Chapter 18 - Hello, New York!
New York truly is the city that never sleeps. Had it not been for the dark night sky, iisipin ko na umaga (well, technically it's already morning but that's not the point) pa rin dahil sa dami ng tao. Ala-una na ng umaga pero aakalain mong kakasimula pa lang ng araw. Lights were on. People are on the street. Back at home, alas onse pa lang, halos wala nang tao sa daan.
Dahil sa iba ang timezone, medyo jetlagged pa ako. We've travelled by plane for almost 18 hours. Kaya lang, dahil bandang hapon sa oras ng Pilipinas ang dating namin sa New York, hindi pa maka-adjust ang katawan ko kahit pagod na pagod ako. Kaya siguro kahit ala una na ng umaga, nakahiga lang ako at nakatunganga sa kisame ng apartment na pansamantala kong tutuluyan for three months.
Umalis kami ng Sabado ng gabi (Philippine time zone), mga bandang alas nwebe. We arrived by Sunday (New York time zone), 1am. I still have this whole day to enjoy New York dahil magsisimula na akong magtrabaho bukas. Kahit gustong-gusto kong gumala, pagod pa ako.
I sat up and took out my laptop. Inilabas ko na rin ang mga damit ko. Isang maleta lang ang dala ko. Sabi kasi ni nanay, dito na raw ako mamili ng iba pang dami kung gusto ko. Pang tatlong linggo lang yung dala ko at yung mga damit lang na pwedeng ipag-mix and match para hindi masyadong marami.
They gave me $15000 as pocket money, half of it was from Sir Josh's own pocket. May sarili rin akong pera. Tapos binigyan pa ako ni nanay kahit anong pilit kong huwag na. The rent on the apartment was already paid for 3 months.
As I've promised to Kent, dinala ko yung bigay nyang stuffed toy. Toby installed Skype on my laptop para daw makapag-communicate ako sa kanila kung kelan ko gusto.
I didn't adjust my wristwatch's time on purpose para alam ko pa rin kung ano ang oras sa Pilipinas. This way, hindi ko sila maaabala kung gusto ko man silang kausapin. Ala una pa lang ng hapon doon so I decided to contact them. Sinabi ko naman sa kanila kung anong oras ang posibleng dating ko. Sabi ni nanay, inform ko raw sila pagkarating na pagkarating ko ng New York.
Good thing there's wifi on the apartment. They had it prepared para kahit daw nasa bahay ako, makakapagtrabaho pa rin ako. Great. As if 8 hours was not enough. Pero ayos na rin. At least pwede kong makausap sina nanay kapag nasa bahay ako.
I waited for the Skype app to load. I had no way of contacting them. Mahal ang overseas call... kahit text nga mahal e. I checked my Facebook account while waiting. Offline si Toby. Pati sina kuya. Hindi naman kasi mahihilig sa Facebook ang mga yun.
I looked up Kent's name on the list of people online. Wala rin. I guess they all have better things to do that staying online and waiting for me to contact them.
I slumped back to bed. Maybe I need to try to sleep. Mamaya ko na lang sila ulit susubukang kontakin. I was contemplating on that thought when I heard a popping sound.
Kent just went online.
Clint Kenneth Eusebio:
--Hey
I started typing I miss you but felt that it was too soon. Baka sabihin nyang ang clingy ko. I typed Hoy instead.
Clint Kenneth Eusebio:
--How's the flight?
Jasmine Leigh Damian:
--Terrible. Dalawang beses nagka-turbulence.
Clint Kenneth Eusebio:
--Asa New York ka na?
Jasmine Leigh Damian:
--Yep
Clint Kenneth Eusebio:
--What time is it there?
Jasmine Leigh Damian:
--almost 1:30
Clint Kenneth Eusebio:
--Bakit gising ka pa?
-Jasmine Leigh Damian:
-Di ako inaantok
Clint Kenneth Eusebio:
--Aren't u tired?
Jasmine Leigh Damian:
--Konti
Clint Kenneth Eusebio:
--So how was it?
Jasmine Leigh Damian:
--Alin?
Clint Kenneth Eusebio:
--Your first day
Jasmine Leigh Damian:
--Err...
--What do you mean?
--Bukas pa start ko
Clint Kenneth Eusebio:
--In New York -_-
Jasmine Leigh Damian:
--Ahhh...
--Okay lang. Malamig.
Clint Kenneth Eusebio:
--Slow
Jasmine Leigh Damian:
--Di mo kasi nilinaw
Clint Kenneth Eusebio:
--Sloooow
Jasmine Leigh Damian:
-- -_-
Clint Kenneth Eusebio:
--Skype?
Jasmine Leigh Damian:
--Matapos mo kong awayin?
Clint Kenneth Eusebio:
--Di wag.
Clint Kenneth Eusebio is offline.
Ang sweet nya talaga kahit kelan. Leche. Makapag-inarte ha.
Jasmine Leigh Damian:
--Hoy
(Seen)
--Kent?
(Seen)
--Leche ka. Wag kang mang-seenzone!
(Seen)
Clint Kenneth Eusebio is typing...
Clint Kenneth Eusebio:
--lol
Jasmine Leigh Damian:
-- -_-
Clint Kenneth Eusebio:
--Matulog ka na
Jasmine Leigh Damian:
--hindi pa nga ako inaantok di ba?
Clint Kenneth Eusebio:
--Pagod ka naman. Aantukin ka rin maya-maya.
Jasmine Leigh Damian:
--E di maya-maya ako matutulog.
Clint Kenneth Eusebio:
--Bahala ka.
Jasmine Leigh Damian:
--Pakitawagan naman sina nanay. Pasabi Skype kami.
Clint Kenneth Eusebio:
--Tapos ako ayaw mong maka-Skype?
Jasmine Leigh Damian:
--Mamaya ka na lang pagkatapos namin
--Patawag na dali...
Clint Kenneth Eusebio:
--Psh
Jasmine Leigh Damian:
--Dali na...
(Seen)
Jasmine Leigh Damian:
--Kent -_-
Clint Kenneth Eusebio:
--Fine
He went idle for about five minutes.
Clint Kenneth Eusebio:
--Mamaya na lang daw
--Wala nanay mo
Jasmine Leigh Damian:
--Mga anog oras daw?
--*anong
Clint Kenneth Eusebio:
--Mga alas tres pa raw.
Jasmine Leigh Damian:
--Okay
--Thanks
Clint Kenneth Eusebio:
--Can we Skype now?
Jasmine Leigh Damian:
--I guess so.
"Magdamit ka nga." Yan ang una kong sinabi sa kanya once we got connected via Skype. He was sitting in bed, half-naked. Ngiting aso.
"Why? I'm inside my own home. Saka wala namang makakakita sa 'kin."
"Ako," I pointed out.
"Isn't this a treat for you?" nakangisi nyang tanong.
I made a face.
"Fine. Wait here." Inilapag nya ang laptop sa kama saka sya nawala sa screen. Maya-maya, bumalik sya nang naka-t-shirt na.
"That's better."
"Hindi ka talaga inaantok?"
Umiling ako. "Natulog na 'ko sa plane e."
"Ah... saan ka tumutuloy?"
"Sa apartment na prinipare nila. Walking distance lang sa office."
"Saan yan?"
"Sa 57th Street."
"Safe naman?"
I shrugged.
"Alam mo na kung paano ka pupunta sa office nyo?"
Umiling ako. "Sabi sa 'kin yung kulay blue raw na building yung sa 'min, may katabing ginagawang building sa kanan. Saka may nakalagay naman na 220 East kaya makikita ko naman siguro agad."
"Malapit lang ang apartment mo dyan?"
"Yep. 227."
"Mag-isa ka lang?"
"Oo."
He sighed. "I wish New York's closer."
Napangiti ako sa sinabi nya. "Namimiss mo na ako agad?"
"Maraming kainan sa New York. It's a treat for me, that's what I meant by what I said."
Sinimangutan ko sya.
"You should try dining in Hell's Kitchen. Chef Gordon Ramsay's evil but the food is divine."
"Mm. Divine din ang presyo?"
He nodded. "Pero worth your dollar's naman."
"Saka na pagyaman ko."
"I'm sure you'll be able to afford it. And while you're at it, try eating at Maze too. Kay Gordon Ramsay din sya."
"Fan na fan ka ni Gordon Ramsay, 'no?"
He chuckled. "Yeah, that guy's a genius."
"Genius nga, ang sarap namang batuhin ng kutsilyo." He made me watch Hell's Kitchen reruns on TV. Nag-marathon kami. Grabe, awang-awa ako sa mga aspiring cooks. Murahan ng murahan, lalo na si Chef Ramsay. Galing nga yata talagang impyerno yung chef na yun.
Kent has high opinion on the man, though. Magaling raw kasi ito. Pinapanuod nya rin sa 'kin yung Masterchef US. Mas mellow si Chef Ramsay dun. Pero nakakatakot pa rin. Kapag hindi nila nagustuhan yung luto nung contestant, itinatapon nila sa basurahan.
Ang dami kayang nagugutom na bata sa mundo. Tapos aksaya sila ng aksaya ng pagkain.
"Nakakapag-init naman kasi ng dugo yung mga contestants. If I were him, I'd do worse. Pagbalik mo, ipapapanuod ko rin sa 'yo yung Kitchen Nightmares."
"Let me guess, sya ulit ang bida?"
He grinned and nodded. "That man's everywhere."
Bakit ba kasi napunta kay Gordon Ramsay ang topic?
"Nga pala, kapag nakakita ka ng Louis Vuitton o Channel na bags sa tabi-tabi, huwag mong bilhin ha. Those are fake."
I rolled my eyes. "Kent, hindi ako ignorante. Of course, I know that."
"Baka kasi isipin mong porket nasa New York ka e wala nang namimirata."
"Kahit saang lupalop naman ng mundo, may manloloko e."
"Ang lalim ng hugot nun a."
"Sira."
He smirked. "Mabuti na lang hindi ako tinamaan."
"Hindi nga ba?"
Agad syang umiling. "I can't cheat on you. Know why?"
"Why?"
"Because I felt for you this thing that I haven't felt for any woman, except for Gale and mom, in a long time."
"And what is that?"
"Respect."
I thought he'd say love, but nevertheless, the effect's just the same. We ended the video call right after that. I never thought I'd hear him say something like that. That's totally out of character. But that's just one of the things I love about him. He says things when he wants to say them. Kahit parang nakakahiya, sobrang cheesy o corny, basta feel nyang sabihin, sasabihin nya.
Samantalang nung unang kilala ko sa kanya, he's the type who'd say anything just to get into some girl's pants. Now he's changed. He's still a smartass though, but I'm willing to include that in his quirks.
Nakatulog ako pagkatapos kong makipag-usap kina nanay. The long flight took its toll on me. Sampung oras yata akong tulog. Pagkagising ko, gutom na gutom ako. Wala pa naman akong alam na kakainan. Sana pala pumayag ako sa proposition ni Sir Josh na itu-tour nya ako.
Pagkapaligo ko, lumabas ako ng apartment para mag-ikut-ikot. Dinaanan ko na rin yung building ng office namin. Nakita ko naman agad. Sabi ni Kent sa 'kin bago ako umalis, marami raw trucks na nagtitinda ng pagkain sa tabi-tabi. Merong mga gourmet foods na itinitinda na mura. Para raw makatipid ako, doon na lang ako kumain. Merong isang truck ng pagkain na may mga taong nakapila kaso mukhang hotdog lang at frankfurters lang ang tinitinda.
Naglakad-lakad pa ako. Hindi naman sya nakakapagod basta chill lang ang paglalakad. Kahit katanghalian, hindi masyadong mainit. Pero gutom na 'ko kaya binilisan ko ang paglalakad. Tinalasan ko rin ang mata ko.
This one diner by 120 East caught my attention. Katabi sya ng Palace restaurant saka may malapit dito na branch ng Starbucks. By its name, I guess that it was Italian: 57 Napoli Pizza e Vino. Pagkapasok ko, isang staff ang agad na lumapit sa 'kin.
"Good morning ma'am, will you be dining in?"
"Ah... yes."
Mukhang mapapalaban yata ako ng English.
"Table for one?"
Tumango ako. The staff led me to a table beside the wall. Simple lang yung design ng loob ng restaurant. Kulay red yung seats, kahoy yung table at may mga pictures na naka-decorate sa pader. Naalala ko tuloy bigla ang Pizza Hut.
The same staff gave me the menu.
"Just call out when you're ready to order," she said.
Tumango ulit ako at saka nag-concentrate sa menu. Syempre tiningnan ko muna ang presyo ng mga pagkain. Napamulagat ako nang makita kong $10 ang salad. Grabe! Ang mahal! Ganito pala kapag nasa ibang bansa, kada gastos mo, iku-convert mo muna sa peso. Medyo nalula ako when I converted the prices.
APPETIZERS:
Caprese - buffalo mozzarella and tomato. ($10.00)
Melanzana Allà Parmigiano - eggplant parmigiano, tomato sauce and mozzarella. ($9.00)
Grilled Vegetables - zucchini, eggplant, peppers and yellow squash. ($9.00)
Assorted Cheese And Meats - served with pepperoni, ham, sopressatta,mozzarella, parmigiano and proscuitto. ($10.00)
So hindi na lang ako o-order ng appetizers saka salad. Hindi rin naman ako mahilig sa ganun. I decided to go with pasta. Sana lang malaki ang serving para mabusog ako agad. Tumawag ako ng waiter.
"Ready to order, ma'am?" asked the cheery blonde girl na halos ka-height ko lang yata.
"Yes. I'll have the meat lasagna please."
"Do you want any appetizers or salad to go with that? You could also have our pizza for the complete Italian experience 'cause you know, pasta and pizza spells Italian." She giggled.
Ngumiti ako saka umiling. "I don't think I'm in the mood for some pizza right now." Kasi ang mahal.
"Okay. Can I get you anything else?"
"Yes." Since first day ko naman sa New York, pagbibigyan ko ng konti ang sarili ko. "I'd also have Chicken Milanese and Créme Brulée for dessert."
"And for your drink?"
Pwede bang tubig na lang?
"Soda."
"What flavor?"
"Coke."
"Bottled or canned?"
"Uhm... bottled? Can I also get a glass with ice?"
"Sure." Ngumiti sya sa 'kin saka inulit ang mga inorder ko. Ako naman, nagkikwenta sa utak. Jusme! Kung sa Pilipinas 'to, equivalent to 1000 plus na!
Nang dumating ang pagkain ko, parang gusto kong tipirin para umabot hanggang gabi but my stomach's own brain had other plans. I ate everything and I still feel a bit hungry. Kaya humingi ako ng tubig. Nakakabusog kasi ang tubig kaya humingi ako ng dalawang baso nito.
Pagkakain ko, naghanap ako agad ng market. Pwede namang magluto sa apartment na tinutuluyan ko so bibili na lang ako ng maluluto para makatipid. I found one market nearby: Whole Food Market. Sa 226 lang kaya sobrang lapit lang sa apartment ko.
Kailangan ko ring magkwenta bago dumampot ng kahit ano. Mabuti na nga lang at busog na ako. Sabi ni nanay, masama raw mamalengke ng gutom dahil ang tendency e dumampot ng dumampot ng kahit ano. Takaw-tingin nga naman.
Nang makapuno na ako ng isang basket e tumigil na ako sa pagbili. Sabi ni Sir Josh, ililibre nya raw ako bukas ng lunch bilang pa-welcome nya sa 'kin so hindi ko na poproblemahin yun. Hindi naman ako palakain sa umaga so okay na ako sa konting tinapay at kape. Kaso wala akong kilalang kape rito kundi Starbucks at Seattle's Best. Sana pala sinunod ko yung payo ni nanay at nagbaon ako ng 3-in-1.
Mga bandang alas sais ng gabi, nag-online ulit ako. Nakapaligo na si Kent kasi may trabaho sya sa restaurant ng umaga. I told him about my experience earlier. Pinagtawanan nya ako. Ang cheap ko raw kasi prinoblema ko yun e ang mura pa nga raw ng presyo.
"Try mong kumain sa fine dining restaurant. Baka pagkatapos mong magbayad, hindi ka na kumain ulit," natatawa nyang sabi.
"Palibhasa mayaman ka kaya wala lang yun sa 'yo."
"Sabi ko kasi sa 'yo, sa food trucks ka na lang bumili ng pagkain."
"E kasi puro hotdog ang tinda dun sa isang nadaanan ko. Saka ang haba ng pila e gutom na ako."
"Kahit yung ibang food trucks, same price lang din nung kinain mo. Ganun talaga dyan."
"Ayoko na pala sa New York."
"Adik. Wala ka pang isang araw, ayaw na agad?"
"Namimiss ko na yung luto mo. Libre."
"Hayaan mo, next time sisingilin kita. Kung tutuusin nga, triple nung price ng kinain mo yung mga luto ko. Hindi lang kita sinisingil pero ang dami mo ng utang sa 'kin."
"Girlfriend." I pointed at myself. "Libre dapat."
He laughed. "Whatever. Aalis na 'ko. I'll see you later."
"What time?" tanong ko sa kanya.
"Bahala ka. PM mo na lang ako."
"Okay."
"Bye!"
Ang hirap pala kapag walang kanin. Hindi ko alam ang kakainin ko na mabubusog ako kahit walang kanin. Binuksan ko na lang yung isang lata ng SPAM saka ko ipinalaman sa tinapay. By 9pm, dala na rin siguro ng pagod, I was finally able to get some sleep.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro