Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

13 | Ugali

Katalinuhan at kagandahan,
mahalaga 'yan ayon sa karamihan.
Pero kapag lalapatan mo ng katotohanan,
may mas mahalaga pa diyan.

Tauhang may magandang ugali,
'yan dapat ang pinupuri.
Hindi matatalo ng panlabas na kagandahan,
ang kabusilakan ng puso nino man.

Sapagkat ngayon,
totoong kagandahan na ang basehan.
Maraming nasasayang na pagkakataon,
sapagkat binabalewala ang ilan.

Maraming pinagpala sa talino,
ngunit hindi ito nagagamit ng wasto.
Imbes na turuan ang mga hindi edukado,
ginagamit nila ito upang makapanliit ng ibang tao.

Bali-baliktarin man natin ang mundo,
ugali pa rin ang sasalamin sa iyong pagkatao.
Hindi masamang humiling para sa kagandahan o katalinuhan,
ngunit pakakatatandaan na lalamang pa rin ang magandang ugali ng isang mamamayan.

-kazumeh_17

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro