17 | Labimpito, Aking Simbolo
Labimpito ang simbolo ko bilang manunulat,
kaya ito ang napili kong pamagat.
Ibabahagi ang karanasan ko sa lahat,
karanasan kung saan ako ang naging alamat.
Isang kabataan na maraming ideya sa isipan,
dalawang kamay ang gamit para ibahagi sa kalahatan.
Sumusulat ng mga akda ayon sa abilidad,
maraming aral na maibigay ang aking hangad.
Tatlong taon na nagpalawak ng imahinasyon,
apat na buwan nang nagsusulat sa ngayon.
Sumusulat ayon sa bulong ng tainga at sigaw ng puso,
mas nahahasa dahil sa mga kritisismo.
Limang diyanra ang aking pinasok,
anim noon ngunit dumating ang pagsubok.
Natigil ako at sinabi sa sarili,
na hindi na ako susukong muli.
Pito ay suwerte ayon sa mga tao,
gayundin ako sapagkat ako'y suportado.
Ang mga manunulat ay hindi suportado ng lahat,
maraming mga nasasabi na hindi naman dapat.
Sampung beses kong naranasan ito,
labing-isang beses na tumayo at hindi nagpatalo.
Hindi madaling sumulat ng akda,
pero mas mahirap ayusin ang sariling kumpiyansa.
Nakaligtaan ko ang dalawang sukat,
bilang manunulat kailangan na ang paglalahad ay nararapat.
Kailangan siguraduhin na may matututunan sila mula sa'yo,
habang natututo ka rin sa mga ito.
Ang mga manunulat na gaya ko,
ay nadadapa rin at natatalo.
Hindi kami perpekto,
pero ginagawa namin ang lahat upang ang mga akda'y mabuo.
Labindalawa hanggang labing-apat,
sana ay suportahan niyo kaming lahat.
Hindi madali ang pagbabalanse namin ng oras,
dugo, ideya, pawis, luha ang sa amin ay nakakaltas.
Labinlima hanggang labimpito,
malayo pa ang lalakbayin ko.
Patutunayan sa buong mundo,
na ang talento ng manunulat ay hindi limitado.
-kazumeh_17
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro