Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11 - Best Friend

"Naaalala mo pa 'yong sinabi mo noong may sakit ka?" tanong nya isang araw. He smiled goofily while waiting for my answer. Ikinunot ko ang noo ko ng sadya habang nakatingin sa kanya.

"Huh? Ano ba'ng sinabi ko? Wala akong maalala," pagtanggi ko.

Kumikinang ang mata nya sa tuwa. I tried my best to hide the smile that's slowly creeping on my lips. He was like this since that night. Na para bang dumoble 'yong saya nya. Araw-araw syang nakangiti at kahit magkatawagan lang kami, ramdam ko 'yong tuwa nya. Rinig ko sa boses nya.

Ang sarap ng feeling na napapasaya mo 'yong taong gusto mo. Parang nakakawala ng pagod. Nakakataas ng energy. Nakakahawa. Pagngiti nila, maya-maya'y nakangiti ka na rin kahit walang dahilan.

"Whatever. I'm sure I heard something," he insisted.

"Baka nagdi-deliryo ka lang ng mga panahong 'yon."

"Never pa akong nag-deliryo. Saka matalas ang pandinig ko 'no."

"Tuwang-tuwa ka naman!" Kinurot ko sya sa pisngi.

He just snickered. Pinaandar nya na ang sasakyan nang mag-green light na. Maya-maya'y nakarating na kami sa bahay. He stayed for a while to have coffee. My mother insisted. Tuwang-tuwa kasi ito ka Kent. I could not say the same about my father. Sabi ko nga, hindi ito showy... kapag ayaw lang nito sa tao.

Mga bandang alas nwebe, nagpaalam na si Kent para umuwi dahil maaga pa raw sya bukas.

Umakyat na rin ako sa kwarto pagkatapos kong makipagkwentuhan ng kaunting oras kina nanay. Pansin ko kay tatay na medyo nababawasan na ang pag-inom-inom nito. Baka napagsabihan na ni nanay. Mabuti naman at nakinig ito.

I slumped back to bed after changing to a more comfortable set of clothes. Nakatingin lang ako sa kisame habang patay ang ilaw, nagpapaantok. Pero may naunang dumalaw kesa sa antok ko. Si Toby.

"Pwedeng pumasok?" nag-aalangan nyang tanong.

Tumango ako at naupo sa gilid ng kama ko. Dati-rati, deretso lang sya paglabas-masok ng kwarto ko. Palagi syang nandito tuwing umaga ever since elemetary days, ginigising ako kapag hindi ako nagising sa alarm ko.Dito rin sya gumagawa ng assignments, ng projects at dito rin kami nagre-review. Madalas kaming manuod ng movies dito. Mahilig kasi kaming magmarathon na dalawa. Tanda ko pa noon, si nanay palaging may lutong pancit canton, yung instant, saka isang plastik ng tasty bread bilang merienda namin.

Nang magtapat sa 'kin si Toby dati, saka nag-iba lahat. Pumupunta pa rin sya sa kwarto ko, madalas pa nga, pero ramdam ko na 'yong pagkailang. He somehow felt like a stranger trying to invade my space. Naging one-sided ang pag-uusap namin. Sya ang taga-kwento habang ako ay naging tagapakinig na lang.

Kung dati ay ayaw na ayaw ko syang aalis, noong naging kami, ayaw na ayaw ko naman syang pupunta rito. Toby respects me so much, even now. He didn't make any move on me kahit pa sobrang kumportable nya sa 'kin. He was gracious enough to leave the decision to me and I didn't make it.

We kissed, yes, a couple of times siguro. Sa harap ng mga magulang at kamag-anak na gustong-gustong makita na nagmamahalan kami. I did it for the show. He did it for real.

Dumating 'yong mga panahon na ginawa kong hide out ang kwarto ko. Palaging nakasara ang pinto, nakalock. Madalas akong magkunwaring tulog o masakit ang kung anu-ano para lang hindi sya makita. Si Rico na kasi ang gusto ko noon. Hindi lang ako nagsalita. I kept the feeling to myself dahil alam ko namang sa simula pa lang ay may iba na itong gusto, si Gale. Gale, on the other hand, was in the verge of slitting my throat just to get to Toby. And I could've just let her. If she asked for my help, I would have given it to her.

Nang hindi ko na makayanan ay nakipaghiwalay ako kay Toby. And that somehow severed what's left of our friendship as well. Hanggang sa mas lalong lumaki 'yong gap naming dalawa. Ramdam ko naman na gumagawa sya ng paraan para mapalapit sa 'kin. Ako lang ang lumalayo. I was driven by guilt.

Until now, Toby still feels like a stranger I shared a lot of memories with.

"Patulog ka na ba?" tanong nya.

"Sana," sagot ko naman. "Pero okay lang naman. Bakit?"

"Pwedeng..." His voice trailed off. Tumingin sya sa space sa tabi ko, as if silently asking for permission to sit there. Tinanguan ko sya ulit. He simply smiled and sat next to me. "Jazz," simula nya.

"Ano?"

Nagkibit-balikat sya. "Ewan ko rin. Mangungumusta sana?"

"Okay naman ako," sagot ko sa kanya. "Ikaw?"

Ang awkward.

"Heto... namimiss ka." He tried to make it light by giving out a laugh but he failed. It only made the situation more awkward. "Sorry ha. Sa lahat."

"Wala 'yon."

"Kung wala lang 'yon e di sana hindi tayo ganito ngayon."

Hindi naman talaga wala 'yon e. Ang hirap kayang mag-adjust. Iba kasi 'yong loss kapag 'yong taong palaging nandyan ang naging distant. Yung sa sobrang dikit nyo e para na syang parte ng katawan mo. Nang magkaroon kami ng gap, parang nawala 'yong kalahati ng pagkatao ko.

Maybe we're meant to be, soul mates even... pero hindi naman lahat ng soul mates, romantically linked, di ba? Siguro nakatadhana talaga kaming maging mag-best friend pero baka nasasabi ko lang 'to dahil ako meron nang Kent. E pa'no sya?

"Jazz, alam ko namang masaya ka na e. Hindi ko naman gustong sirain 'yon. Ang sa akin lang, hindi na ba tayo pwedeng bumalik sa dati?"

Nag-iwas ako ng tingin. Dati? Yung dating yayakap ng walang malisya? Yung dating palagi kaming magkasama to the point na akala ng lahat e magkarelasyon kami? Yung dati na sya yung hingahan ko ng lahat ng problema ko sa buhay? Yung dati na ang daming hindi alam nina tatay na alam nya dahil sa kanya ko lang sinasabi?

Nakakamiss nga 'yon. Wala na kasi akong ganoon e. Hindi ko rin naman masabi lahat kay Kent kasi minsan tungkol din dito ang problema ko. Si Toby lang talaga 'yong pwede kong maging confidante.

"Ang awkward kasi," pag-amin ko sa kanya. "Alam naman nating pareho na magkaiba 'yong gusto natin, di ba?"

"That doesn't mean that we can't still be friends."

"Tingnan mo sina Femi at Rico."

"Iba naman 'yon. Mag-best friend naman tayo."

"Mag-best friend din sila."

"Mas matagal tayong mag-best friend."

Nagkangitian kaming pareho.

Almost all our lives, mag-best friend na kami. Bakit nga naman namin hahayaang mawala 'yon? So what kung hindi naging kami? Hindi naman ibig sabihin na hindi na kami pwedeng maging magkaibigan, na hindi na pwedeng bumalik sa dati. Choice naman ng tao kung gagawin nyang kumplikado ang simple, di ba?

Simple lang naman, gusto naming bumalik sa dati. Gusto naming maging mag-best friend ulit. Kung gusto naman, maraming paraan, di ba?

"Kung babalik tayo sa dati, masisiguro mo bang hindi ka na aasa sa 'kin?"

"Kung makapagsalita ka naman, parang nasobrahan ka sa ganda," pabalik nyang sabi. "Hindi 'yan."

Hinampas ko sya sa balikat. "Yabang nito!"

Tumawa sya. "Nagsasabi lang ng totoo, best friend."

I couldn't help but smile. Best friend. Nakakamiss.

Kinaumagahan, kasinglaki ng ngiti ni Kent ang ngiti ko. Paglabas ko ng bahay, saktong palabas na rin si Toby sa kanila. Kent's smile immediately faded and he looked at us, frowning. Nagkasabay kami ni Toby along the way. Hinayaan ko itong akbayan ako.

"Sasabay sa 'tin si Toby ngayon," sabi ko sa kanya.

He gaped at me. "What?!"

Tinapik ni Toby si Kent sa balikat. "Pre, linis-linis din ng tenga ha?" sabi nito saka ito unang sumakay sa backseat. Sumunod naman ako.

"Dito ka sa unahan," Kent demanded. Nakatayo sya sa tapat ng backseat, nakahawak sa nakabukas nitong pintuan.

"Dito na lang ako. Ngayon lang naman."

"Jazz..."

I rolled my eyes. Saka ko hinarap si Toby. "Mamaya na lang tayo magkwentuhan pag-uwi ko."

"Sige lang," nakangiti nitong pagpayag. Kent glared at me as I step out of the car.

"What will you talk about?" tanong nya.

Nagkibit-balikat ako. "Kung anu-ano lang."

"Pasama ako."

"Adik. Usapang mag-best friends 'yon." Binuksan ko 'yong pinto ng passenger's seat pero hinarang nya ako bago pa man ako makapasok.

"Who are you kidding? We both know na hindi lang 'yan ang gusto nyang mangyari. What if he's just strategizing his way to get to you?"

"He won't get anywhere, I promise," pabulong kong sabi. "Trust me on this, okay? Gusto ko lang na magkaayos na kami. Be a little nicer to him."

He sighed and pointed a finger at me. "If this gets out of hand—"

"It won't," I assured him. "Huwag ka ng magdrama dyan. Narinig mo naman 'yong sinabi ko sa 'yo dati, di ba?"

Nawala 'yong kunot ng noo nya nang marinig nya 'yon. "So totoo talagang sinabi mo 'yon? Sabi na nga ba."

"Oo na kaya huwag kang magpaka-insecure dyan. Di bagay sa 'yo."

Bigla nya akong hinalikan. "Fine. You can talk but make sure he gets out of your room by eleven."

"Ano kita, tatay?"

He looked grimly at me. "Jazz."

"Okay!"

The car ride wasn't as bad as I've expected. Siguro dahil na rin sa sinabi ko kay Kent kaya medyo naging light ang mood nya. Madalas silang magbarahan ni Toby. Halos maya't maya sila lang dalawa ang nagsasagutan. Hanggang pakikinig lang ako. There was even this one argument na akala ko'y magpapababa kay Toby sa sasakyan.

Siguro naisip ni Kent na magagalit ako sa kanya kapag pinababa nya si Toby so he let him stay put.

Ako ang una nyang inihatid and I prayed silently na sana ay hindi sila masyadong nagbangayan nung sila na lang ang nasa sasakyan. Kapag pa naman mga lalaki ang magkakausap, uso 'yong palipad hangin. Payabangan, ganyan. E mayabang si Kent at ito namang si Toby, gatungero.

Lumipas ang maghapon at five minutes before my shift's end ay nasa labas na ako ng opisina. Kent arrived just in time. Sinabi ko sa kanya na sa bahay na kami mag-dinner so inagahan namin ang uwi para makapagluto sya. Nang mga bandang alas syete na ng gabi, saktong pakain na kami, saka dumating si Toby.

He sat beside me, na dapat ay pwesto ni Kent. Natawa na lang ako nang samaan nya kami ng tingin. He had no choice but to sit next to Toby. Si Toby naman, dakilang alaskador din, tuwing mag-uusap kami ni Kent, sinasadya nitong humarang. Ayun, lalong nainis itong isa kaya nagpaalam agad na uuwi pagkatapos kumain.

Pinagalitan ko si Toby pero tumawa lang ito. Sina tatay, medyo naninibago man sa ikinikilos naming dalawa, hindi naman nila maitagong natutuwa sila. Kaso hindi ko na talaga mapagbibigyan 'yong pangarap nilang love story namin ni Toby. Hanggang best friends lang talaga.

Doon kami ni Toby nag-usap sa bubungan ng bahay namin, just like the old times. May dala-dala kaming mga unan, panlatag at makapal na kumot. We talked about everything. Although may mga moments na guarded kami pareho at may mga bagay na hindi na namin masabi sa isa't isa, we did the best we could to make each other feel like we're back to being us.

Masayang magkaroon ng kaibigan. Masayang magkaroon ng best friend... lalo na't lalaki. Iba kasi silang mag-isip. Parang ibang mundo 'yong kanila. Mas simple na minsan e mas mababaw. Hindi nila gustong paguluhin ang utak nila. Kapag may sinabi sila, 'yon na 'yon.

Nakasandal na ako sa balikat ni Toby at konting-konti na lang ay babagsak na ang talukap ng mga mata ko nang gisingin nito ako. Pagkahatid sa 'kin sa kwarto ko, he made his way back to their house. Pero bago pa man ako makatulog, tumunog naman bigla ang phone ko.

It was Kent. I thought he'd be mad but instead, he just asked "Ano? Kumusta na kayo?"

"Okay naman na kami," sagot ko sa kanya.

"Good. I'm glad you're back to being best friends."

Hindi ko alam kung nantu-troll ba sya o isa na naman 'yong test na kailangan kong ipasa.

"Seryoso ba 'yan? Ano'ng nangyari sa 'yo?" Kanina lang, inis na inis sya kay Toby tapos biglang natutuwa sya na friends na ulit kami?

"Wala. Ayaw mo bang natutuwa ako?"

"Ang bipolar mo 'no?"

Tumawa sya. "Adik. Hindi. Masaya lang ako kasi 'yan 'yong gusto mong mangyari dati pa. Di ba?"

"Yes. I'm glad it's okay with you. You'll see more of him from now on. Sana hindi ka magsawa sa kanya," biro ko.

"If it makes you happy, then it's fine with me."

"Awww... kikiligin na ba 'ko?" I laughed.

"Why not? Sige, matulog ka na."

"Okay."

"Heart heart."

Natawa ulit ako. "Ano?"

"Wala."

"Korni mo a!"

"Matulog ka na kasi."

"Eto na nga po. Good night."

"Good night."

Hinintay kong magkaroon ng dial tone pero wala pa rin. Hindi lang sya umiimik.

"Kent? Nandyan ka pa?"

Hindi pa rin sya nagsalita. Baka naman ended na 'yong call? I looked at the screen. Hindi pa e. Meron pa. Tulog na kaya sya?

"Kent? End ko na ha?"

"I love you."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro