Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 41. Escape




Candy's POV


Mabilis akong pumasok sa banyo at tiningnan ang bawat sulok. I need to escape, I need to get out of here. Kailangan kong makatakas, pero wala akong makita na ibang paraan. Isang bintana lang ang meron at hindi rin ako makakalabas dito dahil nakarehas na bakal ito. Ni wala rin akong makita sa labas dahil ang taas ng puder na halos magkadikit na ang nakikita ko.

And if I am not mistaken, it was somehow like a basement. May konting liwanag pero hindi sapat ito. Ang kisame naman ay kakaiba. Wala itong manhole na pwede kong mapasukan man lang. Kinapa ko pa ang bawat dingding, pero wala talaga.

The only way I can get out of here is to fight back at him. Pero alam kong hindi ko kaya, dahil maliit lang ang katawan ko. Sana nga pala nag-aral ako ng karate.

Tinitigan ko pa ang pagkain na nasa mesa at ang tubig. Gutom na ako at uhaw na uhaw pa. Pero hindi ko kakainin ito. Kaya pumasok akong banyo at ang tubig na mula sa gripo ang ininom ko.

Naupo ako, nag-isip, hanggang sa ang tinidor na ang nakita ko at tinago ito sa likod ko. Napalunok ako nang bumukas ang pinto. Akala ko si Cristobal, pero hindi. Isang matandang ginang ang pumasok mula rito na may bitbit na pagkain, na naman!

Nakabukas ang pinto nang pumasok siya at nilapag ang pagkain na dala niya. Tinanaw ko agad ang pinto, balak ko sana na tumakbo palabas, pero nanlumo ulit ang mundo ko nang makita na may dalawang gwardiya pala ang nasa gilid.

Sinarado ng matandang babae ang pinto at nilinis ang bubog sa sahig. Tahimik lang din siya.

"Kumain ka na. Manghihina ka lang, anak. Ano ba kasing pinag-awayan ninyo mag-asawa?" mahinahong tugon niya.

Ano? Mag-asawa? Kailan ko pa naging asawa ang kidnaper na si Cristobal? Pesti talaga!

"Hindi ko pa siya asawa, manang. Dinukot po niya ako. Please, manang, tulungan niyo naman po akong makalabas dito," pagmamakaawa ko. Lumapit pa ako sa kanya habang naglilinis siya.

Napatingin siya sa akin at nabigla. Tinitigan pa niya ang kabuuan ko at nahinto ang tingin niya sa paa ko. Nagmarka kasi ang lubid na tinali sa akin ni Cristobal dito.

"Manang. . . tulungan niyo po ako," mahinang tugon ko. Ayaw ko kasi an marinig ito ng dalawang bantay sa labas.

Kumurap siya nang makailang beses at agad na nagmadali na. Nang tumayo siya ay nahulog ang ballpen sa bulsa niya. Kaya agad na kinuha ko ito.

"Manang, please." Hawak kamay ko sa kanya.

Nagtitigan pa kami at umiwas siya nang titig sa akin. Pero dahil hawak ko na ang kamay niya ay isinulat ko sa palad niya ang numero ni Kuya Miguel. Nataranta kami nang agad na bumukas ang pinto at umatras ako palayo kay manang.

"Tapos ka na ba? Labas na!" tigas na tugon ng isang gwardiya.

I looked at her for the final time and she looked away from me. Bumalik akong nahiga sa kama at nag-isip ulit sa sarili ko. Hindi ko alam kong ano na ang gagawin ko. I sworeheavily in the back of my mind. Sana mabilaukan si Cristobal at mamatay! Ang sama-sama niya!

Tumayo na ako at kinatok ang pinto ng makailang beses.

"Cristobal! Ilabas mo ako rito! Walanghiya ka talaga pangit ka! Kidnaper!"

"Sa oras na mahuli ka nila Kuya Miguel at Conrad, tiyak patay ka talaga! Sana mabilukan ka at hindi makahinga! Pesti!! Argh!"

Sumakit na tuloy ang dalawang kamay ko, pero ang tawa nang dalawang gwardiya ang tanging narinig ko sa labas. Pinagtatawanan lang din ako!

I looked at the food again. My goodness! Nakakagutom pala ang mag-isip ng ganito. Kaya naupo na ako at tinitigan ito. Wala naman siguro itong lason ano? Si manang naman ang naghanda at hindi si Cristobal.

When I lifted up the lid that covers it my mouth watered. Makailang lunok na ang ginawa ko habang tinititigan ang pagkain. Kung hindi ako kakain ngayon ay wala akong enerhiya mamaya sa labanan namin ni Cristobal. Kaya bahala na at kakain ako ngayon!

Naubos ko agad ito at tumayo ako pabalik sa banyo para uminom ng tubig. Pakiramdam ko kasi hindi ko mapagkakatiwalaan ang tubig na inaalok nila sa akin. Nang takpan ko na sana ay napansin ko ang maliit na papel na nakadikit sa pinakailalim nito. Kinabahan ako at tinangal ito mula rito.

May matigas na maliit na bagay na nakabalot sa papel at agad kong binuksan ito.

'Ma'am susi po iyan ng kotse. GHX 1189 iyong itim po.'

Napalunok ako nang mabasa iyo at itinago agad sa loob ng bra ko, bumukas na kasi ang pinto mula rito.

.

"Good girl," si Cristobal.

Naningkit na ang mga mata kong tinitigan siya at umatras na ako palayo sa kanya. Maingat niya lang tinitigan ang pagkain ko at kumunot ang noo niya nang mapansin na hindi ko ininom ang tubig.

I move backwards down the toilet door. Kung may gagawin man siya ay magkukulong na ako sa banyo. Pero tinitigan niya lang ako at lumabas na.

Pagkaraan ng tatlong oras ay madilim na at natapos na ako sa ginawa ko. Pinagtali-tali ko ang iilang damit na nandito. Nilagay ko ang tatlong unan sa kama at tinakpan ito na parang natutulog ako. Samantala ang itinali kong mga damit ay pinalabas ko sa bintana ng bakal at itinali ito.

It will deceive them, thinking that I have to escape somewhere. I partly open the toilet door and placed the chair in between. I have prepared everything and even tied my hair in a messy bun type.

Okay, I'll show you who's the real Candy De Silva!

Baliw nga ako baliw na baliw sa mga kalukuhang ganito! Tingnan natin kong makakatakas ba ako sa planong ito.

Nagtago na ako sa ilalim ng kama at inihagis ang baso sa riles na bintana, at ang isa naman ay sa pinto. Lumikha ito ng malakas na inggay at nabasag ito, at nagtago na ako. Bumukas ang pinto at nataranta ang dalawang bantay. Dumungaw pa ang isa sa bintana at ang isa sa banyo.

"Nakatakas!" Sigaw nila at nagsiunahan na sila nang takbo palabas.

Naiwan namang nakabukas ang pinto, kaya dali-dali akong lumabas sa ilalim ng kama.

Ang mga bobo talaga! Paano ako nakatakas? E, hindi naman ako magkasya sa riles. Ang bobo! Isip ko at pinaikot ang mga mata.

Pigil-hininga pa akong nakalabas na patago. Halos abot-abot na ang kaba sa dibdib ko dahil hindi lang naman pala dalawa ang bantay, kong 'di ang dami nila. Nahinto ako sa bandang harden nang makalabas at nagtago sa makapal na halaman.

"Hanapin niyo! Patay tayo ni boss darating na iyon!" Utos ng isa sa kanila at nagsitakbuhan na sila.

Maingat ang bawat galaw ko, hanggang sa nakita ko na ang sasakyan na at nabasa na tama ang plate number na ito. Kailangan ko lang na makapasok sa loob ng sasakyan at makalabas dito. Bumukas ang malaking gate at may sasakyan na pumasok, si Cristobal ang lumabas dito. Lumapit sa kanya ang isa sa mga bantay at may ibinulong sa kanya. Bumulis din ang hakbang nila papasok.

Nang makita na hindi nakasara ang gate ay patakbo na akong lumabas dito. Oo, tumakbo ako palabas na nakapaa pa. Shit na talaga! Dapat kasi sasakay ako sa kotse, pero nagbago ang plano ko. Kaya bahala na...


***

Conrad POV

.

Everyone was in their position, and I was waiting for the barge and signal. When the black car arrived with a convey, a trapped operation was executed. Agad na hinuli nila at pati na ang maliit na barko rito. Faces were on the ground with handcuffs behind them. Pero wala si Candy rito at wala si Cristobal.

Damn it! It's trapped!

Natunugan niya 'ata at naiba ang plano nila. Fuck it! Makailang ulit pa akong nagmura sa sarili ko. Hanggang sa tumunog na ang cellphone ko, si Miguel.

"Bro, I've got the message from an anonymous sender. She's giving the address to where Candy and Cristobal are. I have sent it thru message. Check it, bro," tugon niya sa kabilang linya.

"Is Xavion there with you?"

"Yep, he's here. I have given it to him first."

"Can you pass the phone to him?"

"Sure."

"Bud?" Boses ni Xav sa kabilang linya.

"They've move, Xav," buntonghiningang tugon ko.

"Yeah, I know... Linus was trying to get this address connected, bud. That's the least we can do. Natunugan 'ata nila, kaya nag-iba ang plano. But this time, I am pretty sure they didn't make their move yet."

"Okay, bud. We are on our way too. Hopefully, this will be over soon. I can't forgive myself if anything bad happens to Candy," I sighed deeply.

"She will be fine, bud. Always think of the good side. I'm counting on our prayers," he chuckled.

Pinatay ko na agad ang tawag ng matapos kami. General Eziquel instructed all his men on position. Matagal na din nila kasing hinanap ang taong ito, at si Cristobal ito, isa sa mga terrorista. Enzo haven't move back on his position too. He's making sure that they can't get in the borders if the plan is still on tonight. Sumama na sa akin si Norman at naiwan si Hendrix sa kabila.

NANG makarating kami ay agad na nagkagulo ang lahat at nagputukan na sila ng baril. Mas marami ang tauhan ni General kaysa sa mga tauhan ni Cristobal, kaya mabilis silang nahuli lahat. Inakyat ko pa ang buong palapag ng bahay at pati na rin ang basement pero wala si Candy dito, at wala rin si Cristobal.

Hanggang sa natagpuan ko ang isang ginang sa gilid sa kusina. Halatang inosente siya at nanginig siyang nakaupo at nagtatago sa gilid.

"Manang?"

Itinaas niya ang dalawang kamay sa ere at nakita ko ang nakasulat na numero sa palad niya.

"Sir, wala po akong alam dito. S-Si Ma'am Candy tumakbo po siya palabas ng gate kanina. Binigay ko sa kanya ang susi ng sasakyan, Sir. Para sana makatakas siya, pero hindi niya ginamit. Patawad po, wala po akong alam," pagmamakaawa niya.

Napakunot na ang noo ko at nang mabasa ang numero sa kamay niya ay ang numero ni Miguel ito. Tumakbo na ako palabas. Makailang ulit na mura ulit ang pinakawalan ko habang tumatakbo.

"Bud!" si Normal.

I just run past him, knowing he's following me too.


****

Candy POV

.

"Aray!"

Nahinto ako at naupo sa gilid ng malaking puno. Hindi ko nahalata na naapakan ko kanina ang bubog nang lumabas ako ng kwarto. Hindi ko kasi maramdaman ito dahil sa sobrang kaba ko. At ngayon na medyo okay na at nakalayo na ako, ay t'ska ko na lang naramdaman ang hapdi.

Ilang putok ng baril din ang narinig ko kaya mas binilisan ko ang takbo ko kanina. I didn't know where I am. This place is like a jungle. Parang nasa gitna ng makapal na gubat ang bahaging ito. Konti na lang at alam kong malapit na ako sa inggay ng iilang sasakyan. Kaya imbes na huminto dahil sa sugat ko ay humakbang na ako.

Kanina lang wala pang dugo ito, pero ngayon ang dami na. Pero sa lakas ng kaba ng puso ko at sa takot na baka maabutan niya, ay wala na akong pakialam pa. Kailangan kong makahingi man lang ng saklolo. Hanggang sa narating ko na ang daan, pero wala namang sasakyan.

Tumakbo ulit ako sa gitna nang daan. Nilingon ko ang likod ko. Pakiramdam ko kasi ay may humahabol sa akin. Hanggang sa makita ko ang bakas ng paa ko sa daan, at puno ng dugo ito. Sa bawat hakbang ko ay ang marka ng paa ko na may bahid ng dugo.

Dang it! Shit! Bahala na.

Hanggang sa maramdaman ko na may biglang yumakap sa akin na galing sa likod.

"Candy!"

"Argh! Bitawan mo ako! Hayop ka Cristobal! Bitawan mo ako!" Pagpumiglas at sigaw ko.

"Candy, Love. It's me, its me!" Sa habol hiningang tugon niya at hawak sa mukha ko.

Napakurap pa ako nang makailang beses at habol hiningang tinitigan siya. Walang ibang liwanag dito, kung 'di ang liwanag lang din ng buwan.

"Conrad!" matinding yakap ko sa kanya at umiyak na ako.

I cried with out from my lungs. I was so scared like there's gonna be no tomorrow for me. Iyong takot na takot ka na at pakiramdam mo ay katapusan na ng buhay mo. Ganyan ang naramdaman ko kanina. Kaya nang niyakap niya ako, ang buong akala ko ay nahuli na ako ni Cristobal.

"Shhh, shhh. It's alright, love... Nandito na ako. I'm sorry, I'm sorry at nahuli ako. Pero nandito na ako," yakap at haplos niya sa likod ko.

"Conrad..." Sabay iyak ko.

Pero hindi pa pala tapos ang lahat dahil rinig ko ang matigas na pagtawag sa kanya ni Cristobal sa likod ko.

"CONRAD!"

My eyes widened when I heard him. The shiver ran down from below up to my spine. Iyong pakiramdam na ito na 'ata ang katapusan ng lahat.

"Fuck!" Mura ni Conrad at mas humigpit ang yakap niya sa akin.

He instantly let go of his hand from me, where he was holding his gun. I know his aiming it at Cristobal. And then the next thing I heard was a gunshot from both of them. Nagpakawala siya ng putok at pwersahang pinaikot ako at siya ang pumalit sa pwesto ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pagkalabit din ni Cristobal sa baril at tumama ito sa likurang bahagi ni Conrad. Tumama rin ang putok ni Conrad sa katawan ni Cristobal.

"C-Conrad!"

Huminto ang mundo ko at walang boses na lumabas sa bibig ko nang maramdaman ang basang likod niya. Nakayakap ako sa kanya ng husto. I saw Cristobal's face and he's smiling while starring at me. He point his gun again, tyring to shot Conrad for the second time, but then everything slows like a slow motion in a movie.

Kitang kita ko ang putok ng baril na tumama sa buong katawan niya na hindi ko alam kong saan galing. They've shot him, countless times, and I saw it with my own eyes. Until he fall on his knees and stared smiling at me before his body drop down the ground.

"Love..."

Ang mahinang boses ni Conrad ang nagpabalik sa mundo ko.

"Conrad! Babe? Babe..."

Mas pumatak na ang luha ko at pilit na pinigilan ang agos ng dugo sa likod niya.

"Hang-on, babe... Please..." iyak na tugon ko.

Ngumiti siya at halos sumagad na ang katawan niya sa akin.

"Are you okay?" habol-hiningang tanong niya.

Mas umiyak na akong niyakap siya nang husto.

"Ang daya mo, Conrad. I am fine, p-pero ikaw hindi," agos ng luha ko.

Imbes na sa akin kasi dapat tatama ang bala ay tinangap niya ito. Kaya umikot siya sa pwesto ko.

I can even hear him chuckled in my shoulder. Ramdam ko na tuloy ang bigat ng katawan niya. Ayaw ko munang bumigay ang tuhod ko ngayon. Kahit mabigat siya ay kaya ko pa. Hanggang sa maramdaman ko na ang matipunong hawak ni Norman sa katawan ko, at agad niyang kinuha ang bigat ng katawan ni Conrad sa akin.

"The chopper!" Tigas na utos ni Norman sa mga tauhan niya na nandito.

.

C.M. LOUDEN

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro