Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

I NEED a job." Usal ni Chelle sa kanyang sarili nang pumunta siya sa ATM machine para mag-withdraw dahil wala na siyang pera. Mayroon siyang one hundrer fifty thousand sa bangko pero alam niyang hindi sasapat iyon para buhayin siya araw araw. Dapat ay dagdagan pa niya ang pera niya para hindi siya mamulubi. Kumuha muna siya ng limang libong piso para may pera naman ang wallet niya and nagsisimula na siyang mag-isip ng business nang makaalis sa ATM machine. Napatingin siya sa isang boutique na nasa kabilang kanto lamang, at napansin niya na maraming bumili rito. Napangiti siya at dire-diretsong pumunta sa Divisoria.

"Manang, magkano ang telang ganito?" Tanong niya sa tindera sa loob ng textile shop. Magtatayo siya ng boutique at the same time ay mga designs niya ang ititinda niya at para mag-promote ay gagamitin niya ang pagkahumaling niya sa social networking sites para magbenta.

"Ah, mahal ang telang iyan hija. Isang daan, isang yarda." Dinama niya ang silk na tela, alam niyang mahal ang telang iyon pero mas mahal sa Chicago. Kinuha niya ang iba't ibang kulay ng tela at namili pa ng ibang tela. Pati na rin mga beads and accessories sa paggawa ng damit ay bumili na rin siya. Wala na siyang poproblemahin sa designs dahil may mga nakaimbak siya sa bahay at ang problema na lang niya ay ang magandang sewing machine kaya't pumunta siya sa mall para bumili. Hindi muna siya pipili ng pwesto kung saan niya itatayo ang business dahil sa online muna siya magbebenta. Nang makarating sa bahay ay pumili siya ng mga designs na gagawin na niyang damit.

"Knock knock!" Narinig niya ang pagtawag na iyon mula sa labas kasabay ng pagkatok.

"Come in!" Tiyak na si Myco iyon. Isang linggo na rin silang hindi nagkikita dahil pumunta itong Cebu para sa photoshoot.

"Oh! You're busy! What are you doing?" Tanong nito sa kanya habang tinatahi niya ang tela sa sewing machine. Violet silk ang napagdiskitahan niyang unahin dahil bagay iyon sa design ng damit niya. Gagawa siya ng isang sexy silk dress mula sa telang ito.

"Sewing." Nakangiting sagot niya rito ngunit hindi niya ito tinatapunan ng tingin.

"Yeah, I can see that." Dinampot nito ang iba't ibang telang naka-hanger. "Nice. Bakit ka nagtatahi?"

"I need a job, darling. I'm starting a business kasi baka ma-bank rupt ang kagadahan ko." Sagot niya rito at inalis ang tela sa sewing machine. Tapos na ang unang damit na ginawa niya. Simple and elegant. Ipinakita niya ito kay Myco.

"Wow! Isukat mo nga!" Excited na sabi nito at pumasok naman siya sa kwarto para isukat ang dress. She looks ravishing. This is a tube dress na may light purple built in belt na nasa ibaba lamang ng dibdib at isang malaking butterfly design bilang buckle. It looks good! Lumabas siya ng kwarto at napatayo naman si Myco sa kinauupuan.

PARANG pumailalim si Myco sa isang sumpa nang makita niya si Chelle na suot ang ginawa nitong dress. She looks beautiful ang ravishing. Napakaganda nito.

"Y-you look beautiful." Manghang puri niya rito at mukhang nag-blush naman ang dalaga.

"Thank you." Nahihiyang sambit nito.

"Chelle, I just want to invite you sa launching ng Uplift Magazine, tutal isa ka naman sa naging parte ng magazine. And I want you to wear that dress, okay?" Kinakabahang alok niya rito, sa darating na sabado na launching which is tomorrow night. Ngayon lang niya naimbitahan si Chelle dahil busy siya nitong mg nkaraang linggo.

"Sure!" Masayang sagot nito.

"And you're my date, okay lang?" Tanong ulit niya.

"Sige ba!" Nang sumapit ang oras ng tanghalian ay inimbita niya ito para magtanghalian at pumayag naman ito.

Saturday afternoon. Balisang balisa si Myco dahil hindi niya masusundo si Chelle sa unit nito, may emergency kasi at kinakailangan siya sa venue ng launching. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan ito.

"Hey, where are you?" Tanong niya kay Chelle.

"Salon." Great! Nag-aayos na ito, tutal ay ala-singko na ng hapon at ala-siyete magsisimula ang party.

"Oh, nice. Chelle,I think hindi kita masusundo." Nanatiling tahimik si Chelle sa kabilang linya. Bigla siyang nag-panic. "Look, hindi naman ako mawawala sa party, nandoon ako. Just notice me kapag nakarating ka na sa venue okay? Hahanapin kita, promise. Hindi ako  mawawala doon okay?" Pagse-secure niya rito.

"Okay, just be there." Sagot ni Chelle.

"You're not mad?" Tanong niya.

"Nope." Sagot naman nito.

"Good. I thought your mad." Relieve na sabi niya rito. "Just be beautiful tonight, irog. Ba-bye!" Sabi niya rito and he's so sure na ito ang pinakamagandang babae mamaya sa party. Walang binatbat ang mga patpating models sa dalaga at kung sinumang lumapastangan na agawin si Chelle sa kanya mamayang gabi ay tiyak na maihahagis niya sa crater ng bulkang Mayon at hindi na makakabalik pa.

The party just started at hindi pa rin tumatawag o nagte-text sa kanya si Chelle. Kanina pa niya ito hinihintay. God! Darating siya, right? She will come. Kumuha siya ng kopita ng champagne mula sa tray ng dumaang waiter. Marami mga bisitang pumapasok sa loob ng hall ngunit hindi pa rin niya makita si Chelle. Bigla na lang natigil ang pagsimsim niya sa alak nang humawi ang mga taong nakatayo sa gitna ng dancefloor at nakita niya ang isang napakagandang dalaga. A goddess! Si Michelle iyon! Napakaganda nito sa simpleng make up, nakapusod ng maayos ang buhok nito na nilagyan ng mga Swarovski crystals na tinernuhan ng diamond necklace at earrings. Akmang may lalapit na ritong isang lalaki nang biglang pinaspasan niya ang paglalakad patungo sa dalaga.

"Chelle, you made it!" Hinawakan niya ang kamay nito. Bagay na bagay rito ang violet silk dress na gawa nito na tinernuhan ng stilleto heels na sa tingin niya ay nasa tatlong pulgada ang taas.

"Yes." Nakangiting sagot nito sa kanya.

"Nervous?" Inakay niya ito patungo sa table kung saan naroon ang staff ng Uplift Magazine pati na rin ang mga direktor at crews na nakatrabaho niya.

"Not really." Nakangiti pa ring sagot nito.

"Guys, I hope you rememeber her." Untag niya sa mga nakapwesto sa table.

"Of course! Sinong makakalimot sa magandang binibini na 'yan?" Tumayo ang direktor at nakipagbesohan kay Chelle. "Come on, take a seat." Ipinaghila niya ng upuan si Chelle at komportableng naupo ito then he sat beside her.

"I'm really glad tht you invited her." Sabi ng assistant director.

"Iimbitahan ko naman talaga siya." Ipinakilala niya si Chelle sa mga kasalo nila sa lamesa at magiliw naman nitong tinanggap ang pakikipagkamay at pakikipagbesohan sa mga ito. Alam niyang sanay na ang dalaga sa mga ganitong okasyon dahil na rin sa background nito bilang photographer at fashion designer sa ibang bansa. Hindi maiiwasang may mga lalaking tumitingin ky Chelle, naiintindihan naman niya ang mga ito dahil napakaganda ng ka-date niya pero hindi niya hahayaang lumapit ang isa man sa mga ito kay Chelle.

"Mag-i-start na ang program." Sabi ng direktor. Tumutok ang kanilang mga mata sa entablado. Isang presentation ang pinanood nila kung saan lumabas ang mga lumang issue ng Uplift Magazine at ang pagbabago nito sa mga nagdaang taon. Maya-maya ay tinawag na si Myco para magbigay ng speech at umugong ang malakas na palakpakan nang tumuntong na ito sa entablado.

"Good evening! Thank you for coming sa launching ng bagong Uplife Magazine which is ako ang cover and thank you for that. I would like to thank sa crew na nakatrabaho ko ang I would love to work with all of you again." Marami pang sinabi si Myco pero hindi niya na-absorb ang lahat ng iyon dahil sa gwapong mukha nito naka-focus ang isipan niya.

"Hey, wanna dance?" Tanong ni Myco nang makabalik ito. May mga pares nang nagsasayaw sa dancefloor at pinaunlakan naman niya ang binata. Iginiya siya nito sa dancefloor at ipinatong naman niya ang kamay sa balikat nito at hinapit naman ng binata ang beywang niya. They're so close to each other and she's breathing hardly.

"You're so beautiful." Anas nito sa kanya.

"Kanina mo pa sinasabi 'yan ah." Sagot niya rito at tumawa lang si Myco. Habang ninanamnam niya ang nakakakilig nilang moment ni Myco ay may naramdaman siyang kung anong masakit sa kanyang tagiliran.

"Myco, pwedeng pumunta muna ako sa CR?" Paalam niya sa binata.

"Sure. Bilisan mo ha?" Bumitaw muna sila sa isa't isa at dumiretso sa comfort room. Mula nang dumating siya sa Pilipinas ay nagsimula nang sumakit ang tagiliran at ngayon ay sumasakit na naman. Tumingin siya sa full length mirror at napansin niya namumutla na siya.

"What's happening to me?" Tanong niya sa sarili. Nag-retouch siya ng make up at nang lumabas siya sa comfort room ay lalong sumakit ang tagiliran at halos mapaupo siya dahil sa nararamdaman. Kinuha niya ang cellphone at nag-text kay Myco, nang lumipas ang ilang minuto ay hindi pa rin ito nagre-reply kaya't nagpasya siyang tawagan ito pero hindi naman sumasagot. Nahihirapan naman siyang maglakad pabalik sa hall.

"Miss? Okay ka lang?" May lumapit sa kanyang isang waiter.

"I don't think so. Pwedeng ihatid mo ako sa labas? I need to go home." Inihatid nga siya ng waiter sa labas ng venue at ipinara pa siya nito ng taxi. Kinuha niya ulit ang kanyang cellphone at tinawagan si Myco but no response, nag-text rin siya ng ilang beses rito para magpaalam. I'm sorry, Myco. Hinawakan niya ang kanyang tagiliran dahil sumasakit na naman iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro