Chapter 44. It started with a kiss
Hindi ko na alam kung anong oras na pero oras na para bumangon.
We were supposed to have our dinner last night with Marco and Fia. I haven't met them, but I believe Marco is Conrad's cousin, and Fia is his wife.
When I rolled over behind, wala na siya sa kama. I rolled over back and my stare darted at the top ceiling. Kumunot pa ang noo ko nang mapansin ang kulay itim na chandelier niya rito.
Dang it! Ayaw ko 'ata ng chandelier na ito. At ba't nasa ibabaw ng kama pa? Paano pag bumagsak ito habang natutulog kaming dalawa? Heck! Kaya bumangon na ako at tinitigan ang kabuuan ng kwarto niya.
Cream, black and white. They're all men's favourite colours. I walked closer to the huge window and opened the drapes. Mala-palasyo pa ang desenyo nito. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ang maliit na balkonahe niya na puno ng halaman. Kaya imbes na sa banyo ay nauna pa akong lumabas dito.
Ang ganda nga naman ng lahat. . . City life, and it's an overwhelming feeling. I took a deep breathe while looking at everything.
Tall rise buildings, the sky was somehow faded with a bit of smoke in the air. Iba sa pakiramdam, at parang hindi ako nabibilang dito sa ganitong uri ng mundo.
"Oh, here you are, love."
Lumapit agad siya at yumakap lang din sa likurang bahagi ko.
"Good morning," dampi nang halik niya sa balikat.
"Morning too."
I slightly touch his face using my cheek. Abala kasi ang mga mata ko sa lahat ng nakikita ko ngayon.
"How are you feeling?" he huskily asked.
"Um, overwhelm? How should I put this?" Ngumuso na ako sa kanya. Hindi ko kasi alam kung ano ang tamang salita na dapat kong gamitin.
He groaned while hugging me and kissing my neck. "Masasanay ka rin."
"Hindi naman siguro tayo titira dito 'di ba?"
Natahimik siyang saglit at natahimik din ako.
"Kung saan mo gusto. I'm okay, love. . . pero nandito ang negosyo ko at lahat," buntonghininga niya.
"Pero nasa Davao ang trabaho ko," reklamo ko.
Humarap na siya sa akin at ngumiti na.
"I will let you manage the school once we get married. But I want to have you with me every day, love," sa nakakaawang titig niya. Ngumiti na ako at ngumuso na.
"Kung hindi lang kita mahal, hindi ako sasama sa 'yo rito. Pero kasi ang lakas mo sa puso ko," sabay pisil ko sa ilong niya.
Hinalikan na niya ako sa noo pababa sa ilong ko.
"I'm easy, babe. I will be with you every day."
Yumakap na siya sa akin nang husto. He rested his chin on my shoulder while staring at the busy city life.
"I want us to live in a quiet, peaceful environment. In a very healthy environment, love. . . hindi rito, hindi sa ganitong mundo. We could live in the province and build our little castle. But once in a while, we have to visit here for business," suhesyon niya.
"Okay babe, you're the boss to that," I smiled. Nakuha niya rin naman ang gusto ko.
"No, I want you to be my boss in everything. Mas gusto ko na ikaw ang boss ko sa lahat ng bagay," lawak na ngiti niya.
AFTER we had our morning talks and cuddles, we had our breakfast. Siya ang naghanda at nagluto. Half of the day was filled with office and touring around the area. Nakilala ko ang iilang tao na malapit sa kanya. Well, aside from Xavion and Norman, I meet Marco and Fia in the area.
"Ano? Gawan ko na ba ng desenyo ang pinapagawa mo?" si Marco sa kanya.
"Just leave it hanging for a bit, bro. Pag-uusapan pa namin ni Candy."
Nag-angat ako nang tingin ng marinig ang pangalan ko. Nakatingin naman silang dalawa sa akin. Ngumiti na ako habang kinakain ang banana sundae dessert. I don't know what they are talking about. Wala pa namang sinabi sa akin si Conrad na plano niya.
Hanggang sa nahagip nang mga mata ko ang isang babae na palapit sa mesa namin ngayon. She's not that tall, but her slender body really is a showcase. . . ang ganda niya at nakakamangha ang mala-angel na mukha niya.
"Sorry, sweetheart, traffic." Halik niya kay Marco at naupo agad siya sa tabi nito.
"Hi! You must be, Candy?" Lahad nang kamay niya.
"Yes," tinangap ko naman agad ito.
"Sofia Pearl Sarmiento- Mondragon," cute na ngiti niya.
"Oh, nice to meet you. It's Candy De Silva here."
"Not for so long, love, soon to be a Mondragon too," si Conrad.
"See that? Don't you know that the Mondragon boys are somehow possessive?" taas kilay ni Fia at natawa na.
Ngumiti na ako at tumango. Napailing na si Marco sa tabi niya, pero agad lang din na hinalikan siya sa noo. Ang sweet naman nilang pagmasdan.
Possessive? I don't think so. Hindi ko naman kasi naramdaman ito kay Conrad sa ngayon. Pero oo, tama nga si Fia, possessive nga si Condrad kung iisipin ko.
"Oh, not me. Candy is my boss," si Conrad, sabay haplos ng kamay niya sa hita ko. Kaya napatitig agad ako sa kanya. And then he silently whispered an 'I love you' with his mouth.
"I love you too," bulong ko sa tainga niya.
"So are we ready for the wedding details?" pag-uumpisa ni Fia.
THE day was almost over and it was nearly seven o'clock. Ang totoo pagod na ako at gusto ko na lang na matulog at magpahinga. Pero may dinner daw kami sa buong pamilya. I know that Madam and his two siblings Julia Yvette and Claire are here in Manila. Kaya naghanda na akong lalo.
Makailang beses pa akong pabalik-balik nang tingin sa sarili ko sa salamin. I've change multiple times. Hindi ko kasi mahanap ang tamang damit para sa akin. Hindi ko na nga napansin na kanina pa pala siya nakatayo sa bandang gilid at tahimik lang na pinagmamasdan ako.
"Okay na ba 'to?"
"Anything that you wear, love, is okay with me. But I prefer you naked in front of me," sa pilyong ngiti niya.
Dang it! Iba na ang tumatakbo sa utak ng isang 'to.
Tumaas na ang kilay ko habang tinititigan siya sa salamin. Kagaya ko ay nagpalit din siya ng damit niya. I was actually surprised when we get home. His walk in closet was filled with a woman's clothes. E, wala pa ito kaninang umaga. Siguro napansin niya na iilan lang ang dinala kong damit, kaya nagpautos siguro siya.
Lumapit na siya at yumakap na. The heck! Don't tell e-ka-kansela na naman niya ang gabing 'to? Ayaw ko na!
"Let's cancel the family dinner, love..." He sensually whispered.
Sabi ko na nga ba!
"No! That's unprofessional of you. Kagabi pa 'ata naghihintay ang Mama mo at ang dalawang kapatid mo."
He rested his chin on my shoulder and smiled.
"Then we should better go. Baka magbago pa ang isip ko at mahubad ko ang damit mo," he chuckled.
The lights glimmered like golden stardust when we arrived at the hotel. Yumuko ang lahat ng staff nang maglakad kaming dalawa papasok. One of the staff guides us to the private elevator in the corner. Conrad nodded, and the staff step-out, leaving us alone inside.
Nang sumara ito iba na ang ginagawa ng kamay niya sa likod ko.
"Stop it, Conrad. Maaga pa."
Rinig ko lang ang bahagyang ngiti niya at titig sa akin nang husto. We stared and there's a funny thought that came out in my mind. I even wrinkled my forehead while staring at him. Napatingin pa ako sa numero sa taas, at malayo pa kami rito.
"When did you start liking me, Conrad?"
Sumeryoso agad ang mukha niya. Hindi niya siguro inaasahan ito mula sa akin. I was so transparent with him even before on my own feelings. Alam niya iyan, alam niyang patay na patay na ako sa kanya noong mga high school pa lang kaming dalawa.
"When do you think?" sa naghahamon na titig niya.
Ngumuso na ako at ngumiwi pa. Seriously? Ako talaga? Seryoso lang siyang tumitig na parang nagbibiro pa. Kumunot na ang noo ko. I was serious when I asked him about that question. E, hindi niya ako masagot ng tama? Kainis talaga! Kaya imbes na titigan siya ay umiwas na ako.
"It started with a kiss..."
Napatitig na ako sa kanya. Nawala ang ngiti sa mukha ko at ngumiwi na ako talaga. Tinaasan ko pa siya nang kilay ko.
"Ibig mong sabihin noong high school prom? E, iyon lang naman ang unang halik natin 'di ba?"
Bahagya na siya natawa at napailing pa.
"So, hindi iyon?"
He shook his head and smiled mysteriously.
"You?" Pointing my fingers at him.
May hindi 'ata ako alam tungkol sa kanya. Bahagya na siyang natawa. Magsasalita pa sana ako pero mabilis lang niyang hinalikan ang labi ko. Pang ilang beses na ba 'to? Hindi na siya nagsasawa sa lahat. Pero okay lang dahil hindi rin naman ako nagsasawa sa kanya.
"Ang daya mo..." tugon kong nakapikit matapos ang halik niya.
"Yeah, I know... akin na lang 'yon," pilyong ngiti niya.
My brow furrowed and I am ready to contest, but the door open. Natawa pa siyang hinila ang kamay ko palabas.
Mamaya ka lang! Isip ko.
NANG makita ang lawak at ganda ng loob ay namangha ako sa anong meron dito. Everything was filled with wonderful peach of roses. Naamoy ko pa ang bango nito sa paligid. Hindi siya bumitaw sa kamay ko, at bagkos mas hinawakan niya ito.
My eyes widened when I saw everyone at the long table.
"Mommy!"
Patakbo pa ako kay Mommy ngayon at tumayo agad siya. I hugged her tight. I never expect this. Ang akala ko kasi ang pamilya lang ni Conrad ang nandito ngayon. Kasali rin pala ang buong pamilya ko.
Humalik si Conrad sa Mama niya at kay Mommy na din. I did the same way too. Nag beso pa ako kina Yvette at Claire. Yvette just smiled at me, that's all. And ehen I looked at my older brother he just gave me a winked. Ramdam ko na naman ang tension sa kanilang dalawa ni Yvette. Pero tahimik na sila.
Bumalik si Conrad sa likurang bahagi ko at naupo kami na magkatabi dalawa. Inihanda na agad ang hapunan namin ng mga staff waiter na nandito. I looked at Elmo and he's busy on his phone. Ngumiwi ako, I'm sure naglalaro na naman ng ml ang mukong na 'to. Tahimik si Mommy at ganoon din si kuya.
"I cannot wait for the wedding," panimula ni Madam.
"What motif do you like, Candy?"
"Kahit na ano, Madam. Okay lang. . . kahit pa ganito na," turo ko sa mga bulaklak na nasa paligid.
"Oh, don't call me Madam. You should call me mama," lawak na ngiti niya.
Tumikhim na si Kuya Miguel at pinahiran lang ng tissue ang bibig niya. Napatingin na ako kay Yvette at tumaas na ang kilay niya. Nagtitigan silang dalawa. I cleared my throat and Elmo stared at me, confused. Hindi kasi nakikinig! Pinandilatan ko siya. Siniko naman siya ni Mommy. Bumulong na si Conrad.
"Let's escape from here," mahinang bulong niya.
"Hindi pa tapos, ano ba," bulong ko.
Si Madam halos lahat ang nagsalita. Tango ng tango lang si Mommy. Lumapit ang dalawang wedding organizer at naupo sa gilid. They're busy taking notes on what Madam wants, as per detail. Nagkasundo ang lahat sa petsa at sumakit na ang balikat ko. Kaya pinagalaw ko na ang leeg ko. Inisip ko sana matapos na 'to, at nang mailapag ko na naman ang paa ko sa silya!
Conrad rubbed my back sensually, but I knew he was teasing me. Sa labi ko na kasi nakatitig siya ng husto. After an hour and a half were done! Bumalik na sila sa sariling silid. Dito naka check-in sina Mommy, Elmo at Kuya Miguel. Obviously, the hotel is owned by Xavion, the Mondragon Hotelier.
Tinaasan ko pa ang kilay si Conrad ng ibinigay niya ang susi ng kotse kay Elmo. The heck! Kaya lumapit na ako.
"See yah, ate!" Agad na kaway niya at tumakbo pa palayo sa akin.
"Conrad?"
"Hayaan mo na. Let him enjoy his teenage life. He passed that stage but was still a teenager," ngiti niya.
"Saan ba 'yon papunta?"
"Don't worry, si Xavion naman ang kasama niya."
Tinangal ko na ang heels ko at nakapaa na ngayon. Sumakit na kasi ito. Napaluhod agad siya at tinitigan ang marka ng sugat ko.
"Magaling na ako. Masakit lang ang paa ko dahil sa heels na 'to."
Tumingala na siya at seryoso ang titig niya.
"Come here."
He then scooped me with his arms. I entirely wrapped my arms around his neck too.
"Mabigat ako," pilyang ngiti ko.
Sa labi ko na napatitig ang mga mata niya at kinagat na niya ang pang-ibabang labi pa.
"Oh well, you're my wife, and I want to make love with you tonight," he sensually whispers.
Ngumuso na ako at nakangiting tinitigan siya.
"Malayo pa ang condo mo? Kaya mo?" taas kilay ko.
"Who told you we'll stay there tonight? I have a little place here in this hotel too."
Inilapit na niya ang mukha niya sa mukha ko. Napapikit mata na ako.
"Ang daya ah. Ilan pa ba ang sekreto mo na hindi ko alam?"
Mariin lang niyang hinalikan ang labi ko at bumitaw din agad ito ng halik.
"You're halfway in getting to know me, love. Don't worry. I don't do illegal stuff with me."
Ngumiti na ako at ako na mismo ang humalik sa labi niya. Wala na akong pakialam kung ano man siya. Basta siya ang lalaking gusto kong makasama sa buong buhay ko.
.
C.M. LOUDEN
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro