Chapter 13. Drunk
Imbes na magtaxi pa-uwi ay nakisakay pa ang walanghiyang kapatid ko sa sasakyan ni Conrad! E, wala na akong nagawa, kesyo umikot na ang paningin ko at gusto ko ng matulog. Alos dose ang paalam ko kay Mommy. Pero kasama ko naman si Elmo, kaya okay lang.
Nahiga na ako sa likod ng sasakyan ni Conrad. Samantala ang dalawa ay hindi pa tapos sa chikahan nila. Wala akong naiintindihan sa pinaguusapan nila, dahil ang bawat halakhak ni Conrad at Elmo lang ang naririnig ko. I might be drunk but my mind is still fully awake. Ang katawan ko lang 'ata ang pagod na.
Ewan ko lang, pero sa tuwing naririnig ko ang konting tawa ni Conrad at boses niya ay ang isang eksena sa high school ang palaging bumabalik sa isip ko.
*****
"Candy likes you, bro," boses ni Miko.
"Damn, not Candy."
"E, ayaw mo noon? Hindi ka na mahihirapan," boses ni Jayson.
"Ba't naman si Candy. E, ang dami naman na mas sexy at mas maganda pa. Iyong tipong ma-display mo sa iba," tawa ni Gerald.
Then they all laugh. I was about to put this love letter inside his locker. But I stop and just hide. Wala kasing tao kanina dahil nagbabasketball naman sila. Kaya naglakas loob ako na pumasok sa men's locker area. Ilang beses ko ng ginawa ito, pero ngayon lang ako sumabit ng ganito. Kaya heto ako ngayon nagtatago sa isa sa mga empty locker na nandito.
"Candy is not my type."
Napagakat ko ang pang-ibabang labi ko at pilit na pinigilan ang bawat hininga ko. I know he will reject me. Ilang beses na ba na inayawan niya ako? Hindi ko na 'ata mabilang. Pero heto pa rin ako, hindi tumitigil at panay bigay pa din ng love letter sa kanya.
"Sure ka, bro? Hindi mo type si pink piggy?" kantyaw ng isa pa.
Pink Piggy! Ang pangit talaga. Si peppa pig ang unang pumasok sa utak ko. Ngumuso na ako at nabalot na ng pawis ang kamay ko. Sangkatutak na pawis na din ang pumapatak sa mukha ko dito sa loob.
"So paano 'yan? Magiging pink piggy talaga siya hanggang sa matapos tayo," kantayaw ng isa pa at natawa na sila.
"Basta, same plan? Walang magbabago?"
"Wala, bro. The deal is a deal."
"Okay, let's go!"
Natahimik ang paligid at t'saka lang din ako nakahinga ng malalim.
*****
Pakiramdam ko parang pinapawisan ako at panay lunok na din.
"Pesti ka talaga, Conrad!" mahinang tugon ko sa sarili.
"I hate you! I hate you! Pangit!"
Nawala ang ingay ng halakhak nilang dalawa ng kapatid ko at kumunot lang din ang noo kong nakapikit ang mga mata.
"Don't worry about my sister, bro. Nagsasalita 'yan mag-isa 'pag lasing. And the worst part? Naglalakad pa 'yan mag-isa na wala sa sarili 'pag sobrang lasing na." Lakas na tawa ni Elmo.
I don't know what happened next because the next thing I know, I am being dragged out and falling into the ground. Then someone carried me carefully inside our house.
I ROLLED over and I fell onto the floor!
Ganito ang bati sa akin ng umaga ko at sa sahig ako bumagsak.
"Aray!" Sabay hawak sa ulo ko. Hangover is real 'te! Kaya ayaw ko naglalasing eh.
"Gising na ang prinsesa," ang boses ni Elmo.
Nakakunot pa ang noo ko habang pinagmamasdan siya. Humikab na ako at kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko. Nakaupo siya at hawak ang tasa habang pinagmamasdan ako. Naka-on ang TV at malakas ang volume nito.
Heck! Dito ako natulog sa sala?
"Anong oras na?" Sabay tingin ko sa malaking relo namin na nandito.
"Oras na para kumain, senyorita," si Mommy.
It's eleven o'clock. Napaawang lang ang labi ko. Hindi ako makapaniwala na ang taas ng tulog ko. Tumayo na ako at dumeritsong banyo. Naghilamos sa sarili at nag ayos na din. Inisip ko kung ano ang nangyari kagabi. Naalala ko pa naman ang lahat, at pati na iyong paghiga ko sa likod ng sasakyan ni Conrad.
"Conrad!"
Parang naging robot agad ang katawan ko at kinabahan na. Hindi ko na kasi maalala ang sumunod na eksena pagkatapos. Kaya dali-dali akong lumabas ng banyo at humarap sa kapatid kong tulalang nakatitig sa TV.
"Who carried me inside?"
Kumunot na ang noo niyang napatingala sa akin.
"Alis, ate. Nanonood ako ng balita."
"Ikaw 'di ba?" Pamaywang ko.
"Hindi." Sabay iling niya.
"Ang bigat mo kaya. Sinubukan kitang buhatin pero ang bigat mo!" ngiti niya.
Napaatras na ako at tinakpan lang din ang bibig ko. Tumalikod na ako sa kapatid ko at nag-isip. Pero naisip ko baka nga naman si Kuya Miguel ang bumuhat sa akin papasok dito. Kaya hinarap ko ulit siya.
"Si Kuya Miguel ba?"
"Si Conrad," singit ni Mommy na bitbit ang kape ko.
"Alam mo, anak. Kamukha 'ata siya ng kaklase mo noong high school ka pa. Naalala mo iyong ka-partner mo sa Prom? Parang siya 'ata iyon?"
Kumulo na ang dugo ko nang maalala iyon. Iyon 'ata ang pinakamalas na pangyayari sa buong buhay ko.
Kung may pinagsisihan man ako na katangahan ko sa kanya noon ay iyon ay ang pumayag ako na maging ka-partner niya sa prom. Pesti talagang Conrad!
"Hindi siya iyon, Ma! At ba't ninyo siya pinapasok kagabi? Hinayaan niyo lang akong buhatin ng walanghiyang mukong na 'yon? E, 'di sana kinaladkad ninyo na lang ako papasok! Mas gustuhin ko pa 'atang magkapasa-pasa kaysa mahawakan ng bwesit na Conrad!"
"Oy, galit siya. Legit ah!" kantyaw ni Elmo na natatawa pa. Tinaasan ko na siya ng kilay,
"Taliwas sa ginawa mo sa kanya kagabi." Bahagyang tawa niya. At halata ang kantyaw na titig sa mga mata nito.
Nanlaki na ang mga mata ko habang iniinom ang kape ko.
Heck! May ginawa ba akong hindi ko alam? Ano? Ano? Dios ko utak ko, gumana ka naman oh!
"Bakit may nagawa ba akong mali sa kanya kagabi? Mommy?"
Para akong nilamigan at agad na namutla. Wala na kasi akong maalala, at ngumiti na si Mommy at naupo sa mesa. Umayos lang din ng higa si Elmo sa sofa at panay tipa sa cellphone niya.
"Elmo! Hoy!" Sipa ko sa paa niya.
"Wala kang maalala ano? Ganyan ka naman kapag nalalasing ka ng sobra. Ba't ba kasi ang daming ininom sa bar, ayan tuloy!" lakas na tawa niya.
"Elmo!!" Sabay gulo sa buhok ko.
"Ito ibedensya. Naisip kong videohan ka para matauhan ka sa susunod na maglasing ka ng sobra. Nakakahiya ka, ate!" sa lakas na tawa niya.
Nilahad na niya sa akin ang cellphone at binaba ko na ang tasa ng kape ko. I play the video and my mouth came party open rapidly!
"Ako na," si Conrad.
Nakahandusay pa ang katawan ko sa lupa.
"Mabigat, bro. Isang toneladang pagkain at inomin 'ata ang naubos ni ate," sa lakas ng tawa ni Elmo sa background.
I can even hear Conrad groaned when he scooped me up. At talagang humawak pa ako sa leeg niya, and shit! What the hell is wrong with me? Ba't ko pa sinubsob ang mukha ko sa leeg niya?
Panay ang sunod ni Elmo sa amin hanggang sa si Mommy na ang nagbukas ng pinto.
"Hello, po," si Conrad kay Mommy.
"Ma, lasing na. Nagwala si Ate," boses ni Elmo kay Mommy.
Hindi umimik si Mommy at pinapasok lang din kami.
"Dito mo na ilapag sa upuan, bro. Nasa third floor pa ang kwarto niyan. Mahihirapan ka lang," bahagyang tawa ni Elmo sa background.
Nang mailapag ako ni Conrad ay bumitaw na siya. Pero hinila ko lang pabalik ang kwelyo niya at yumakap ulit sa leeg niya.
"Thanks, babe! Hmm..."
"No! Argh!!"
Natapon ko pa ang cellphone ng kapatid ko nang makita ang paghalik ko sa labi ni Conrad. Tumakbo na ako papuntang kwarto at rinig ko pa ang lakas ng halakhak ni Elmo ngayon.
"The heck is wrong wi.th me! I hate you, Conrad! Pesti ka talaga!" Pasigaw ko sa loob ng banyo ko.
Isa-isa ko nang tinangal ang damit hanggang sa wala ng saplot na natira pa. I toothbrush first and ran the shower warm. Halos mapunit ko na ang bibig ko sa tindi ng pagkakatoothbrush ko! Padabog pa ako sa sarili at hindi ko na maintindihan ito.
At talagang ako pa ang humalik? Ako pa? Dios ko! I just can't believe it!
Sana nga lang mahimasmasan ako ng mabuti at makalimutan ang nagawa ko kagabi. Sana nga lang lasing din siya at makalimutan niya ang nangyaring halik ko sa kanya. Pesti ka talaga, Conrad!
.
.
--❤️❤️❤️--
C.M. LOUDEN
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro