Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

24 | Lahat ay Maganda, Hindi Lang Sila

Ang kagandahan ay tunay na nakakamangha,
lalo sa pisikal na anyo na tinataglay ng bawat isa.
Mga perpektong mukha, kinang ng mata, labing mapupula,
maganda ngunit minsa'y may dulot na palang hindi maganda.

Mga artista'y hinahangaa't ini-idolo,
galing sa pag-arte, lalo na sa pagmomodelo.
Ngunit nang dahil sa mga taong ito,
ang mundo'y masiyado nang naghahangad ng perpekto.

Dapat maganda ka para ituring na mahalaga,
dapat maganda ka para ipagmalaki ka.
Dapat maganda ka sapagkat gano'n ang mga artista,
dapat maganda ka mula ulo hanggang paa.

Sa sobrang taas ng pamantayan ay magdududa ka,
magdududa sa sariling itsura.
Hindi ka naman kasi kasingganda ng artista ayon sa iba,
sino ka nga ba para sa kanila?

Mga tao'y masiyadong nadadala,
nakakalimutan ang kahalagahan ng tunay na ganda.
Nag-iiba ang pananaw sapagkat may batayan na,
ang mga iba'y nababalewala na.

Nakakalimutan na lahat tayo'y may sariling kagandahan,
mapa-labas o mapa-loob man 'yan.
Ang kagandahan ng iba'y masiyado nang namamaliit,
nagpapaganda na kahit pilit.

Napipilitang mag-ayos sapagkat gusting mapahalagahan,
nagpaparetoke sapagkat gustong mapansin ng mamamayan.
Nagpapaganda para sa pagtanggap ng kalahatan,
kahit hindi naman talaga kailangan.

Sana'y isaisip natin na tayo'y magkakaiba,
na hindi dapat natin ikumpara ang isang tao sa isa pa.
Bagkus sana'y suportahan ang isa't isa,
walang mangyayari kapag maghihilaan pababa.

'Wag mong gawin ang mga bagay para sa iba,
gawin mo ang mga bagay na gusto mo talaga.
'Wag mong isipin na kailangan mong tapatan ang mga artista,
maganda lahat, hindi lang sila.

- kazumeh_17

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro