Chapter 36. Propose
Hindi pa ba tayo babangon?" taas kilay ko sa kanya.
"Just a little more, babe," mas mahigpit na yakap niya.
I didn't know what time it is but the room was still dim. Hapon na siguro, o baka naman gabi na? Makailang ulit naming ginawa ito hanggang sa nakatulog kaming dalawa.
"Can I keep you?" mahinang bulong niya.
"Hmm? Until when?" pikit matang sagot ko.
"Until forever..." Dampi nang halik niya sa leeg na parte ko.
Were cradling cuddling in a spoon position. His entire body was leaning halfway behind me, and his legs were around me. Mabigat nga naman ang paa niya, pero hindi ako nagreklamo at hinayaan na siya.
"Huh, forever?" I smiled.
"Oo, hanggang wakas... Gusto kitang makasama habang buhay, hanggang wakas. Hanggang sa dulo ng walang hanggan."
"Ang korney..." Mahinang tawa ko, hanggang sa maramdaman ko ang pagbitiw niya at napabangon na siya.
Napakurap ako, baka kasi hindi niya nagustuhan ang sagot ko. So, I rolled over towards him. Gusto ko pa sanang hawakan ang kamay niya pero tumayo na siya, at binuksan ang side table drawer niya sa gilid.
Bumangon na ako at naupo nang bahagya sa gilid ng kama habang nakatitig sa orasan na nandito. Alas syete na pala, gabi na nga at kailangan ko ng umuwi. Hinahanap na siguro ako ng dalawang tigreng kapatid ko at si Mommy.
I tried to reach the bathrobe on the side, but he suddenly kneeled between my legs and kissed me again.
Dang, it!
Kailan ba matatapos 'to? I felt sore, but I couldn't stop him from kissing me. Until his kisses again went down to my throat.
"C-Conrad..." pikit-mata ko, at hawak na din sa mukha niya. Nagtitigan pa kaming dalawa.
"I have to go home. Hinahanap na nila ako ngayon. At umayos ka na. May meeting ka 'di ba? Alas utso? You thought, I didn't knew?" kunot-noo ko.
I accidentally read his messages in his inbox while I was taking care of him last night. He cancelled his flight and meeting in the Manila office and re-scheduled it for tonight at eight o'clock thru virtual type.
Inaabangan din kasi siya ng iilang investor sa Japan, kaya ito ang oras na napili niya.
"I will cancel it. I can do whatever I like because I am the boss," pilyong ngiti niya.
"No, you can't. Be a professional. Hindi ibig sabihin na ikaw ang may-ari ay magagawa mo na ang lahat?" pisil ko sa ilong niya.
He slid his hands around my naked waist and kissed me hard.
Okay, five more minutes! Isip ko.
Five minutes lang at tatapusin ko na 'to! Tumugon na ako sa halik niya at hinayaan na muna siya. Parang nagbibilang ako sa isip ko ngayon habang abala ang labi niya sa bahaging dibdib ko.
"Okay tapos na," pilyang ngiti ko.
Nag-angat agad siya nang tingin sa akin at napailing na. I smiled teasingly and brushed the strands of his hair nicely, using my bare hands.
"Sige na. . . May meeting ka pa," matinding titig ko sa kanya.
Ang akala ko tapos na siya, hindi pa pala dahil kasabay ng halik niya ay ang paghawak niya nang mahigpit sa kamay ko. Hanggang sa maramdaman ko na pinaglalaruan na niya ang daliri ko.
"Marry me, Candy...," pikit-mata niya at pinagdikit ang ilong namin dalawa. Nakaluhod pa din naman siya sa harapan ko at nakaupo pa ako sa gilid ng kama.
"I want to have you forever, love," halik niyang muli sa labi ko.
Kinabahan na ako. Hindi ko kasi inakala ito. Ang sa akin lang naman ay okay na ang sandaling ganito.
I have given myself to him, and that is all it matters. I thought I would need more time to prepare for the next stage. I don't need to.
Napalunok pa ako nang husto nang makita ang kinang ng engagement ring na nasuot na niya sa kamay ko.
My eyes twinkled a few times, and the ring is here in my fingers. Hindi nga naman panaginip ito, dahil totoo na.
I stared back at him and hewsa smiling, patiently waiting for my answer. Napaawang na ang labi ko at hindi ko mahanap ang tamang sagot sa sarili.
"C-Conrad..."
It was a long pause of silence... Until his smile faded away. Yumakap na siya sa akin at parang ayaw na niyang kumawala ako sa kanya.
"Did I scared you? I'm sorry... Hindi kasi ako makakapaghintay, Candy... Please don't turn me down, babe. Huwag mo akong ayawan. Just take your time," haplos niya sa mukha ko.
"Hindi kita minamadali sa sagot mo," pait na titig niya, at niyakap ko na siya.
What is wrong with me? Ba't ba nagdadalawang isip ako ngayon sa alok niya? The hell is wrong with me?
Kung ibang babae lang 'to ay tiyak naglulundag na sa tuwa. Pero ako? Heto nalilito at walang ibang masabi kung 'di yakap lang sa kanya.
I AM SITTING quietly in the corner while staring at him. He was in his meeting, wearing his executive suit, and sitting like a big boss on his swivel chair. Seryoso siyang nakaharap sa desktop niya at halos walang ngiti sa mukha.
His presence intensified, and I knew that I was smitten.
Tumagal din nang isang oras at kalahati ang meeting niya at panay na ang galaw ng ulo niya sa bawat balikat.
I gave him a drink before and then a cup of tea. Naubos na niya lahat at konti na lang din ay alam kong matatapos na siya.
When he finally flipped the laptop shut, I walked closer towards him.
Mariin niyang hinilamos ang palad sa mukha at bumuntonghininga pa.
"Have your rest, Conrad..." Masahi ko sa magkabilang balikat niya.
He groaned huskily and in an instant he scooped me. Napaupo na ako sa kandungan niya at napasandal na siya sa dibdib ko. Ramdam ko ang bigat ng hininga niya, at alam kong pagod na siya.
"Kumain na tayo. I cooked already."
Nagluto na ako kanina pa. Inisip ko kasi na imbes umuwi na ay sasamahan ko muna siya hanggang sa matapos ang meeting niya. Tumawag na din ako kina Mommy kanina. I have told her this time that I am with Conrad. Hindi ko na pwedeng sabihin na nakay Stephanie ako ngayon, dahil alam kong magkikita sila ni Kuya Miguel.
"I need to go to Japan, love..." mahinang tugon niya.
"The production is up to shit, and they need a damn good bashing."
Matigas ang pagkakasabi niya pero mahina lang ito, dahil nasa dibdib ko nakasandal ang mukha niya at nakapikit mata lang ito.
I gently caressed his nape, giving him a relaxing massage.
"Oh, I love that..." He deeply breathes.
"Pwede ba kitang isama sa Japan?"
"Hmm? Ewan ko, depende..." Ismid ko at nag-iisip sa sarili.
"I still have a few reports before I can take my holiday off from school."
Tumango na siya. "Okay, I will wait..."
"Ha? Sure ka? Tatlong araw pa?" sabay kurap ko habang tinitigan siya.
"That's fine. As long as you are with me," ngiti niya at dumampi ulit siya ng halik sa ilong ko.
Ako na mismo ang humalik sa labi niya ngayon at tumugon na siya sa halik ko. I just love this moment for us. Having him, holding him like this was like a dream for me. Ang tagal kong pinangarap ang ganito. Ang tagal kong pinangarap na ganito siya, at ngayon na ganito na ay parang hindi pa rin ako makapaniwala.
"Come on, let's eat..." Sabay hila ko sa kamay niya.
AFTER we had our meal, he dropped me home. Nagtagal pa siya sa bahay na kausap si Kuya Miguel. They were discussing the unit condominium makeover of Conrad place.
May iilang bagay pa na pinagawang desenyo si Conrad sa kanya. Narinig ko rin ang plano niya sa Isla na nabili na niya, at katabi lang ito sa Isla ni Norman.
I politely offered their drinks while they were busy talking. Nang mailapag ko ito at humakbang sa likurang bahagi niya ay agad lang niyang hinawakan ang kamay ko. Hindi nakita ni kuya ito, dahil nakatalikod siya sa amin. May kinuha kasi siya sa drawer ng mesa niya.
Humigpit ang hawak niya at mabilis na hinalikan ang kamay ko. Ngumiti na ako at mabilis din siyang bumitaw nang humarap si kuya. I walked casually away from them and he never took off his stare at me.
Napailing na ako. Ang baliw talaga ni Conrad ngayon.
"I saw that," si Elmo. Nanlaki pa tuloy ang mga mata ko.
"Kayo na ano? May nangyari na ano?" ngiti niya na parang aso!
"Ewan ko sa 'yo!" Irap ko, at mabilis akong nagtungo sa kusina at nakasunod lang din siya.
"Akala ko ba natulog ka na?" inis na tugon ko.
"Ate naglalaro lang ako ng ML, at ang aga pa."
Umikot na siya at sumandal na ang katawan sa gilid ng lababo. Nagtimpla na ako ng mainit na gatas para sa akin.
"Gusto mo ba ng gatas?" Malambing na tanong ko sa kanya.
He smiled and shook his head while staring at me.
"May nangyari na nga sa inyo."
Nahinto ako sa pagbuhos ng mainit na tubig sa tasa ko at lumampas pa ang tubig nito. I swore behind my mind in silent.
Dang it! Ano bang klaseng kapatid ito? Tumaas pa ang kilay ko habang tinitigan siya.
"Ikaw ha, matulog ka na!" I gritted.
"Ilang karats ba 'yang engagement mo?" Sabay hawak niya sa daliri ko.
Kumunot pa tuloy ang noo ko at hinayaan na siya. As if naman na may alam siya pagdating sa diamantes? Heck, lang talaga, Elmo!
"2.5 solid VSI. Mahal ka nga," lihim na ngiti niya, sabay bitaw sa kamay ko. At tumalikod na siyang iniwanan ako sa kusina.
Napaawang na ang labi ko. Ang weird talaga ng kapatid kong si Elmo.
How did he knows about this? E, mukhang online games lang naman ang pinagkakaabalahan niya. Ang baliw nga naman talaga!
.
.
C.M. LOUDEN
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro