Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 38. Abducted


"Wow ate Japan ha," kantyaw ni Elmo.

"Tumahimik ka nga!"

"Ibili mo ako ng action figure ni gorillaz 2D at ni shiro, ate," ngiti niya.

"Ano?" kunot noo ko.

Wala akong naiintindihan sa mga pinagsasabi niya at puro anime na naman ang utak nito!

"Ikaw ha siguraduhin mo na sa Oktubre ay magtatapos ka na. Dahil kong hindi ay sa kangkongan ka talaga pupulutin ni kuya!"

Dapat sana g-graduate siya ngayong Marso, kaso may isang subject na medyo tagilid siya. Hindi naman siya binagsak ng professor, pero hindi siya nakahabol sa requirements. Kilalang terror ang professor na iyon, kaya sa oktubre pa siya magtatapos.

Ngumuso siya at umikot na siya at kimuha ng otap na pasalubong ni Conrad galing Cebu. Nilapag ko na ang ginawang kape sa tray para sa kanila ni Kuya.

Iniwan ko na si Elmo sa kusina at maingat na dinala ang ginawa ko sa balkonahe ng bahay. Nag-uusap pa sina Kuya at Conrad sa desenyo. For finalization na lang ito, at masisimulan na ni Kuya sa susunod na linggo.

"Coffee," lapag ko sa mesa.

Tumikhim na si Conrad at maingat na hinaplos ang likurang bahagi ko nang mailapag ang kape niya.

"Thanks, Love."

"You're welcome.

Tumikhim muna si Kuya Miguel bago nagsalita.

"What time are you leaving for Manila?"

"Afternoon, around two o'clock. Then, to Japan at the same night, roughly," sagot ni Conrad sa kanya.

"Nakahanda na ba ang bagahe mo, Candy?" si kuya sa akin.

"Ha?"

Naguguluhan akong tinitigan silang dalawa. Makailang beses pa ang pagkurap ko sa kuya ko. Habang mariin naman ang haplos ni Conrad sa likod ko.

He was caressing my back in circle, like he's teasing me. Uminit lang tuloy ang pakiramdam ko. I stared at Conrad and he nodded. Siya na 'ata ang nagpaalam sa lahat tungkol sa pagsama sa akin sa Japan.

"Bukas na, kuya. Tutal malayo pa naman. And besides, hindi naman ako magdadala ng maraming damit. Konti lang. Hindi naman kami magtatagal ni Conrad doon."

"Kung ako lang ang masusunod gusto ko sana magpakasal kayo bago ang Japan. But it's okay..." si Kuya.

Bumuntong hininga si Conrad at nag-angat nang tingin sa akin.

"She hasn't given me her answer yet, bro," with a dismay look on his face.

"Dahil kong ako lang ang masusunod kahit bukas pakakasalan ko na 'to," sabay halik ni Conrad sa kamay ko.

Napatitig na tuloy si kuya sa akin at mukhang nagtatanong na ang mga mata niya. There was a message on his stare but I didn't mind it. Bahala na muna siya, dahil mag-iisip pa ako. Ewan ko ba!

Nang matapos sila ay naghapunan na kami. Um-order si Conrad ng food delivery at parang fiesta tuloy sa dami nito sa mesa. Hindi na sumabay si kuya, dahil may importante raw siyang ka-meeting. Kaya kami na lang din ni Mama, Elmo, ako at siya.

Hindi rin maganda ang pakiramdam ni Mommy. Kaya pagkatapos niyang kumain ay nagpahinga na siya. Samantalang si Elmo lang din ang naiwan sa mesa na kumakain pa. Sumabay na sa kanya ang isang katulong namin.


NANG matapos ay lumabas muna kami sa maliit na harden na meron sa bakuran namin. Magkahawak kamay pa kaming dalawa.

"Love..." lambing na tugon niya.

"Hmm?"

Yumakap na siya sa likurang bahagi ko at napatingala na ako sa langit. May iilang butuin na nakikita ko mula rito.

"I love you," dampi nang halik niya sa tainga ko, at higpit na yakap niya.

"I love you too," ngiti ko sa kanya.

Inabot ko pa ang labi niya sa likod ko para mahalikan siya.

"I can't wait to call you my wife," he sensually whispered.

"We will get there, don't worry..."

"Hang on."

He grabbed something from his pocket and silently put it around my neck. It was a necklace...

"Conrad..." sabay hawak ko nito at titig sa mga mata niya.

"Happy monthsary, love," halik ulit niya sa leeg ko at napapikit mata na ako.

"Monthsary na ba?" ngiwi ko.

Ang pagkakaalam ko kasi ay wala pa kami sa isang buwan. Tapos monthsary na agad?

Ang baliw lang din ah! Kaya humarap na ako sa kanya at nakatingalang tinitigan siya.

His hazel eyes were puffy and beautiful. I swallowed hard while looking at him. Pilit ko pang pinigilan ang paghinga ko, dahil sa lakas na tibok ng puso ko ngayon. Hanggang sa ngumiti na ako sa kanya.

"I love you, love, babe, Conrad..." mapang-akit na ngiti ko.

Namungay ng husto ang mga mata niya at hinawakan ang puso sa dibdib.

"God, you make my heart pound so much, Candy... You don't even know how your darling words affected me."

Ngumuso na ako at umismid na.

"Ikaw rin naman ah. Your presence alone melted me," kagat ng pang-ibabang labi ko.

He shook his head while smiling beautifully. He bit his lower lip while staring at my lips. I could even see his adam's apple moving up and down while swallowing his saliva. Kaya ako na mismo ang maingat na humalik sa kanya.

In a tiptoe, and my eyes were shut too.

The sweet warmth of his lips was all that I can think of. Wala na akong ibang iniisip ngayon kung 'di ang sarap at gapang ng halik niya sa labi ko. It was like eating my favourite dessert after a heavy meal.

He groaned and adjusted his position sideways. I smirked and let go of the kissed. Natawa na rin akong pinagmamasdan ang mga mata niya ngayon. Umigting ang panga niya at mas naging kaakit akit ito sa paningin ko.

"I wish you're sleeping tonight on my bed," mahinang bulong niya sa tainga ko.

I lifted my arms and wrapped them around his nape wantonly.

"I wish too," at hinalikan naniya ang dulo ng ilong ko.

"Ang gwapo mo talaga," pilyang ngiti ko.

Bahagya na siyang natawa at napailing pa.

"And the good thing. I am all yours, love..." sa mainit na halik niya ulit sa labi ko.

After adoring the stars while sitting and kissing for more than two hours. He left for home. Ayaw pa nga niyang umalis at umuwi, pero kasi gabing-gabi na alam at kong pagod na rin ang katawan niya.


THE NEXT day I woke up early, fixing all the clothes I needed to take to Japan.

Maliit na bagahe lang ang dadalhin ko, dahil pwede raw naman na roon na ako bumili ng damit. Maginaw na raw naman sa Japan dahil katatapus lang ng winter nila, at spring time na ngayon. Kaya malamig pa talaga.

Ang tawag niya agad ang mas nagpangiti sa akin. Tamang-tama dahil tapos na ako sa pagliligpit ko sa iilang gamit na dadalhin ko. Naging exited na tuloy ang pakiramdam ko sa trip na ito.

"Good Morning, wifey," buong boses niya.

"Wifey?" I chuckled.

"Yes, I may as well call you my wife. There is no difference anyway. Sooner or later, you will be Mrs Candy De Silva- Mondragon."

Mahina akong natawa pero kinilig na rin. I couldn't slept well last night because I was thinking way too much about him.

Parang ayaw ko na tuloy mawala sa piling niya at mas gustuhin ko na kasama siya kahit sa pagtulog pa.

"I love you, Conrad, and yes, let's get married, babe," sopresang tugon ko.

Natahimik ang kabilang linya at napakurap ako. Nabigla ko yata siya sa sinabi ko.

"C-Conrad? Hey? Andiyaan ka pa ba?"

Nagmura siya, narinig ko, pero kakaiba ito at parang habol hininga ang boses niya.

"Candy, love, that's - I'm speechless. I need to get there with you now."

"Hoy, mamaya na! Tutal may dinner naman tayo na kasama sila. Mamaya na, babe," pilit na tawa ko.

We will have our family lunch with his family. This time is the formality I guess. Hindi ko alam, pero ngayon na sumang-ayon na ako sa kasal, ay tiyak ang kasal na siguro ang mapag-uusapan dito.

His sister Yvette reached out last two days ago too. She rang me, saying how sorry she was last time. It wasn't her intention to be rude. Nadala lang daw siya sa mga bagay-bagay. Hindi niya raw kasi inakala na magkapatid kami ni Kuya Miguel.

She never go to details, but I felt that there was something between her and Kuya Miguel. At kung ano man iyon ay hindi ko na muna sila pakikialaman pa. I don't want to get involved in both of my brothers love life. Siguro si Elmo pakikialaman ko pa, dahil bata pa siya at nag-aaral pa. Pero iba si Kuya Miguel. He knows what's around, and besides he's old enough to manage himself.

"Susunduin na kita. I couldn't wait."

"Babe, pupunta pa ako sa boutique ni Steph at pagkatapos diyaan na ako patungo. Maghintay ka na lang."

"No, I'm coming. Wait for me." Sabay patay sa tawag niya at ngumiti na ako.

Mabilis na akong nagpalit ng damit at nagpaganda na rin. Nang makababa ako ay tumunog ulit ang cellphone ko, si Conrad ito.

"Love, Drew called me, and I need to do this quickly. I might fetch you at Steph boutique?"

I smiled. After all, I knew he was busy again, and it's okay.

"Okay, but don't worry. Mag t-taxi lang ako. Finish your work first. Mahirap na mataas pa naman ang bakasyon natin sa Japan."

"Okay, love, I love you."

"I love you too."

Hindi ko na tuloy maalis ang ngiti sa labi ko. Ang saya ko sobra. Para akong baliw na nakangiti mag-isa.

"Mommy, mauna na ako! Magkikita na lang tayo mamaya!" pasigaw ko sa kanya. Nasa itaas pa kasi siya.

"Okay, anak. Mag-ingat ka!" pasigaw niya.

When I shut the gate I looked around the area. It was very quite. Tahimik at pilit ko pang tinanaw ang kabilang banda. Naghahanap kasi ako ng tricycle man lang na palabas ng subdivision. Pa-minsan minsan lang kasi ang taxi dito. T'ska lang kapag may pasahero.

Naglakad na ako nang iilang metro ang layo sa bahay, at kumaway sa paparating na tricycle. Nakita naman agad ni Manong at mabilis ang padyak niya. Hanggang sa huminto ang kulay asul na kotse sa gilid ko kasabay nang paghinto ng tricycle.

"Candy, ihatid na kita," si Cristobal.

Nalito pa tuloy ako at pabalik-balik pa ang tingin ko sa kanilang dalawa ni manong driver at kay Cristobal. Lumabas siya sa sasakyan at nag-abot ng bayad kay manong.

"Salamat, manong. Pero ako na maghahatid. Kunin niyo na lang po 'to."

Umalis din agad si manong pagkatapos matangap ang pera na bigay ni Cristobal. Napaisip pa tuloy ako kung sinadya niya bang pumunta sa subdivision namin. E, sa pagkakaalam ko ay sa Del Tower 101 siya nakatira.

Ngumiti siya at binuksan ang passenger side ng kotse.

"Get in."

"Sure ka? Sa bandang divisoria pa ako."

"It's okay, doon din naman ang punta ko," ngiti niya.

Tumango na ako at pumasok sa loob. Umikot siya nang mabilis sa side niya at pinaandar agad ang sasakyan. Dinukot ko ang cellphone sa bag at nagtipa ng mensahi kay Steph.


Ako:

Steph, I'm coming. Si Cristobal ang kasama ko, ihahatid niya ako.


Hindi ko na hinintay ang reply ni Steph at binalik ito sa bag ko.

"Ba't ka nga pala napadpad dito, Cristobal? May pinuntahan ka ba na malapit dito sa amin?"

Tumikhim siya at nag-iwas nang titig sa akin.

"May inihatid ako sa kabilang banda, at naisip ko na malapit lang ang bahay niyo. Kaya napadpad ako sa linya niyo," tikhim ulit niya.

He feel tensed and somewhat not comfortable. Natahimik din kami at rinig ko pa ang pag ring ng cellphone ko. Ngumiti na ako at dinukot itong muli sa bag ko. Pero bago paman ay may naamoy na akong kakaiba sa sasakyan niya. Hanggang sa napakunot-noo na ako.

"C-Cristobal. . ."

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari, dahil mabilis lang niyang tinakpan ang ilong ko ng panyo niya.

.

C.M.LOUDEN

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro