Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28. Amore de Pazzo


Dream Island, Amore de Pazzo (Isla Panaginip baliw na pag-ibig)

.

Hanggang ngayon ay mulat pa ang mga mata kong nakatitig sa kisame ng kwarto. It's nearly twelve midnight and I can't sleep at all!

Then, let's make this official because I am sincere, Candy, at simula ngayon ay tayo na.

Paulit-ulit ito na parang sirang plaka sa utak ko.

My goodness me! Nabaliw na nga ako. Ang baliw ko na ngayon sa sarili ko. Epekto na ito ng gusto ko at nangyayari na. Pero bakit kinakabahan na akong masyado? Pakiramdam ko minsan sasabog na ang puso ko na parang ewan!

Mabilis ko lang na nilublob ang mukha sa unan at pinagsusuntok ko pa ang unan ko ngayon.

Walanghiya ka talaga Conrad! Hanggang ngayon ba naman dehado pa rin ako sa 'yo?

Dang it!

NAGISING ako na mabigat ang mga mata ko. I don't know if I had slept or none at all. Maingat pa ang hakbang ko pagbaba ng hagdanan patungong kusina. Si Mommy lang din ang naabutan ko rito na nagluluto pa at ang isang katulong namin.

"Do you want your coffee now?" Arteng tugon ni Mommy at nilapag ko na ang mukha ko sa mesa!

"Yes, please, Mom."

I felt so drained that I could not say my words correctly to her. She stood up after giving me the coffee.

"Conrad was here early, anak."

"Ho? Ha?"

Nag-angat agad ako nang tingin sa kanya. Mabilis ko pang tiningnan ang oras sa relo ko at alas otso pa naman ng umaga. Ang alam ko kasi alas nuebe pa ang usapan namin ngayon.

"Pero babalik din siya. Inihatid niya lang ito," sabay lapag ni Mommy ng mainit na sopas sa harap ko.

Linggo ngayon at walang trabaho. Biyernes ng malasing ako dahil sa event at party, at naging dahilan ng overnight stayed ko sa condo ni Conrad. He officially made me his girlfriend yesterday morning, and that left me in an awe the whole day yesterday!

Lutang ang utak ko kahapon buong araw at pati ba naman ngayon!

"Kainin mo na habang mainit pa. Ang bait talaga ni Conrad mo, hija. Siya raw nagluto niyan. Ang dami niyang niluto. Titikman ko rin," sabay talikod ni Mommy sa akin.

Ano? Conrad ko? Dang it! Kailan pa siya naging Conrad ko? Nabaliw na. Alam din ba nilang lahat na boyfriend ko na siya? E, wala akong maalala na nanligaw siya eh. Ang hanep ah!

"Mommy, he's not my Conrad," sabay kain ko sa sopas. In fairness masarap nga naman.

"Oh, really? He officially introduced himself to us after he dropped you home."

I lifted my chin way up high to my mom. Umakyat pa tuloy ang kaba sa puso ko sa mga sandaling ito. Ang lakas naman ng loob niya! At talagang sinabi niya kay mommy? Dang it!

"Ho? Ano ba kasing pinagsasabi niya?" taas kilay ko.

"Well, he said that he did not do anything towards you. And he said that you and him are officially in a relationship. So, mag jowa na kayo? Di ba?"

Bumuntonghininga na ako at parang nahihilo pa tuloy akong lalo. I just shook my head and did not listen to mom anymore. Pinalagpas ko na lang sa kabilang tainga ang mga sinabi pa niya. Inubos ko na ang kain ng sopas at pagkatapos ay naligo na ako para makapagpalit na.

I don't know where are we going today and I don't think we're going to church either. Kaya imbes na pormal na damit ay naka skinny tight jeans na ako at puting t-shirt lang din. Pinares ko pa ang nike air runner shoes ko. Tinali ang mahaba kong buhok na medyo basa pa, at naglagay ng konting make up sa mukha.

Exactly nine o'clock when I heard the doorbell. Dumungaw pa ako sa bintana at kitang-kita ko siya sa baba, sa labas ng gate namin. Nakaputing polo shirt siya at naka-jeans lang din. Terno 'ata kami ng kulay ng damit ngayon ah?

Ano 'to a couple of colors of the day? White? Dang, it!

Magpapalit na sana ako nang kumatok na si mommy sa pinto at pumasok na. Kaya hindi na ako nagpalit at kinuha ko na ang maliit na MK bagpack ko. Ang cute pa nito. Cellphone, sunscreen, skyflakes, candies at gummy bears candy lang din ang laman nito.

"Ang tagal mo, hija. Nasa baba na si Conrad."

"Oo na, lalabas na."

Patakbo pa tuloy akong bumaba ng hagdanan. Naisip ko kasi na baka ma-late na kami sa pupuntahan namin na hindi ko naman alam kung saan.

"Hi," sabay kaway kong nakatayo sa harap niya.

In the back of my mind, okay, here we are, Candy! Let's get this bloody handsome prince to fall in love with me!

"Mag-ingat kayo," si mommy.

"Bye, mom. What time are you going to drop me home?" Tingin ko kay Conrad na ngayon ay nasa likod ko na.

"I'll drop her home before eight tonight, Tita," sagot niyang humarap sa ina ko.

"Don't worry. Just have fun!"

"And don't forget to use protection, ate!" pasigaw ni Elmo na ngayon ay kalalabas lang 'ata ng kwarto niya.

Nanlaki na ang mga mata ko at pinandilatan ko na siya. Ang lakas pa ng tawa niya. I balled my hand fist and showed it to up at him. Mamaya ka lang pagkauwi ko! Senyas ko.

Namula na 'ata ang mukha ko nang makapasok sa kotse niya. We were quiet again and he's too serious driving the car. Gumamit pa siya ng gps tracker dito at pinindot lang ito.

"Saan ba kasi tayo?"

"Sa Isla ni Norman. I am not familiar about the road driving going there. Noong huli kasi na pumunta ako, ginamit ko ang helicopter ko."

Ngumiwi na ako at pinaikot ko pa ang mga mata ko. Ang hangin talaga ni Conrad! Ganito nga 'ata talaga siya kahit noon pa. Hindi ko lang 'ata napansin dahil sa sobrang patay na patay ako sa kanya. Pero ngayon naisip ko na ang maraming bagay sa kanya, at talagang ganito na talaga siya.

He can easily show of to everyone and he does not care if he loose his bmw, ferrari, or a vintage car collection for a bet. Wala siyang pakialam! E, baka nga sa susunod ako pa ang epupusta niya! Hello? Sisiguraduhin ko na kung darating man iyon ay wala na kami at iiyak na siya ng tudo sa harap ko!

"Saan ba kasi?" inis na tanong ko.

"The Dream Island, Amore de Pazzo."

"Ha? A-ano? Amore Pazzo? That's crazy love," ngiti ko.

"Yes, haven't you heard about that Island? Hindi naman ito malayo rito."

Natawa na ako. Ewan ko lang kung paano kami makakarating doon, E, hindi naman lilipad ang sasakyan niya para tawirin ang Isla sa gitna ng dagat.

"Conrad, how can we get there? Wala namang pakpak ang sasakyan mo? I know that Island. I've heard about it from my colleagues."

"Sasakay tayo sa jet na yate ni Norman. Naghihintay lang siya malapit dito."

"Ah, okay..." Natahimik na ako at hinayaan na siya.

After twenty minutes of driving we have reached the private resort. Bumukas ang malaking gate at ipinasok niya ang kotse rito hanggang sa likurang bahaging dulo. And then I saw the beautiful shimmering ocean. Ngumiti na ako at ibinaba ang bintana ng kotse.

He tooted ahead, trying to get the attention of someone inside the yacht. He pulled over the side and put his window side down. He waved to someone, and then the signals came in.

Maingat niyang ipinasok ang sasakyan sa basement ng yate. It's not a yacht anymore but a small ferry. Kasya kasi ang apat o lima pang sasakyan dito.

"Norman, man!" Shake hands nilang dalawa.

Ngumiti lang akong pinagmamasdan sila. Normal is taller than Conrad. He's body build is indeed more bolder that his doing more workouts. His sun tan skin is a show-of too. Mukhang naging magkaparehong kulay na nga sila ngayon ni Conrad, dahil din siguro madalas si Conrad sa kanya rito.

"By the way, this is my girl, Candy. . . and this is my dark and mysterious cousin, Owen Norman Mondragon, " hawak ni Conrad sa baywang ko.

"Hi, Norman. Nice to meet you," lahad nang kamay ko sa kanya.

He looked at me with his beautiful broad smile. Mariin niyang tinangap ang kamay ko at tipid na ngumiti. Kakaiba siya sa mga lalaki na nakilala ko. He's somehow dark and mysterious. Ang mga mata niya ay kakaiba na parang walang buhay ito. It's cold, lonely and broken... Napalunok na ako sabay bawi ng kamay ko sa kanya.

"I am confident of Candy, bro. Kaya dinala ko siya rito. Alam kung hindi ka interesado sa babaeng katulad niya," pabirong tawa ni Conrad, kaya siniko ko na ang tagiliran niya.

"Ouch!"

"That's serves you," kantyaw ni Norman sa kanya at tumalikod na ito.

Umakyat kami sa itaas ng barko at narito ang dalawang captain na naka-uniporme pa. Ngumiti ako sa kanila at ganoon din sila sa akin. I looked at the deep dark blue sea and the other Island ahead. Siguro mga tatlumpung minuto pa bago namin marating ito.

Malakas ang hangin at gininaw na ako. Hindi ko naman kasi alam na sa 'Isla Panaginip baliw na pag-ibig' kami papunta. It's the Dream Island, Amore Pazzaro, o mas kilala sa tawag na Isla Panaginip Baliw na Pag-ibig. Napailing na ako habang iniisip ang pangalan ng Isla na ito.

Sino ba kasi ang may-ari nito at baliw na pag-ibig talaga? Ano 'to panaginip lang na pagmamahal at naging baliw na? Kaloka!

"Here, babe," si Conrad. Ipinasuot na niya sa akin ang tuxedo. Hindi ko tuloy alam kong sinong may-ari nito, baka kay Norman ito.

"Kanino ba 'to? Baka kay Norman 'to ah. Nakakahiya naman."

"No, it's mine. I have my stuff under the cabin."

Pinaharap na niya ako sa kanya at siya na mismo ang nagbatones nito sa katawan ko. Tinitigan ko pa siya ng husto. Ang bawat dampi ng hangin sa buhok niya ay mas lalong nagbibigay kagwapuhan sa hitsura niya.

Dang it! Nabaliw ka na naman, Candy!

"Ako na," sabay talikod ko sa kanya. Nailang na kasi ako na parang uminit na ang mukha ko.

Ang akala ko tapos na. Pero mariin lang siyang yumakap sa likurang bahagi ko at nilagay ang ang baba niya sa balikat ko.

"I love the ocean... It reminds me a lot of you," sa mas matinding yakap niya. Napapikitmata na ako at napalunok na din. Dang it! Ayusin mo 'to Candy! Isip ko.

"R-really? How the heck did the ocean reminds me of you, Conrad?"

He chuckled on my shoulder.

"Akin na lang iyon, t'ska ko na sabihin sa'yo paghanda ka na. Galit ka pa rin eh, alam ko."

Napansin agad niya na hindi ako komportable sa pagyakap niya. Kaya bumitaw na siya at tumabi na sa akin ngayon. Pareho naming tinitigan ang papalapit na Isla. We both smile too when we saw a few flying little fish around the side of the boat. Trying to swim and jump onto the same speed the boat runs.

"Ang cute nila," turo ko.

He nodded, and I leaned closer beside him. Then I tuck my right arm around his left arm. He even held my hand close and peered at the back of it. I chuckled at the thought that Conrad was honestly sweet. I shook my head while smiling.

Ang baliw nga naman niya. Simula na ito ng kabaliwan niya sa akin ngayon. Humanda ka pa Conrad, dahil marami pa.

.

.

C.M. LOUDEN

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro