Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39. Benjie


I felt a strike of pain when I open my eyes. It's like I woke up from a bad hangover.

Napahawak ako ng husto sa bandang ulo at pilit na iniisip ang mga pangyayari hanggang sa maalala ko na ito.

"C-Cristobal..." Isip ko.

Mas namulat ako at ang ingay sa paligid ang kumuha sa atensyon ko. Kaya umayos na ako.

No one is around the room and the lights were dim. Ang liwanag lang na mula sa TV ang tanging ilaw sa paligid. Nakaupo akong nakasandal sa kama na nakatali ang dalawang paa ko, at nakagapos naman ang kamay ko sa likod. Nag-isip akong saglit hanggang sa maalala ko ang lahat at bumalik ako sa sariling mundo. Hindi ako makapagsalita dahil natakpan ang bibig ko ng duct tape.

Dang it! Walanghiya ka talaga, Cristobal! Bwesit ka talaga!

Kahit anong pilit na sigaw ko ay walang boses na lumabas sa bibig kung 'di ang tanging ungol lang na mula sa loob ko.

I tried to control my fear. Nagsimula na kasi akong matakot ngayon. Iniisip ko kung pangunahan ako ng takot ay hindi ako makakapag-isip sa sarili.

Nilingon ko ang buong paligid. Wala akong makita dahil mukhang wala naman bintana sa tingin ko. Pero malinis naman at my mesa, maliit na fridge, at mga gamit pa. Parang maliit na silid na completo sa lahat at hindi mo na kailangang lumabas pa. Hindi ko lang din makita ng maayos ang buong paligid.

Nang mapako ang mga mata ko sa TV ay mas kinabahan ako.

It played an old video from way back when I was in high school. I saw myself sitting alone in the oval ground playground while eating my lunch.

Patago ang kumuha ng video ko, dahil nakatalikod ako. Alam kung ako ito, dahil kilala ko naman ang sarili ko. . . Ako nga ito, hanggang sa kumunot na ang noo ko nang mapansin ang isang lalaki na nakatingin din sa akin. . . si Conrad.

Conrad was looking at me from afar.

Humakbang ang kumuha ng video at akmang lalapitan ako, pero umakbay agad ang dalawang kaibigan niya. Kaya umatras din agad siya.

And the video focused back at me again, just me again eating alone.

Naputol ito at may video na lumabas na bago. It was during sports day. . .

I was running in the oval, sweating and panting.

Dang it!

Naalala ko ang eksenang ito. Ito iyong nahuli ako ng teacher ko sa Math, dahil may kodigo sa likurang bahagi ko. E, hindi naman sa akin iyon!

Kagagawan iyon ng mga babaeng kaklase ko. Ang lakas nilang mam-bully sa akin. Kaya naparusahan akong tumakbo ng sampung beses sa malaking oval.

Medyo magulo ang sa video dahil pagkahinto ko sa takbo, ay nanghina ako at napaupo sa lupa.

I feel the thirst while watching it. Nauuhaw ako, dahil ganitong-ganito ang naramdaman ko sa mga sandaling iyon. Hanggang sa nahinto ang kumuha ng video nang hakbang, at napako ang video niya sa gilid na bahagi, sa lupa.

And then it focused onto someone ahead. . . si Condrad.

Was Conrad there again ang like the other video. He was looking at me again from afar, holding a drinking bottle.

Nahinto si Carmelo sa tapat niya at kinausap niya ito. Binigay ang mineral water kay Carmelo at patakbong lumapit si Carmelo sa akin.


"Candy, uminon ka muna. Okay ka lang ba? Kaya pa ba?" ngiti niya.

"Salamat, Carmelo," sabay inom ko.

"Ako na ang tatapus sa takbo. Limang ikot na lang 'di ba?"

"Ha?"

Hanggang sa tumakbo na siya at si Carmelo na mismo ang tumapos sa parusa ko.

Bumalik ang video sa bandang unahan sa gilid kay Conrad, at nakatitig lang siya sa akin. Hindi na nag focus sa akin ang lens at nasa lupa na ito, pero nakunan naman ang mineral water na hawak ng nag-vi-video saka natapos ito.

Nanlumo ang puso ko na parang natunaw lang ito. Naalala ko kasi ang eksenang ito. Nagpapasalamat ako kay Carmelo ng araw na iyon, dahil umandar ang hika ko, at hindi ako makatakbo ng maayos. Kung hindi siya tumapos sa takbo, ay tiyak nawalan na siguro ako ng malay. Pero hindi niya kagustuhan ito, dahil si Conrad ang nag-utos sa kanya. . . si Conrad na nakatingin sa malayo na kung nasaan ako.

Ang akala ko noon ay hindi niya ako napapansin, dahil panay ang iwas niya sa akin. Hindi pala, dahil nasa tabi ko lang siya, at nagmamasid ng tahimik.

Conrad... Isip ko at pumatak na ang luha ko.

Hanggang sa nag-play ang panghuling video at ang prom day ito noon, nila ni Conrad.

Madilim at tumatakbo ako. Gumuhit ang kaba sa puso ko dahil ito ang eksena na tumakbo ako patungo sa sasakyan niya. Nakatayo ako ng iilang minuto, hanggang sa hinubad ko na ang jacket na suot ko, ang jacket ni Conrad.

Pagkaraan ng iilang segundo ay dumating si Conrad at pinulot ang tuxedo niya. Panay pa ang lingon niya sa paligid at patakbong humakbang para hanapin ako.

He was not lying after all when he told me it wasn't him. It was not him making out inside the car.

Naging blanko ang TV at ang madilim na kwarto na may isang ilaw sa gilid, at napansin ko ang kuha ng anino nito.

"Hi, Candy. . . ang hirap mong lapitan, kaya titigan na lang kita sa lahat ng mga video at litratong nakuha ko," sa lungkot na boses niya.

Nag-focus ang camera sa mukha niya at kinilabutan na ako. . . si Benjie.

I remembered him. He was my classmate way back high school. He was always alone, quiet, weird and genius. Isang beses nga lang siyang lumapit sa akin at iyon ay binigyan ako ng papel. Exam namin iyon at sa hindi ko maintindihan ay nawala ang papel ko sa bag.

Hindi ko na siya nakita pagkatapos, o baka hindi ko lang siya napansin? Pero hindi naman siya si Cristobal? Magkaiba ang mukha nila.

Hanggang sa bumukas ang pinto at ang ang mukha ni Cristobal ang nakita ko. I looked at him angrily and he just smiled. Kinuha niya ang upuan sa gilid at naupo na sa harap ko. He looked at me with so much hate. Nakikita ko ito sa mga mata niya.

That's why I always find him weird and have this odd feeling inside me. It's creepy...

"Candy..." tipid na ngiti niya.

Mariin niyang hinaplos ang paa ko paakyat sa tuhod ko. I tried to kicked him and move away, but there was not much movement I could do. Nakagapos kasi ang boung katawan ko. Natawa na siya dahil sa galit na pag-ungol ko.

This is freaking unfair! Gusto kung magsalita, pero dahil naka duck tape ang bibig ko ay hindi ko magawa. Hinilamos niya ang dalawang palad sa mukha t'ska natawa na.

"I don't know what to do with you, Candy," panimula niya.

"I tried everything to get your heart, pero wala pa rin. . . si Conrad pa din."

Nawala ang ngiti sa mukha niya at taimtim ang titig sa akin. Kinabahan na ako.

Tumayo na siya at pinatay na ang TV. Binuksan konti ang kurtina para makapasok ang konting liwanag sa silid. Nakahinga ako at nabuhayan ng loob nang lumiwanag ang buong paligid sa silid.

Now I can see him standing in front of me. He opened the door and grabbed the tray of food around the corner.

"Kumain ka muna," lapag niya ng pagkain sa gilid ng kama.

Dang it! Paano ako makakakain kung may takip naman na duck tape ang bibig ko? Ang bobo lang din ah!

Tinitigan niya muna ako at t'ska tinangal ang duck tape sa bibig ko. Nakahinga ako anmaluwag at makailang beses ko pang kinagat ang pang-ibabang labi ko. Parang namaga na kasi ito.

"What the hell are you doing, Cristobal!? Pakawalan mo ako!"

"Shhh, easy..." senyas ng kamay niya.

"Ano bang kasalanan ko sa 'yo? Alam mo naman na kahit noon pa ay hindi na kita gusto 'di ba? The hell, Cristobal! Pesti ka talaga!"

Namaywang siyang natawa at nakayuko pa. Umupo na siya sa upuan ko sa gilid at kinuha ang tubig ng mineral water.

Napalunok ako dahil sa totoo lang nauuhaw na ako kanina pa. Hindi ko alam kung anong oras na ngayon. Pero halata na umaga na. Nakatulog 'ata ako buong magdamag.

"Heto, uminom ka muna."

Matalas ko siyang tinitigan at iniwas ang mukha ko rito.

"Okay..."

"Ayaw mo bang kumain? Hindi ka pa ba gutom?"

"Kumain ka mag-isa mo!" Sabay tadyak ko.

Kamuntik pa tuloy mahulog ang tray ng pagkain sa kama. Kaya kinuha na niya ito at nilagay sa mesa at humarap muli sa akin.

"Okay, then starve yourself. You haven't eaten since yesterday. Kakain ka rin kapag nagutom ka na," sabay talikod niya.

"What do you want from me, Cristobal? Ano bang kailangan mo? Kung pera, wala kami! Dahil hindi ako anak ng isang milyonaryo! Pakawalan mo na ako hangga't kaya pa kitang patawarin ngayon. Kakalimutan ko ang pangyayaring ito, Cristobal," pagmamakaawa ko. Kahit papaano ay gusto kung ayusin at makikipagsundo. I still believe that somehow Cristobal is different.

Humarap ulit siya sa akin at kakaiba na ang titig ng mga mata niya. Matalas at kakaiba. Kinilabutan na ako.

"And then what? Just watch you getting married to Conrad? Ganoon ba?" He smirked and shook his head.

"Pagkatapos ng ginawa mo sa kapatid ko!? You killed him, Candy! Pinatay mo si Benjie!"

Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala sa sinabi niya. Nanlamig ang buong katawan ko at hindi na ako makapagsalita.

No way. . . Not, Benjie. Not him. . . magkapatid sila ni Benjie? Si Benjie?

"Gusto ko sanang paibigin ka at parusahan. Pero gaya ng kapatid ko nahulog lang ako sa 'yo ng wala sa plano. Kakalimutan ko na sana ang lahat ng paghihingante, Candy, maging akin ka lang. But still you did not noticed me like you did not noticed Benjie."

Mabilis ang hakbang niya palapit sa akin at marahas ang haplos niya sa mukha ko. Hindi ako makagalaw dahil sa pwersahang pagyakap niya, at halos hindi na ako makahinga.

"Mahal kita, Candy. Mahal na mahal. Mababaliw na 'ata ako sa 'yo," sa tindi ng yakap niya.

"C-Cristobal. . . ano ba!" pilit na tulak ko sa kanya, pero hindi ko magawa dahil nakatali ang dalawang kamay ko sa likod.

"Ngayon naiintindihan ko na kung bakit nagpakamatay si Benjie. He was deeply in love with you, Candy. Ang akala ko baliw lang siya. Fuck! Isang babae lang at ikaw pa!" tigas na hawak niya sa panga ko.

Nagtitigan kami at nag-aapoy ang titig niya sa akin. Kumurap na ako at gumuhit pa ang sakit sa bibig ko dahil sa tindi nang pagpisil niya sa bahaging ito.

"I tried to composed myself for you, Candy! I tried to be gentle as much as I could. Pero nauubos na ang pasensya ko sa'yo at ngayon magpapakasal ka na kay Conrad?" talas na titig niya.

"Over my dead body! Hindi ako makakapayag!" tiim-bagang niya at binitawan na niya ako.

Habol hininga ko pang siyang tinitigan. Ayaw ko na pangunahan ng takot, pero balot ang puso ko ngayon nito.

Namuo na ang luha sa mga mata ko, hindi dahil sa takot ako, kung 'di dahil sa tindi ng galit ko sa kanya.

"Hindi ko kasalanan ang pagkamatay ni Benjie! He never even show his side at me. Kaya--"

"Paano niya maipapakita? Huh, paano, Candy? You didn't give him a chance, Candy? See all that videos!? Si Conrad ang lahat! Para kang asong nakasunod sa kanya! At ngayon na mahal ka na niya, kinalimutan mo na ang lahat!?" nanlisik ang mga mata niya.

Natahimik ako at purong galit lang ang bawat titig ko. Tumalikod siya at hinilamos muli ang palad sa mukha bago lumapit sa akin. Umusog ako dahil ayaw kung dumampi man lang ang balat niya sa akin. Pero mabilis lang niyang kinalas ang tali sa likod ko at sa paa ko.

"Eat up, shower, and do what you like inside. Hindi ka rin naman makakatakas. Ayusin mo ang sarili mo at simula ngayon ako na ang isipin mo, dahil sa ayaw at gusto mo ako na ang makakasama mo habang buhay!" sa taimtim na titig niya.

"You wish! Patayin mo na lang ako, Cristobal! Hinding hindi kita magugustuhan!"

Tumayo na ako at pilit na lumayo sa kanya. Ramdam ko pa ang hapdi ng sakit sa paa ko at kamay dahil sa tali. He smirked and shook his head while both of his hands are on his hips.

"Think of a way to escape, Candy. Dahil 'pag nakalabas na tayo ng Mindanao at nasa Malaysia na, ay wala ka ng kawala. . . Will be leaving tonight, at wala ng magagawa ang Conrad mo!"

"Bwesit ka talaga, Cristobal! Mamatay ka na sana!"

Ibinato ko na sa kanya ang nahawakan kong vase sa gilid. Pero mabilis lang siyang umilag at tumama ito sa dingding. Nagkalat pa tuloy ang bubog sa sahig. Lumabas din agad siya at hindi na ako nilingon pa.

.

C.M.LOUDEN


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro