na ako sa dalawang bagay: noodles at kanin.

Nang makapasok na ako ng restaurant at makakuha ng meni, parang gusto ko ng umalis, sabihing namali lang ako ng pasok. Kasi naman, butas-bulsa na naman ang mga presyo! Kung sa una kong kinainan sa unang araw ko, $12-$15 ang presyo, dito doble! Standard price ng mga pagkain nila e $32. Binasa ko muna ng maigi ang menu bago ako umorder.

Dahil gusto ko ng affordable at gusto ko ng kanin, bumili na lang ako ng fried rice na tig-$14 lang.

Kapag nasa bahay lang ako at hindi ko makausap ang mga kamag-anak ko sa Pinas, hindi ko maiwasang hindi malungkot. Ang ganda-ganda ng New York tapos mag-isa lang ako. Kapag walang ka-Skype, pader ang kausap ko.

Napansin yata ni Sir Josh na parang nagsisimula na akong ma-depress. Hindi naman kasi ako sanay ng mag-isa at malayo sa pamilya. So one weekend, he called me and told me that Todd, his son, would like to tour me around Manhattan.

I left Kent a message since he wasn't online that time.

"Just so we're clear, this isn't a date," paalala ko kay Todd.

He laughed, taking what I said as a joke. Anak sya ni Sir Josh sa pangalawa nitong asawa. He's already 32, tall like most Americans but since halo-halo ang lahi ng mama nya, medyo hindi rin typical ang hitsura nya. He has dark-brown hair, gray eyes and defined jaw. Since he grew up in New York, updated din sya sa current fashion. Sabagay, fashion haven nga naman ang New York. Ako lang yata ang medyo outdated ang style.

Ang mamahal kasi ng bilihin. Kahit scarf, kaiyak-iyak ang presyo. Kung si Gale siguro ang nandito, baka ang dami na nung nabiling damit.

Todd took me to some familiar yet unknown places. Karamihan sa pinuntahan namin e napapanuod ko lang sa TV. Tulad ng Central Park, which is one of the popular parks in all US yata. Pumasok din kami sa Empire State Building. Yes, the one featured in Alicia Keys' song. I don't know why it's so popular. Among all these buildings and skyscrapers, it looks like another tall stack of bricks (no offense to the empire state fans).

Sa Time Square ako talaga namangha. Bandang gabi kaming pumunta sa lugar and it was so... bright. Ang daming ads. Para kang nasa capital ng mga billboards. Pagbalik ko sa bahay, full memory na ang camera at phone ko. Pati kasi pagkain, pini-picturan ko. What's great about this day is that I didn't spend a single dollar. Lahat, libre.

I thought Todd was a snob but he really wasn't. The first time I saw him in the office, he didn't even smile when we were introduced. But you really can't judge a person until you've had the opportunity to spend a day with them. It changes your views about them pretty quickly.

He knew his way around the city. Hindi kasi sya nagdala ng sasakyan. Para daw kapag bumalik ako ng New York, hindi puro cab ang sasakyan ko. We took the subway. Ang ganda ng subway nila. Ibinili pa nya ako ng pagkain bago umuwi.

"Thanks, Todd. I had a great time."

"Me too, Jazz. We should do it again sometime."

"Sure."

He kissed me on the cheek. "Good night."

"Good night."

Nag-online ako sa Facebook ng mga bandang alas nwebe ng gabi. Una kong kinumusta sina nanay. Birthday ng isa ko pang kuya. Nagsi-celebrate sila doon ngayon. Kent was there as well. He's cooking, as always.

Nang tapos ko nang kausapin sina nanay, ipinatawag ko naman si Kent. He still has his apron on when he sat in front of the family computer.

"'Sup?"

"You look smug."

He rolled his eyes. "So tell me, how was your day?"

"It was fun."

"Yeah, I can tell."

I frowned. "Why are you so irked?"

"You went on a date."

"Nagpaalam ako sa 'yo a. And it's not a date! He was just touring me around!"

He snickered. "Yeah, right."

"Why is it such a big deal? I'm not cheating on you!"

"Oh, so it's okay for you to go out with some guy pero kapag ako, bawal? I have girl friends too, Jazz. But I can't even see them because you'll get angry. Why is that? It's because you always have this idea that I will cheat on you. It's like you're just waiting for me to make a mistake so you could say 'I told you so'."

"Well, you've been on that road before," depensa ko. Alam ko namang palagi kong iniisip na magloloko sya. It's the paranoia I have of being with Kent. That I may not be good enough. That he'd want someone else sooner or later.

"You didn't really think that I can change?"

"It's just something that you can't change in a few months, Kent."

"Well, you're wrong." He got up. "Excuse me, I have things to do."

Wala na akong nagawa kundi itigil ang video chat nang umalis sya sa harapan ng computer. Basta na lang sya umalis e. Alangan namang makipag-usap ako sa sofa namin.

I hugged Rilakkuma tightly. Why am I going back to the start? Bakit nga naman hindi ako mapanatag na hindi sya magloloko? I guess I just can't afforf to be too trusting dahil natatakot din akong masaktan. But it makes him upset.

Ilang araw ko syang hindi nakausap. Palagi syang offline. Kapag naman tinatanong ko sya kina nanay, hindi rin nila alam. Busy daw yata sya, hindi kasi sya dumadalaw sa bahay. Iniisip ko ngang baka totohanin nya yung kinatatakutan ko. Paano na lang ako kapag ginawa nya yun? Kasalanan ko rin naman kasi. Why can't I trust him enough? Ang hirap pa lalo kasi ang layo-layo nya sa 'kin.

I sent him a message on Facebook. I said I was sorry. Alam kong online sya kahit hindi sya online sa chat. My eyes were glued to the screen when I saw the check on the lower portion of the chatbox.

Seen.

I sighed.

Clint Kenneth Eusebio is typing...

Napaayos ako ng upo nang makita kong nagtatype sya.

Clint Kenneth Eusebio:

--You want to Skype?

Jasmine Leigh Damian:

--Yes.

Sumagot ako agad bago pa magbago ang isip nya. We both logged on to Skype.

"Hi..."

"Hi."

"Uhm... so... busy ka raw?"

"Yeah. Kinda."

He was lying in bed. Pero parang iba yung kwarto. Medyo kinabahan ako.

"Nasa'n ka?"

"Hotel."

"Why?"

"France made me attend a three-day seminar."

"Oh..." Hindi ko na tinanong kung saang seminar. Parang ayaw naman nyang pag-usapan. I just waited for him to say something else dahil wala akong maisip na topic.

"Kumain ka na?"

Umiling ako. "I'll order pizza later."

"Pizza?"

"Yep." Kahit parang nangangasim na ang sikmura ko sa kakakain ng pizza, pizza lang kasi ang alam kong orderin. Tinatamad pa naman akong lumabas ng bahay. Saka ngayon lang kami nagkausap ulit. Kapag tinapos ko agad ang video call, hindi ko alam kung kelan kami makakapag-usap ulit.

Ang hirap naman kasi ng malayo. Kung nasa Pilipinas lang ako, ang dali lang nyang puntahan sa bahay niya.

"Can't you order anything else? Parang palagi na lang pizza ang kinakain mo a."

"Wala na kasi akong alam orderin. Saka hindi ko alam kung masarap yung pagkain nung mga nasa contact list ko."

"I know one. Do you like Chinese food? May rice meal on a box sila. $10-$15 lang ang price." He dictated the number. "Kumain ka muna. Mamaya na lang ulit tayo mag-usap."

"Bakit? Mamaya na lang ako kakain."

"Kumain ka na. May pupuntahan lang ako."

"Saan?"

He just smiled.

"Kent."

"Sa seminar, okay? Sige, mamaya na lang."

"Ke—" Bigla na syang nawala. Seminar? At two in the morning? Akala ba nya hindi ko alam ang time difference? Philippine time pa rin kaya ang wrist watch ko! Nawalan ako bigla ng ganang kumain. Kung hindi nga lang ako gutom, hindi ako oorder e.

I ordered Chinese food since feeling ko e masusuka na ako sa pizza.

After almost 20 minutes, tumunog ang buzzer ko. Good thing people here don't mind what you look like as long as you pay the delivery. Wala talaga akong ganang mag-ayos. Shit. This is what I was scared of. Almost 6 weeks pa lang ako sa New York, hindi na sya nakatagal.

When the cat is away, the mice come out and play... with cheese. He's playing with a whole lot of cheese! Ugh, Jazz. Shut up!

I brough $12 with me. Fried rice ulit ang binili ko. Nakakamiss mag-kanin. Hindi ko pala kayang mabuhay ng puro tinapay lang. Inihanda ko na ang tipid na ngiti na ibibigay ko sa delivery guy and then I opened the door.

And he was standing right there.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro