Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11. Cristobal



Hanggang sa bahay ay dala ko ang inis at galit sa kanya. Naimagine ko kasi ang mukha niyang natatawa habang pinagmamasdan si Cristobal sa harapan ko.

He's mocking me! He's seriously mocking me, thinking what a pity, pink piggy!

Kahit pa anong gawin ko ay ang mukhang niyang natatawa ang nakikita ko. Kaya ginulo ko na ang buhok ko at kinuha ang cellphone sa mesa ko.

Biyernes nga naman ngayon, at walang trabaho bukas. Sina Grasya, Gina at ang iba pa ay nandoon na, nasa bar at nagbabar hoping. Samantalang ko? Heto? Nagkukulong sa kwarto ko na parang sira!

Wala ang dalawang kapatid ko, nag-paparty rin, at sina Mommy at Yaya lang din ang nandito sa bahay.

"Hello, Grasya? Saang bar kayo?"

"Wohoo! Nasa point 7-heaven kami, Candy! Pupunta ka? Hihintayin kita sa main entrance kung gusto mo?"

"Sige, wait for me. I'll be there in fifteen minutes."

Mabilis akong nagpalit ng damit. Naka-black mini shirt at off shoulder lacey white top. Naka flat shoes na elegante lang. Masakit pa kasi ang paa ko at ayaw ko munang mag heels.

Nang makababa ng hagdanan at nag-spray na ako ng perfume, at ang mukhang nakangiti ni Mommy agad ang sumalubong sa akin.

"Are you going out for a party?"

"Sina Grasya at Gina lang ang makakasama ko, Mommy. May numero ka naman sa kanila 'di ba? Tawagan mo lang mamaya."

"Oh, no, it's okay, Candy. Have fun, anak. Tumawag na ako ng taxi at nasa harap na naghihintay."

Nahinto ako nang hakbang at nilingon kong muli si Mommy. She really knows me well. She can easily tells what I need next. Parang scanner lang din ang mga mata niya at nababasa niya ang laman ng utak ko.

"Thank you, Mom," sabay halik ko sa kanya.

"I will probably be home late."

"It's okay, hija. Have fun!" Sabay kaway niya.


NANG makarating sa labas ng point 7-heaven ay ang taas pa tuloy ng linya. Friday night and it's ladies night pa. Hinila ko pa ang napaka-iksi kong itim na skirt at hinawi lang din ang mahaba kong buhok. I did not even tied my hair. Hinayaan ko lang din na ibuhayhay ito. Medyo kulot naman kasi ang dulo, kaya okay lang at parang kinulot na din ang buhok ko.

I only put a light make up with a bloody red lipstick. Kinuha ko na ang cellphone at tinawagan si Grasya. Ang haba kasi ng pila at mukhang aabutin pa ako ng sampung minuto.

"I'm here. Nasa tapat lang din. Hindi pa ako pumila."

"Oh, no need. Wait, lalabas ako."

Ang mukha niya agad ang nakita ko at kumaway pa siya. Lumapit na ako at may pinakita lang siya sa dalawang bouncer na guwardiya. Pumasok na ako at napahawak ako sa kamay niya.

"Ang lakas mo ah?"

Inilapit ko na sa tainga niya ang bibig ko, dahil sa lakas ng musika sa loob. Alam ko kasi na hindi niya ako maririnig ng maayos.

"Syempre, alam mo na," kindat niya at pilyang ngumiti.

Punuan nga naman ang centre stage dahil sa dami ng tao. Umakyat na kami sa ikalawang palapag at dito ko nakita ang grupo ng lahat. Sina Gina, Vilma at iba pa, at talagang kasama pa nila si Cristobal!

"Sinama ninyo si Cristobal?" ngiwi ko.

"Oo, inimbita ka niya kanina 'di ba? Sinabi kasi namin sa kanya na hindi ka sasama. Kaya naglakas loob siya kanina. E, inayawan mo rin naman," lakas na tawa niya.

"Napaka-bad influence ninyo kay Einstein!" pabirong tugon ko. At napangiwi lang din.

"Gaga! Iba si Cristobal kapag nakainom na. Watch this."

Nauna na siyang humakbang palapit sa kanila at nakasunod na ako. Nakatitig silang lahat sa akin at kasama na si Cristobal dito. Tinali niya ang medyo mahaba niyang buhok at naging malinis ito. Wala na ang salamin sa mga mata niya at pormal nga naman ang ayos ni Cristobal ngayon. Nakailang kurap pa ako at hindi makapaniwala. Kakaiba kasi siya, iba sa nakilala kong Cristobal sa paaralan.

"Prof Cristobal, Candy is here! Do you want to say anything to her?" si Grasya sa kanya.

I am expecting him to be a different person, but then again, he just looked down and felt shy towards me. Nag-ingay na ang lahat ng mga kasamahan naming guro.

"Ay nahiya si Professor," boses ni Vilma.

Napailing na ako at naupo na. Magkatapat na kami sa mesa. Hindi pa rin siya nag-angat ng tingin at nakayuko lang din.

"Tumigil na nga kayo. Nahihiya iyong tao."

Natahimik na sila at nag-si-ingay na na lang din sa ibang bagay. Binigyan na ako ni Grasya ng isang bote ng beer at ininom na ito. Napatingin pa ako sa paligid at nagtagal ang tingin ko sa bandang stage. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makita ang nakababatang kapatid ko rito.

Dang it! Sa dinami daming bars at talagang dito ko pa makikita si Elmo?

Nagsasayaw siya na parang kingkoy at kasama niya ang tatlo pang lalaki sa stage. I bet mga kaklase niya ito. I shook my head while looking at them. I know that they've just finished the semi-final exam, at ngayon ay party na agad and inaatupag.

Heck! Buhay studyante nga naman.

Napatingin na din si Grasya na kong saang banda ako nakatingin.

"Oh my gosh! That's your brother! Si Elmo?"

"Oo, ang baliw!" sabay inom ko.

"Wohoo! I'll go and say hello!" Sabay tayo niya.

"Sino? Sino? Sinong nandito?" si Vilma at nakisali na si Gina. Tumayo na sila, at naging girafe ang leeg nila.

"Ang kapatid ni Candy, si Elmo, ayon oh!" Turo niya.

"Oy, ang tangkad na niya at gwapo pa. Bagets!" si Vilma.

"Hoy! Mahilig ka sa bata ano? Hindi pa pwede 'yon underage pa 'yon eh," si Gina.

"Hindi na ah!" si Grasya. "Ga-graduate na 'yan ngayong taon," pagtatama niya.

"May mga kasama siyang bagets din! Come on girls, let's join them!" si Vilma. At siya pa talaga ang nauna humakbang at sumunod naman ang dalawa.

Napailing na akong natawa na pinagmamasdan sila.

Natahimik na ako habang inom ang beer ko. Ngayon nakita na ako ng kapatid ko at kumayaw pa. Bumulong pa si Elmo kay Grasya at bumulong pabalik si Grasya sa kanya. Alam kung hindi naman nila type ang mga batang edad. Hello? Ang tatanda na nila para sa kapatid ko ano!

Sumayaw na sila at panay tawa at kabaliwan lang din. Natawa na ako habang pinagmamasdan sila mula rito. Hanggang sa napalingon ulit ako sa mesa, para sana sa pulutan. Pero na-windang ako dahil ang mukha ni Cristobal ang nasa harapan ko! Nakalimutan ko na nandito pala siya. E, ang tahimik kasi!

"Ayaw mo bang sumayaw na kasama sila?"

"Hindi na, sasamahan na kita rito," pacute na ngiti niya.

I nodded and smile at him. I'm crunching some popcorn too while drinking my beer. Tumitig pa akong lalo sa mukha niya at hindi nga naman maitatago na kahit papaano ay may hitsura naman siya.

"You look good like that. . . malinis at pormal. Professor na professor talaga," ngiti ko habang kinakain ang popcorn.

Ngumiti na siya at nahiya lang din. Tumama ang ilaw sa mukha niya, kaya hindi ko alam kung namula ba siya o wala lang din. Pero alam kong nahihiya siya sa akin ngayon.

"Where do you live, Candy?"

"Ako? Sa Blue Mountains Subdivision. Malapit lang dito, mga fifteen minutes lang 'pag walang traffic. Ikaw?"

"Sa Del Tower 101," ngiting sagot niya.

Nahinto ako at agad lang din na bumagsak ang panga ko sa lamesa.

Heck! Sa Del Tower 101 ang condo niya? E, sa pagkakaalam ko kasi condo unit naman ang halos lahat sa Del Tower, at ang mamahal ng per unit nila. Twenty milyon ang minimun unit nila at ang liit pa ng twenty milyon.

Ang hanep ni Cristobal ah. Nakakapagduda ang kakayahan niya.

.

C.M. LOUDEN




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro