Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

NAGDESISYON  si Myco na lumipat sila pansamantala dahil crowded sila sa unit ni Chelle dahil unang una, hindi niya ito mapabayaan dahil hirap pa rin itong kumilos, pangalawa, nasa pangangalaga niya ang makukulit niyang mga pamangkin. Dinala niya ang mga ito sa bahay sa bahay bakasyunan niya sa Valenzuela. Mag-e-enjoy silang lahat doon dahil may swimming pool at malaki-laki ang space para sa laruan ng mga bata. Kasalukuyang nasa backyard sila para mag-picnic, nag-iihaw siya ng barbecue at hotdog habang ang triplets at si Chelle ay naglalaro. Hindi na rin gumagamit si Chelle ng wheelchair dahil maayos na ang sugat nito, iniiwasan lang nitong maglikot.

"Hey guys! Huwag ninyong patatakbuhin si Tita Chelle ninyo!" Warning niya sa mga bata.

"Yes tito!" Sagot ni Nickson.

"Where just playing UNO cards here!" Sagot naman ni Nico. Nakaupo ang mga ito sa malapad na blangket ang masayang naglalaro.

"Tita Chelle, can I court you?" Muntik na siyang mapaso dahil sa tanong ni Nike.

"Ha? Eh, baby ka pa eh." Sagot naman ni Chelle.

"You know what Tita? Me and Nickson and Nike have a great crush on you 'coz you're really pretty and kind." Confession ni Nico na siyang ikinalingon niya. Inahon na niya ang mg barbecue mula sa grill, inilagay sa paper plate at nakisali sa mga ito. Isa isa namang nagsikuha ang mga ito ng hotdog at barbecue.

"Back off kiddos. Ang babata ninyo pa nangtsi-chicks na kayo." Sabi niya sa mga ito.

"Nagseselos si Tito!" Biglang sigaw ni Nike at humagikhik naman ang mga ito kabilang na si Chelle.

"Tito is jealous... tito is jealous..." Sabay sabay pang kanta ng tatlong bata.

"Ingay ninyo. Kumain na nga lang kayo." Uminom siya ng iced tea.

"Sungit mo naman!" Pinisil ni Chelle ang pisngi niya at ginantihan naman niya ito sa pag-iwas ng dalaga ay hindi niya sinasadyang madagil ang sugat nito.

"Aray! Masakit!" Sigaw nito at sinabunutan siya.

"Sorry, sorry." Agad siyang lumayo rito.

"Tito, inaaway mo si Tita Chelle." Sabi ni Nickson na ngumangabngab ng hotdog.

"Yeah, you just said earlier na huwag siyang likutin baka sumakit yung sugat niya." Sabi naman ni Nico.

"Tapos ikaw pala yung malikot, yan tuloy." Paninisi pa sa kanya ni Nike.

"Okay lang ako, huwag ninyo ng konsiyensyahin ang tito ninyo. I'm fine!" Pagtatanggol naman sa kanya ni Chelle. Akala ninyo ha? "Pasali naman." Sabi niya at binalasa ang UNO cards nang biglang tumunog ang cellphone niya.

"Excuse me guys." Lumayo muna siya sa mga ito. "Loraine?"

"Hello, honey! I missed you na!" Bungad nito sa kanya. Si Loraine ay ang dine-date niya bago niya makilala si Chelle at nang makilala na niya ang dalaga ay nawala na ang isip niya sa babae.

"Ahm, me too." Sinamahan niya ng excitement ang kanyang boses dahil hindi naman talaga niya nami-miss si Loraine.

"Can we see each other tonight?" Tanong nito.

"I'm busy." Blankong tanong niya.

"Oh! Eh di pupunta na lang ako sa pad mo. We can have some sizzling hot-" Bago pa man nito maituloy ang sasabihin ay inunahan na niya ito.

"Loraine, stop okay? I already told you that I'm busy." Pagdidiin niya rito.

"Busy? O baka may iba ka nang ka-date?" Biglang naging mabalasik ang tinig nito.

"Loraine, mukhang nakakalimutan mo na. I am not your boyfriend, I just dated you at tapos na tayo ngayon. I'm sorry." Bago pa man ito makaimik ay pinutol na niya ang tawag at binalikan ang mga bata pati na rin si Chelle.

"Ang tagal mo naman tito, game na!"  Sabi ni Nico at ito ang unang tumira. Napansin niya lukot ang mukha niya and she looked like in pain.

"Chelle? Okay ka lang?" He asked.

"Humahapdi lang 'yung sugat 'nung tahi." Mahinang sagot nito.

"Guys, wait ulit ha? I need to go inside, kukunin ko 'yung pain killer ni Tita Chelle. Take care of her." Agad siyang tumayo at nagtungo sa loob, sumasakit na naman ang sugat nito dahil sa aksidenteng pagdanggil niya rito. Habang kumukuha ng gamot sa medicine cabinet ay umiilaw na naman ang cellphone niya, si Misty ang caller, ang kanyang manager.

"Hello?" Bubgad niya rito.

"Myco, I need you here in studio. Minamadali na ng kliyente natin ang shooting para sa commercial at kailangan na nating mag-start ngayon. I'm sorry to disturb your short vacation." Sabi ni Misty. Naihilamos niya ang kanyang palad sa kanyang mukha ng wala sa oras, kung kailan siya nag-e-enjoy sa buhay niya ay tsaka naman siya tinatawag ng trabaho. Lumabas na agad siya kwarto at binalikan sina Chelle, pinainom na niya rito ng painkiller.

"Guys, I need to go. I'm really sorry." Sabi niya sa mga ito.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Chelle while pouting her lips at parang nagdadalawang isip na siya kung tutuloy pa ba o hahalikan na lang niya ito.

"Work. Emergency."

"Awww..." Sabay-sabay na sambit ng apat.

"Ligpitin muna natin itong kalat natin." Tinulungan siya ng mga bata na iligpit ang mga picnic items na ginamit nila at si Chelle naman ay pinapasok na niya sa kwarto para magpahinga at ang tatlong bata naman ay magsi-siesta muna.

"Chelle, sorry talaga." Sabi niya rito nang abutan niya itong nakahiga sa kama.

"Okay lang, ano ka ba? Sige na, umalis na ka na muna para makabalik ka rin ng maaga." Naka-smile na sabi nito.

"Thanks. Huwag na kayong mag-abalang magluto mamaya, magte-take out na lang ako ng food mamaya." He said at kinintalan ng munting halik ang dalaga sa noo nito na ikinabigla naman nito.

"Bye." He said.

"B-bye." At iniwan niya si Chelle na nakatulala and it made him smile.

It is almost twelve o'clock midnight at nasa studio pa rin si Myco, maraming nabago sa settings at plot ng commercial na nasimulan na nila kaya't back to zero silang lahat. Nag-text naman siya kay Chelle na hindi agad makakauwi, na-guilty siya dahil nagpresenta pa siyang magte-take out ng hapunan ngunit hindi niya nagawa para makabawi naman sa mga ito ay um-order siya sa restaurant ni Michael at ipina-deliver na lang sa bahay. Nagtext naman si Chelle at nagpasalamat sa dinner.

Tumayo muna siya sa kinauupuan and he ask for a five-minute break at pumayag naman ang director. He closed his eyes para naman makapagpahinga siya ng kaunti ngunit naudlot iyon dahil sa sunud-sunod na pag-ring ng kanyang cellphone. Number ni Chelle ang caller.

"Chelle?" Sagot niya kasunod ang paghikab.

"Tito..." Hindi niya alam kung sino sa triplets ang tumatawag at pawang umiiyak ang mga ito.

"Nico, tell him na!" Sisigok sigok pa si Nike kung hindi siya nagkakamali. Mukhang naka-speaker phone ang mga ito. Dis-oras na ng gabi at gising pa ang mga ito.

"Guys, what's happening?" Tanong niya. "Bakit kayo umiiyak?"

"Tito... sorry..." Si Nickson and he's crying.

"Kasi po, tumabi po kami ky Tita Chelle kasi po.. biglang pong kumulog..." Si Nike at umiiyak rin ito. Kinakabahan na siya.

"Tapos, biglang pong kaming nagising kasi po naiihi po kami. And then, 'nung ni-open po ni Nike yung lamp nakita po namin na may blood na po sa kama." si Nico naman at lalong umiyak ang mga ito.

"Nasagi po namin si Tita Chelle sa pagtulog." Si Nike ulit.

"Call an ambulance!" Sigaw ni Nickson habang umiiyak, nagpa-panic na ang mga bata at pati siya ay nagpa-panic na rin. Mabilis siyang nagpaalam sa mga katrabaho at sumibad pauwi.

TITA CHELLE... sorry na po." Umiiyak na hinging paumanhin ng triplets nang magising siya. Nadala siya sa ospital dahil bumuka ang tahi niya at hindi niya sinisisi ang mga bata. Takot lang ang mga ito sa kulog na natural para sa tatlong taong gulang.

"I'm okay now. Hindi ninyo naman kasalanan eh. Don't be guilty." Pang-aalo niya sa mga ito.

"Pero, si tito.. galit po yata sa amin." Sisigok sigok na sumbong ni Nico at tumingin siya sa gawi ni Myco na nakaupo sa rattan chair katabi ng hospital bed na hinihigaan niya.

"Myco, huwag ka namang magalit sa kanila." Paninita niya rito.

"I'm just concern." Sagot nito.

"Bati bati na ha? Okay lang ko, naagapan naman eh." Pang-aalo niya sa mga ito.

"Tito Myco, Tita Chelle, behave na po kami. Hindi na po kami naglilikot." Itinaas pa ng mga ito ang kamay na tila nanunumpa.

"I'm sorry kiddos kung nagalit ako." Lumapit si Myco sa mga bata. "Concern lang talaga si tito kay Tita Chelle." Ginulo ni Myco ang buhok ng mga ito at ngumiti.

"Thank you tito!" At yumakap ang mga ito sa binata. Myco is a father material. Napamulagat siya sa naisip, father material? Aasawahin niya ito pero hindi nga niya ito nobyo? Chelle, tiyan ang tinahi sa iyo, baka pati utak kailangan na ring tahiin. Bakit pa sobrang concern sa kanya si Myco? Ano ang ibig sabihin ng mga pag-aalaga nito sa kanya? Kasi siya, parang nagkakaroon ng ibig sabihin ang mga ipinapakita nito sa kanya. Am I in love? Sabay tingin kay Myco at ngumiti ito sa kanya. Yes, I'm in love!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro