Chapter 21.Prom date
Halos pinigilan ko ang paghinga nang makita siyang pumasok sa loob. Si Mommy na mismo ang nagbukas ng gate para sa kanya. Nakadungaw ako sa bintana at tanaw na tanaw ko ang kabuuan niya. Mabilis kong inayos ang sarili at tinitigan ang kabuuan sa salamin bago lumabas ng kwarto.
"Oh, there she is," si Mommy.
I smile widely while looking at him. He's standing waiting for me. His smile is a reminder that I was once crazy over him. His posture always dominates no matter what and like a living hot god. Kahit pa siguro anong klaseng damit ang suotin niya ay babagay naman talaga sa kanya. Ang mapupungay niyang mga mata ay nagpapaalala sa akin noon ang kabaliwan ko sa kanya.
He can easily makes my heart flutter, and his smile can melt me in an instant. Pero iba na ito ngayon. Wala na ang ganitong damdamin na katulad noon.
"Hi..." He sweetly utter, and looked at me from head to toe with a dashing smile on his face.
"You look, perfect..." ngiti niya at pilit ang ngiti ko.
"I know and thank you," ngiwi ko.
Nahinto ako sa harap niya at nagtitigan na kaming dalawa. Tumikhim na si Mommy, kaya napako ang paningin namin sa kanya.
"Take care of Candy, Conrad. Responsibilidad mo siya ngayong gabi," si Mommy sa kanya.
"Don't worry, Tita. At salamat sa pagtitiwala," ngiti at tango ni Conrad kay Mama.
"Okay, have fun!"
Inihatid na kami ni Mommy sa labas at pinagbuksan niya na ako ng pinto ng kotse niya. I even noticed that he's using a different one tonight, and it's cool vintage personalize Chevrolet. Masyadong bulgar si Conrad pagdating sa mga bagay na ganito. Hindi pa rin talaga siya nagbabago.
Naalala ko lang ang gabing iyon. . . ang gabing siya ang naging ka partner ko.
-----------------
(High School Prom Night)
"Ang ganda mo, Candy," lawak na ngiti niya sa akin.
"S-Salamat."
Nakayuko pa ako at hiyang-hiya pa sa kanya. Ni-rentahan pa ni mommy ang damit ko ngayon. He honestly offered a dress two days ago. Pero kasi sa sobrang excited ko ay nagparenta na agad ako ng prom dress kay mommy ng maaga, kaya hindi ko na tinangap ang alok niya. Tama na sa akin na ako ang magiging kapartner niya sa prom nila.
Mas lumawak pa ang ngiti ko nang makita ang sasakyan niya. An old classic vintage ford car. Mala 1970's ito pero ang ganda-ganda, sobra. . .
Nang makapasok sa loob ay inabot pa niya ang bulaklak sa akin. Abot langit na 'ata ang ngiti sa labi ko. Pakiramdam ko puputok na ang dibdib ko na parang Mayong bulkan pinatubo!
He hold me like I am the most beautiful girl in the whole school. Lahat sila nakatingin sa akin. Lahat ng mga babae sa campus nasisira ang mukha dahil sa akin. I smile proud, pakialam ko! Ako na 'ata ang pinakamasayang babae sa mundo.
"Eww, si pink piggy na naging suman," boses ng isang babae sa gilid.
Napalunok na ako, pero nakangiti pa rin. Mas hinaplos ni Conrad ang kamay ko, at pinaniwala na okay ako sa kanya, at okay ako sa mga sandaling ito.
He was quiet the whole time beside me. We were quiet. I kept staring at him while smiling like a crazy bizarre girl! E, sa hindi ako makapaniwala na siya ang nasa tabi ko. Tinitigan pa niya ako at inalis ang napakalaking ribbon na nakatali sa buhok ko.
"Ay, bakit? Pangit ba?"
"No, mas maganda kasi kung ipakita mo ang ano lang ang meron sa 'yo, Candy. . . You don't need accessories like this. They will just laugh more at you," simpling tugon niya.
Medyo may kirot sa puso ko, pero hindi ko pinansin iyon at mas ngumiti lang din. Hinayaan ko siya na alisin ang lahat ng abobot sa mukha ko. Hanggang sa naging buhayhay ang buhok ko. Panghuling tinangal niya ang salamin ko, at naging dahilan pa ito ng makailang ulit na kurap ko sa kanya. Medyo malabo kasi ang paningin ko, pero kaya ko naman.
"See? You are beautiful," lawak na ngiti niya at titig niya.
"T-Thank you."
Nang nagsimula na ang kainan ay ang tipid niyang kumain. Kaya nakigaya na ako. Ang sikip pa naman ng damit ko kaya hindi na ako kumain ng marami. Siguro tatlong kutsara lang ang kinain ko, dahil nakakahiya sa kanya. Naisip ko kasi na kaya ko namang magutom ngayong gabi, at kakain na lang ako ng marami sa bahay.
"Hindi mo 'ata ginagalaw ang pagkain mo?"
"Ha? A-ano kasi. . . busog pa ako," ngiting-ngiti ko.
Napailing na siya at bahagyang natawa.
"No, don't be shy with me, Candy. I want you to be with yourself when you are with me. Kaya kumain ka sa gusto mo. Okay lang sa akin."
"Ta-ta-talaga?" Innosenteng tugon kong nakangiti pa.
He nodded and I scooped more food on my plate.
Sa gutom ko ba naman e, kumain na ako! Naisip ko kasi na mas nakakahiya kapag marinig niya ang ingay ng nasa loob ng tiyan ko. He even laugh a bit while staring at me eating. Makailang ulit pa akong nahinto nang subo dahil sa hiya. Pero ang matamis na ngiti niya ay parang dessert sa mga mata ko, at panay lang din ang subo ko habang nakatitig sa kanya ng husto.
"Toilet muna ako, Candy. Kumain ka lang okay? I'll bring drinks after."
Tumango na akong nakangiti sa kanya at tumalikod na siya. Nag-apir pa sila ng mga kabarkada niya nang sinalubong siya.
Lahat sila ay nakatingin sa akin at ngumiti lang din ako sa kanila. Binalik ko ang tingin sa pagkain ko at mas kumain pa ako ng marami.
"Ew, ang baboy mo nga naman hanggang dito ba naman?" lakas na tawa ni Elma, ang babaeng kaklase ni Conrad.
"So, this is Candy? Ang pangit naman niya. Mabuti naman at pinagbigyan mo si Conrad sa gusto niya, Elma," saad ng isa sa mga kaibigan niya at sa tingin ko kaklase rin ni Conrad.
Nag-angat ako nang tingin sa kanila habang nakanguya. Pinalibutan nila ako, anim sila. Pamilyar na sa akin ang mga mukha nila, dahil sila ang sikat na grupo ng mga kababaihan sa campus. They have the sexy looks and they're all pretty too. Gusto ko nga sana na makasama sa grupo nila. Kaso ang hirap daw makapasok sa grupo.
"Ano ba kasi ang premyo? At bakit kailangan pang gawin ni Conrad 'to?" saad ng isa at naupo na siya sa tabi ko. Tinaasan pa ako ng kilay niya.
"Sabi ni Steve iyong Ferrari ni Carlo 'pag natalo siya ni Conrad. Pero kapag nanalo si Carlo, ang cool vintage na Ford na gamit ngayon ni Conrad ang mawawala sa kanya," saad ni Elma.
"Oy, ang bonga ng pustahan nila ah?"
"Oo, at hindi ko hahayaan na matalo si Conrad at mawala ang cool vintage Ford niya. Diyaan kasi kami nag ano sa sasakyan niya!" sa lakas n Elma at nilang lahat.
I know Elma, I've heard that she's the the ex-girlfriend of Conrad, at kaklase rin niya ito.
Napalunok na ako at hindi ko tuloy maintindihan ang pinag-uusapan nila. Kung sabagay mga mayayaman nga naman sila, at kahit pa e-pusta ang mga sasakyan nila ay okay lang.
Nahinto akong bahagya nang kain at pinunasan na ang bibig ko.
"Ay tapos na si pink piggy," tawa ng isa.
Lumapit na si Elma sa likod ko at hinaplos lang din ang buhok ko. Pero hinila naman niya ito pababa, dahilan para maramdaman ko ang sakit sa ulo ko.
"Ang arte mo baboy ka! Akala mo ba maganda ka dahil si Conrad ang kapartner mo?" galit na tugon ni Elma.
"A-a-aray. . ."
Halos hindi na nga ito lumabas na bibig ko. Pero binitawan niya rin ang buhok ko at umayos.
"Si Conrad! Bilis!"
"Bye, pink piggy, oink!" Kindat ni Elma at natawa na silang lahat habang mabilis na umalis sa harapan ko.
My mouth trembled in a twist. Gusto kong maiyak, pero bumuntonghininga na lang ako at ngumiti sa sarili.
Hindi lang naman sila ang tumatawag ng pink piggy sa akin. Kahit naman si Conrad noon, ay ganoon din ang tawag. Pero iba na naman siya ngayon. Ang bait na niya sa akin at ako pa nga ang kapartner niya sa Prom nila ngayon.
"Your drink is here," lawak na ngiti niya. At naupo na siya sa tabi ko.
"S-Salamat," sabay inom ko.
Halos naubos ko agad ito at ngumiti lang din siyang lalo.
Nang matapos ang kainan ay ang sayawan na. Halos hindi na ako makahinga dahil sa dami ng kinain ko at parang mapupunit lang ang damit ko ngayon. Pero iba si Conrad. Naglahad agad siya nang kamay niya para magsayaw kami.
It was probably the most memorable dance that I ever had in my life! Iyong nakayakap siya nang buo sa katawan ko at nakasandal pa ang mukha ko sa dibdib niya. I can even hear him chuckled every now and then while we are dancing, at ang bango pa niya.
"Are you okay? Are you feeling comfortable towards me?" He sensually whispered.
"Oo, I am happy, Conrad. Salamat talaga." ngiti kong nakatingala sa kanya.
"No, Candy. . . thank you for tonight. Salamat at pumayag ka na maging kapartner ko sa gabing ito," lalim na titig niya.
Parang nalusaw na ang puso ko sa kakatitig sa kanya at napapikit-mata pa ako nang maramdaman ko na magkalapit na ang mukha namin ngayon. Pakiramdam ko kasi hahalikan na niya ako sa mga sandaling ito. Kaya pigil-hininga pa akong pumikit at inihanda ang sarili sa magiging halik niya. Ngumuso pa ako na parang baboy talaga! Nakaloloka.
"And our king and queen of hearts are. . . Conrad Ciro Mondragon and Candy De Silva!!" sigaw ng emcee.
.
.
C.M. LOUDEN
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro