Chapter 37. Possessive
"Oh my God! Are you engaged, Candy?" si Grasya.
Halos tumigil silang lahat at napatingin sa akin ngayon. It was lunchbreak. Imbes na pumunta sa mesa ko sa opisina ni Conrad ay nandito ako ngayon sa staff room. Wala kasi si Conrad ngayon. Sinabi na niya sa akin kagabi na bibiyahe siya sa Cebu. May usapan daw sila ng pinsan niyang si Drew Mondragon. And as usual, I know its about business again.
"Oh my, ang ganda! Ang laki ng bato. Totoo ba 'to?" hawak niya sa kamay ko.
Hindi ko tuloy alam kung ngingiti ba ako o ano ba? Tumayo na kasi halos sila at lumapit na sa akin.
"Pahawak," si Gina.
"Hala? Ang mahal nito!" Titig niya sa akin na parang nakakita ng multo.
"Parang pwet ng baso lang'to ah," si Amy.
"Wee? Patingin aber! Experto ako pagdating sa totong diamantes," si Vilma. At itinulak pa niya si Amy sa gilid at bahagya na akong natawa.
"Aray! Ikaw ha kapag ako kinasal hindi ka invited!" Pabirong tugon ni Amy sa kanya at natawa na rin.
"Naku, naunahan ka na ni Candy. Bilis bilisan mo dahil trenty-tres ka na bukas!" Pabirong kantyaw niya.
"Che!" Irap ni Amy, pero bumalik ulit siya sa pagkakahawak sa kamay ko.
Ngayon silang apat na talaga ang nakatitig at nakahawak sa kamay ko na parang experto. Nakatingin lang ang dalawang lalaking kasama namin ngayon na kumakain. Sina Dennis at George, mga kapwa guro ko rin.
"Mga babae talaga..." Lihim na tugon ni Dennis at napailing na.
"Oh my goodness! 2.5karat nga with clear VSI clarity 'te, and the price? You won't believe it?" si Vilma na parang experto.
Natawa na ako, ewan ko ba, pero nakakatawa nga naman sila. Sa totoo lang wala naman akong pakialam kung mumurahin lang 'to o kahit pa abobot ng kendi na singsing, basta galing kay Conrad ay okay na ako.
"Mahal ba?" si Grasya sa kanya.
"Oo, milyones 'te!" Halos tahimik na tili ni Vilma.
"Di nga? Patingin nga ulit," si Gina, sabay hawak ulit sa kamay ko at mas tinitigan na niya ito.
"Naku, Candy! Baka makidnap ka. Hubarin mo kaya," pabirong tawa ni Grasya.
"Baliw! Huwag nga kayong OA! Mura lang 'to. Chillax!" arteng tugon ko sabay hawi sa buhok ko.
"Kailan ang kasal?" Ngiting aso ni Vilma.
Napakurap na ako. Hindi ko pa ako umo-o kay Conrad, e, ngayon kasal na?
Dang it! Ano ba 'to!
"Teka, teka nga muna," pamaywang ni Grasyang humarap sa akin.
"Sino ba ang nagbigay? E, sa pagkakaalam ko wala kang boyfriend? Maliban nga lang kay Professor Cristobal?" lakas na tawa niya.
"Si Cristobal? Oh my goodness! Di ba binasted mo na?" lakas na boses ni Gina.
"Hala, si Professor?" kantyaw na tawa ni Vilma, na halos napatakip bibig pa.
"OMG! I can't!" si Amy, na pinaikot pa ang mga mata.
Napaawang lang lalo ang labi ko at kumunot na ang noo ko. Lahat kasi sila ay tumatawa na.
"Hindi ah! Hindi si Cristobal!" Inis na tugon ko.
Natahimik agad sila at sabay na napalingon sa akin. Iba-iba na ang ekspresyon ng mga mukha nila at parang naguguluhan pa.
Shit na this! How will I say this? Kasalanan 'to ni Conrad e. Nakakahiya naman kung sabihin ko na kay Conrad ito. E, tiyak pag-feistahan ako ng mga baliw na 'to! At tiyak marami ang tanong sa utak nila. Kaya mas mabuti na ilihim ko na muna.
Tumikhim na ako habang naghihintay sila sa tamang sagot ko.
"Ahm, g-g-galing sa ka pen pal ko! Oo, ka chatmate ko. B-British siya! T-taga London!" taas noo ko sabay lunok na.
"Oh, my God? London bridge is falling down!" Takip bibig ni Vilma.
"Si Prince George!" Pasigaw ni Amy.
"Gaga! Fetus pa 'yon, ano!" Sapak ni Grasya sa noo niya.
Natawa na ako, natawa na kami, nakakatawa nga naman sila lahat. Naging comedy na tuloy ang kwento ng buhay pag-ibig ko.
Alam kung mali ito na ilihim ko. Pero wala akong magagawa. T'ska ko na sasabihin sa kanila kapag okay na ang lahat.
And the school holidays are coming, and I know everything will lay low.
"Seriously? Seryoso ka?" Ngiwi ni Gina sa akin at mukhang nagdududa pa.
"Impossible naman na galing sa ka pen pal mong British o chatmate? E, hindi ka naman nag cha-chat na katulad ni Amy?" si Grasya at namaywang pa siya.
They all stared at me suspiciously. I swallowed hard, and I could not utter any words to say. I cleared my throat a few times until a voice was heard in the background.
"Anong kaguluhan ito?" arteng tugon ni Mr. Moreno. Tumaas pa ang kilay niyang papalapit sa amin, at natahimik na kaming lahat.
"Hi, Sir," ngiting bati ni Gina sa kanya at ngumiti na rin ako.
"Si Candy, Sir. Ikakasal na," tugon ni Grasya.
Pinandilatan ko siya nang mga mata. Pero hindi nakinig ang bruha at kinuha pa ang kamay ko at pinakita sa bakla! Dios ko talaga oh!
"Oh, I see..." Sabay hawak ni Mr. Moreno sa kamay ko, at pumilantik pa ang kabilang kamay niya nang haplosin niya ang bato.
"So this is the reality, Candy?" Taas kilay niya.
"P-Po?"
"Hala, kilala mo ba, Sir? Ang ka pen pal slash chatmate ni Candy?" sopresang tanong ni Amy.
Imbes na nakatalikod na silang tatlo ay humarap ulit sila sa amin ngayon. Mga chismosa nga naman! Naging parang bituin pa tuloy ang mga mata nila, at kasing laki na 'ata ng elephante ang mga tainga!
Taimtim lang ang titig ni Mr. Moreno sa akin at panay pa ang kurap ko. Kumindat din agad siya at tipid na ngumiti.
"Oh, well, good luck!" Sabay bitaw niya sa kamay ko at irap na.
Isa-isa niyang tinitigan ang lahat at napaatras na sila pabalik sa upuan nila.
"Come to my office, Candy. I need to talk to you," tugon niya bago lumabas sa pinto.
Niligpit ko na nang mabilisan ang gamit ko na nasa mesa ni Grasya. Ngumiwi pa siya at binigyan ko lang nang ngiti.
"Alam mo nagdududa na ako sa 'yo ha."
"Sasabihin ko rin kung sino. Huwag na muna ngayon," tipid na ngiti ko.
Ngumiti na siya at tumango na. Lumabas na ako at naglakad patungo sa opisina ni Mr Moreno. Katabi lang naman ito ng opisina ni Conrad, na kung saan nilagay niya ang mesa ko.
Until now I am still uncomfortable with him around the school. Ayaw ko kasi na pag-uusapan kami ng lahat. Tutal wala pa naman silang alam, mas mabuti ng umiwas na muna.
Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto ni Mr Moreno. Nakaupo siya na nakarapa sa desktop niya.
"Come in, Candy."
Naupo na ako at mas umayos na. He didn't look at me as his eyes were busy with his desktop.
"Candy, I know you and Conrad are dating. Now, I don't want a massive gossip around the school. Hindi ako makikialam sa inyo. Tutal buhay mo naman 'yan at wala namang masama. You're single and Mr. Conrad Mondragon is a single man too. Mag-iwasan na muna kayo rito okay?" arteng tugon niya.
"No problem, Sir. Iyan din naman ang iniisip ko."
"Okay, Ahm, I got the reports..." Sabay check niya sa mga papelis na nasa gilid niya. Ang kapal pa nito. Nandito 'ata ang lahat ng reports namin at iilan pa.
"And, okay all clear. Pwede ka ng magbakasyon na kasama siya," ngiwi niya.
Napalunok na ako. Dang it! Did Conrad force him in my behalf? Huh, ibang klase nga naman.
"Wala na ba kayong iba pang ipapagawa, Sir? Okay lang, Sir. . . Conrad can wait. I mean this is my work place and -"
"I know, Candy. Kaya para iwas sa mga chismis. Magbakasyon ka na. I will tell them you went to Cebu, Baguio at kahit sa anong planeta! Okay na, girl," sa lawak na ngiti niya.
Napanguso ako. Hindi ko kasi inakala na gagawin ni Conrad ito. I thought he will wait until I finish everything. Pero mukhang nagmamadali 'ata siya.
"Okay, Sir. Thank you."
Tumayo na ako at lumabas na sa opisina niya. Sinara ang pinto. Tinitigan ko pa ang kabilang pinto at nagdadalawang isip pa ako na pumasok dito. But the heck! Wala naman si Conrad ngayon. Kaya pumasok na ako rito.
Malinis ang loob at wala nga ni maski isang papel sa mesa niya. Napangiti ako nang makita ang cactus na dalawa na. Namulaklak na din ang isa, kulay dilaw pa ito.
Nang mapako ang paningin ko sa mesa ay may maliit na sulat sa ibabaw nito at bulaklak pa.
Candy Love,
I will meet you later. I couldn't wait to see you. I love you.
Conrad
Si Conrad talaga, kahit kailan ang baliw! Hanggang sa tumunog ang cell phone ko, isang mensahi ito.
Conrad:
I'm on the plane now going back to you. I will see you tonight. I love you.
Me:
Ang bilis ah? Akala ko ba bukas ka pa?
Conrad:
Binilisan ko na. Na miss kita, sobra. Kaya hinayaan ko na muna si Drew sa ibang bagay. He knows that we're going to Japan. Kaya okay lang. By the way, I have asked your brother Miguel regarding your passport and I got it. Mr. Jim, organized everything, love.
Me to Conrad:
Okay...
Conrad:
I love you. Have to go, the plane is taking off.
Me:
Okay, I love you too.
Bumuntonghininga ako nang matapos magbasa, at naupo na sa mesa. Inayos ko na ang iilan na mga gamit. I might take some home paper works and documents with me. Tutal dalawang buwan na walang pasukan kaya hindi busy. Maliban nga lang sa enrolment bago magpasukan.
Uwian na ang lahat at alas kwatro 'y medya na ng matapos ako. I look around behind me before shutting the door.
"Okay, I will see you all when I get back," tahimik na saad ko habang sinarado ang pinto.
Nang makababa ng hagdanan ay si Cristobal ang sumalubong sa akin.
"Candy," tipid na ngiti niya. Napatingin pa siya sa hawak kong bulaklak ngayon.
"Oh, hi. Hindi ka pa pala umuwi?"
"Hindi pa hinintay talaga kita."
Humakbang na ako at pati na rin siya. Sumabay siya sa bawat hakbang ko.
"Hinihintay mo ako? Bakit?" Nahinto ako at napatitig sa kanya.
I noticed that he change a lot physically. Suot man niya ang makapal na salamin, ay malinis na ang tindig niya. Hindi ko nga napansin noon ang pagbabago niya. Dahil nakatatak lang sa utak ko ang mukha niya na parang na-kuryente.
"Pwede ka bang makausap ng tayo lang dalawa?"
"Uhm," sabay tingin sa relo ko.
Napatingin na din ako sa security guard na nasa gilid at ngumiti siya sa akin, kaya ngumiti na ako.
"O-okay."
Naisip ko kasi na maaga pa naman at kalahating oras pa bago makalapag ang eroplano ni Conrad. Siguro aabutin pa siya ng kalahating oras bago kami magkita.
Lumawak ang ngiti niya at humakbang na kaming dalawa palabas ng gate.
"Goodbye, Ma'am Candy," si manong gwardiya.
"Goodbye, din, ingat ka!" sabay kaway ko.
Ang awkward dahil sa akin lang siya nag goodbye at hindi kay Cristobal. Tumikhim si Cristobal.
"Dito tayo, Candy. Nasa gilid lang ang sasakyan ko."
"Ah, okay," tango ko at sumunod na sa kanya.
Pero bago paman maabot sa sasakyan niya ay nahinto ang isang puting ford ranger sa harapan ko. Nahinto ako nang bumukas ang bintana nito.
"Hi, Love!" si Conrad.
Napangiti ako. Dang it! Ang bilis naman niya. Lumabas agad siya sa sasakyan at mabilis na humalik sa labi ko. Parang lumabas ang kaluluwa ko sa katawan sa ginawa niya. Mabuti na lang at wala ng masyadong tao sa paaralan.
"Ang bilis mo naman ah."
"Bakit may pupuntahan ka pa ba? I just arrived from the airport," with his widest smile.
"A, e, kasi..."
Napatingin ako kay Cristobal na ngayon ay natulalang nakatitig sa amin.
"Si Professor Cristobal. Sasama sana ako - "
"It's alright, Candy. Hindi naman importante. Bukas na lang," agad na talikod niya at pumasok na agad siya sa kotse niya. Ni hindi siya ngumiti kay Conrad.
"Is he the one that was courting you?" He wrinkled his forehead.
"Well, hindi ko naman siya gusto at alam niya iyon."
Binuksan na niya ang pinto ng kotse at pumasok na ako. Nilagay ko muna ang bulaklak na bigay niya sa likurang bahagi ng sasakyan. I was about to lock myself but he did it in my behalf.
"Mukhang susunduin 'ata kita araw-araw sa pasukan na," ngiti niya.
"Ano? Conrad, don't be so possessive bec-"
I was about to say more, but then again he sealed my lips with his kisses. Ang mainit na halik niya agad ang nagpatahimik sa akin at natunaw lang akong lalo sa kinauupuan ko.
.
.
C.M. LOUDEN
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro