14 | Pagsisisi
Hindi mo maiiwasang umasa,
lalo sa mga bagay na gusto mong makuha.
Dadating ang mga hadlang,
at susubukin ang iyong katatagan.
Puwede mong ilaban hanggang sa huli,
puwede mo ring bitawan ng gano'n kadali.
Nasa sayo kung ika'y mananatili,
basta't isipin mo ang mararamdamang pagsisisi.
Totoo nga ang sabi nila,
na makikita mo lang ang halaga kapag ito'y wala na.
Mas lalong bumigat ang nadarama,
noong sumuko at bumitaw ka na.
Hindi basta-basta ang pagsisisi.
Makakaramdam ka ng lungkot at pighati.
Hindi ka nito lulubayan.
Patuloy na ipapaalala ang hindi mo ipinaglaban.
-kazumeh_17
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro