Chapter 1
AU: Katulad nang unang part ng trilogy ay hindi po ito edited at isinulat ko ito noong 2014 pa para sa isang online writing platform na Tagalog Online Pocketbook. Matagal nang wala ang website kaya I decided to post this on Wattpad para hindi nabuburo sa laptop ko hahaha!
*******
LUKOT ang mukha ni Chelle nang sumakay siya sa taxi na pinara niya. Kadarating lang niya galing Chicago, she used to be a photographer and a fashion designer there pero may isang pangyayaring hindi niya inaasahan. Hindi niya kinaya ang trato sa kanya ng former perverted boss niya kay siya nag-resign, at isa pa, sawang sawa na siya sa pagkain ng mga fast foods and microwaveable foods. Ibinigay niya ang address ng condominium building na kanyang tutuluyan sa driver ng taxi, bago siya pumunta sa Pilipinas ay bumili muna siya ng condo unit at tamang tama namang may ibinebenta ang dati niya kaibigan, nagbigay siya ng downpayment sa kaibigan at wala na siyang problema sa iba pang bayarin dahil fully-furnished na ang condo unit.
"Miss, Medyo malayo po itong address na ito," sabi ng driver habang tinitingnan ang papel na binigay niya rito.
"Okay lang po,' sagot niya rito. Her head is pounding at mahilo-hilo pa rin siya dahil sa jet lag.
Habang binabagtas ang daan ay pinagmasdan niya ang mga naglalakihang billboard na nakahanay. Tumigil ang taxi dahil naipit sa traffic at tama lang ang pagtigil ng sasakyan para matingnan ang isang lalaking nasa billboard. Napakagwapo ng lalaking ito, so sensual, macho and everything that a woman wants to a guy. Napansin niya ang pangalang nasa gilid ng billboard. She read it.
"Myco Carson." Katabi ng pangalang iyon ay ang brand ng pabangong ini-endorse nito. He looked like a Greek God lalo na't bukas ang mga butones ng polo nito, revealing his yummy six-packed abs.Umusad na ang taxi at nawala na sa paningin niya ang billboard, bigla siyang nanghinayang ngunit nabuhay muli ang dugo niya nang may sumunod pang billboard kung saan naka-feature ang Myco Carson na iyon. Marami pang mga billboard siyang nakita kung saan nakapaskil ang mukha ng lalaki, isa itong model.
"Miss, nandito na po tayo," imporma sa kanya ng driver. Mabilis na bumaba ang taxi sa driver mula sa sasakyan at ibnaba ang mga luggage niya mula sa compartment ng taxi. Bumaba na rin siya, nagbayad at nagpasalamat rito. Pumasok na siya sa loob ng building at tinungo ang elevator, sa pagpasok pa lang niya sa lobby ng condominium building ay masasabi niyang high-class ito at hindi pipitsugin. Nasabi na rin sa kanya ng dating kaibigan na may mga local celebrity na nakatira sa building na ito, how lucky of her! Pinindot na niya ang floor number kung saan naroon ang bago niyang tirahan, sa second floor pa lamang ay huminto na ang elevator at bumukas iyon, pumasok ang isang matangkad na lalaki. Parang pamilyar ang gwapong mukha nito sa kanya.
"Uhm, excuse me? Have we met?" Biglang tanong niya sa gwapong estranghero na nakatingin din sa kanya.
"I-I don't think so. Maybe you've met me somewhere?" The guy asked him bck and then smirk. Bigla siyang natulos sa kinatatayuan nang makita ang kakaibang gesture nito. Smirk palang, naloloka ka na! Paano kaya kapag nag-smile na siya? Hindi niya maialis ang mga mata niya sa napakagwapong nilalang na ito. Biglang may tumunog sa loob ng elevator, senyas iyon na nakarating na sila sa floor na patutunguhan. Kasabay niyang lumabas ang lalaki at siya naman ay busy sa paghila ng dalawang bagahe niya.Hindi niya alam kung bakit sumusunod siya sa lalaking ito, parang may magnet na nakakabit sa kanya at ito naman ay parang may metal sa katawan na uma-attract sa kanya. And then, she found herself in a place where masculinity is everywhere.
"Miss, are you following me?" Untag sa kanya ng lalaki. Gusto niyang sapukin ang sarili dahil pati sa loob ng unit nito ay sumunod siya. She sheepishly smile.
"Ahhh... magtatanong lang. Alam mo ba 'yung unit number 214?" She asked cutely.
"Yes, next door." Lihim siyang nagbunyi dahil magkatabi pala sila ng unit. God must really love me! "Thanks." Akmang tatalikod na siya para lisanin ang unit nito nang biglang hinawakan siya nito sa kanyang braso.
"Need help?" Alok nito sa kanya. Tumango na lang siya at nagpatiuna sa paglalakad. Ibinigay niya rito ang pulang bagahe niya. Mukha siyang lukaret dahil sa pagsunod rito pero ayos lang, at least nasisilayan niya ang gwapong mukha nito.
"Miss, lampas ka na. We're here." Bigla siyang napahinto sa paglalakad dahil sa sinabi ng lalaki. Dalawang pinto ang nilampasan niya. Sa isang floor ay mayroong apat na unit, maganda iyon at hindi siksikan at nag-aagawa ng space. Dagli siyang bumalik at kinuha ang susi ng pinto mula sa kanyang hand bag. Nang mabuksan ang unit ay pumasok na agad siya at pintuloy niya ay lalaki.
"Thanks. I'm sorry, mukhang wala akong maiaalok na inumin. Bagong lipat lang ako eh." Maganda ang loob ng unit, may space para sa living room, may dining area at kitchen, at ang kwarto naman ay maayos rin at nasa kwarto na rin ang banyo. Sinabi ng kaibigan niya na huwag na siyang mag-abala pang bumili ng mga appliances at furnitures dahil bago pa lang ang mga gamit rito.
"It's fine. Ito na ang gamit mo." Inilagay nito sa isang tabi ang bagahe niya. "What's your name?" Biglang tanong ng lalaki.
"Michelle, Michelle Hernandez." Pagpapakilala niya rito.
"Myco Carson." Nalaglag ang panga niya dahil sa sinabi nito. Kaya pala parang nakita na niya ang lalaking ito, sa billboard! Pero infairness, mas gwapo ito sa personal.
"Hey, Chelle! Are you okay?" Pumitik-pitik pa ito sa harap ng mukha niya, okay, natulala siya.
"Yes, I'm okay." Ngumiti siya rito na parang timang.
"I guess I better get going. I have some job to do." Lumabas na ito ng unit niya at siya naman ay napahawak sa kanyang dibdib na hindi matigil sa pagwawala.
"MYCO, GIVE me your sensuality! Good!" He did a very sensual pose dahil siya ngayon ang cover ng Male magazine na Uplift. very inspired siya ngayon sa photoshoot dahil nakita niya ang isang magandang binibini na mukhang attracted na sa kanya pero siya ang unang na-attract rito, kaya nga siya sumabay rito sa pagsakay sa elevator, sayang at hindi sila na-stuck. Myco, masyado kang nadadala sa mga romance novels na binabasa mo. Far from reality na ma-stuck kayo ng binibini sa elevator na 'yun, unless na sirain mo 'yung elevator. Nang matapos ang photoshoot at pumunta siya sa mall para bumili ng libro, wala kasi siyang magawa sa bahay, pagod na siya kalalaro ng play station dahil palagi naman siyang nananalo. Wala rin siya sa mood makipag-date sa isa sa mga babae niya kaya bibili na lang siya ng libro para basahin. When he entered the bookstore ay may pumukaw agad sa kanyang interest, agad niyang nilapitan ito.
"Hey, this is mine!" Sabi ng babae na kaagawan niya ng libro. At isang Gothic Romance Novel ay pinag-aagawa nila. Hinawakan niya ng mahigpit ang libro para hindi maagaw ng kung sino.
"Miss, ako ang unang nakakita ng librong ito." Mariing sabi niya sa maliit na babae, hanggang balikat lang kasi niya ito.
"Myco?" Pamilyar sa kanya ang boses na iyon, tiningnan niya ng maayos ang babaeng katabi niya.
"Chelle?" Tanong din niya, and he just gave her a nickname! How nice! Agad niyang binitiwan ang libro kaya't nakuha nito iyon.
"Book worm?" Nakangiting tanong niya rito.
"Uh yeah. I just want to have this second trilogy of the book, para kapag nabasa ko na yung una, which is actually hindi ko pa rin makita at mahanap- eh hindi na ako mahihirapang maghanap." Sabi nito sa kanya. Tumango-tango naman siya. "Can I have this please?" Nagmamakaawang tanong nito sa kanya.
"Okay! Just don't be too cute when begging!" Usal niya rito nang makahuma dahil sa sobrang kagandahan nito while begging.
"Thank you! Pero hindi ko pa rin nababasa yung unang libro eh, pero okay lang. At least nakuha ko itong isa." Dagdag pa nito at sinamahan niya ang dalaga sa counter para magbayad. Napansin niyang masama ang tingin ng kahera kay Michelle sabay lipat ng tingin sa kanya at mukhang nagpapa-cute. Miss, kahit anong gawin mong pagpapa-cute sa akin, wala yang epekto. 'Di hamak na mas maganda si Chelle sa'yo! Sigaw ng utak niya. That's the truth, mas maganda nga si Chelle. Sabay na rin silang lumabas ng bookstore.
"You want something to eat? My treat! Pagpapasalamat ko sa iyo dahil ibinigay mo itong book sa akin." Yaya sa kanya ni Chelle.
"Sure!" Nagtungo sila sa isang Filipino restaurant where local dish are served. Um-order si Chelle ng sinigang na hipon at bistek for two.
"You love Filipino dishes huh." Puna niya rito nang i-serve ang pagkain nila.
"Not really, na-miss ko lang ang lutong Pinoy. Wala masyadong ganitos a Chicago, puro fast foods." Agad itong nagsabaw ng sinigang sa kanin nito at sumubo. "Hmmm... sarap!"
"Kailan ka pa dumating?" Tanong niya rito at kumain na rin.
"Kanina lang." Sagot nito habang maganang kumakain.
"Dapat nagpapahinga ka." Concerned na sabi niya rito, malayong biyahe ang ginawa nito, dapat ay nasa kama na ito at natutulog.
"Nakatulog na ako, mga one hour after mong umalis." Nakangiting sabi nito sa kanya.
"You love to eat? Mukhang hindi uso ang diet sa iyo ah." He said with an amusement. Ang mga babaeng kakilala kasi niya, halos tubig na lang ang ginagawang pagkain para mapanatili ang payat na katawan.
"Yeah. I love to eat! Kahit naman kasi kumain ako ng kumain, hindi rin naman ako tumataba. So enjoy the food! Tsaka medyo naiinis ako sa mga models na nagsusuot ng mga designs ko, sobrang payat nila, parang malalaglag yung mga damit na isinusukat ko sa kanila. They have to eat also, 'di ba? How about you? Hindi ba model ka?" Napansin niyang may pagkamdaldal pala ang binibining ito, cool!
"Yes, I am a model. Pero lalaki naman ako, I can maintain my hot body." Nakangising sagot niya.
"Yabang mo ah!" Hinampas nito ng mahina ang kanyang balikat and then, a volt of unknown electricity rushed all over his body kaya't natigilan siya sa pagsubo. What the hell was that? And he spell the word T-R-O-U-B-L-E.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro