Chapter 23. Candidate
Tahimik siyang nagmaneho at tahimik din ako. Napasandal ako sa upuan at pinikit muna ang mga mata ko. Pinakiramdaman ang takbo ng sasakyan, hanggang sa pinindot na niya ang musika rito.
"Are you okay?" he asks huskily.
"Yeah, I'm good, thanks," I answer with my eyes shut.
Pakiramdam ko naubos lahat ang enerhiya ko sa katawan. Kaya mas minabuti ko ng ipikit ang mga mata ko ngayon.
"Do you still want to go to the party? I don't mind if you don't feel like going to. Mas gustohin kong magpahinga ka kaysa sa ma-stress kang lalo," pag-aalalang boses niya.
Napangiti na ako na nakapikit-mata pa rin. Hearing his voice while my eyes are shut really soothes me. Mas maganda 'ata na pakingan ang boses niya na hindi ko nakikita ang mukha niya, dahil nagpapagaan ito sa loob ng damdamin ko.
"No, I'll be fine... It will be rude for us not to show up to them, Conrad," tipid na tugon ko.
"Okay. Pero hindi tayo magtatagal," lambing na boses niya. At kasabay nito ay ang paghaplos niya sa kaliwang tuhod ko.
Parang gumapang ang init sa loob ko nang maramdaman ang palad niya sa bandang hita pababa. It was only a pat on my knee that I did not expect for him. Nakapikit din ang mga mata ko at hindi ko ito nakita. Pero kakaiba ang gapang ng init na iyon, dahil nagpapaalala ito sa akin sa lumang damdamin ko sa kanya. . . ang damdamin na gusto ko siya.
I open my eyes because I needed too, dahil kung hindi ay baka lalambot lang ang puso ko sa kanya. Mas mabuti nga na makita ko ang pagmumukha niya para ipapaalala ko sa puso ko ang pinaggagawa niya sa akin noon! I look at him and smile. Well, he did the same way.
Nang makarating kami sa venue ay sinalubong kami ng staff at iginiya sa upuan namin. Everyone that's here are the owners of the other schools and universities with their respective representatives and other important people, and some are even in politics. Naging politikal na tuloy ang pamamalakad dito, dahil ganito naman talaga.
"Conrad Mondragon?"
"Lorenzo Ferrero, man! How are you, bud?" Handshake nilang dalawa.
"Yes, I'm good, thanks," ngiti niya kay Conrad pero sa akin napako ang mga mata niya.
"Ahm, this is Candy De Silva, one of the school teachers in Mama's legacy."
"Hi," lahad kamay ko at tinangap naman niya.
"Akala ko asawa mo na, hindi pa pala," iling niya.
Natahimik na si Conrad at napailing na din.
"I did not expect you to be here, man. I thought you were busy in Italy?" si Conrad.
"I am busy, busy chasing someone that's why I am here," bahagyang tawa ni Lorenzo.
"So ano babae?" kantyaw ni Conrad sa kanya.
"Alangan naman lalaki?"
Nagtawanan ang dalawa at nakitawa na rin ako. Kahit pa wala akong naiintindihan sa kanila ay nakikingiti na ako na parang sira rito. Until they've talk on a few things and I didn't listen.
I diverted my attention to the people around the area. Hanggang sa napaku na ang paningin ko sa buffet of drinks and finger foods. Sumenyas lang ako kay Conrad at tumango na siya, kaya humakbang na ako palapit sa buffet.
Kumuha lang ako ng ladies cocktail na para sa akin at white wine para kay Conrad. Pero bago iyon ay tinikman ko muna ang iilang putahe na nandito sa mesa. May ibang tao rin naman ang nakatayo lang din sa gilid at kumakain habang nag-chikahan.
Honestly, I am getting bored already. Kaya nakaubos ako ng dalawang cocktail habang nakikinig sa speaker na nagsasalita sa stage.
Nilingon kong muli si Conrad. Hindi naman sila kalayuan at may iilan na siyang kasamang lalaki at babae ngayon. Until one of them is familiar to me. . . the Mendevallon. My brow lifted while looking at them. Umiwas din ako sa titig dahil ayaw kong makita ni Conrad na nagmamasid ako sa kanila. Kung mag-uusap man sila tungkol sa paaralan ay nasa kanya na iyon, at desisyon na niya. Hanggang sa nagpalit na ulit ng speaker at may iilang iba pa na hindi ko kilala.
I am probably standing like the others that are here and listening for thirty more minutes. Panay inom at kain lang din ang ginawa ko hanggang sa tatlong cocktail na ang naubos ko.
"Alone, hija?" boses ng isang lalaki na medyo may edad na.
"Hello, po. Good evening," ngiti ko.
"I am with Conrad Mondragon. May kausap lang din siya, kaya dito na muna ako," bahagyang tawa ko at mas ngumiti na siya.
"Phenomino Delamantes, hija." Lahad kamay niya at malugod kong tinangap ito.
"Conrad Mondragon? Madam Leona Del Briones first born?" pormal na panimulang tanong niya.
"Yes, sir, he is..."
"Yes, he is... I have heard a lot about him and his contribution to society. What a dignified man," he said, looking at Conrad and then back at me with his gentle smile.
"I still remember when he was very young. Mahiyain na bata at palaging nakapulupot kay Madam Leona. But when he grew up, he changed a lot. I believe he spent five years in his father's care, and when he came back, he's eloquent."
Huh, eloquent? Sinabi mo pa? Isip ko habang nakangiting nakatitig sa kanya.
"Pagpasensyahan mo na kung minsan iba ang takbo ng utak niya. But trust me, hija. Conrad is very responsible with his own actions. You can always rely on him. Mapagkakatiwalaan mo siya, hija," malugod na kindat niya.
Mas ngumiti na ako at tumango na rin.
"Tito Phenomino Delamantes," si Conrad sa likod niya.
"Conrad, hijo," yakap nila sa isa't-isa.
"I am sorry, Tito. Hindi kita nadalaw. I was about to visit you, but then I had an emergency last week. Inisip ko talaga na nandito ka ngayon kaya hindi ko na pinalampas ang pagkakataon na ito."
"Don't worry, son. I am always here. Nasa tabi mo lang at pinagmamasdan ka ng tahimik."
I love the way how his Tito Phenomino talks. Siya ang makaluma na pormal at maginoo. I would love to chat him for a valid long time. Pakiramdam ko kasi ang mga taong katulad niya ay hindi nauubusan ng kwento tungkol sa nakaraan at ito ang gusto ko.
"I've seen you're busy talking to a few people around and even the Mendevallon. Kaya lumapit na ako sa kapartner mo."
Tumitig na si Conrad sa akin na nakangiti at gayon din naman ako.
"So, is she a candidate to be Mrs. Del Briones-Mondragon?" lawak na ngiti ng Tito niya sa kanya.
Natahimik si Conrad na nakangiti sa kanya at sa akin. Namula ang mukha niya at natawa lang din ako. Sa dalawang shots na cocktail na naimon ko ay parang nawala na ang hiya sa akin ngayon.
"If she will let me, then I would love to have her," mahinang bulong niya saTito Phenomino niya at ngumiti na ito.
"I've heard that." I smiled.
"Oh, did you, hija? So ano payag ka na? Mabait na bata itong si Conrad. He can give you the moon and the stars," lawak na ngiti niya.
Mas lumawak ang ngiti ko at lumapit na si Conrad sa akin. Mariin niyang hinawakan ang baywang ko at bumulong pa.
"Just go with the flow, babe. Huwag mo naman akong ipahiya sa nag-iisang tito ko," pabirong tugon niya.
"Ewan ko sa 'yo," siko ko sa tagiliran niya.
Umalma na siya at natawa lang din.
"See that, tito? I have had to deal with this and a lot more in the past. It's here..." turo ng puso niya.
He shook his head and smile at us. Pinaikot ko na ang mga mata ko habang nakatitig kay Conrad.
Lukuhin mo ang ibang tao huwag ako! Dahil hindi mo ako makukuha sa drama mo, Conrad!
"Well, what happened in the past teaches us, Conrad, and we became better and bolder... are we?"
"Definitely, Tito. Next time let's go to Japan. May ipapakita ako sa 'yo roon."
"I would love to, son. One day, one day..."
Nagkwentuhan pa kami hanggang sa hindi na namin napansin ang oras. Naging kampante kami sa isa't-isa at hinayaan ko si Conrad sa bawat galaw niya.
He's very gentle and polite. Kakaibang Conrad ang nakikita ko ngayon sa kanya. Nakikisabay siya sa mga taong nandito.
The people here are different from generations. Sila ang mga taong pinahahalagaan ang ibang bagay gaya ng edukasyon at negosyo.
.
.
C.M. LOUDEN
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro