22 | Boses ng Iyong Kaisipan
Ang iyong kaisipan ay puno ng mga ideya’t salita,
nangangailangan din ng pagpapahalaga.
Kailangan gumaan kapag napupuno na,
sapagkat may hindi magandang dulot kapag sobrang pagod na.
Huwag kang tumigil sa pagpapahalaga,
ilabas mo ring ang iyong nadarama.
Tulungan ang ibang taong may nararamdaman ng gaya ng iyo,
pagaanin ang loob ng mga ito.
Magmasid, makinig,
pagaanin ang loob ng buong daigdig.
Palayain ang mga saloobing sa isip ay nakulong,
iwasan ang mga boses na sa iyong tainga’y bumubulong.
Tanggapin na may problema pagdating sa kaisipan,
alamin ang mga kagamutan.
Dumalo sa mga pagtitipon,
kung saan magtutulungan ka ng buong nasyon.
Magkaroon ng karagdagang kaalaman,
para ang kalagayan ng iyong kaisipan ay maalagaan.
Huwag mahihiyang ipahayag ang mga karanasan,
ito’y magpapagaan ng iyong kalooban.
Huwag matakot sa kaisipan na ba ikaw ay mahusgahan,
isang bagay ang iyong pakatatandaan.
Hindi sila ang iyong kalaban,
kung hindi ang sarili mo lamang.
Pakatatandaan na lahat ng taong may kondisyon sa pag-iisip,
ay kailangan ng aruga at yakap na mahigpit.
Ang sarili ay huwag limitahan,
sarili ay gawing boses ng iyong kaisipan.
- kazumeh_17
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro