Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8. Siblings

Be nice to your siblings. They're your best link to your past and will most likely stay with you in the future.

*****


"Aray ko! Dahan-dahan naman!"

Reklamo ko sa nakababatang kapatid ko na lalaki na si Elmo. He's on his last year of Physical Therapy course. Noon, hindi ko maintindihan kung bakit ito pa ang kinuha niyang kurso. Pero ngayon ay mapapakinabangan ko pala siya, at talagang mapapakinabangan ko pagdating sa ganito.

"You're stress, ate. Love yourself, dahil 'pag ang katawan bibigay ay bibigay rin ang utak at puso mo." Sabay hilot niya sa paa ko.

"May tinatapos kasi ako at isama mo pa ang bagong magiging may-ari ng paaralan. Nagpapadagdag sa stress ko," nguso ko sa kanya.

"Then breathe in and out. Don't let the negative energy stays inside you. It will cause chaos in your system and produce bad hormones that can lead to diseases. Remember, ate. Health is wealth."

Tumango lang ako habang nakatitig sa ginagawa niya sa paa ko. Ngumiti pa akong pinagmamasdan siya. He's twenty one and I never even noticed that he's grown into a man already. Ang bilis ng panahon, at ang nag-iisang baby namin ay hindi na baby ngayon. Nag-angat siya nang tingin at makahulugan pang tumitig sa akin.

"What's with that stare, ate?"

"Wala lang. Hindi ko na napapansin na binata ka na pala, at ang gwapo mo pa. Nagmana ka nga kay daddy," ngiti ko sa kanya.

Dalawang lalaki ang kapatid ko. Si Michael, ang nakatatandang lalaki at isang Architecture Engineer at si Elmo, ang baby namin na magtatapos ngayong taon ng koleheyo. Maagang nawala si daddy at tinaguyod kaming lahat ni mommy.

"Heto, pagkatapos niyan kumain kayo," si Mommy, sabay lagay ng banana que na ginawa niya.

Tumayo na si Elmo, tapos na kasi siya at binaba ko na ang paa ko. Kumuha na rin ako ng isang saging at kinain agad ito. Tahimik pa kaming dalawa habang kumakain at nanonood lang din ng TV. Samantalang seryoso naman nakatitig si mommy sa akin. Nakikita ko kasi ang mukha niya sa gilid ng mga mata ko.

"Mom?" nguya ko na hindi siya tinititigan at naupo lang din siya katabi ko.

"Anak, Candy, wala pa rin ba? Wala pang umaakyat ng ligaw sa 'yo. Wala pa bang nagpaparamdam sa 'yo sa trabaho?" ngiting tanong niya.

"Huwag ka ng umasa, mommy. Sa ugali pa lang ni ate ay aatras na ang lahat." Bahagyang tawa ni Elmo.

Tumahimik na ako at hindi muna nagsalita. Kung nagpaparamdam lang naman ay nandiyaan naman si Cristobal na pinsan ni Einstein!

"Huwag mo nga'ng pagtawanan ang kapatid mo! Ikaw ang dami mong babae ha! Pinagsasabay mo pa," sermon ni mommy sa kanya.

Umiwas na agad si Elmo nang titig kay mommy at nahinto na ng tawa. Pinaikot ko lang din ang mga mata ko.

"Anak, konting lambing naman sa mga manliligaw mo. Kaya umaatras e, ang taas ng standard mo, babaan mo kaya."

"Ako mataas ang standard? Hindi ano! Sila ang mataas ang standard, mommy. At hindi ako."

"E, ano ba kasi ang hinahanap mo? Noon, nanligaw si Gabriel ayaw mo naman dahil sa dami ng tattoo. Okay lang naman ang tattoo, anak. Art naman 'yon."

"Ew! Paano naging art ang tattoo, mom?" reklamo ko.

"Ate, ang puso naman ang importante. Panlabas na anyo lang naman ang mga ganyan, ate. Ang mahalaga ang ugali at puso," singit ni Elmo.

"Tama!" second the motion ni, Mommy.

Napaisip na tuloy ako kay Cristobal. Mabait at matalino, maliban nga lang na mukha siyang si Einstein na hindi naliligo ng isang buwan! Ew! Hindi ko 'ata kaya.

"Kaya, hija, anak. Okay lang sa akin. Nag-aalala kasi ako sa edad mo. Ang aga mo pa namang dinatnan noon, at nasa lahi natin ang early menopausal. Kailangan bago ka mag trenta ay magkaanak ka na."

"Mommy! Darating din si Mr. Right sa tamang panahon. Ano ba, chillax!" ngiwi ko.

Natawa na si Elmo. Hindi na niya napigilan ang sarili.

"Elmo, wala ka bang kakilala na pwede mong e-reto sa ate mo?" si mommy sa kanya.

"Meron, Ma. Pero mga kasing edad ko. Ano ate pumili ka na? Young and fresh," sa lakas na tawa niya.

"Che! Tumahimik ka!"

Kinuha ko na ang stinelas ko at binato sa mukha niya. Hindi naman tumama ito at mas natawa lang din siya. Pero kakaiba kasi ang tawa niya, iyong klaseng kantyaw na tawa!

Bumukas na ang pinto at ang matipunong pangangatawan ng kapatid kong si Michael ang iniluwa mula rito. Bitbit ang iilan na blue print at laptop bag niya. Nahinto pa siya at kumunot lang din ang noo habang pinagmamasdan kami ni Elmo na nagkakagulo.

"Kuya! Engineer!" si Elmo sa kanya at nagtago pa sa likod nito.

Tumayo na si mommy at sinalubong siya. Hinalikan ang pisngi at kinuha ang mga bitbit ni kuya sa kamay.

"Ang gwapo talaga ng anak ko," si Mommy kay kuya.

"What's wrong here?" baritonong tanong ni Michael.

"Hay naku, alam mo na ang mga kapatid mo," hakbang ni mommy patungong kusina.

Niluwagan na ni kuya ang kurbata niya at tinupi ang polo sa magkabilang braso. Napatitig pa tuloy ako ng husto sa kapatid ko. I'm sure, maraming babae ang nagkakandarapa nito. Pero magpahanggang ngayon ay wala pang ipinapakilala sa amin talaga.

"Huwag niyong pilitin magka-boyfriend si Candy. She's still young, let the boys fall in line." Hakbang niya patungo sa kusina at sumunod na kami ni Elmo. Itinulak ko pa si Elmo dahil panay pa ang pang-iinis sa akin.

Nakahanda na ang mesa at ang ulam at kanin na lang din ang inihahanda ni mommy para makakain na kami. Naupo na ang dalawa at tinulungan ko na si Mommy. Day off ngayon ng isang alalay namin. Madalas may kasama naman si Mommy rito, dahil makakalimutin na siya.

"Ang problema kasi wala namang naglakas loob na manligaw sa kapatid mo. E, kasalanan mo rin 'to." Turo ni mommy ng kutsara sa mukha ni Kuya Michael.

"At paano ko naman naging kasalanan ko 'to, mommy?" si kuya sa kanya.

"E, ang higpit ninyong dalawa ni Elmo. Noon, ang daming manliligaw ni Candy at lahat umatras na! Hay naku, at ngayon dalawang taon at kalahati na lang at mag-tre-trenta na 'yan!"

Natahimik na sila at natawa lang din si Elmo. Naupo na si mommy at siya pa mismo ang naglagay ng kanin sa plato ko.

"Ate, mag-diet ka, baka tataba ka na naman gaya noong una," kantyaw ni Elmo.

Ngayon pinaalala niya lang sa akin na mataba nga naman ako noon. Well, hindi naman masyado chubby lang naman.

Heck! Kaya pala pink piggy ang tawag sa akin noon ni Conrad? Dahil ba mataba ako? Ang pesti talaga!

"Kakain ako hangga't sa gusto ko, Elmo. Hindi naman sukatan ang pisikal na anyo!" taas kilay ko.

"Yeah, yeah, yeah."

"Tumahimik na nga kayo. Kakain na tayo," si Mommy.

Natahimik na kami at pinandilatan ko na si Elmo. Natahimik na rin siya. Tumikhim si Kuya Michael bago nagsalita.

"We will have a night party in the company in celebrating for its 20th-year-anniversarry. Sa isang pribadong hotel magaganap ito. Wala akong escort kaya ikaw ang isasama ko, Candy."

Nabilaukan agad ako at ininom na ang tubig. Hindi tuloy ako makapaniwala na ako ang isasama ng kapatid ko?

Dang it!

"Ba't ako, kuya? Wala ka bang girlfriend? O babaeng nagugustuhan man lang? Heck ah!"

"Sakit lang sila sa ulo. Tatlo kasi sila, kaya mas mabuting wala akong isasama."

Nalaglag ang panga ko sa lamesa at kasama na ang panga ni mommy. Tatlo? Heck!

"T-tatlo ang girlfriend mo kuya?!"

He just smirked and shook his head while eating his food. Ang akala ko kasi matino na ang kapatid ko. E, wala naman pala silang pinag-iba ni Elmo. Mga babaero!

"Anak, huwag mo naman buntisin ang tatlo ha. Dios ko! Mawawalan ka ng licensya," si Mommy sa kanya.

Bahagyang natawa na si Elmo at napailing na din. Hindi na siya nagsalita. E, magkapareha lang din naman sila!

"Tsk, ang hanep ah," sabay iling ko. "Kailan ba?" pagpapatuloy ko.

"In two weeks, and don't worry about your nightgown. Steph can do it for you," tipid na tugon niya.

I rolled my eyes and took a deep breath. Si Stephanie, short for Steph, ang tanging best friend ni kuya, na simula't sapul ay may gusto sa kanya at hindi niya lang nakikita. Tsk! Ang baliw talaga.

"Ba't hindi na lang si Stephanie ang isama mo?" pasimpling tugon ko.

Tumikhim na siya at kumain lang din.

"Oo, naman, hijo. Steph is a good partner for you for that night. I like her a lot," dugtong ni Mommy.

"Hindi pwede, baka kalbuhin pa si Steph ng mga babae ni kuya. Imagine, tatlo pa naman sila?" bahagyang tawa ni Elmo.

Ininom na niya ang tubig bago nagsalita.

"I can't take her. She's busy that night. May fashion display siya sa araw ding 'yon."

"Ah, kaya pala," dugtong ko sabay titig sa mukha niya.

.

C.M. LOUDEN


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro