27 | Epekto ng Pamahalaang Ordinaryo
Ordinaryo, sapat, katamtaman,
mga salitang naglalarawan sa Pamahalaan.
Hindi uusad ang kalahatan,
walang isinasagawang kilos upang higitan.
Upang higitan ang pamamahala sa lahat,
upang umusad ang layunin na dapat.
Mga aksiyon na nakasanayan,
paghihirap na ang dulot sa mga mamamayan.
Hindi wastong pamamahala ng mga pondo,
ginugutom ang mga tao.
Paglutas ng mga kaso,
tila mas lalong nagdudulot ng gulo.
Ang kakulangan at kapabayaan,
dulot ay mga isyung pangkalusugan.
Paghuli ng mga mayroong kasalanan,
minsa’y ‘di na makatarungan.
Ito ang mga ebidensiya,
na ang sapat ay dapat higitan pa.
Ordinaryo o sapat na kaalaman, diskarte at pamamahala,
dapat hindi makampante, dahil maaaring ito’y magkulang pa.
Kapag ipinagpatuloy ang ordinaryong paglutas ng suliranin,
Paano nalang ang mga pagbabagong kahaharapin?
Hindi pag-usad at pag-unlad,
maaaring humantong sa tuluyang pagbagsak.
Ang sapat ay hindi na talaga sapat,
ang pagbabago sa sistema ay nararapat.
Pag-asa ay gamitin ng wasto,
labanan ang epekto ng pamahalaang ordinaryo.
-kazumeh_17
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro