Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1 - Day 32

Tapos na yung 30 days. Muntikan na akong hindi mag-succeed but I guess fate is on my side this time. Maybe I got rewarded for taking risks. Out of the three goals I set before the 30-day trial period, I succeeded with two. The other, just barely. I mean, I'm sure he's not totally in love with me yet. Nasimulan ko lang at sana magpatuloy pa.

Gale was ecstatic. Over the moon ang tuwa nya. Akala mo naman inaya na ako agad na magpakasal ng kuya nya. But she was just concerned about what happened on the 30th day. When I gave myself to Kent kahit hindi pa kami kasal. Baka habulin kami ng taga ng tatay ko kapag nalaman nito.

She kept on asking if we used protection and I'm pretty sure we didn't. Kahit ilang beses kong alalahanin, hindi ko maalalang nag-ingat kami. We were both reckless that night.

"Kailangan mo ba talagang umalis?" tanong ni Kent sa akin.

Tumango ako sa kanya. Nag-aayos na ako ng gamit ko. Uuwi na 'ko sa 'min. Kailangan ko na ring humanap ng totoong trabaho dahil magtataka ang nanay at tatay ko kung wala pa rin akong maibibigay na pera sa kanila next month, kahit pa hindi naman nila ako inu-obligang magbigay.

"Hindi ka ba nagwo-worry na baka bumalik ako sa dati? If you go, then there will be no one here to stop me from bringing girls over." He smirked at me.

Pinanlisikan ko sya ng mata. "Subukan mo lang," sabi ko sa tonong nagbabanta.

"Kung susubukan ko, ano'ng gagawin mo?" he challenged.

"Gusto mong sampol?" Kinuha ko 'yung potted plant na nasa may pintuan at unti-unti akong lumapit sa kanya while wearing a menacing look. He raised his hands in defense.

"H-Hey... chill."

I sighed and stared at him blandly. "Biro lang." Ibinaba ko ang potted plant sa sahig saka ako sumalampak sa kama. "I guess I'll just cry."

Naupo sya sa tabi ko at inakbayan ako. "Iiyakan mo 'yun?" kunot-noo nyang tanong.

"What's the sense of beating you up if it can only affect you physically? Nasa 'yo na kung mambababae ka. But I'll tell you this, I won't put up with it. Isang beses mo lang gawin, iiwanan kita."

"Kahit isang beses lang?" paninigurado nya. I nodded. Sumipol naman sya na parang hindi pa rin makapaniwala.  Nagpatuloy na lang ako sa pag-eempake. Ang alam nina nanay, nag-resign ako sa trabaho. Kaya habang wala akong trabaho, hindi advisable na manatili ako sa bahay ni Kent.

"Can we do something before you go?" I heard him ask.

Paglingon ko sa kanya, ang lapit-lapit ng mukha nya. There's glint in his eyes that's suggests he's thinking of something lewd. At ito pa 'yung dahilan kung bakit hindi talaga ako pwedeng mag-stay sa bahay nya. Hindi pwede dahil kung mananatili ako sa bahay nya, kakailanganin kong gampanan ang gawain ng isang maybahay nang walang basbas ng kasal. Hindi pa ako ready para dun.

Baka atakihin sa puso ang nanay ko kapag umuwi ako isang araw na may kalong-kalong na baby.

I pushed on his chest to stop him from leaning on me further. "Kent—"

Inalis nya ang kamay ko at itinulak ako pahiga. He put his hands on either side of my face while his body was trapping me completely. Napalunok ako. Nagugulo na naman ang daloy ng utak ko. Hindi ito pwede. Jazz, isipin mo ang tatay mo na hinahabol ng taga si Kent. Gusto mo ba 'yung mangyari?

Umiling ako ng marahas bilang sagot sa sarili ko.

"No?" he asked softly.

I sighed and gave him a pleading look. "Kent, Toby will be here any minute. Kailangan ko nang ayusin ang mga gamit ko."

His expression turned sour at the mention of Toby's name. "Bakit pupuntahan ka pa? Pwede naman kitang ihatid sa inyo."

"Mas mabuti 'yun kesa mga kuya ko ang sumundo sa 'kin. Mabuti na nga lang at nag-volunteer syang sya na lang ang susundo sa 'kin e."

"So may utang na loob ka pa sa kanya?"

Napangiti ako. Sa tono ng pagtatanong nya, parang nagseselos sya. Ganyan din 'yung tono nya noong nakasama namin si Enrico pagpunta ng mall.

Pinisil ko ang tigkabila nyang pisngi. "Ang cute mong magselos."

Pinalis nya ang kamay ko saka sya nahiga sa tabi ko. Isiniksik nya ang ulo nya sa leeg ko habang ang isa nyang braso ay pumaikot sa bewang ko. "I'm not jealous."

"E di hindi." Madali naman akong kausap.

"Dapat kasi sinabi mo sa kanilang ihahatid na lang kita."

"Nagpilit kasi sina kuya na sila ang susundo sa 'kin. Only girl ako kaya medyo over-protective sila. It's either Toby or them. Mas mabuting si Toby na lang, di ba?"

"Over-protective pero pinayagan kang mag-board?"

I rolled my eyes. Naalala ko na naman 'yung usapan namin nina nanay. "Kung alam mo lang. Kulang na lang lumuhod ako sa munggo para pumayag sila."

"Tapos on your fifth day away from home, nagka-boyfriend ka na." Tumawa sya.

Napangiti ako. Yes, that was definitely odd. Pero ano namang magagawa ko? Halos araw-araw nila akong kinukulit na makipagbalikan kay Toby. Pressure! Lalo na si tatay. Gusto kasi nitong tatlong lalaki ang anak kasi swerte raw 'yun. Ang kaso, babae ang lumabas.

To somehow compensate with that—though I don't know why we should—he wanted me to marry the son of his best friend, na kapitbahay namin at ninong ko. Kung dalawa nga ring babae ang mga nakatatandang kapatid ni Toby, baka matagal na rin silang ipinagkasundo sa mga kuya ko.

Hindi lang sa mayayaman nangyayari ang arranged marriages. Sa katunayan, mas malaki ang posibilidad na masabit ka sa ganyang klase ng arrangement kapag magkakaibigan ang mga magulang nyo. Mabuti na lang at iisa lang ang nakatatandang kapatid ni Toby. Lalaki rin ito. Tapos meron syang dalawang nakababatang kapatid na babae pero hindi pa rin pwede sa mga kuya ko dahil 'yung isa ay kakatungtong pa lang ng high school habang 'yung isa ay grade 3 pa lang.

At dahil kami lang dalawa ang halos magkalapit ng edad, kami ang sapilitan nilang pinagpares. Pabor naman 'yun kay Toby.

The ringing of my phone brought me back to Kent's house. Kinapa ko ang phone ko sa mga gamit na nasa ulunan ko and saw Toby's picture flashing on the screen.

"Hello? Pupunta ka na?"

"Nasa labas na 'ko."

Napabalikwas ako ng bangon. "H-Hindi pa 'ko tapos mag-ayos."

"Okay lang."

"Sandali ha. Wait lang." Tinapos ko ang tawag saka ko pinabangon si Kent. "Nasa labas na si Toby."

He grunted saka nya tinakpan ng unan ang mukha nya.

"Kent, kung magpapakamatay ka, mamaya na lang."

Ibinato nya sa 'kin 'yung unan saka sya bumangon. Tapos sinimulan nyang tanggalin 'yung mga damit na nailagay ko na sa hand-carry. Pasaway!

"Kent!" Tinampal ko 'yung kamay nya.

"Pauwiin mo na sya. Ihahatid na lang kita mamaya."

"H'wag ka ngang magpaka-immature dyan!" Ibinalik ko sa bag 'yung mga damit na tinanggal nya. "Pagbuksan mo sya ng pinto."

He hissed at me before going out of the room. Maya-maya'y narinig ko na ang boses ni Toby sa loob ng bahay. Then I saw them standing on the doorway.

"Kailangan mo ng tulong?" tanong ni Toby. Agad siyang lumapit sa 'kin.

"Hindi na. Matatapos na 'ko." Ipinaglalagay ko na agad 'yung mga damit na nakakalat pa. Mag-a-unpack din naman ako sa bahay kaya okay na kahit medyo magulo. Basta magkasya lahat. Pagkasara ko sa bag, binuhat nya 'yun agad.

"Tara na," aya nya.

"Aalis kayo agad?" asked Kent who was leaning on the doorway with his arms crossed.

"Gumagabi na," sagot naman ni Toby.

"Jazz should eat first."

"Hinihintay na sya sa kanila."

Tumingin sa 'kin si Kent. "Nagugutom ka na, di ba? I won't let you leave without eating," he insisted.

Napabuntong-hininga ako. Bumaling na lang ako sa mas understanding sa kanilang dalawa. "Toby, kumain na muna tayo. Maaga pa naman."

"Sige." Ang bilis nya talagang mapapayag.

So Kent cooked us dinner. He hated the idea that he had to cook Toby's favorite food, sweet and sour pork. Pero ipinilit ko para hindi naman magsisi itong isa sa pagpayag. Mga dalawang oras pa ang ginugol namin sa paghihintay na maluto ang hapunan at sa pagkain. Napaghugas pa ako ng pinggan bago kami nakaalis. And in the end, Kent insisted to go with us.

Okay na rin naman dahil nag-commute lang si Toby papunta sa bahay. So sasakyan ni Kent ang ginamit namin pauwi sa bahay ko. Toby had to sit on the backseat with my things. Doon na rin sana ako uupo but Kent insisted that I take the front seat. So habang kami nagkikwentuhan sa unahan ng sasakyan, si Toby naman ay nasa likuran, nananahimik.

Nakarating kami ng bahay nang mga bandang alas otso. Sinalubong nila kami agad sa may entrada pa lang. Kitang-kita ko 'yung simangot ni tatay nang makitang kasama namin si Kent. Hindi showy ang tatay ko pero hindi rin ito mahilig magtago ng nararamdaman, lalo na kapag inis o pagkaayaw. And he doesn't like Kent. He makes sure the message gets across.

Ipinasok ni Toby 'yung gamit ko habang nakikipagpatintero naman si Kent kay tatay. Ayaw kasi syang papasukin.

"Tatay, papasukin mo nga 'yang bisita ng anak mo."

My father crossed his arms and tried to look intimidating but with Kent's height, it didn't happen. Hinila ko si Kent at iniiwas sa tatay ko para makapasok kami sa loob. Mabuti na lang at mabait sa kanya ang nanay ko. She was gracious enough to offer him a cup of coffee. Habang nagtitimpla ng kape si nanay, kami naman ay naupo ni Kent sa sofa. He wouldn't let go of my hand.

"Your father doesn't like me," he said as a matter-of-fact.

I beamed at him. "What's new?" I patted his hand. "Don't worry. If I were my father, I wouldn't like you either."

Tiningnan nya ako ng masama.

"I'm kidding," dagdag ko. "He's just like that because he only likes one guy for me."

And this only guy my father likes for me... his timing is just perfect. Bumaba si Toby mula sa second floor, galing ng kwarto ko. Yes, he could go in and out of any room in the house. Ganoon kami ka-familiar sa kanya. Pumasok si tatay at tumikhim. The guttural sound from his throat was his way of telling Kent to let go of my hand. Awtomatikong naghiwalay ang kamay naming dalawa.

Tumingin si tatay kay Toby at tumango. Si nanay naman, inilapag ang kape sa lamesa.

"Anak ikaw, gusto mo ng kape?" masuyo nyang tanong kay Toby.

"Ako na ho," sagot naman nitong isa. Pumunta si Toby sa kusina para magtimpla ng sarili nyang kape. Ang saya lang, di ba? May sarili pa syang tasa saka toothbrush sa kusina namin.

Tumikhim ulit si tatay. "Jasmine, gabi na," he said, which translates to pauwiin mo na 'yang bisita mo. I shot Kent an apologetic look and he just smiled in response.

"I should probably get going."

Tumayo sya at lumabas ng bahay pagkatapos magpaalam sa nanay at tatay ko.

"Ihahatid ko lang si Kent," paalam ko kay tatay, na minamanmanan akong maigi.

"Bakit? Masyado bang malayo ang distansya ng sasakyan nya sa pintuan ng bahay natin?"

I gave my father a reprimanding look. "Tatay..."

My father raised his hand in defeat. "Wala na akong sinabi."

Naiiling akong tumayo at sumunod kay Kent palabas ng bahay. Naabutan ko syang nakasandal sa sasakyan nya, inaantay ako.

"Sorry sa tatay ko ha?"

Nagkibit-balikat sya at tinanggal ang kamay sa pagkakapamulsa. "It's okay. I'll get used to it... eventually."

I smiled at him. "Ingat sa pag-uwi."

Tumango sya st gumanti ng ngiti. "Jazz?"

"Yes?"

Umalis sya sa pagkakasandal and then he cupped my face with his hand and kissed me gently. It was just a chaste kiss but my insides turned mushy all of a sudden. It's not a lustful kiss. It was rather filled with affection and gentleness.

I blinked a few times to regain my focus on him.

"Good night."

"G-Good night."

The loud clearing of my father's throat cut my trance. Tumakbo na ako pabalik ng bahay bago pa ako mapagalitan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro