Chapter 42. Safe
Candy's POV
Everything was a blur, and it happened so fast. Norman and I accompanied Conrad inside the chopper when they airlifted him. There was a medic inside, but he could only perform the basics to stop too much blood from coming from him.
The chopper then landed in one of the most proficient hospitals in the city. And here we are in Cagayan de Oro City.
Lutang ang isip ko sa lahat kamy ay naghihintay kasama si Norman sa labas ng emergency room. Panay ang tawag niya sa pangalan ko at tulala naman ako sa sarili.
I looked at Norman in the corner, standing with a stain of blood on his shirt while talking to someone on his phone. Humakbang din siya palapit sa akin nang matapos.
"Miss Galvantes has booked the closest hotel around here. And it was just around the front building of the hospital. Doon ka muna manatali at magpalipas ng gabi, Candy," titig niya sa kabuuan ko.
I nodded and he looked at myself. Napatingin na tuloy ako sa paa ko, dahil dito nahinto ang mga mata niya.
Hindi ko nga naman inisip na ang daming dugo rin pala sa damit ko. Naka-stinelas pa ako at ang dumi ng paa ko. Nabalot rin ito sa tumuyong dugo.
Then I felt the tingling pain down my foot. I remembered that I had cut down there.
Tumingala akong nakatitig kay Norman at nakatingin na siya sa paa ko. Lumuhod agad siya at hinawakan ito. He cursed while touching my foot. Umalma kasi ako sa sakit.
"May sugat ka?"
"Hindi naman malalim at huminto na naman ang dugo. Nakuha ko 'ata sa kakatakbo ko kanina," mahinang sagot ko.
Mas hinaplos niya ito at mas naramdaman ko ang sakit.
"Damn it." He silently uttered while staring at me.
Nakatitig nga siya pero nakikiramdam naman ang kamay niya sa paa ko. Kaya naramdaman ko agad ang sakit. Tumayo na siya at lumapit sa reception nurse na nasa gilid. Namaywang pa siyang nakipag-usap sa nurse at tinitigan pa nila ako.
"Dito po tayo, Maam," ngiti ng nurse sa akin.
Pumasok kami sa isang maliit na treatment room. The nurse instructed me to lay down on the hospital bed and then, I followed. She cleaned my wound first. Pagod na ako, pero puno ng pag-aalala ang puso ko kay Conrad.
I kept asking the nurse how long it took them to finish in the emergency. Hindi na kasi ako makakapaghintay na makita si Conrad. Pero dahil sa bigat ng mga mata ko ay hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.
NAGISING ako nang maramdaman ang galaw ng kamay niya sa paa ko. Napatingin agad ako rito. Makailang ulit pa ang pagkurap ko bago nagliwanag at naging malinaw ang lahat.
"You're awake," he smiled.
He's wearing a white coat with a name tag on his chest. Kumunot pa ang noo ko nang mabasa ang kabuuang pangalan niya rito. . . Enzo Denver Mondragon.
"Don't strain yourself too much, Candy. Malalim ang sugat sa paa mo. Mabuti na lang at napansin agad ni Norman ito. Nakuha ko na ang bubog sa ilalim. Maliit lang pero delikado dahil gumapang na sa ilalim ng laman. But it was all good," ngiti niya at umayos na siya.
Kumurap pa akong nang makailang beses, at napako ang paningin ko sa puting orasan na nasa dingding ng silid. Alas dyes 'y medya na pala ng umaga. Napaupo agad ako sa bigla.
"Si Conrad?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya.
Nang maibaba ko ang paa ay naramdaman ko na agad ang sakit na galing sa ilalim nito. Hinanap ko pa ang stinelas ko, at nasa gilid na ito. Bago na at malinis.
"He is pretty okay. Don't worry. He's a bad jerk, he couldn't easily die, Candy," tipid na ngiti niya.
"Saan ba ang kwarto niya?"
"It's on the very top floor-Nasa VIP room. I will take you there. Just sit on the wheelchair for a bit."
Napatitig na tuloy ako sa wheelchair na nandito. Ngumiwi pa ako. Parang ayaw kong sumakay sa wheelchair. Hindi naman ako baldado at makakalakad pa naman ako ng maayos.
"No, I can walk," sabay tayo ko.
Agad lang niyang hinawakan ang braso ko para maalalayan ako.
"No, you can't. Sit here."
Kinuha na niya ang wheelchair sa gilid at pinaupo na ako rito.
"If that wound gets infected, trust me, Candy. Papatayin ako ni Conrad," he chuckled while he shook his head.
"And here, Norman left it. Damit mo raw 'to. I will take you to Conrad's room and you can stay there with him," ngiti niya habang inaabot ang shopping bag sa akin.
NANG maharap sa pintuhan ng VIP room niya at mabasa ang pangalan niya rito sa gilid, ay mas bumilis ang tibok ng puso ko. When Enzo opened the door I saw him straight away, sitting and on his back with the white bandage around his body.
He even cursed a few times while watching the news on the TV.
Napangiti akong tinitigan ang likod niya. Ang akala ko kasi ay maabutan ko siyang natutulog at nanghihina. Pero mali ako, dahil heto siya ngayon nakaupo at nakatingala sa TV at pilit na inaabot ang likod siya, at nagmura pa ng makailang beses.
"Stop cursing, bud. Your Candy is here," suway in Enzo sa kanya at agad siyang napalingon sa aming dalawa.
I smiled widely and my heart flutters like I am floating in the air while staring at him.
Maingat ang hakbang niya palapit sa akin at niyakap niya agad ako. Mukhang hindi yata masakit ang tama ng bala sa likod niya. E, parang normal lang yata siya.
"How are you, love?" haplos ng kamay niya sa mukha ko.
I nodded and smiled. "I'm good..."
Namungay pa ang mga mata niya at napako agad ang mga mata niya sa labi ko. And without restraint, he instantly kissed me. Yumakap na agad ako sa leeg niya at mas tinangap na ang halik niya. We mere take our time as if Enzo was not around. Alam namin pareho na nandito si Enzo, eh parang walang pakialam si Conrad ngayon sa presensya niya.
"Oh, great! You couldn't really stop it, Conve? Damn it!" Mura ni Enzo na natawa at nahinto na kaming dalawa.
"Pissed off, bud."
"You control the fuck, bud, or else mabibinat iyang sugat mo. Mabuti na lang at hindi malalim ang tama sa'yo. Sometimes I wonder what sort of guardian angel you have beside you?" si Enzo sa kanya.
"A black one, I guess," pilyong ngiti niya. Bahagya na siyang tumayo at inayos ang sarili.
"Bad ass!" si Enzo sa kanya.
"You are the triple bad ass! May utang ka pa sa akin at hindi ka pa bayad," pamaywang ni Conrad sa kanya.
Napailing na si Enzo na nakangiti lang din.
"Magpahinga ka na at inomin mo ang lahat ng gamot. Kanina pa 'yan diyaan, hindi mo man lang ginalaw."
Humakbang na si Enzo sa mesa at isa-isang tiningnan ang gamot ni Conrad. Nagtagpo na tuloy ang kilay ko habang nakatitig ako kay Conrad ngayon. Ngumiti lang din siya at kinagat pa ang pang-ibabang labi habang nakatitig sa akin. Ang baliw talaga!
"Take your medicine, Conrad," I ordered.
"Sige pagalitan mo, Candy. FYI, Conrad is the most stubborn when it comes to his own medication," kindat ni Enzo sa akin. Humakbang na din siya patungo sa pinto.
"I'll leave you two love birds. I'll keep an eye on you, bud," senyas ng kamay niya at lumabas na siya.
Napailing na si Conrad na nakangiti habang nakatitig sa pinto. Napako naman ang mga mata ko sa TV.
The news is all about what happened last night. I'm so stunned when I heard that Cristobal is a terrorist. Matagal na siyang hinanap ng mga autoridad. Naging bahagi siya ng malawakang terrorista sa Asya. Ang grupo nila ang sekretong minamanmanan ng goberyno.
Napalunok ako nang makailang beses at halos hindi ako makapaniwala sa lahat ng narinig ko. Ang gulo, ang gulo-gulo. Nagsalita pa si General Eziquel sa operasyon na nangyari. Ang daming involve, pero ni isang pangalan ng mga Mondragon ay wala dito.
Naramdaman ko na pagtulak ni Conrad sa wheelchair ko palapit sa kama niya, at naupo siya sa gilid na bahagi na nakaharap sa akin. Napatitig ako sa kanya, at pinatay na niya ang TV.
"I'm sorry, love... But I need to protect you and the whole clan. It's in our protocol. Kung ano man ang nangyaring pag kidnap sa'yo ay sekreto lang ito. I don't want the world to know everything about you, about us, about our identity," sabay haplos niya sa pisngi ko.
Tumango na ako at nag-aalalang tinitigan siya. Mariin niya lang na hinalikan ang noo ko at napabuntong hininga na.
I just realized that the Mondragon's are not any ordinary people. Lahat sila ay kakaiba at lahat sila ay may tinatagong sekreto sa bawat isa. Tama nga siguro si Elmo. Conrad is a Mondragon Prince and I am just a mere nothing...
"I love you, love..." halik niya ulit sa noo ko.
Hindi na ako nagsalita at napapikit mata na lang din. Kumunot na ang noo ko nang maalala na hindi pa niya ininom ang gamot niya. He pressed his lips to my lips but I move my head away.
"Inomin mo muna ang gamot mo," kunot-noo kong titig sa kanya.
Napangiti na siyang nakatitig sa akin ng husto.
"I have other means of treating myself, Candy."
"Pero kahit na. You are forbidden to kiss me if you don't take your medications," taas kilay ko sa kanya.
Umayos din agad siya nang upo ang gumuhit ang sakit sa mukha niya. Masakit siguro ang sugat niya sa likod. Kaya tumayo na ako at maingat na humakbang patungo sa mesa, na kung nasaan ang gamot niya. Pero mabilis lang niyang niyakap ako mula sa likurang bahagi at napaupo pa ako sa kandungan niya.
"Conrad..." I looked at him with a warning. Alam ko kasi kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngayon. He teasingly stared at me.
"I know..."
Inabot ko na ang mineral water at isa-isang pinainom ang gamot niya. Para tuloy siyang aso na sumusunod sa bawat galaw ko. Hanggang sa ininom na niya lahat ng gamot. Ngumiti ulit siya at hinawakan na ang baywang ko.
"Pwede na ba? Everything is safe now," mahinang bulong niya sa tainga ko at humarap na ako sa kanya.
"Well, a kiss will do," ngiti ko at ako na mismo ang humalik sa labi niya.
.
C.M. LOUDEN
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro