HALOS ISANG oras na niyang hinihintay si Chelle, magsisimula na rin ang hapunan. Why are you taking so long sweetheart? Tanong niya sa sarili. Nilibot niya ang buong hall at baka sakaling makita si Chelle, hindi naman siguro ito naligaw. Hinagilap niya ang kanyang cellphone at nakita sa screen na may fifteen missed calls siya at limang unread messages. Tiningnan muna niya ang mga misscalls at galing iyon kay Chelle, bigla siyang kinabahan kaya't binasa naman niya ang messages.Myco, I'm really sorry. I need to go home, something really bad happened. I'm so sorry.
Binasa rin niya ang iba pang messages at puro paghingi ng sorry ang laman nito. Nilapitan niya ang organizer ng event.
"Ron, I need to go." Paalam niya rito.
"Why? Nagsisimula pa lang ang party ah. At hindi ka pwedeng mawala." Naiintindihan naman niya ito dahil siya ang highlight ng event pero sa tingin niya ay mas kailangan siya ni Chelle. Biglang nag-ring ang cellphone niya at si Chelle ang caller, lumabas muna siya ng hall para marinig ang tinig nito.
"Hello? Chelle? Where are you? What happened?" Sunud-sunod niyang tanong rito.
"Myco! I think I'm gonna die! Oh my God!" Inilayo niya ang cellphone sa kanyang tainga dahil bigla itong sumigaw.
"What's happening?! Where are you?!" Nagpa-panic na tanong niya.
"Home! Myco, please help!" At sumigaw ulit ito. God! What's happening? Bumalik siya sa loob at nagpaalam, sinabi niyang may emergency kaya naman pinayagan siya ng mga ito. Binilisan na niya ang pagpapatakbo ng kotse at bigla naman siyang naipit sa matinding traffic. Tinawagan niya si Chelle.
"Myco..." Umiiyak na ito.
"Hold on, sweetheart. Gosh, I'm in heavy traffic." Kinuha niya ang isa pa niyang cellphone at tumawag ng ambulansya at sinabi kung nasaan si Chelle. Binalikan niya si Chelle. "Sweetheart, may darating na ambulansiya diyan okay? Parating na sila." Isang hikbi lang ang sinagot nito sa kanya.
"It hurts..." At umiyak ulit ito. "I'm gonna die..."
"Hush... may ambulance na paparating okay? Just don't end up the call." Hindi nga nito pinutol ang tawag, after thirty minutes ay may narinig na siyang mga nagsasalita sa kabilang linya.
"Pick it up, people!"
"Sir? Isinakay na po namin si Ma'am sa ambulansiya, dadalhin na po namin siya sa Manila Doctors." Sabi sa kanya ng paramedic.
"Good, how's she?" Nag-aalalang tanong niya.
"Wala na pong malay nung datnan namin. Sige po, sumunod na lang po kayo sa ospital." Pinutol na nito ang tawag at lumihis naman siya ng daan para dumiretso sa ospital. Pagdating sa ospital nagtanong siya sa nurse station kung may isinugod sa emergency room kanina lang.
"Yes, sir. According sa nakuha naming information, Michelle Hernandez ang pangalan niya." Sabi ng nurse.
"Oo, siya ng nga! Where is she?" Tanong niya sa nurse.
"Nasa emergency room po, this way." Itinuro sa kanya ng nurse ang emergency room at dali-dali naman siyang nagpunta roon sakto namang may lumabas na doktor.
"Ikaw ba ang kasama ng pasyente?" Tanong ng doktor.
"Yes." Sagot niya. "Anong nangyari?"
"Her appendix, ruptured na. Kapag hindi pa siya naoperahan, baka mamatay siya kapag tukuyang pumutok iyon dahil malalason ang katawan niya." Sabi ng doktor.
"Then operate her!" Sikmat niya rito.
"Sir, we need an approval sa parents niya or kamag-anak." Sabi pa ng doktor. Kung pwede lang niyang pilipitin ang leeg nito ay gagawin na niya para maoperahan lang si Chelle.
"I'm her fiancee! For God's sake, operate her now!" Bulyaw niya sa doktor at tumango naman.
"We will transfer her now to operating room." Imporma nito sa kanya bago tuluyang pumasok sa emergency room. Umupo muna siya sa waiting area nang tumunog ang cellphone niya, si Marco ang caller, ang panganay niyang ka-triplets.
"Nasaan ka?" Tanong nito.
"Hospital."
"Why? May sakit ka?" Nag-aalalang tanong nito.
"Wala."
"The kids misses you." Sabi ni Marco. "When will you come over?" Tanong nito.
"I don't know. I'll hung up, bye." He ended the call, wala siyang ganang makipag usap ngayon dahil sa masyadong pag-aalala kay Chelle. Kung hindi pa pala niya nahawakan ang cellphone kanina ay malamang na may masama nang nangyari rito, at hinding hindi niya mapapatawad ang sarili kapag napahamak si Chelle. Matapos ang apat na oras ng paghihintay ay lumabas na ang doktor mula sa operating room at sinalubong naman niya ito.
"Kumusta po siya? I'm sorry dahil nasigawan kita kanina." Hinging paumanhin niya sa doktor.
"She's fine. Ililipat na namin siya sa private room." The doktor said habang tinatanggal ang surgical mask nito.
"Pwede ko na ba siyang samahan?" Tanong niya rito.
"Of course." Sumama na siya sa private room habang inililipat si Chelle, wala pa rin itong malay at may oxygen na nakakabit rito. Nang makalabas ang mga nurse ay nilapitan niya ito at hinaplos ang noo nito.
"Ano bang nangyari sa iyo?" Mahinang tanong niya rito, nahiga na siya sa couch at natulog. He needs to rest also.Matapos ang tatlong ay nagiging mabuti na rin ang lagay ng dalaga, kahit na kumikirot pa rin ang pakiramdam nito dahil sa pagkawala na epekto ng anesthesia ay nagagawa pa rin nitong ngumiti. Sinusubuan niya ito ng chicken soup na binili niya sa restaurant ni Michael.
"How come na hindi mo alam na may appendicitis ka na pala?" Tanong niya rito habang hinihipan ang soup at saka isinubo rito.
"Eh, hindi ko naman pala alam na appendicitis na pala 'yun eh. Subo pa.. sarap eh. Ahhh..." Ngumanga pa si Chelle at sinubuan naman niya ito, hindi pa itong pwedeng kumain ng solid foods ayon sa doktor at pinagbabawalan pa rin itong kumilos nang kumilos dahil baka bumuka ang tahi nito.
"Luto mo?" Tanong ni Chelle.
"Yeah." Sagot niya.
"Sinungaling." She pouted. "Alam ko kung nagsisinungaling ka o hindi, kasi tumataas ang kaliwang kilay mo kapag nagsisinungaling ka." Napangiti siya sa sinabi nito, kilalang kilala na siya ng dalaga.
"Oh yeah! Binili ko ito sa restaurant ng ka-triplets ko." Sagot niya.
"May ka-triplets ka?" Manghang tanong nito, hindi pa nga pala niya naiikwento ang dalawang asungot kay Chelle. "Baka kapag nagkatabi tabi kayo, hindi ko na makikilala kung sino ka sa tatlo."
"Don't worry, unidentical kami pero ako ang pinakagwapo." Nakangiting sagot niya at hinampas naman siya ni Chelle sa balikat at tumawa ito.
"Aray..." Napangiwi ito dahil kumirot ang sugat.
"Tawa ka kasi ng tawa. Sige, ubusin mo na ito." Sinubuan pa niya ito ng chicken soup hanggang sa maubos ito ng dalaga.
"Ikaw ba? Kumain ka na?" Tanong nito.
"Mamaya na." He said. May dumating na nurse para painumin si Chelle ng gamot at nang makaalis ito ay pinatulog muna niya ang dalaga. Mabuti na lang at wala muna siyang projects ngayon at mababantayan niya si Chelle, pumasok ang doktor sa kwarto at kinausap siya.
"Myco, makakalabas na siya bukas. Huwag mo muna siyang pakikibuin ng husto at ito ang mga gamot na kailangan niyang inumin." Ibinigay sa kanya ng doktor ang reseta.
"It would be good kung bibili ako ng wheel chair, right?" Tanong niya sa doktor.
"Yeah. Take good care of her." Nagbilin pa ito ng kung anu-ano bago tuluyang lumabas.
ITINULAK ni Myco ang sinasakyan wheelchair ni Chelle papasok ng unit niya, sabi ng binata ay aalagaan muna siya nito habang hindi pa siya nakakakilos ng maayos. Napakalaki ng pasasalamat niya rito dahil sa tulong nito sa kanya. Habang naghahanda ang binata ng tanghalian ay may kumatok. Akmang papagulungin na niya ang wheelchair ay hinarang na siya ni Myco.
"Ako na." Binuksan nito ang pinto at may biglang sumulpot na tatlong nagtatakbuhang mga batang lalaki na sa tansya niya ay nasa tatlong taong gulang na, sa bungad naman ng pinto ay naroon ang isang lalaki na kasingtangkad ni Myco at isang napakagandang babae. Pinapasok ni Myco ang dalawa.
"Chelle, this is my brother, Marco and his wife Ziah. Tapos silang tatlo," Itinuro nito ang tatlonng gwapong bata na behave na nakaupo sa sofa. "Sina Nico, Nickson and Nike, mga pamangkin ko. And guys, this is Chelle." Ngumiti siya sa mga ito.
"Hello, Chelle. Guys, I'm sorry to intrude you, pero gusto sana naming ihabilin ni Ziah yung mga bata sa iyo." Panimula ni Marco.
"Well? Saan kayo pupunta?" Tanong ni Myco.
"Abroad? I think me and my wife should have time for ourselves." Sagot ulit ni Marco.
"How about Michael? Nasaan siya?" Tanong ulit ni Myco.
"Out of the country rin, may dinadaluhang conference. So, iyo muna ang mga bata." Nakangiting sabi ni Ziah.
"Tito! Magbe-behave po kami!" Sabi ng isang bata na sa tingin niya ay si Nickson.
"Ah, okay. Aalis na ba kayo ngayon?" Tanong ulit ni Myco.
"Yeah! Bye!" At umalis na nga ang mag-asawa at naiwan naman sila ni Myco kasama ang mga bata. Ipinasok ng mga ito ang mga gamit ng mga bata.
"Doon kaya sila sa unit ko?" Sabi ni Myco.
"Huwag na! Okay na dito, para marami tayo." Salansan niya kay Myco.
"Hello! My name is Nico!" Pagpapakilala ng isa.
"I'm Nickson." Sabi naman ng isa na may subong cookies sa bibig.
"I'm Nike." Sabi naman ng pinakahuli.
"I am Chelle." Pagpapakilala naman niya sa mga mata.
"Tito Myco!" Sabay na tawag ng tatlo sa binata.
"Yes?" Lumapit naman si Myco galing sa kusina.
"She's so pretty!" Puri ni Nico.
"Tita Chelle, can you wait for me until I grow up? I want to court you, you know." Pa-cute na sabi naman ni Nickson na ikinatawa niya.
"Hey, what if girlfriend siya ni Tito Myco?" Tanong naman ni Nike at sabay sabay tumingin ang mga bata kay Myco.
"Is she your girlfriend tito?" Sabay sabay na tanong ng mga ito. Natitiyak niyang magiging makulit ang isang linggong pagsasama nila sa unit niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro