Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25. Sweet Pretend


Pretend, pretend, let's pretend, Candy. Kaya ko 'to!

I smile sweetly while walking towards them, walking towards him. Sa mga mata pa niya napatitig ako ng husto. Steph then grabs Kuya Miguel's hand and diverted his attention to her.

"Come on, Miguel. Let's leave them alone."

Tumikhim si kuya at napako ang tingin kay Conrad, na ngayon ay ngumiti lang din sa kanya.

"Take care of her," matigas na tugon ni kuya sa kanya.

He just nodded to Kuya Miguel and there was no smile at his stare. Nag-flying kiss pa ako kay kuya habang papalayo sila ni Steph sa amin. Mariin pa akong humawak sa braso ni Conrad habang tinitigan ang paglayo nila kuya.

"Do you want to dance?" malambing na tanong niya.

"Sige ba."

Bumitaw ako at hinawakan na niya ang kamay ko. I smile with all of my heart. I should enjoy the night anyway. The party just started, and it's way different from the latest event at the school.

Everyone dances in sweet music and he slowly slid his hands around my waist. Yumakap na ako sa leeg niya at nakangiting tinitigan siya. Tumangkad ako nang konti dahil sa suot kong heels. Kaya madalas nagtatagpo ang mga mata namin sa isa't-isa.

"This is a surprise. There's no restraint from you?" pagtataka niya.

"Magtiis ka na. Nakainon na ako. I am like this if I drink a few."

Sumandal na ako sa dibdib niya at pinikit ko na ang mga mata ko. After that, I am nearly losing my mind. Three cocktails at the school event and another four cocktails here. Lasing na ako, pero hindi pa naman tudo, pero lasing pa din!

"So, lalasingin kita araw-araw para ganito ka makitungo sa akin?" pabirong tugon niya.

I chuckled at his chest. "Asa ka pa! Kaya huwag ka ng umasa."

Lumabas din sa bibig ko ang totoong damdamin ko. Kahit pa siguro malasing ako ng tudo ay ang inis at galit pa din ang nanaig sa loob ng damdamin ko.

Bumuntonghininga siya at ramdam ko ang haplos niya sa hubad na likod ko. Ang init pa ng palad niya at ramdam na ramdam ko ito. Gumagapang kasi ang init nito sa loob ko.

I groaned, and I held him tightly. Mukhang napagod din ako.

"Do you want to go home? Pagod ka na ano?"

Umiling-iling na ako habang nakasandal sa dibdib niya.

"Let's dance more... Oh, hang-on, toilet muna ako," sabay bitaw ko.

Pero imbes na maglakad mag-isa patungo sa pambabaeng toilet ay sinamahan na niya ako ngayon.

"See? Lasing ka na nga."

I walk in sideways, but I can still handle it.

"Hindi pa, ano! Teka lang, hawakan mo muna 'to," bigay ko sa kanya ng maliit na purse ko.

I looked at the time while I was inside the toilet, and it was ten thirty already. Ang bilis ng oras. Kasing bilis ito ng ininom ko. Ang daling maubos at mas gusto ko pa.

Nang matapos sa banyo ay lumabas na ako at hindi ko naman siya mahagilap ng mga mata ko.

Heck! Nawala si Conrad? Sabay tingin ko sa buong paligid sa hallway. Hanggang sa ang nakangiting mukha ni Cristobal ang nakita ko. He's just in front of me, smiling widely.

"Cristobal!"

"Candy..." hiyang tugon niya.

"I haven't seen you before. I've heard that you're here. Indeed you are here in front of me," sa lakas na tawa ko.

"Oo, kanina pa ako nandito at pinagmamasdan ka," sabay tingin niya sa kabuuan ko.

"Ibang klase ka talaga ano? Ang dami mong koneksyon sa mundo?" sarkastikong tugon ko. Ang daldal na tuloy ng bibig ko sa kanya. Nagpapahiwatig na lasing na nga ako talaga.

"Did you like the flowers that I sent you?"

"Oh, the flowers? Salamat nga pala."

I was about to say more but I couldn't say it anymore. Gusto kong sabihin sa kanya sana na huwag nang magpadala ulit ng bulaklak pero nagdadalawang isip ko. Cristobal looks so fragile. Parang mababasag siya ng husto kung iba-basted ko siya ngayon. Kaya makikisama na lang muna ako ngayon sa kanya.

Natahimik na siya at nakatitig lang din sa akin. At least he's not staring at my cleavage. Kakaiba nga naman siya sa mga lalaki kanina na panay titig sa dibdib ko. I looked around again, trying to find Conrad in the area.

"Si- si, Conrad ba hinahanap mo?"

"Ha? Ah, e, oo. Nasa kanya kasi ang purse ko."

"Nasa gilid kausap ni Laura."

Laura? Who's Laura? Isa na naman ba sa mga babae niya?

Dang it! Hanggang dito ba naman Conrad! Tsk, ibang klase talaga.

"Where?"

My brow lifted while searching the whole area. Hindi ko pa tuloy nakikita ng husto ang nasa malayo, dahil medyo iba na ang paningin ko. Humakbang na ako at humakbang na din siya sa tabi ko.

"Nakita mo ba ang kuya ko, Cristobal?"

"Umalis na kasama si Steph."

"Ha? Talaga?"

Kinapa ko ang gilid ko. Wala nga naman akong cellphone dahil nasa loob ito ng purse na bitbit ni Conrad.

"Okay, hanapin ko lang si Conrad."

Hahakbang na sana ako nang humarang si Cristobal dito. Kaya nahinto na ako at napatitig sa kanya nang husto.

What is he up to now? He even stared at me seriously. Kinilabutan pa ako sa uri ng titig niya ngayon. Tinitigan ko ang kabuuan niya. He's indeed formal. Hindi ko ito agad napansin, ngayon lang. At kahit pa ang buhok niya ay bagong gupit na din. His facial feature becomes more stronger towards me. Mas kinikilabutan ako.

"Candy... I know where I stand here tonight. Sana huwag mo akong iwasan."

"Ha?" sabay kurap ko. Puro 'ha' na lang 'ata ang salitang lumalabas sa bibig ko pagdating sa kanya.

"'Oh, no, Cristobal. I'm not gonna do that... honestly--" Pamaywang ko at titig na titig na ako sa kanya.

I think I should tell him before things gets more complicated. Ayaw ko kasi na paasahin siya.

"Honestly, Cristobal. I don't want to give you high hopes. Look, I'm sorry, but please stop courting me. Can you?"

He blinks out of surprise while his mouth got partly open. Makailang beses pa ang paglunok niya at saka nakuha ang sinabi ko. Malakas ang loob ko ngayon dahil nakainom na ako. Kaya parang nawala ang hiya sa loob ko ng sabihin ko ito sa kanya.

"P-Pero, C-Ca-Candy..." nauutal na tugon niya.

"Cristobal, I'm sorry, but I don't like you... I mean, mabait ka naman, matalino. Pero, pero--"

"Pero hindi mo ako gusto?" nababasag na boses niya.

"Bakit? May boyfriend ka na ba?" pagpapatuloy niya. Namuo na tuloy ang luha sa gilid ng mga mata niya.

Good God! Lubusin ko na 'to kaysa mabaliw ako ng kakaiwas sa kanya. Kaya mahina akong tumango.

"I'm sorry..."

"Who's the lucky guy?"

"Ha?" sabay kurap ko sa kanya.

Dang it! Sino ba? Kailan kong mag-isip, utak naman oh gumana ka! Until I've seen Conrad behind him and I've swallowed hard.

"Si Conrad..."

Mahinang tugon ko, at alam kung narinig ni Conrad ito. Nahinto muna siya at nakatitig sa aming dalawa ngayon. I only did this to pretend. Gusto ko kasi na iwasan na ako ni Cristobal at ayaw ko na siyang umasa pa.

"Conrad... si Conrad pa din talaga kahit noon ano? Kahit pa noong mga high school pa tayo, siya pa rin ba? Kahit pa ilang beses kang nasaktan noon? Siya pa rin ba?" sabay patak ng luha niya.

When I heard him talking I left with so much astonishment.

Did he just said when we were at high school? Dang it! Was he my schoolmate? Kaklase ko ba siya? Ba't hindi ko alam? At ba't wala akong maalala sa kanya? Ni hindi siya lumitaw sa bahagi ng alaala ko noon? The heck!

"C-Cristobal..."

"He will just hurt you, Candy. Hindi ka niya mahal gaya ng pagmamahal ko sa 'yo!" sabay pahid sa luha niya.

Dang it! Pinaikot ko na ang mga mata ko. Alam ko 'yon okay, at hindi ako tanga! Kaya nga paglalaruan ko siya ngayon para makabawi naman ako sa walanghiyang Conrad na 'to!

Parang nadurog ang puso ko nang tinitigan siya. I don't know what else to say to him. I am standing in front of him watching him silently crying. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Ang mga panahon na nasaktan ako ng paulit-ulit kay Conrad.

Umisang hakbang ako para sana lapitan siya, pero umatras na siya at tumalikod na din. Hindi na niya ako nilingon at nakayukong naglakad palayo sa akin.

Then I saw Conrad, he's just behind. May dalawang babae pa ang nasa tabi niya. Napatingin ako sa paligid at kitang-kita ko ang ibang lalaki na nasa gilid. They're all staring at me, like I'm a heartless bitch!

Huh, great! Ang ganda ng eksenang nakita nila ano!

Inis at galit akong humakbang patungo kay Conrad at kinuha na ang purse ko sa kanya, at tinalikuran din agad siya.

"Candy!"

Everyone looked at him while I am walking away. Alam kong nakasunod si Conrad sa akin ngayon. Ilang beses na niya akong tinawag pero hindi ko siya nilingon. Hindi pa nga ako nagsisimula sa plano ko, pero mukhang bastado na ako sa sarili. I haven't even started yet, and here I am now wanted to give up.

I hate myself for hurting someone so innocent like Cristobal. Pero hindi ko naman siya gusto! Ganito rin siguro si Conrad noon sa akin. Nasusuka at naasiwa siguro siya sa akin ng husto!

Mas binilisan ko na ang hakbang ko, at kulang na lang ay tumakbo. Hanggang sa makalabas na ako sa building ng venue.

"Candy! Wait!" Hawak niya sa braso ko.

"Let go, Conrad!"

"No, please." Matinding yakap niya sa likod.

I shut my eyes while looking at the dark sky. Should I be feeling better? No, hindi! Dahil galit pa din ako sa kanya at gusto kong makabawi man lang sa lahat ng sakit na ginawa niya. Until I feel his hugged tightened.

"I'm sorry," he silently whispered in my ears.

I smirked and tried to get away from him. Pinilit kong tangalin ang kamay niyang nakayakap nang mahigpit sa katawan ko. Pero hindi ko kaya. Nanghina lang ang buong sistema ko.

The strap of my sexy seductive night gown even fell. Bahagyang nakababa ang nasa balikat ko, na kung nasaan ang mukha niya. Ramdam ko na tuloy ang init ng hininga niya sa parteng ito, at ang ang labi niyang nasa balikat ko ngayon.

"Conrad! Ano ba!"

"I'm sorry, babe... I have waited for you that night, pero--"

Hindi siya nakapagsalita ng tapos nang hinaplos ko ang mukha niya. Humarap na ako sa kanya at nagtitigan na kaming dalawa.

I hate to admit it, even though I felt this strange feelings again my heart is still bleeding. Kaya imbes na magsalita siya ay pumalupot na ako sa leeg niya.

It's now or never, Candy. Just do it! Isip ko.

Ako na ang humalik. Oo ako na! I initiate because I want my revenge. I started the kiss because I wanted peace of mind. I want him to fall for me so damn hard so that I can be happy.

Pero nang maramdaman ko ang gapang nang init na halik niya sa labi ko ay parang natusok lang ang puso ko at napaso lang ito. We kissed it's tender wild and exquisite!

.Parang ganito ata ang halik namin noon... noong prom date na iyon!

.

.

C.M. LOUDEN


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro