Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31. Family


I lay my head down on the table after my classes. Kulang ako sa tulog dahil sa Island hopping namin kahapon ni Conrad sa Dream Island Amore de Pazzo. I never felt so much complete. Ang akala ko magiging boring lang na kasama siya, pero hindi naman pala. Norman was with us too and even Stella.

The Island is own by Owen Norman Mondragon. I know there's a story behind it but he's not ready to tell it to anyone. Tahimik din naman si Conrad pagdating sa bagay na ito, kaya ni-respeto ko iyon mula sa kanya.

The physical touch and holding hands with Conrad was easy. Parang naging parte na ito ng sistema ko at naging normal na para sa aming dalawa.

Nakatitig na ako ngayon sa bracelet na binigay niya. It's white gold with a moon and stars dangling. May letra din na pangalan ko at pangalan niya. I smile to the thought that our names initials combinations are really smooth. Candy&Conrad C.C...

Dang it! Baliw na 'ata ako ngayon!

Tahimik kong binuksan ang bag ko at nilabas ang baon. I know Mom packed some lunch for me and I know that its the same way again, peanut butter bread na naman ito! Pero kumunot ang noo ko nang makita na ibang kulay ang lunchbox ko ngayon.

Bago ba 'to?

Napaawang lang ang labi ko nang binuksan ito, at nakitang hindi si Mommy ang gumawa kung 'di si Conrad.

I smile while looking at the bento sushi he made. Kailan pa siya natuto ng ganito? Oh I almost forgot, he learned this all in Japan. May maliit pa na mensahi ito sa loob at nasa takip mismo.

.

Candy babe,

I hope you like this.

Watashi wa, anata o aishiteimasu...

Conrad

.

Dang it! Napa-research pa tuloy ako sa haba nito. E, I love you lang naman pala! Baliw talaga.

Tinitigan ko ito ng makailang ulit bago tinikman. In fairness, magaling siya gumawa at masarap din. Napaisip pa tuloy ako kung ano ang hindi nagagawa ng isang Conrad. I know that he won't be coming today because of an important matter. Hindi ko na siya tinanong kahapon, ayaw ko kasing panghimasukan ang personal na buhay niya.

I don't want to get attached too much to him. Para sa ganoon kung bibitawan ko na siya ay hindi ako masasaktan. I admit I'm not yet over, and everything is still part of my plan. But part of my conscience is guilty, and the other part is happy.

Nakangisi pa akong nakanguya sa pagkain na ginawa niya. Ang sarap lang din ng kain ko na parang baliw na nag-iisip sa kanya. Gusto ko na palagi na lang ganito, pero naiinis pa din ako sa kanya!

"Candy."

Nahinto ang mundo ko nang makita si Cristobal sa pinto. He stood up firmly while holding a bouquet of flowers on his hand. Maingat pa ang hakbang niya palapit sa akin at nakangiti lang din siya.

Heck! Di ba binasted ko na siya noong nakaraang Biyernes? Ano 'yon wala lang ba?

"C-Cristobal?" pekeng ngiti ko at tumayo na.

"Sorry, kumakain pa pala. Flowers for you..."

I smile nicely while accepting it from him. Mukhang maayos naman ang mukha niya at mukhang walang pinagdaanan ito.

"S-Salamat," ngiwi kong nakayuko.

"Naisip ko na hindi ako titigil, Candy."

Napanganga ako habang pinagmamasdan siya. Ang tigas din naman pala ng ulo niya! Akala ko malinaw na sa kanya na hindi ko siya gusto. E, mukhang mahihirapan na naman ako nito.

"I understand you, Candy. At hindi ako aalis sa tabi mo. S-Sige kumain ka na, aalis na ako."

Tumalikod na siya at napanganga lang akong lalo. Problema na naman 'to! Isip ko.


PADABOG kong nilapag sa mesa ni Grasya ang bulaklak ni bigay ni Cristobal.

"Oy, salamat ah. Hulaan ko 'to! Galing kay Cristobal ano?" tawa niya.

"Sa 'yo na at dalhin mo sa bahay mo! Nakakainis na!"

Mas natawa na siyang lalo at tumayo na sa tabi ko. Abala naman ako sa paghahanap ng folder na kailangan ko sa file drawer na nandito.

"I've heard what happened last Friday night. Chismis ng buong campus, alam mo ba?" panimula niya.

"Ha? Really?"

"Binasted mo lang naman si Cristobal at naghalikan pa kayo ni Conrad. Kayo na ano?"

Napatitig ako sa kanya at hindi masaya ang mukha niya.

I knew it. I knew her reaction will be like this. Hindi naman kasi maganda ang ginawa ko. May binasted akong tao tapos nakikipaghalikan ako pagkatapos sa iba!

"Hanggang saan ba ang plano mo, Candy? Kakayanin mo ba talaga? Paano 'yan?" nguso niya sa bahaging puso ko.

Maliban kasi kay Steph kay sinabi ko rin kay Grasya ang plano ko. Kahit papaano ay na-e-kwento ko sa kanya noon ang kagagahan ko noon kay Conrad, kaya naiintindihan niya ako.

"Ano ka ba hindi na ako ang dating ako, Grasya."

Umiwas na ako sa titig niya at nilapag sa mesa ang mga dokumento na nakuha ko.

"I have a bad feeling about this, Candy. Huwag mo na kasing ituloy. I can see that Conrad really likes you a lot. Hindi na biro, dahil nakikita ko sa mga mata niya noong unang araw pa lang niya rito. He always looked at you even from a far. At hindi mo lang napapansin."

Humakbang na ako palapit sa isa pang drawer at nakasunod lang din siya sa akin.

"Lahat kami napapansin ito, Candy, lalo na noong si Madam na ang nag-imbeta sa 'yong ekslusibo. Alam namin, Candy. Hindi kami tanga."

"Mga chismosa rin kayo ano?" Pamaywang kong humarap sa kanya.

"Oo, mga chismosang palaka kami!" ngiti niya.

"E, sa ka-gwapohan ba naman ni Conrad ay naging stalker kami ano!" ikot ng mga mata niya.

"Alam mo ba kung ano ang sabi ni Gina noong unang pumunta siya sa opisina ni Conrad?"

Nahinto na ako at tinitigan na siya. Naging interesado na tuloy ako ngayon. E, wala naman akong pakialam talaga!

"Panay 'Candy' ang bibig ni Conrad. Strikto nga raw sobra sa lahat ng detalye na gusto niya. Pero puro Candy naman ang labas ng bibig niya! In love sa 'yo 'te!" nguso niya.

I smirked and shook my head. Hindi lang ako makapaniwala.

"Kaya bago pa may masaktan ng tudo ay ayusin mo na ito. Mahirap na-"

"Grasya, awat na," pamaywang ko sa kanya.

Magsasalita pa sana ako nang may kumatok sa pinto. E, nakabukas naman ito. Sabay kaming napatingin ni Grasya dito, at ang matipunong anyo ni Conrad na nakangiti ang unang nakita ko.

"Conrad!"

"Hi, babe." Hakbang niya palapit sa akin at humalik din agad si pisngi ko.

"I'm fetching you. Family dinner." Hawak niya sa tagiliran ko.

"Oh? D-dinner?"

"Yes, but before that, let's go somewhere else first."

Napatingin siya sa bulaklak na nasa mesa ni Grasya, at sumenyas lang din nang kaway si Grasya sa kanya. He smiled at her and darted back his stare at me. Mabilis ko ng kinuha ang lahat ng gamit ko para makaalis na kami rito.

"Ako na," at siya na mismo ang kumuha sa iba pa.

"See you, tomorrow, Grasya," mahinang tugon ko.

When he open the car door for me my mouth came partly open again. Hindi lang kasi isang dosenang bulaklak kung 'di ewan ko na! Siya pa mismo ang naglagay ng seatbelt ko. Excited pa siya masyado. Halata kasi ito sa kilos at ngiti niya ngayon.

"What are you up to, Conrad?"

"Nothing, just happy," lawak na ngiti niya.

Halos patakbo pa siya nang umikot sa kotse at naupo sa pwesto niya. He then started the ignition but before the car moves he stare at me first. I look so confused at him. There is something that gives me the shiver. May tinatago siya at parang kinakabahan ako.

"W-What?" taas kilay kong nakangiti.

"I love you." Sabay kagat ng labi niya. At pinatakbo na ang kotse nito.

I smile and shook my head. Umiwas na ako nang titig sa kanya at napako na ang paningin ko sa kalsada. After fifteen minutes, ay nahinto kami sa isang pormal na Café Shop. Ang Blue Bells Café. Pumasok kami sa loob at nakangiti pa ang iilan na staff na sumalubong sa amin.

"Are we having our dinner here?" nalilitong tanong ko. Hinawakan lang niyang lalo ang kamay ko at ngumiti na.

"Hindi, basta. Come here," sabay hila niya.

Nang makarating kami sa harap ng isang pribang room ay inayos muna niya ang buhok ko. Napatitig pa tuloy akong lalo sa kanya. What the hell is he up to now?

"Conrad ano 'to?"

"Shh, madali lang 'to. Promise," haplos ng daliri niya sa labi ko.

Nagwala na tuloy ang loob ko ngayon. Dang it! Mababaliw na 'ata ako sa mga pinag-gagawa ni Conrad.

"Ready?" sabay bukas niya sa pinto.

Nang makita ko ang hitsura nang likod niya ay halos hindi ako makapaniwala. Si Professor Matias Del Mundo, ang nagsilbing pangalawang ama ko. Napako ako sa kinatatayuan ko at namuo na ang luha sa mga mata ko nang makita siya.

"C-candy, hija..."

"P-professor," higpit na yakap ko sa kanya.

Professor Matias Del Mundo, ang nag-iisang matalik na kaibigan ni daddy. When dad passed away he was the one who comforted us. Halos sampung taon din niya kaming inalagaan at tinulungan sa lahat ng bagay. He helped us financially with our studies. Unang natapos ni Kuya Miguel ng pag-aaral sa tulong niya.

"How are you, Professor? Na miss ko po kayo." Mahigpit pa na yakap ko sa kanya.

"Nag-asawa ka na ba? Ang Kuya mo?"

Natawa ako sa unang tanong niya at naupo na kami rito. Napatitig ako sa kanya ng mariin. Halos puti na ang lahat ng buhok niya, at medyo makapal na din ang salamin niya.

"Hindi pa po, at ganoon din si Kuya. Si Elmo naman ay g-graduate ngayong taon, Professor."

"That's good to hear, hija. Your dad must be very proud of you all, anak."

Ngumiti na ako at tahimik lang din si Conrad na nasa tabi ko. The waiter offered us a tea and coffee and I drink it.

"So, when are you going to settle, Conrad?" pormal na boses ni Professor sa kanya.

"Soon, Tito... soon," lawak na ngiti niya. Umigting ang tainga ko nang tinitigan siya na hindi makapaniwala.

"Are you both related?" Wala sa sariling tanong ko kay Conrad. Natawa nang bahagya si Professor at tumango lang din.

"Tito ko siya sa side ni Mama, Candy. Asawa ni Tita Emelda na kapatid ni Mama."

"R-Really?" Sabay lunok ko. Hindi ko kasi inaasahan ito.

Who could have thought that Professor Matias Del Mundo, ang matalik na kaibigan ni daddy ay tito ni Conrad?

Dang it! Ang liit nga naman ng mundo. Napakurap akong lalo at inubos na ang kape ko. Ramdam ko pa ang bawat haplos ni Conrad sa likod ko ngayon.

"And who could have thought that it was Candy Marie De Silva after all, Conrad?" mas pormal na tugon ni Professor sa kanya.

Ngumiti na si Conrad at napatitig na sa akin. Nawala ang ngiti sa labi ko, dahil magpahanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. I am just staring at Conrad quietly while he is smiling at me.

"Does it has something to do with that pink piggy, Conrad?" si Professor ulit.

"Si Candy ba iyon, hijo?"

Mas kumunot na ang noo kong tinitigan siya, at namula lang din ang mukha niyang nakangiti sa tito niya.

"Oh tito, please not here."

Professor Matias then shook his head and nodded. Natatawa siya pero nang tumitig ako sa kanya ay kinindatan niya lang ako. I plaster my fake smile. I don't know what else to say. Pakiramdam ko kasi mukhang naisahan na naman ako, at parang mali 'ata ito.

"Are you sure you're not going to join us later, Tito?" si Conrad.

"Oh, no thanks, hijo. I am in a hurry. Alam mo naman na naghihintay ang Tita Emelda mo sa Japan. I have a plane to catch before midnight."

"Babalik din po ba kayong Japan?" tanong ko sa kanya.

I know he's settled in Japan right after he retired. Simula noon ay nawalan na kami ng komunikasyon sa kanya dahil doon na sila namalagi ng asawa niya.

"Yes, hija. If it's not so important I would not meet, Conrad... Pero sinabi kasi niya na makikilala ko ngayon ang babaeng matagal na niyang pinangarap noon. Kaya hindi na ako nagdalawang isip, dahil naisip ko mukhang kilala ko naman 'to," ngiti niya.

Napalunok na ako at parang may bumara na sa lalamunan ko.

Why the heck everything got so twisted and complicated now? E, gusto ko lang naman na ma-in love si Conrad at nangyayari na nga. Pero bakit hindi pa rin ako masaya? Mukhang mahihirapan 'ata ako sa plano ko ngayon. Mukhang malaking gulo ito.

Paano na? Dang it! Bahala na nga.

.

.

C.M. LOUDEN


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro