23 | Kinabukasan, Walang Kasiguraduhan
Lito, takot, at pangamba,
ilan lang sa mga araw-araw nating nadarama.
‘Di mawari kung maimumulat pa ang mga mata,
ang bawat segundo’y maaaring katapusan na.
Ang kapahamakan ay nangyayari kahit na saan,
ngunit paano kung darating ang sisira ng kalawakan?
Ang desastreng itinalaga,
ang sa buong mundo’y sisira.
Magugulat ka nalang ang kalangita’y umuusok na,
o ‘di kaya nama’y may mga apoy na makikita.
Mga teknolohiya na namiminsala na,
mga pagsabog na nakakabahala.
Ang temperaturang nag-iba na,
didikit sa ating mgaa balat ang mainit na temperature.
Maaari rin ang kabaligtaran nito,
sa sobrang lamig ay maninigas tayo.
Ang tanging magagawa lang ay iligtas ang sarili,
umasa na ang lahat ay hindi pa huli.
Gawin ang lahat ng makakaya upang mabuhay,
padaluyin ang kaunting pag-asa na sa dugo’y nananalaytay.
Siguraduhing may malinis na tubig para inumin,
mga bateryang kakailanganin.
Iiwas ang sarili sa mga impeksyon at sugat,
siguraduhing may pagkain na sapat.
Maghanap ng maayos na matutuluyan,
pairalin ang pagiging wais sa paggamit ng kaalaman.
Maghanda ng isang paglagyan na puno ng gamit,
maging alerto sa mga tulong na lalapit.
Hindi natin sigurado kung kailan dadating ang katapusan,
‘di rin naman natin alam kung anong mararanasan.
Basta sa lahat ng oras ay magkaroon ng kahandaan,
kinabukasan, walang kasiguraduhan.
- kazumeh_17
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro