Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22. I hate you



Naimulat ko agad ang mga mata ko, at ang mga matang nakatitig ni Conrad ang unang nakita ko. I felt the heat, the sparks that travels all over my body. Para akong nakuryente ng libo-libong boltahi sa katawan. Kumurap pa ako nang makailang beses at hindi pa ako bumitaw sa pagkakayakap ko sa leeg niya. Hindi rin naman kasi siya bumitaw sa akin, kaya hinayaan ko na.

Nakatoon pa ang spotlight na ilaw sa aming dalawa at rinig ko ang hiyawan ng mga kabarkada niya sa background at ang ingay ng musika sa paligid.

Nahinto kami sa sayaw pero panay titig pa rin. Kinabahan na ako dahil kakaiba na ang titig niya, hanggang sa napakurap na ako at napalunok na.

"Co-Conrad..." utal na tugon ko. E, sa kami ang king ang queen of the night. Nakaka-excite at nakakakaba ito.

Nagtitgan kami at hindi ko na maalis ang titig ko kay Conrad. Ganoon din siya, hanggang sa pumikit na ako at naramdaman ko agad ang dampi ng labi niya sa labi ko.

Mas umingay ang lahat sa paligid at naramdaman ko ang pagputok ng confetti sa amin. I even partly open my lips because I want to taste him.

God good grief! Humalik din ako sa kanya na parang na-excite akong lalo, at dahil sa sobrang excited ako ay nahila ko nang husto ang leeg ni Conrad palapit sa akin, dahilan nang pagbagsak namin dalawa sa sahig.

Nahiya man ako, pero natawa lang siyang lalo at tinulungan akong makatayo. Napunit pa talaga ang damit ko sa gilid, bumigay na ito dahil sa dami ng kinain ko!

"Wohoo! Shit! Ang baboy ang nanalo!" sigaw ng iilan sa kanila.

"Grabe ang hanep! Pahalik nga din, Candy!" sigaw ng iba pa.

Nakakabingi ang kantyaw nilang lahat. Inayos na ni Conrad ang damit ko pero walang silbi na ito. Kaya hinubad na niya ang tuxedo niya at pinasuot sa akin ngayon, para matakpan ang napunit sa damit ko.

"Are you okay, babe?" Sabay ayos niya sa buhok ko.

B-babe? Kurap na titig ko sa kanya at ngumiti ako na parang nasa langit. Nalusaw lang lalo ang puso ko sa kanya at tumango na ako.

"Oo, I'm okay," ngisi ko.

Pagkatapos matangap ang premyo ay naging abala na ang lahat sa sayaw. Nagbanyo na ako at mas inayos ang sarili. Natagalan pa ako, dahil sumakit ang tiyan ko. Sa dami kasi ng kanain ko at naghalo ang emosyon sa loob ko ay parang natatae ako kada minuto. Kaya nagtagal ako sa ladies toilet.

"Nakakaloka sina Candy at Conrad ano? Nakakatawa!" boses ng babae.

"Sila na ba? I mean, ang swerte ni pink piggy," boses ng isa pa.

Napangiti na ako at napakagat labi pa habang pinakikingan sila. Tahimik ako sa sarili dito sa loob ng banyo at nakikinig lang din sa kanila. Makailang ulit ko pang inamoy ang tuxedo ni Conrad na suot ko ngayon. Ang bango talaga!

"Pero 'di ba girlfriend ni Conrad si Elma? At rinig ko pustahan ng grupo eh."

"Ay, talaga? Si Candy daw ba?"

"Ewan ko lang."

Natahimik ang paligid nang lumabas sila, at maingat lang din akong lumabas mula dito. Tulala pa ako sa sarili at napagdugtong-dugtong ko ang sinabi ni Elma kanina. Namutla na ako at parang nawala ang saya sa puso ko. Pakiramdam ko nahimasmasan ako mula sa pagkakalutang sa ulap, at bumagsak ang puso ko sa lupa.

Pero dahil tanga kasi ako, ayaw kong maniwala hangga't si Conrad na mismo ang magsasabi sa akin nito. Kaya hinanap ko siya habang amoy-amoy pa ang tuxedo niya. Ang bango talaga.

I looked around the hall and down the stage. Lahat pa nang mga mata nila nakatingin pa sa akin talaga.

"Si Conrad ba, Candy?" si Esmeralda. "Andoon sa labas na, hinihintay ka lang sinabi niya kasi sa akin kapag nakita kita," ngiti niya.

"Salamat ah!" Agad na takbo ko palabas sa venue.

Nang makalabas ako ay nakita ko agad sila sa gilid ng mga kabarkada niya.

"Sure ka, bro. Wala ng urungan 'to?" si Steve.

"I'm sure, bro," tango ni Conrad at nag-handshake pa sila.

"Grabe ang epekto ng halik ni pink piggy ah? Ano masarap ba? Hindi ba lasang ano?" kantyaw ng isa niyang kabarkada.

"Ano gusto mo na agad? Hulog na agad?" kantyaw ng isa pa at napailing na si Conrad.

"It's not like that, bro. Hindi ko naman siya gusto-"

Hindi siya natapos magsalita dahil sa lakas ng tawa at kantyaw ng mga kaibigan niya. Imbes na lumapit ako, ay nahinto lang din ang hakbang ko. Nawala ang ngiti sa labi ko at parang kinuyom ang puso ko sa mga sandaling ito.

Hearing him saying that he does not like me at all is too much to bear.

Ang akala ko kasi ang halik niya kanina ay totoo na. Ilang beses na ba niya akong pinagtabuyan noon? Ilang beses na bully? At ilang beses na sinabing hindi niya ako gusto? Pero walang epekto sa akin ang mga iyon, pero iba ngayon... Dahil naghalikan na nga kami kanina. Pero hindi pala, dahil katulad din pala ito ng nauna.

"She's nice, funny, and I like her..."

Natahimik ang mga kabarkada niya at tulala silang nakatitig kay Conrad ngayon. Gumaan agad ang puso ko nang marinig sa kanya ito. Ang boung akala ko kasi ay wala na...

"Wohoo!" sa ingay ng mga kasama niya, at tapik ng balikat nila kay Conrad.

Napangiti na ako at humakbang na para sana mapalapit sa kanya. Pero sumakit lang din ulit ang tiyan ko at napahawak na ako dito. Kung kailan ay masaya na ako at excited ay t'saka naman nakikisabay ang tiyan ko, kaya tumalikod na ako at patakbong bumalik sa banyo.

Ang dami ko pang chismis na narinig sa loob mula sa mga chismosang babae. E, pakialam ko! Narinig ko na sa kanya ang 'I like her' at importante na iyon sa akin. Kaya wala na akong pakialam sa iba pa.

Nang matapos ay hinugasan ko na ang kamay ko at nagvibrate agad ang cellphone ko.


Candy Babe,

Sa kotse lang ako maghihintay.

Conrad.


Abot langit na tuloy ang ngiti ko at hindi ko na mapigilan ito. Para pa akong baliw na sa bawat hakbang at parang sumasayaw ako. Napatingin pa ang iba sa akin at parang napangiwi pa sila.

Nang makita ko ang sasakyan niya na hindi kalayuan ay nilingon ko ang paligid at wala nga naman siya. Tahimik sa bandang ito at walang ibang tao kung 'di ako lang.

Tumikhim muna ako at mas inayos ang sarili ko. Inamoy ko pa ulit ang buhok ko. Baka kasi nangangamoy toilet na ito, dahil sa pabalikbalik ko sa banyo! Pero nahinto ako nang marinig ang ingay na mula sa loob ng kotse niya.

"Ah! Ah! Push it harder," boses ng babae.

"How hard like this..."

"Oh... my god, Oh! Yes! This is insane!" pasigaw na ungol na boses ng babae.

Napatakip bibig na ako at kinabahan na. Sa bawat unggol na naririnig ko mula sa loob ng sasakyan niya ay parang nadurog ang puso ko ng libo-libong piraso. I don't know why I am still left standing here and listening to them moaning and screaming because of what they've made inside.

Pumatak na ang luha sa mga mata ko at nawala na ang ngiti sa labi ko.

So, is this why he wants me to come here and hear this? Ito ba ang dahilan niya, at ito ba ang pamamaraan niya para saktan ako ng husto?

Damn you, Conrad! I hate you! Sigaw ng isip ko.

Tumalikod na ako at hinuband ko na ang tuxedo niya na suot. Bumagsak na ito sa harapan ng sasakyan niya at wala na ako sa sarili na naglakad palayo.

I am crying in vain, I am so hurt , deeply hurt...

Sa mga oras na iyon ay wala akong ibang naisip na matawagan maliban nga lang kay Steph. Mabuti na lang at agad niya akong pinuntuhan at nahanap na naglalakad na nakapaa sa madilim na bahagi ng daan.

-------------

Nang makapasok ako sa kotse niya ay tulala ako sa sarili ko. Makailang ulit pa akong napakurap.

"Are you not going to put your seatbelt, babe?" lambing na boses ni Conrad sa akin.

Napaawang lang ang labi ko nang siya na mismo ang naglagay sa seatbelt ko ngayon. Hindi ako kumurap at titig na titig lang din sa kanya. I can even hear him groan while reaching it beside me. Walang halong malisya ang ginawa niya at wala rin akong naramdan sa loob ko.

When he stared at me I stared at him deeply. Ang mapupungay na mga mata niya at magagandang ngiti agad ang bumuhay sa inis at galit ko.

I hate you Conrad! I really hate you. Isip ko.

.

.

C.M. LOUDEN



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro