Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

MATAPOS ang masaganang tanghalian nila ni Myco ay namasyal pa sila sa loob ng mall. Napakaraming mga babaeng nagpapa-picture rito at hindi naman tumatanggi si Myco. Nasaloob sila ng isang clothing store at busy sa pamimili ng mga damit.

"Oh, this looks good." Itinaas ni Myco ang isang purple summer dress at napangiwi siya.

"Summer dress don't look good on you, Myco." Napatawa siya. At itinaas naman niya ang checkered na polo shirt na panlalaki.

"Oh! This looks good!" Sabi niya sa boses na panlalaki at tumawa naman si Myco.

"Let's exchange." Nagpalit nga sila ng hawak na damit. Maganda nga ang dress at mukhang bagay sa kanya at bagay rin naman dito ang polo shirt at kahit nga magdamit ito na parang taonggrasa ay tiyak na gwapo pa rin ito. Nasa kalagitnaan pa sila ng pagtawa nang may biglang sumulpot na tatlong babae sa harap ni Myco.

"Excuse me! Pwedeng magpa-picture?" Maarteng tanong ng babae.

Mukhang na-badtrip si Myco dahil sa pagsangat ng mga ito. At hindi pa man ito pumapayag ay hinaklit na ng mga ito ang binata. Nagtatalo pa ang tatlo kung sino ang kukuha ng picture atbiglang tumingin ang mga ito sa kanya.

"Ay! Alam ko na!" Sabi ng babaeng naka-shorts. "Miss, pa-picture naman." Hindi pa man siya nakaka-oo ay binigay na ang camera sa kanya.

"Personal assistant ka naman ni Myco 'di ba?" Siya naman ang nainis sa mga ito, sa ganda niya personal assistant lang siya? She zoomed the focus na tanging mukha lang ni Myco ang kita. Oh!Wait! Tiba-tiba pa rin sila kapag mukha ni Myco ang kinuhaan ko! Nilipat niya sa zoom sa ilong ng isang babae at lihim na napangiti.

"Miss! Ang tagal naman!" Maarteng reklamo ng isa.

"Wait! Ito na! Say cheese!" Ngumiti ang mga ito maliban kay Myco. Matapos ang ilang shots na ang tanging kuha lamang ay ang mata, ilong at bibig ng mga babae at ibinalik na niya ang camera.

"Bye Myco!" Hindi man lang ito nagpasalamat sa kanya, pero okay lang. Wala naman si Myco sa picture! He he he.

"Myco, let's go?" Yaya niya rito, baka kasi bumalik 'yung mga babae at sabunutan pa siya. Habang naglalakad sa parking area kasama si Myco ay may biglang humila ng buhok niya. "Aray! Anoba?!"

"Hoy! Babae! Sabi ko 'di ba picture-an mo kami ni Myco? Ano itong ginawa mo?!" Sigaw ng babae na humihila ng kanyang buhok. Nasasaktan na siya talaga!

"Myco!" Tawag niya sa binata na nauna na sa paglalakad, bigla na lang itong lumingon at nagulat sa nangyayari. Patakbong lumapit ang mga ito sa kanila.

"Myco, pagsabihan mo nga itong P.A mo, hindi marunong gumamit ng camera!" Pasakdol sa ipinakita ng mga ito ang nakuhang pictures sa digicam. Hinila siya ni Myco at nakawala naman siya sapagsabunot ng babae.

"That serves you right, Miss. You don't know how to respect people, bigla  na lang kayong nagpa-picture sa akin ng walang approval ko. Alam ninyo naman ang salitang privacy hindi ba?"Ipinagdiinan pa ni Myco ang mga salitang sinasabi. "And one thing, she is not my personal assistant okay? She's my special friend." Pagtatanggol pa sa kanya ng binata.

"You're such a jerk Myco! Idol ka pa naman namin! At ngayong oras na ito, nabawasan na ang fans mo!" Sabi ng babaeng naka-shorts.

"Kung ganyan lang ang mga fans ko, thank you na lang. As far as I know, 'yung mga fans ko, marunong umintindi ng privacy. Nagpapa-picture sila kapag hindi kami ni busy nitong kasama ko,isinasama pa nga nila si Chelle sa picture and they are telling how beautiful is she at bagay raw kami. So if you'll excuse us, aalis na kami." Seryosong sabi ni Myco at hinila siyapapunta sa kotse nito. Isasabay nga pala siya nito sa pag-uwi, tutal na sa iisang building lang naman sila nakatira.

"I hate you!" Koro ng tatlong babae.

"Thanks!" Sagot lang ni Myco at sumakay na sila sa kotse. Nang makaalis sa parking area ng mall ay saka lang siya nagsalita.

"You don't have to be mean." Sabi niya rito.

"I'm not being mean, they deserved it. Hindi sila marunong rumespeto. Ikaw kaya ang mean, bakit gan'on ang kinuha mong picture?" Ngumiti ito sa kanya at bigla na lang 'atang nalusaw angpuso niya.

"Eh kasi, base sa hilatsa ng pagmumukha mo kanina sa loob, mukhang ayaw mong magpa-picture sa kanila. At isa pa, ang aarte nila 'no!" Sagot niya rito at napatawa na naman si Myco. Ilangbeses na ba itong tumawa ngayong araw?

"Pagod ka na ba?" Tanong ni Myco.

"Not really." Sinabayan pa niya ng pag-iling.

"Oh, okay. Gusto mong sumama sa studio?" Biglang nagliwanag ang kanyang mundo dahil sa paanyaya nito.

"Sige!" Sang-ayon niya rito. "May photoshoot ka?" She asked.

"Yes." Maya-maya pa ay nasa studio na sila at pinagtitinginan sila ng mga tao. Siyempre, celebrity ang kasama niya.

"Myco!" Lumingon sila pareho sa tumawag kay Myco. Nagkamay ang dalawa.

"Oh, who's this beautiful lady huh?" Tanong ng lalaki.

"Leon, this is Chelle, my special friend. And Chelle, this is Leon, our director." Sila naman ang nagkamay. Mukhang mababait naman ang mga tao rito. Maya maya ay may humahangos na babaepapunta sa kanilang kinatatayuan.

"Direk! Si Lorenz po, 'yung photographer hindi mo makakapunta ngayon." Hinihingal na sabi nito.

"What?! Last day na ngayon ng photoshoot! Ano bang nangyari?" Nag-aalalang tanong ng direktor.

"Nagkaroon po kasi ng tigdas, biglaan. On the way na nga po siya kanina eh, kasi biglang naglabasan yung tigdas." Sagot naman ng babae. "Wala na po tayong available na photographer."

"Anong gagawin natin?" Tanong ni Myco.

"Ahm, can I help? Ako na lang ang kukuha ng mga picture." Nagpresenta naman siya, kawawa naman ang team ni Myco kapag hindi natuloy ang photoshoot.

"Are you a photographer?" Sabay na tanong ng tatlo at tumango siya.

"What's your name ulit?" Tanong ng direktor.

"Michelle Hernandez." Bakas ang pagkagulat sa mukha ng direktor.

"Myco! Bakit hindi mo sinabi na siya pala si Michelle Hernandez? The world's famous female photographer!" Napangiti siya sa sinabi ng direktor.

"Hey, sweetie. You never told me." Sabi ni Myco.

"You never ask." Sagot naman niya rito. Inayos na ng mga crew ang set at tiningnan naman niya nag gagamiting camera. Pumwesto na si Myco at napaisip siya sa concept.

"What is the concept?" Tanong niya sa direktor.

"Well, greatness of men." Sagot sa kanya ng direktor.

"Oh, greatness of men. They can be vulnerable, meron po ba kayong puppy diyan?" Tanong niya ulit habang sinisipat ang dslr camera. Bilang sagot sa kanyang katanungan, may kumawalang maliitna tahol at biglang lumabas ang isang Golden Retriver na tuta.

"Cool!" Kinuha niya ang tuta at ibinigay kay Myco. Pumwesto na rin siya. "Myco, aside from sensuality and being macho, men can be vulnerable and that's what are we gonna do today." Biglangpumalakpak ang direktor.

"Good! Okay, start na tayo!" Inayos na ang mga ilaw.

"Myco, show me how vulnerable you are towards the cute little puppy." Binuhat ni Myco at tuta at hinalikan iyon sa ilong. Cute! At siya naman patuloy sa pagpindot ng shutter button. Thereit comes na nakikipaglaro si Myco sa tuta at natutuwa naman siya sa outcome ng mg pictures. Nang matapos ang pagkuha ng mga pictures ay tiningnan nila sa laptop ang mga litrato.

"Who's puppy is this?" Tanong ni Myco habang buhat pa rin ang tuta.

"I don't know. Baka galing 'yan doon sa pet shop sa ibaba." Sagot ng assistant director. Habang nanonood ng mga pictures ay may narinig siyang sumisitsit sa kung saan. Sinundan niya angpagsitsit at sa isang tabi ay may nakita niyang isang maliit na ahas, an orange and yellow snake. Maliit lamang ito. Ayon sa mga nabasa niya ay isa itong cornsnake, maaaring maging petito. Kinuha niya ang ahas at tinawag si Myco.

"Bakit? May problema ba?" Nag-aalalang tanong nito.

"Look!" Ipinakita niya rito ang hawak na cornsnake.

"Oh shit!" Nabigla ito kaya't inilayo niya ang ahas. "Give me that, Precy! Saan ka na naman ba galing? Bakit hanggang dito nakikita kita?" Ibinigay niya kay Myco ang ahas na si 'Precy.'

"She's yours?" Tanong niya.

"Yeah. Medyo layas nga itong alaga ko." May kinuha itong isang plastic tank na parang aquarium na may mga pine barks chip t doon inilagay si Precy.

"Can I keep the puppy?" Tanong niya kay Myco.

"Sure!" Nang matapos ang photoshoot ay bumili muna sila ni Myco ng pagkain bago tuluyang umuwi, at sabi nito ay kung pwedeng doon muna ito sa unit niya. And she must be the happiest girlin the world dahil kasama niya ang pinakagwapong lalaking pinapantasya ng mga babae.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro