Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27. Official


Hindi ko tuloy alam kong aling bahagi ba ng katawan ko ang tatakpan ko. Ang mukha ko? Ang harap? Ang baba? Dang it!

"What are you doing here in my room? Umalis ka nga!" Sabay sipa ko sa katawan niya at gumulong siya sa kama at nahulog pa! Pakialam ko!

Tinitigan ko ang kabuuan ng katawan ko. I am wearing a nothing else but my undies and the heck, a loosen white top! At wala pa akong bra! Dios mio por pabor! Ang walanghiya talaga!

"Anong ginawa mo sa akin, Conrad!" Sabay padyak ng mga paa ko sa kama.

Para akong bata na nagwawala at mas ginulo ko na ang buhok ko. Rinig ko lang ang bahagyang tawa niya at tumayo na siya.

He's wearing nothing except for his boxer short! Ang ganda pa ng katawan niya 'te! Pero hindi ko ma-imagine ang nangyari at lutang pa ang isip ko. Parang may kung anong sakit pa ang gumuhit sa ulo ko, at agad na napahawak ako rito.

"Aray!"

Hangover headache! Ramdam ko pa ang pagpatong niya sa kama at paglapit niya sa akin.

"Are you okay? May masakit ba?" sabay hawak niya sa ulo ko.

"Shit you! Ano ba!" Tulak ko sa katawan niya palayo at tadyak na din. Bahagya siyang nahulog ulit sa kama at tumayo lang din. Pilyo ang ngiti sa akin.

Tumayo na ako sa kabilang bahagi ng kama at tinitigan ko siyang naiinis sabay hawak sa ulo ko. Ang sakit kasi!

Nawalan ang ngiti sa mukha niya at napalitan ng purong pag-alala ito. Namaywang pa siya. Hanggang sa nilingon ko na ang buong paligid at nanlamig lang ako.

This is not my room! Not at all! Hindi ko 'to kwarto ito at mas lalong hindi ko bahay ito!

"Where am I, Conrad? What did you do to me? My God! Conrad!!" pasigaw ko na wala sa sarili.

He just smile and shook his head. Yumuko pa siya at napailing pa at t'ska nag-angat ulit nang tingin sa akin.

"You are in my bedroom, and yes, this is my condo."

My mouth came party open while staring at him. I step backwards and looked around, trying to find my clothes. At nakita ko naman ito sa bandang gilid na nakatupi ng maayos. Humakbang ako palapit dito at agad na hinablot ito. Hindi ko pa tuloy alam kung aling pinto ang bubuksan ko dahil sa tatlong makatabing pareho ang kulay nito. Kaya nakatulala akong harap ito.

"It's the one on your right side. That's the toilet and bath," pormal na tugon niya.

Hindi ko siya nilingon at agad na pumasok dito. Ni lock ko agad ang pinto at pinaandar ang shower. Nauna pa akong naghilamos sa sarili. Pakiramdam ko kasi nananaginip lang ako. Pero hindi, dahil makailang ulit ko nang kinusot-kusot ang mga mata ko ay ganoon pa din! Nandito pa rin ako sa banyo niya! Dang it! Ang pesti talaga!

"What the hell is happening here, Candy! Mag-isip ka nga!" Salita kong mag-isa habang nakaharap sa malaking salamin na nandito.

Namataan ko pa ang maliit na puting basahan at planganita rito. May katabi itong ointment, vicks, at iilang gamot. Napansin ko rin ang pantali ng buhok ko at ang iilan na hairpins. Nang nilingon ko ang damit na kinuha ko kanina, ay ang night gown dress ito!

Damn it! Ano 'to magdadamit ako ng ganito sa ganito ka aga? Ang gaga ko talaga! Wala man lang akong ibang damit dito. Hindi ko naman pwedeng suotin ang gown, dahil para akong sira! Ang bobo ko lang din ano?!

Until I looked at myself for the final time, I couldn't wear the same top either and undies. Ang baho ko na! Amoy hangover at pinaghalong vicks ang amoy ko. Nakakahiya!

Halos mapunit ko na ang balat ko sa kakasabon at ang buhok ko sa pag-shampoo. Hanggang sa naalala ko na ang buong pangyayari kagabi.

Yeah, I drink a few, I rejected Cristobal while kissing Conrad in the area! Huh, ang bonga 'te! Ang bonga ng katangahan ko kagabi! E, sa ginusto ko naman 'to 'di ba? I have to make him fall for me. E, paano pag nahulog na naman ako? Ako pa rin ang dehado ganoon? Heck ang bobo! Pero bahala na!

Nang matapos ako ay ang puting tuwalya lang din ang binalot ko sa katawan ko ngayon. Dahan-dahan ko pang binuksan ang pinto at sinigurado na wala na siya sa kwarto. Wala na nga naman siya, kaya humakbang na ako palabas dito.

Candy babe,

Wear this and don't worry. Walang nangyari sa atin kagabi. Inalagaan lang kita. Mataas kasi ang lagnat mo.

Conrad

Napaupo ako sa gilid ng kama nang mabasa ito. May damit, summer dress at may bra at panty pa.

Heck! Tsine'k ko pa ang size ng bra at ang panty. Mabuti naman at alam niya ang sukat ko. Sinuot ko na ito at mabilis na inayos ang sarili. Napansin ko rin ang purse ko sa gilid at kinuha ito para sa cellphone ko.

I have no messages. What do I expect? I am expecting that at least Mom and my brothers will constantly message me or called me. Pero wala man lang mensahi ni tawag na mula sa kanila! Nakaloloka! Hindi naman sira 'tong cellphone ko ano? At ang lakas naman ng signal dito. Impossible naman.

Nang makalabas ako sa kwarto ay ang maliit na hallway lang din ang binagtas ko, at diretsong kusina at sala na ito. Ang liwanag pa nang buong paligid dahil sa sikat ng araw mula sa glass na dingding ng condo unit niya. Hanggang sa nakita ko na siyang inilapag sa mesa ang niluto niya.

"Hi, come here. Kain ka na, mainit pa 'to," hakbang niya palapit sa akin at naging statwa na ako.

I swallowed hard while looking at him walking towards me with his beautiful smile. Hindi ko tuloy maalis ang titig ko sa kanya na parang nanaginip pa din ako ngayon. Umangat ang kamay niya at pinakiramdaman ang init sa noo ko. Tulala pa akong nakanganga habang nakatitig sa kanya. He just smiled for christ sake!

"You're better... And your hair is beautiful," haplos niya sa basang buhok ko habang nakatitig naman siya sa akin ng husto.

I swallowed hard and face palm! Yumuko na ako at hinilamos ang dalawang palad sa mukha ko. Humakbang na din ako palapit sa mesa at naupo na dito.

Dang it! I should plaster my best acting skills. Pero kasi Filipino teacher ako, at hindi classical acting stage teacher! Walanghiya talaga 'tong puso ko! Bwesit ka talaga, Conrad! Kahit kailan bwesit ka! Mura ng isip ko.

I eat quietly without looking at him. Bahala siya sa buhay niya! Ang dami ko nang nagawang mali simula kagabi. Parte pa ba 'to ng pagpapangap ko? Siguro, ewan ko!

He then cleared his throat before talking.

"I, uhm, I'll drop you hope after. Wala ka na bang gustong gawin?"

Tinitigan ko lang ang kabuuan ng condo unit niya. Hindi ko nga alam kung saang lupalup ito ng mundo! Pero alam kong malapit lang siguro ito sa venue ng party nila kuya kagabi.

"Wala na. Mas mabuting umuwi na ako baka nag-aalala na sila," tipid na tugon ko.

"Mag-isa ka lang ba rito?" sabay tingin ko sa terrariums niya na nandito.

"Yes, I'm on my own. Kay Norman ito, pero hindi na niya ginamit dahil sa kabilang Isla na siya namalagi. I bought it from him. Kaya wala pang masyadong gamit. Wala pa akong panahon at abala ang sariling Architect ko, nasa Macau pa."

Tumango-tango na ako habang pinagmamasdana ang lahat dito.

"You can hire, Kuya Miguel. He's good," sabay subo ko.

Hmm, recommending my brother!

"Yes, we talked about it last night. He will have a look this week."

Natahimik ako nang maalala ang nangyari kagabi. Ang halikan at ang iba pang bagay. Parang nanliiit agad ako sa harap niya at hindi na ako makatitig sa kanya ng husto. Makailang ulit pa ang pagtikhim niya. Pero hindi ko pinansin ito.

"Ahm, about last night," panimula niya.

"Oh, yes? About last night? Wala namang nangyari 'di ba?" pekeng ngiti ko. Inunahan ko na siya. Mahirap na!

"We've kissed, Candy," he said while staring at me intensely.

I swallowed hard. Natahimik akong nakatulalang nakatitig sa kanya. Hindi ko na tuloy alam ang susunod na sasabihin pa.

"A-A-And?" Utal na tugon ko.

His brow lifted and his waiting for the right word that I have to say. Pero wala, dahil nakanganga ako ngayon sa kanya, at hindi ko alam ang tamang sasabihin ko. I did that kissed out of revenge and curiosity, and obviously for a plan too. Hindi ko naman inakala na ganito pala ang epekto nito sa akin ngayon.

Umaliwalas na ang mukha niya at tumayo na. Umikot na siya, at nasa likurang bahagi ko ngayon. He rested his chin down on my shoulder and silently whispered. . .

"Then, let's make this official, because I am sincere, Candy. At simula ngayon ay tayo na," sa maingat na dampi na halik niya sa pisngi ko.

.

.

C.M. LOUDEN

P.S. Ano raw? sila na raw? hahaha



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro