Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

03 | Naging at Nananatiling

Nakilala kita, sa hindi inaasahang pagkakataon,
hindi ako makapaniwala hanggang ngayon.
Nagsimula sa simpleng asaran ng mga tropa,
nauwi sa sitwasyon na ang hirap ng kumawala.

Sa'yo ko nadama ang ibang kahulugan ng saya,
ang ngiti mong sobrang nakakahawa.
Ang tawa mong napakasigla,
ang boses mong napakasarap sa tainga.

Wala na akong makitang mas makakahigit pa sa'yo,
maka-Diyos ka, masayahin, mabait, ubod ng talino.
Doon ko sinabi sa sarili ko na ikaw ay aking gusto,
hindi ko 'yun pinagsisihan kahit maraming hindi sang-ayon dito.

Dumaan pa ang mga araw at mas lalo akong nahulog sa'yo,
mas lalo kitang ginusto.
Maraming nagbago , oo napagtanto ko.
Lumayo na ang loob mo at iniiwasan mo ako.

Ganoon pa man hindi ako tumigil ,
sa akin wala ng makakapigil.
Desidido na ako,
ikaw na talaga hanggang dulo.

Dumaan ang mga buwan, nakita ko ang mga kahinaan mo.
Hindi ito naging hadlang sa paghanga ko sa'yo.
Maraming nagsasabing tigilan na kita,
pero hindi ko sila pinakinggan at ipinaglaban ka.

Bitawan na raw kita,
hindi ka na raw nakakabuti sapagkat hindi mo manlang nakikita ang aking halaga.
Pero nagpaka-martyr ako at nagpatuloy sa laban na ito,
kahit buong mundo na ang kalaban ko.

Napakahirap talagang masaktan sa isang tabi,
napakahirap umusad kapag hindi mo alam kung bakit ka nananatili.
Napakahirap limutin lahat ng kilig at tili,
napakahirap bumitaw, sapagkat ayaw kong magsisi sa huli.

Kaya sa taong gusto ko?
Hintayin mong mapagod ako.
Ikaw lang kasi lagi hanggang pagtulog at paggising.
Ikaw, naging at nananatiling.

-kazumeh_17

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro